< מלכים א 20 >
ובן הדד מלך ארם קבץ את כל חילו ושלשים ושנים מלך אתו וסוס ורכב ויעל ויצר על שמרון וילחם בה | 1 |
Sama-samang tinipon ni Ben Hadad ang hari sa Aram ang kaniyang buong hukbo; kung saan tatlumput dalawang mabababang hari na kasama niya, at mga kabayo at mga karwaheng pandigma. Siya ay nagpunta, at kinubkob ang Samaria, at nakipaglabanan dito.
וישלח מלאכים אל אחאב מלך ישראל העירה | 2 |
Siya ay nagpadala ng mga mensahero sa lungsod kay Ahab sa hari ng Israel, at sinabi sa kaniya, “Sinasabi ito ni Ben Hadad:
ויאמר לו כה אמר בן הדד כספך וזהבך לי הוא ונשיך ובניך הטובים לי הם | 3 |
Ang iyong pilak at ang iyong ginto ay akin. Gayon din ang iyong asawa at ng inyong mga anak, ang mga pinakamahusay, ay akin na ngayon.”'
ויען מלך ישראל ויאמר כדברך אדני המלך לך אני וכל אשר לי | 4 |
Ang hari ng Israel ay sumagot at sinabi, “Ito ay ayon sa iyong sinasabi, panginoon ko, aking hari. Ako at lahat ng akin ay sa iyo.”
וישבו המלאכים ויאמרו כה אמר בן הדד לאמר כי שלחתי אליך לאמר כספך וזהבך ונשיך ובניך לי תתן | 5 |
Ang mga mensahero ay bumalik at sinabi, “Sinasabi ito ni Ben Hadad, 'Nagpadala ako ng liham sa iyo na nagsasabing kailangang ibigay mo sa akin ang iyong mga pilak, iyong mga ginto, ang iyong mga asawa, at iyong mga anak.
כי אם כעת מחר אשלח את עבדי אליך וחפשו את ביתך ואת בתי עבדיך והיה כל מחמד עיניך ישימו בידם ולקחו | 6 |
Pero ipadadala ko sa iyo ang aking mga lingkod kinabukasan sa ganitong oras, at kanilang hahalughugin ang iyong bahay at ang mga bahay ng iyong mga lingkod. Kukunin nila sa sarili nilang mga kamay at aalisin anuman ang magustuhan ng kanilang mga mata.”'
ויקרא מלך ישראל לכל זקני הארץ ויאמר דעו נא וראו כי רעה זה מבקש כי שלח אלי לנשי ולבני ולכספי ולזהבי ולא מנעתי ממנו | 7 |
Sama-samang tinawag ng hari ng Israel ang lahat ng mga nakatatanda sa lupain at sinabi, “Pakiusap pansinin at tingnan kung paano ang taong ito ay humahanap ng gulo. Siya ay nagpasabi sa akin para kunin aking mga asawa, mga anak, at pilak at ginto, at hindi ako tumatanggi sa kaniya.”
ויאמרו אליו כל הזקנים וכל העם אל תשמע ולוא תאבה | 8 |
Lahat ng mga nakatatanda at lahat ng tao sinabi kay Ahab, Huwag mong siyang pakinggan o pag bigyan sa kanilang mga hinihingi.”
ויאמר למלאכי בן הדד אמרו לאדני המלך כל אשר שלחת אל עבדך בראשנה אעשה והדבר הזה לא אוכל לעשות וילכו המלאכים וישבהו דבר | 9 |
Kaya sinabi ni Ahab sa mga mensahero ni Ben Hadad, “Sabihin sa aking panginoon ang hari, ''Sang-ayon sa lahat ng sinabi na iyong lingkod ng una, pero hindi ko matatanggap itong pangalawang hinihiling.”' Kaya ang mensahero ay umalis at ibinalik ang sagot kay Ben Hadad.
וישלח אליו בן הדד ויאמר כה יעשון לי אלהים וכה יוספו אם ישפק עפר שמרון לשעלים לכל העם אשר ברגלי | 10 |
Pagkatapos si Ben Hadad ay nagpadala ng kaniyang sagot kay Ahab, at sinabi, “Gawin nawa ng mga diyos ito sa akin at mas higit pa, kahit na ang mga abo ng Samaria ay magiging sapat para sa lahat ng tao na susunod sa akin upang magkaroon ang bawat isa ng isang dakot.”
ויען מלך ישראל ויאמר דברו אל יתהלל חגר כמפתח | 11 |
Ang hari ng Israel ay sumagot at sinabi, “Sabihin ninyo kay Ben Hadad, 'Walang sinuman ang nagsusuot ng baluti ang kailangan magyabang na para itong kaniya nang hinuhubad.'”
ויהי כשמע את הדבר הזה והוא שתה הוא והמלכים בסכות ויאמר אל עבדיו שימו וישימו על העיר | 12 |
Narinig ni Ben Hadad ang mensaheng ito habang sila ay nag-iinuman, siya at ang mga hari sa ilalim niya na nasa kanilang mga tolda. Inutusan ni Ben Hadad ang kaniyang mga tauhan, “Ihanay ninyo ang inyong mga sarili sa pakikidigma.” Kaya inihannda nila ang kanilang sarili sa pakikidigma para lusubin ang lungsod.
והנה נביא אחד נגש אל אחאב מלך ישראל ויאמר כה אמר יהוה הראית את כל ההמון הגדול הזה הנני נתנו בידך היום וידעת כי אני יהוה | 13 |
Masdan, isang propeta ay lumapit kay Ahab hari ng Israel at sinabi, “sinasabi ni Yahweh, 'Nakita mo ba ang lubhang napakaraming hukbo? Tingnan mo, aking ibibigay ito sa iyong kamay sa araw na ito, at iyong makikilala na ako si Yahweh.”
ויאמר אחאב במי ויאמר כה אמר יהוה בנערי שרי המדינות ויאמר מי יאסר המלחמה ויאמר אתה | 14 |
Sumagot si Ahab, “Sa pamamagitan nino?” Sumagot at sinasabi ni Yahweh, “Sa pamamagitan ng mga batang opisyal na naglingkod sa gobernador sa mga lalawigan.” Pagkatapos sinabi ni Ahab, “Sino ang magsisimula ng labanan? Sumagot si Yahweh, “Ikaw.”
ויפקד את נערי שרי המדינות ויהיו מאתים שנים ושלשים ואחריהם פקד את כל העם כל בני ישראל--שבעת אלפים | 15 |
Pagkatapos tinipon ni Ahab ang mga batang pinuno na naglilingkod sa gobernador sa mga lalawigan. Sila ay 232. Pagkatapos ay kaniyang tinipon ang lahat ng mga sunadalo, ang lahat ng hukbo ng Israel, na may bilang na pitong libo.
ויצאו בצהרים ובן הדד שתה שכור בסכות הוא והמלכים שלשים ושנים מלך--עזר אתו | 16 |
Sila ay umalis ng tanghaling tapat. Si Ben Hadad ay umiinom at lasing sa loob ng kaniyang tolda, siya at ang tatlongput dalawang mas mababang mga hari na tumutulong sa kaniya.
ויצאו נערי שרי המדינות--בראשנה וישלח בן הדד ויגידו לו לאמר אנשים יצאו משמרון | 17 |
Ang mga batang pinuno na naglilingkod sa gobernador sa mga lalawigan ang unang lumusob. Pagkatapos ipinaalam kay Ben Hadad ng mga taga-manman na kaniyang ipinidala, “May mga lalaking dumarating mula sa Samaria.”
ויאמר אם לשלום יצאו תפשום חיים ואם למלחמה יצאו חיים תפשום | 18 |
Sinabi ni Ben Hadad, “Maging sila ay lalabas para sa kapayapaan o digmaan, kunin sila ng buhay.”
ואלה יצאו מן העיר נערי שרי המדינות והחיל אשר אחריהם | 19 |
Kaya ang mga batang pinuno na naglilingkod sa lalawigan ng gobernador ay lumabas ng lungsod, at ang mga hukbo ay sumunod sa kanila.
ויכו איש אישו וינסו ארם וירדפם ישראל וימלט בן הדד מלך ארם על סוס ופרשים | 20 |
Pinatay ng bawat isa ang kaniyang kalaban, at ang mga Aramina ay tumakas; Hinabol sila ng Israel. Si Ben Hadad ang hari ng Aram ay tumakas na nakasakay ng kabayo kasama ang mga ilang mangangabayo.
ויצא מלך ישראל ויך את הסוס ואת הרכב והכה בארם מכה גדולה | 21 |
Pagkatapos ang hari ng Israel ay lumabas at sinalakay ang mga kabayo at mga karwaheng pandigma at pinatay ang mga maraming Aramean.
ויגש הנביא אל מלך ישראל ויאמר לו לך התחזק ודע וראה את אשר תעשה כי לתשובת השנה מלך ארם עלה עליך | 22 |
Kaya ang propeta ay lumapit sa hari ng Israel at sinabi sa kaniya, “Umalis ka, at palakasin ang iyong sarili, at unawain at planuhin ano ang iyong ginagawa, dahil sa pagbabalik ng taon ang hari ng Aram ay babalik muli laban sa iyo.”
ועבדי מלך ארם אמרו אליו אלהי הרים אלהיהם על כן חזקו ממנו ואולם נלחם אתם במישור--אם לא נחזק מהם | 23 |
Sinabi ng mga lingkod ng hari ng Aram sa kaniya, “Ang kanilang diyos ay isang diyos sa mga burol. Kaya sila ay malakas kaisa sa atin. Pero ngayon labanan natin sila sa kapatagan, at sigurado doon magiging mas malakas tayo sa kanila.
ואת הדבר הזה עשה הסר המלכים איש ממקמו ושים פחות תחתיהם | 24 |
At gawin mo din ito, alisin mo ang mga hari ang bawat isa sa kanilang pinamumunuan, sa kani-kaniyang tungkulin, at maglagay ka ng kapitan ng hukbo na kapalit nila.
ואתה תמנה לך חיל כחיל הנפל מאותך וסוס כסוס ורכב כרכב ונלחמה אותם במישור--אם לא נחזק מהם וישמע לקלם ויעש כן | 25 |
Mag-ipon ka ng isang hukbo gaya ng hukbo mong nawala, kabayo para sa kabayo at karwaheng pandigma para sa karwaheng pandigma, at tayo ay lalaban sa kanila sa kapatagan. kaya sigurado tayo ay magiging malakas kaysa sa kanila.” Kaya si Ben Hadad ay nakinig sa kanilang payo at ginawa niya ang minungkahi nila.
ויהי לתשובת השנה ויפקד בן הדד את ארם ויעל אפקה למלחמה עם ישראל | 26 |
Makaraan ang simula ng bagong taon, Tinipon ni Ben Hadad ang mga Aramean at nagpunta sa Aphek para labanan ang Israel. Ang bayan ng Israel ay tinipon at inarmasan para kalabanin sila.
ובני ישראל התפקדו וכלכלו וילכו לקראתם ויחנו בני ישראל נגדם כשני חשפי עזים וארם מלאו את הארץ | 27 |
Ang bayan ng Israel ay nag-kampo sa harapan nila gaya ng dalawang kawan ng kambing, pero ang kabukiran ay napuno ng mga Aramean.
ויגש איש האלהים ויאמר אל מלך ישראל ויאמר כה אמר יהוה יען אשר אמרו ארם אלהי הרים יהוה ולא אלהי עמקים הוא--ונתתי את כל ההמון הגדול הזה בידך וידעתם כי אני יהוה | 28 |
Pagkatapos isang lingkod ng Diyos ang lumapit at nagsalita sa hari ng Israel at sinabi, “Sinasabi ni Yahweh: 'Dahil sinabi ng mga Aramean na si Yahweh ay diyos ng mga burol, pero hindi siya ang diyos sa mga lambak, ilalagay ko sa iyong kamay ang malakas na hukbong ito, at inyong malalaman na ako si Yahweh.”'
ויחנו אלה נכח אלה שבעת ימים ויהי ביום השביעי ותקרב המלחמה ויכו בני ישראל את ארם מאה אלף רגלי ביום אחד | 29 |
Kaya ang mga hukbo ay nagkampo ng magkatapat ng pitong araw. Pagkatapos sa ikapitong araw ay sinimulan ang labanan. Ang bayan ng Israel ay pumatay ng isang daang libong hukbo ng Aramea sa loob ng isang araw.
וינסו הנותרים אפקה אל העיר ותפל החומה על עשרים ושבעה אלף איש הנותרים ובן הדד נס ויבא אל העיר חדר בחדר | 30 |
Ang natira ay tumakas sa Aphek, sa loob ng lungsod, at nabagsakan ng pader ang dalawangput pitong libong sundalo na natira. At tumakas si Ben Hadad at nagpunta sa loob ng lungsod, sa loob ng isang silid.
ויאמרו אליו עבדיו הנה נא שמענו כי מלכי בית ישראל כי מלכי חסד הם נשימה נא שקים במתנינו וחבלים בראשנו ונצא אל מלך ישראל--אולי יחיה את נפשך | 31 |
Sinabi ng mga lingkod kay Ben Hadad, “Tingnan mo ngayon, narinig namin na ang mga hari ng sambahayan ng Israel ay maawaing mga hari. Pakiusap hayaan ninyo kaming maglagay ng sako sa aming mga baywang at lubid sa aming mga ulo at pumunta sa hari ng Israel. Marahil maari ka pa niyang buhayin.
ויחגרו שקים במתניהם וחבלים בראשיהם ויבאו אל מלך ישראל ויאמרו עבדך בן הדד אמר תחי נא נפשי ויאמר העודנו חי אחי הוא | 32 |
Kaya naglagay sila ng sako sa kanilang baywang at lubid sa kanilang mga ulo at pagkatapos pumunta sila sa hari ng Israel at sinabi, “Sinabi ng iyong lingkod na si Ben Hadad, 'Pakiusap hayaan mo akong mabuhay.”' Sinabi ni Ahab, “Siya ba ay buhay pa? Siya ay aking kapatid.”
והאנשים ינחשו וימהרו ויחלטו הממנו ויאמרו אחיך בן הדד ויאמר באו קחהו ויצא אליו בן הדד ויעלהו על המרכבה | 33 |
Ngayon ang mga lalaki ay nakikinig sa anumang palatandaan mula kay Ahab, kaya sila ay mabilis na sumagot sa kaniya, “Oo, ang iyong kapatid na si Ben Hadad ay buhay pa.” Pagkatapos sinabi ni Ahab, “Umalis ka at dalhin siya.” Pagkatapos si Ben Hadad pumunta sa kaniya, at pinasakay siya ni Ahab sa kaniyang karwahe.
ויאמר אליו הערים אשר לקח אבי מאת אביך אשיב וחצות תשים לך בדמשק כאשר שם אבי בשמרון ואני בברית אשלחך ויכרת לו ברית וישלחהו | 34 |
Sinabi ni Ben Hadad kay Ahab, “Aking ibabalik sa iyo ang lungsod na kinuha ng aking ama mula sa iyong ama, at ikaw ay maaring gagawa para sa iyong sarili ng mga pamilihan sa Damasco, gaya ng ginagawa ng aking ama sa Samaria.” Sumagot si Ahab, “Hahayan kitang lumaya dahil sa kasunduang ito.” Kaya gumawa ng kasunduan si Ahab sa kaniya at hinayaan siyang umalis.
ואיש אחד מבני הנביאים אמר אל רעהו בדבר יהוה--הכיני נא וימאן האיש להכתו | 35 |
May isang lalaki, isa sa mga anak ng propeta, sinabi sa kaniyang kapwa propeta sa pamamagitan ng salita ni Yahweh, “Pakiusap saktan mo ako.” Pero ang lalaki ay tumangging saktan siya.
ויאמר לו יען אשר לא שמעת בקול יהוה הנך הולך מאתי והכך האריה וילך מאצלו וימצאהו האריה ויכהו | 36 |
Pagkatapos sinabi ng propeta sa kaniyang kapwa propeta, “Dahil hindi mo sinunod ang tinig ni Yahweh, sa sandaling iwanan mo ako, isang leon ang papatay sa iyo.” At sandaling iniwan siya ng lalaking iyon, isang leon ang nakatagpo sa kaniya at pinatay siya.
וימצא איש אחר ויאמר הכיני נא ויכהו האיש הכה ופצע | 37 |
Pagkatapos nakatagpo ang propeta ng isa pang lalaki at sinabi, “Pakiusap saktan mo ako.” Kaya sinaktan siya ng lalaki at sinugatan siya.
וילך הנביא ויעמד למלך על הדרך ויתחפש באפר על עיניו | 38 |
Pagkatapos ang propeta ay umalis at hinintay ang hari sa daan; siya ay nagpanggap na may isang benda sa kaniyang mga mata.
ויהי המלך עבר והוא צעק אל המלך ויאמר עבדך יצא בקרב המלחמה והנה איש סר ויבא אלי איש ויאמר שמר את האיש הזה--אם הפקד יפקד והיתה נפשך תחת נפשו או ככר כסף תשקול | 39 |
At nang dumaan ang hari, sinigawan ng propeta ang hari at sinabi, “Ang iyong lingkod ay nagmula sa kainitan ng labanan, at isang sundalo ang huminto at nagdala ng isang kalaban sa akin at sinabi, 'Bantayan mo ang taong ito. Kung sa anumang paraan ay makatakas siya, sa gayon ang iyong buhay ay magiging kapalit ng kaniyang buhay, kung hindi magbabayad ka ng isang talentong pilak.'
ויהי עבדך עשה הנה והנה--והוא איננו ויאמר אליו מלך ישראל כן משפטך אתה חרצת | 40 |
Pero dahil ang iyong lingkod ay abala parito at paroon, ang iyong kalabang sundalo ay nakatakas.” Pagkatapos sinabi ng hari ng Israel sa kaniya, ito ang iyong magiging kaparusahan - ikaw mismo ang nagtakda nito.
וימהר--ויסר את האפר מעל (מעלי) עיניו ויכר אתו מלך ישראל כי מהנביאים הוא | 41 |
Pagkatapos nagmamadaling inalis ng propeta ang benda ng kaniyang mga mata, at nakilala siya ng hari ng Israel na siya ay isa sa mga propeta.
ויאמר אליו כה אמר יהוה יען שלחת את איש חרמי מיד--והיתה נפשך תחת נפשו ועמך תחת עמו | 42 |
Sinabi ng propeta sa hari, “Sinasabi ni Yahweh, 'Dahil nakawala sa iyong kamay ang lalake na aking hinatulan ng kamatayan, ang iyong buhay ay magiging kapalit ng kaniyang buhay, at ang iyong bayan para sa kaniyang bayan.”'
וילך מלך ישראל על ביתו סר וזעף ויבא שמרונה | 43 |
Kaya ang hari ng Israel ay umuwi sa kaniyang bahay ng nagdaramdam at galit, at nagpunta sa Samaria.