< מלכים א 17 >

ויאמר אליהו התשבי מתשבי גלעד אל אחאב חי יהוה אלהי ישראל אשר עמדתי לפניו אם יהיה השנים האלה טל ומטר--כי אם לפי דברי 1
Sinabihan ni Elias na taga-Tisbe sa Galaad si Ahab, “Habang si Yahweh, na Diyos ng Israel na aking kinakatawan, ay totoong buhay, hindi magkakaroon ng hamog o kaya ulan sa mga susunod na taon hanggang hindi ko sinasabi.”
ויהי דבר יהוה אליו לאמר 2
Ang mensahe ng Diyos ay dumating kay Elias, na nagsasabing,
לך מזה ופנית לך קדמה ונסתרת בנחל כרית אשר על פני הירדן 3
“Lisanin mo ang lugar na ito at pumunta ka pasilangan; magtago ka sa batis ng Kerit sa silangan ng Jordan.
והיה מהנחל תשתה ואת הערבים צויתי לכלכלך שם 4
Mangyayari na iinom ka sa tubig mula sa batis at inutusan ko ang mga uwak na pakainin ka doon.
וילך ויעש כדבר יהוה וילך וישב בנחל כרית אשר על פני הירדן 5
Kaya umalis si Elias at ginawa ang inutos ni Yahweh. Pumunta siya para mamuhay sa batis ng Kerit sa silangan ng Jordan.
והערבים מבאים לו לחם ובשר בבקר ולחם ובשר בערב ומן הנחל ישתה 6
Dinalhan siya ng mga uwak ng tinapay at karne sa umaga at sa gabi, at uminom siya mula sa batis.
ויהי מקץ ימים וייבש הנחל כי לא היה גשם בארץ 7
Pero hindi katagalan natuyo ang batis dahil hindi umuulan sa lupain.
ויהי דבר יהוה אליו לאמר 8
Dumating ang mensahe ng Diyos sa kaniya na nagsasabing,
קום לך צרפתה אשר לצידון וישבת שם הנה צויתי שם אשה אלמנה לכלכלך 9
“Bumangon ka, pumunta ka sa Sarepta na sakop ng Sidon, at doon ka manahan. Tingnan mo, inutusan ko ang isang balo para alagaan ka.
ויקם וילך צרפתה ויבא אל פתח העיר והנה שם אשה אלמנה מקששת עצים ויקרא אליה ויאמר קחי נא לי מעט מים בכלי ואשתה 10
Kaya bumangon siya at pumunta sa Sarepta, at nang makarating siya sa tarangkahan ng lungsod isang balo ang namumulot ng mga kahoy. Kaya tinawag niya ito at sinabi, “Pakidalhan mo naman ako ng kaunting tubig na nasa banga para maka-inom ako.”
ותלך לקחת ויקרא אליה ויאמר לקחי נא לי פת לחם בידך 11
Habang siya ay papunta para kumuha ng tubig tinawag siya ni Elias at sinabi, “Pahingi naman ng tinapay na nasa kamay mo.”
ותאמר חי יהוה אלהיך אם יש לי מעוג כי אם מלא כף קמח בכד ומעט שמן בצפחת והנני מקששת שנים עצים ובאתי ועשיתיהו לי ולבני ואכלנהו ומתנו 12
Sumagot siya, “Si Yahweh na iyong Diyos ay buhay, wala na akong tinapay, maliban na lang sa isang dakot ng harina at kaunting mantika sa lalagyan. Tingnan mo, namulot ako ng dalawang kahoy para lutuin ito para sa akin at sa anak ko, para kami makakain, at mamatay.”
ויאמר אליה אליהו אל תיראי באי עשי כדברך אך עשי לי משם עגה קטנה בראשנה והוצאת לי ולך ולבנך תעשי באחרנה 13
Sinabi ni Elias sa kaniya, “Huwag kang matakot. Pumunta ka at gawin ang sinabi mo pero magluto ka muna ng maliit na tinapay at dalhin mo sa akin. At pagkatapos magluto ka na ng para sa inyo ng anak mo.
כי כה אמר יהוה אלהי ישראל כד הקמח לא תכלה וצפחת השמן לא תחסר עד יום תתן (תת) יהוה גשם--על פני האדמה 14
Dahil sinabi ni Yahweh, na Diyos ng Israel, “Hindi mauubusan ng laman ang banga ng harina, maging ang lalagyan ng mantika ay hindi hihinto sa pagdaloy, hanggang sa magpadala si Yahweh ng ulan sa buong lupain.”
ותלך ותעשה כדבר אליהו ותאכל הוא והיא (היא והוא) וביתה ימים 15
Pagkatapos, ginawa niya ang sinabi ni Elias, at siya, si Elias at ang bata ay kumain nang maraming araw.
כד הקמח לא כלתה וצפחת השמן לא חסר--כדבר יהוה אשר דבר ביד אליהו 16
Hindi naubos ang harina sa banga maging ang mantika sa lalagyan ay hindi huminto sa pagdaloy, na siyang sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Elias.
ויהי אחר הדברים האלה חלה בן האשה בעלת הבית ויהי חליו חזק מאד עד אשר לא נותרה בו נשמה 17
Pagkatapos ng mga pangyayaring ito, nagkasakit ang lalaking anak ng babae, ang babaeng may-ari ng bahay. Napakalubha ng kaniyang karamdaman na kaniyang ikinamatay.
ותאמר אל אליהו מה לי ולך איש האלהים באת אלי להזכיר את עוני ולהמית את בני 18
Kaya sinabi ng kaniyang ina, “Ano ba ang dinala mo laban sa akin, lingkod ng Diyos? Pumunta ka ba rito para ipaalala ang aking kasalanan at patayin ang aking anak?”
ויאמר אליה תני לי את בנך ויקחהו מחיקה ויעלהו אל העליה אשר הוא ישב שם וישכבהו על מטתו 19
Pagkatapos sinabi sa kaniya ni Elias, “Ibigay mo sa akin ang iyong anak.” Kinuha ni Elias ang kaniyang anak at dinala sa taas ng bahay kung saan siya namamalagi, at inilapag ang bata sa higaan.
ויקרא אל יהוה ויאמר יהוה אלהי--הגם על האלמנה אשר אני מתגורר עמה הרעות להמית את בנה 20
Tumawag siya kay Yahweh, “Yahweh aking Diyos, nagdala ka rin ba ng kapahamakan sa balo na aking tinutuluyan, at pinatay mo ang kaniyang anak?”
ויתמדד על הילד שלש פעמים ויקרא אל יהוה ויאמר יהוה אלהי תשב נא נפש הילד הזה על קרבו 21
At inunat ni Elias nang tatlong beses ang kaniyang sarili sa bata; tumawag siya kay Yahweh at sinabi, “Yahweh na aking Diyos, nagmamaka-awa ako sa iyo, ibalik mo ang buhay ng batang ito.”
וישמע יהוה בקול אליהו ותשב נפש הילד על קרבו ויחי 22
Pinakinggan ni Yahweh ang tinig ni Elias; ang hininga ng bata ay bumalik sa kanya, at siya ay nabuhay muli.
ויקח אליהו את הילד וירדהו מן העליה הביתה ויתנהו לאמו ויאמר אליהו ראי חי בנך 23
Kinuha niya ang bata at binaba sa bahay mula sa silidat sinabi, “Tingnan mo, buhay ang iyong anak.”
ותאמר האשה אל אליהו עתה זה ידעתי כי איש אלהים אתה ודבר יהוה בפיך אמת 24
Sumagot ang babae kay Elias, “Alam ko na ngayon na ikaw ay lingkod ng Diyos, at ang salita ni Yahweh mula sa iyong bibig ay totoo.”

< מלכים א 17 >