< מלכים א 6 >
ויהי בשמונים שנה וארבע מאות שנה לצאת בני ישראל מארץ מצרים בשנה הרביעית בחדש זו הוא החדש השני למלך שלמה על ישראל ויבן הבית ליהוה | 1 |
Kaya inumpisahan itayo ni Solomon ang templo ni Yahweh. Ito ay nangyari sa ika-480 taon pagkatapos lumabas ng lupain ng Ehipto ang bayan ng Israel, sa ika-apat na taon ng paghahari ni Solomon sa buong Israel, sa buwan ng Ziv, na ikalawang buwan.
והבית אשר בנה המלך שלמה ליהוה--ששים אמה ארכו ועשרים רחבו ושלשים אמה קומתו | 2 |
Ang templo na itinayo ni Haring Solomon para kay Yahweh ay may animnapung kubit na haba, dalawampung kubit na lawak, at tatlumpong kubit na taas.
והאולם על פני היכל הבית--עשרים אמה ארכו על פני רחב הבית עשר באמה רחבו על פני הבית | 3 |
Ang portiko sa harapan ng pangunahing bulwagan ng templo ay dalawampung kubit ang haba, kasing lapad ng templo, at sampung kubit na lalim sa harapan ng templo.
ויעש לבית חלוני שקפים אטומים | 4 |
Para sa bahay gumawa siya ng bintana na may balangkas na mas makitid sa labas kaysa sa loob.
ויבן על קיר הבית יצוע (יציע) סביב את קירות הבית סביב להיכל ולדביר ויעש צלעות סביב | 5 |
Sa gilid ng mga pader ng pangunahing silid siya ay nagtayo ng mga silid sa paligid nito, sa paligid ng parehong panlabas na silid at panloob na silid. Siya ay nagtayo ng mga silid sa paligid ng lahat ng panig.
היצוע (היציע) התחתנה חמש באמה רחבה והתיכנה שש באמה רחבה והשלישית שבע באמה רחבה כי מגרעות נתן לבית סביב חוצה לבלתי אחז בקירות הבית | 6 |
Ang pinakamababang palapag ay limang kubit ang lawak, ang gitna ay anim na kubit ang lawak, at ang ikatlo ay pitong kubit ang lawak. Para sa labas gumawa siya ng ungos sa mga pader ng templo sa lahat ng paligid para ang mga biga ay hindi maaring maisingit sa mga pader ng templo.
והבית בהבנתו--אבן שלמה מסע נבנה ומקבות והגרזן כל כלי ברזל לא נשמע בבית בהבנתו | 7 |
Ang templo ay itinayo ng mga batong inihanda sa tibagan; walang martilyo, palakol, o anumang kagamitan gawa sa bakal ang narinig sa templo habang ito ay itinatayo.
פתח הצלע התיכנה אל כתף הבית הימנית ובלולים יעלו על התיכנה ומן התיכנה אל השלשים | 8 |
Sa timog na bahagi ng templo ay may pasukan sa ibabang palapag, at maaaring aakyat sa hagdan patungo sa gitnang palapag, at mula sa gitna patungo sa ikatlong palapag.
ויבן את הבית ויכלהו ויספן את הבית גבים ושדרת בארזים | 9 |
Kaya itinayo ni Solomon ang templo at tinapos ito; binubungan niya ang templo sa pamamagitan ng mga biga at mga makakapal na tablang sedar.
ויבן את היצוע (היציע) על כל הבית חמש אמות קומתו ויאחז את הבית בעצי ארזים | 10 |
Itinayo niya ang mga silid sa gilid salungat sa panloob na mga silid ng templo, bawat panig ay limang kubit ang taas, ito ay nakakabit sa templo sa pamamagitan ng bigang sedar.
ויהי דבר יהוה אל שלמה לאמר | 11 |
Ang salita ni Yahweh ay nakarating kay Solomon, nagsasabi “
הבית הזה אשר אתה בנה אם תלך בחקתי ואת משפטי תעשה ושמרת את כל מצותי ללכת בהם--והקמתי את דברי אתך אשר דברתי אל דוד אביך | 12 |
Tungkol dito sa templo na iyong itinatayo, kung ikaw ay lalakad ayon sa aking mga alituntunin at gagawa ng katarungan, pananatilihin ang lahat ng aking kautusan at sumunod sa mga ito, pagtitibayin ko ang aking pangako sa iyo na aking ginawa kay David na iyong ama.
ושכנתי בתוך בני ישראל ולא אעזב את עמי ישראל | 13 |
Ako ay mananahan sa bayan ng Israel at hindi ko sila tatalikdan.
ויבן שלמה את הבית ויכלהו | 14 |
Kaya itinayo ni Solomon ang templo at tinapos ito.
ויבן את קירות הבית מביתה בצלעות ארזים--מקרקע הבית עד קירות הספן צפה עץ מבית ויצף את קרקע הבית בצלעות ברושים | 15 |
Pagkatapos itinayo niya ang mga panloob na pader ng templo sa pamamagitan ng mga tablang sedar. Mula sa sahig ng templo hanggang sa kisame, tinakpan niya ang mga ito sa loob sa pamamagitan ng kahoy, at tinakpan niya ang sahig ng templo sa pamamagitan ng mga tablang saypres.
ויבן את עשרים אמה מירכותי (מירכתי) הבית בצלעות ארזים מן הקרקע עד הקירות ויבן לו מבית לדביר לקדש הקדשים | 16 |
Nagtayo siya ng dalawampung kubit sa likuran ng templo sa pamamagitan ng tablang sedar mula sa sahig hanggang sa kisame. Itinayo niya ang silid na ito para maging panloob na silid, ang kabanal-banalang lugar.
וארבעים באמה היה הבית--הוא ההיכל לפני | 17 |
Ang pangunahing bulwagan, na banal na lugar na nasa harap ng kabanal-banalang lugar, ay apatnapung kubit ang haba.
וארז אל הבית פנימה מקלעת פקעים ופטורי צצים הכל ארז אין אבן נראה | 18 |
May sedar sa loob ng templo, inukit sa hugis ng mga gurd at mga nakabukang bulaklak. Lahat ay sedar sa loob. Walang makikitang gawa sa bato doon.
ודביר בתוך הבית מפנימה הכין לתתן שם את ארון ברית יהוה | 19 |
Ihihanda ni Solomon ang panloob na silid sa loob ng templo para ilagay doon ang arko ng tipan ni Yahweh.
ולפני הדביר עשרים אמה ארך ועשרים אמה רחב ועשרים אמה קומתו ויצפהו זהב סגור ויצף מזבח ארז | 20 |
Ang panloob na silid ay dalawampung kubit ang haba, dalawampung kubit ang lapad, at dalawampung kubit ang taas; nilatagan ni Solomon ang mga pader ng purong ginto at tinakpan ang altar ng sedar na kahoy.
ויצף שלמה את הבית מפנימה זהב סגור ויעבר ברתיקות (ברתוקות) זהב לפני הדביר ויצפהו זהב | 21 |
Nilatagan ni Solomon ang loob ng templo ng purong ginto. At nilagyan niya ng tanikalang ginto ang kabilang panig na harap ng panloob na silid, at nilatagan niya ng ginto ang harapan.
ואת כל הבית צפה זהב עד תם כל הבית וכל המזבח אשר לדביר צפה זהב | 22 |
Nilatagan niya ang buong panloob ng ginto hanggang ang lahat ng templo ay matapos. Nilatagan niya rin ng ginto ang buong altar na nabibilang sa panloob na silid.
ויעש בדביר שני כרובים עצי שמן עשר אמות קומתו | 23 |
Gumawa si Solomon ng dalawang kerubin na kahoy mula sa puno ng olibo, ang bawat isa ay sampung kubit ang taas.
וחמש אמות כנף הכרוב האחת וחמש אמות כנף הכרוב השנית עשר אמות מקצות כנפיו ועד קצות כנפיו | 24 |
Ang isang pakpak ng unang kerubin ay limang kubit ang haba at ang isa pang pakpak nito ay limang kubit din ang haba. Kaya mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa kabilang dulo ng ikalawang pakpak ay mayroong sampung kubit ang agwat.
ועשר באמה הכרוב השני מדה אחת וקצב אחד לשני הכרבים | 25 |
Ang lapad ng pakpak ng isang kerubin ay mayroon din sampung kubit. Kapwa kerubin ay mayroon parehong sukat at hugis.
קומת הכרוב האחד עשר באמה וכן הכרוב השני | 26 |
Ang taas ng isang kerubin ay sampung kubit at ganoon din ang isa pang kerubin.
ויתן את הכרובים בתוך הבית הפנימי ויפרשו את כנפי הכרבים ותגע כנף האחד בקיר וכנף הכרוב השני נגעת בקיר השני וכנפיהם אל תוך הבית נגעת כנף אל כנף | 27 |
Inilagay ni Solomon ang mga kerubin sa pinakaloob na silid. Ang mga pakpak ng mga kerubin ay iniunat para ang pakpak ng isa ay madikit sa isang pader, at ang pakpak ng isa pang kerubin ay madikit sa isa pang pader. Ang kanilang mga pakpak ay nakadikit sa isa't isa sa gitna ng kabanal-banalang lugar.
Nilatagan ni Solomon ang mga kerubin ng ginto.
ואת כל קירות הבית מסב קלע פתוחי מקלעות כרובים ותמרת ופטורי צצים--מלפנים ולחיצון | 29 |
Inukitan niya ang lahat ng pader sa paligid ng templo ng mga hugis ng kerubin, mga puno ng palma, at mga nakabukang bulaklak, sa panlabas at panloob na mga silid.
ואת קרקע הבית צפה זהב--לפנימה ולחיצון | 30 |
Nilatagan ni Solomon ng ginto ang sahig ng templo, sa panlabas at panloob na mga silid.
ואת פתח הדביר עשה דלתות עצי שמן האיל מזוזות חמשית | 31 |
Si Solomon ay nagpaggawa ng mga pintong gawa sa punong olibo para sa pasukan papunta sa panloob na silid. Ang hamba at mga poste ng pinto ay mayroon limang bahagi na may mga puwang.
ושתי דלתות עצי שמן וקלע עליהם מקלעות כרובים ותמרת ופטורי צצים וצפה זהב וירד על הכרובים ועל התמרות את הזהב | 32 |
Kaya nagpagawa siya ng dalawang pinto na gawa sa puno ng olibo, at gumawa siya sa mga ito ng mga ukit ng kerubin, mga puno ng palma, at mga nakabukang bulaklak. Binalutan niya ang mga ito ng ginto, at kanyang ikinalat ang mga ginto sa kerubin at mga puno ng palma.
וכן עשה לפתח ההיכל מזוזות עצי שמן מאת רבעית | 33 |
Sa ganitong paraan, gumawa rin si Solomon para sa pasukan ng templo ng poste ng pinto na gawa sa puno ng olibo na mayroong apat na bahagi na may mga puwang
ושתי דלתות עצי ברושים שני צלעים הדלת האחת גלילים ושני קלעים הדלת השנית גלילים | 34 |
at dalawang pinto gawa sa kahoy ng puno ng saypres. Ang dalawang panel ng isang pinto ay natitiklop, at ang dalawang panel ng isa pang pinto ay natitiklop.
וקלע כרובים ותמרות ופטרי צצים וצפה זהב מישר על המחקה | 35 |
Inukitan niya ang mga ito ng mga kerubin, mga puno ng palma, at mga nakabukang bulaklak, at pantay niyang nilatagan ng ginto ang inukit na ginawa.
ויבן את החצר הפנימית שלשה טורי גזית וטור כרתת ארזים | 36 |
Itinayo niya ang panloob na patyo ng may tatlong hanay ng mga tabas na bato at isang hanay ng mga bigang sedar
בשנה הרביעית יסד בית יהוה--בירח זו | 37 |
Ang pundasyon ng templo ni Yahweh ay inilatag sa ika-apat na taon, sa buwan ng Ziv.
ובשנה האחת עשרה בירח בול הוא החדש השמיני כלה הבית לכל דבריו ולכל משפטו ויבנהו שבע שנים | 38 |
Sa ika-labing-isang taon, sa buwan ng Bul, na ika-walong buwan, ang templo ay natapos sa lahat ng mga bahagi nito at umayon sa lahat ng mga detalye nito. Inabot ng pitong taon si Solomon para maitayo ang templo.