< דברי הימים א 4 >

בני יהודה פרץ חצרון וכרמי וחור ושובל 1
Ang mga anak ni Juda ay sina Peres, Hezron, Carmi, Hur, at si Sobal.
וראיה בן שובל הליד את יחת ויחת הליד את אחומי ואת להד אלה משפחות הצרעתי 2
Si Sobal ang ama ni Reaias. Si Reaias ang ama ni Jahat: At si Jahat ang ama ni Ahumai at ni Laad. Ito ang mga pinagmulan ng mga angkan ng Zorita.
ואלה אבי עיטם יזרעאל וישמא וידבש ושם אחותם הצללפוני 3
Ito ang mga pinagmulan ng mga angkan sa lungsod ng Etam: si Jezreel, Isma, at si Idbas. Ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Hazzalelponi.
ופנואל אבי גדר ועזר אבי חושה אלה בני חור בכור אפרתה אבי בית לחם 4
Si Penuel ang pinagmulan ng mga angkan sa lungsod ng Gedor. At si Ezer ang pinagmulan ng mga angkan sa Husa. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Hur, na panganay ni Efrata at nagtatag ng Bethlehem.
ולאשחור אבי תקוע היו שתי נשים חלאה ונערה 5
May dalawang asawa si Asur na ama ni Tekoa, sina Helea at Naara.
ותלד לו נערה את אחזם ואת חפר ואת תימני ואת האחשתרי אלה בני נערה 6
Ipinanganak sa kaniya ni Naara si Auzam, Heper, Temeni at si Haahastari. Ito ang mga anak ni Naara.
ובני חלאה--צרת יצחר (וצחר) ואתנן 7
Ang mga anak ni Helea ay sina Zeret, Jesohar, Etnan,
וקוץ הוליד את ענוב ואת הצבבה ומשפחת אחרחל בן הרום 8
at si Kuz, na ama ni Anob, at Zobeba, at ang mga angkan na nagmula kay Aharhel na anak ni Arum.
ויהי יעבץ נכבד מאחיו ואמו קראה שמו יעבץ לאמר כי ילדתי בעצב 9
Higit na iginagalang si Jabes kaysa kaniyang mga kapatid na lalaki. Tinawag siya ng kaniyang ina na Jabes. Sinabi niya, “Sapagkat nahirapan ako nang ipinanganak ko siya.”
ויקרא יעבץ לאלהי ישראל לאמר אם ברך תברכני והרבית את גבולי והיתה ידך עמי ועשית מרעה לבלתי עצבי--ויבא אלהים את אשר שאל 10
Nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at nagsabi, “Pagpalain mo nawa ako, at palawakin ang aking nasasakupan. Nawa ang iyong kamay ay suma akin; ilayo mo ako sa kasamaan upang hindi ko na kailangang makaranas ng hirap!” At sinagot ng Diyos ang kaniyang panalangin.
וכלוב אחי שוחה הוליד את מחיר הוא אבי אשתון 11
Si Celub na kapatid ni Sua ang naging ama ni Mehir na ama ni Eston.
ואשתון הוליד את בית רפא ואת פסח ואת תחנה אבי עיר נחש אלה אנשי רכה 12
Si Eston ang ama ni Beth-rafa, Pasea, at ni Tehina na nagtatag sa lungsod ng Nahas. Ito ang mga lalaki na nakatira sa Reca.
ובני קנז עתניאל ושריה ובני עתניאל חתת 13
Ang mga anak ni Kenaz ay sina Otniel at Seraias. Ang mga anak ni Otniel ay sina Hatat at Meonotai.
ומעונתי הוליד את עפרה ושריה הוליד את יואב אבי גיא חרשים--כי חרשים היו 14
Si Meonatai ang ama ni Ofra, at si Seraias ang ama ni Joab, na pinagmulan ng Geharasim, kung saan ang mga tao roon ay mga mahuhusay na manggagawa.
ובני כלב בן יפנה עירו אלה ונעם ובני אלה וקנז 15
Ang mga anak ni Caleb na anak ni Jefone ay sina Iru, Ela at Naam. Ang anak ni Ela ay si Kenaz.
ובני יהללאל--זיף וזיפה תיריא ואשראל 16
Ang mga anak ni Jehalelel ay sina Zif, Sifa, Tirias, at si Asarel.
ובן עזרה--יתר ומרד ועפר וילון ותהר את מרים ואת שמי ואת ישבח אבי אשתמע 17
Ang mga anak na lalaki ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer, at si Jalon. Ipinanganak ng taga-Egiptong asawa ni Mered si Miriam, Samai, at si Isba na ama ni Estemoa.
ואשתו היהדיה ילדה את ירד אבי גדור ואת חבר אבי שוכו ואת יקותיאל אבי זנוח ואלה בני בתיה בת פרעה אשר לקח מרד 18
Ito ang mga anak na lalaki ni Bitia na anak na babae ni Faraon, na naging asawa ni Mered. Ipinanganak ng Judiong asawa ni Mered si Jered, na ama ni Gedor, si Heber na ama ni Soco at si Jecutiel na ama ni Zanoa.
ובני אשת הודיה--אחות נחם אבי קעילה הגרמי ואשתמע המעכתי 19
Sa dalawang anak na lalaki ng asawa ni Hodias, na kapatid na babae ni Naham, ang isa sa kanila ay naging ama ni Keila na Garmita. Ang isa pa ay si Estemoa na Maacateo.
ובני שימון--אמנון ורנה בן חנן ותולון (ותילון) ובני ישעי זוחת ובן זוחת 20
Ang mga anak na lalaki ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan, at si Tilon. Ang mga anak na lalaki ni Isi ay sina Zohet at si Ben-zohet.
בני שלה בן יהודה--ער אבי לכה ולעדה אבי מרשה ומשפחות בית עבדת הבץ לבית אשבע 21
Ang mga anak ni Sela, na anak ni Juda ay sina Er na ama ni Leca, si Laada na ama ni Maresa at siyang pinagmulan ng mga angkan ng mga gumagawa ng lino sa Beth-asbea,
ויוקים ואנשי כזבא ויואש ושרף אשר בעלו למואב--וישבי לחם והדברים עתיקים 22
si Jokim, ang mga lalaki ng Cozeba, si Joas at Saraf, na may ari-arian sa Moab, ngunit bumalik sa Bethlehem. ( Ang kaalamang ito ay galing sa sinaunang mga talaan.)
המה היוצרים וישבי נטעים וגדרה עם המלך במלאכתו ישבו שם 23
Magpapalayok ang ilan sa mga taong ito na nakatira sa Netaim at Gedera at nagtrabaho para sa hari.
בני שמעון נמואל וימין יריב זרח שאול 24
Ang mga anak ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera, at si Saul.
שלם בנו מבשם בנו משמע בנו 25
Si Salum ay anak ni Saul, si Mibsam ay anak ni Sallum, at si Misma na anak ni Mibsam.
ובני משמע--חמואל בנו זכור בנו שמעי בנו 26
Ang mga kaapu-apuhan ni Misma ay sina Hamuel na kaniyang anak, si Zacur na kaniyang apo, at si Simei na anak ni Zacur.
ולשמעי בנים ששה עשר ובנות שש ולאחיו אין בנים רבים וכל משפחתם לא הרבו עד בני יהודה 27
Nagkaroon ng labing-anim na lalaking anak si Simei at may anim na babaeng anak. Hindi nagkaroon ng maraming anak ang kaniyang mga kapatid, kaya hindi dumami ang bilang ng kanilang angkan tulad ng lahi ni Juda.
וישבו בבאר שבע ומולדה וחצר שועל 28
Nanirahan sila sa Beerseba, sa Molada, at sa Hasar-shaul.
ובבלהה ובעצם ובתולד 29
Nanirahan din sila sa Bilha, sa Ezem, sa Tolad,
ובבתואל ובחרמה ובציקלג 30
sa Bethuel, sa Horma, sa Siclag,
ובבית מרכבות ובחצר סוסים ובבית בראי ובשערים אלה עריהם עד מלך דויד 31
sa Beth-marcabot, sa Hazar-susim, sa Beth-biri, at sa Saaraim. Ito ang kanilang mga lungsod hanggang sa paghahari ni David.
וחצריהם עיטם ועין רמון ותכן ועשן ערים חמש 32
Ang kanilang limang mga nayon ay ang Etam, Ain, Rimon, Toquen, at Asan,
וכל חצריהם אשר סביבות הערים האלה--עד בעל זאת מושבתם והתיחשם להם 33
kanila rin ang malalayong mga nayon hanggang sa Baal. Ito ang kanilang mga tinirhan, at iniingatan nila ang talaan ng kanilang lahi.
ומשובב וימלך ויושה בן אמציה 34
Ang pinuno ng mga angkan ay sina Mesobab, si Jamlec, at si Josias na anak ni Amasias,
ויואל ויהוא בן יושביה בן שריה בן עשיאל 35
si Joel, at Jehu na anak ni Josibias na anak ni Seraias, na anak ni Asiel,
ואליועיני ויעקבה וישוחיה ועשיה ועדיאל וישימאל--ובניה 36
si Elioenai, Jaacoba, Jesohaia, Asaias, Adiel, Jesimiel, Benaias,
וזיזא בן שפעי בן אלון בן ידיה בן שמרי בן שמעיה 37
at si Ziza na anak ni Sifi, na anak ni Allon na anak ni Jedaias na anak ni Simri na anak ni Semaias.
אלה הבאים בשמות נשיאים במשפחותם ובית אבותיהם פרצו לרוב 38
Ang binanggit na pangalan ay mga pinuno sa kanilang mga angkan, at labis na dumami ang kanilang mga angkan.
וילכו למבוא גדר עד למזרח הגיא לבקש מרעה לצאנם 39
Pumunta sila malapit sa Gador, sa dakong silangan ng lambak, upang humanap ng mapagpapastulan para sa kanilang mga kawan.
וימצאו מרעה שמן וטוב והארץ רחבת ידים ושקטת ושלוה כי מן חם הישבים שם לפנים 40
Nakatagpo sila ng sagana at mabuting pastulan. Malawak ang lupain, tahimik at payapa. Dating nanirahan ang mga Hamita doon.
ויבאו אלה הכתובים בשמות בימי יחזקיהו מלך יהודה ויכו את אהליהם ואת המעינים (המעונים) אשר נמצאו שמה ויחרימם עד היום הזה וישבו תחתיהם כי מרעה לצאנם שם 41
Ang itinalang mga pangalan na ito ay dumating sa mga panahon na si Ezequias ang hari ng Juda, at nilusob ang mga tirahan ng mga Hamita at ang mga Meunim, na naroon din. Lubos nilang winasak ang mga naroon at nanirahan doon dahil nakatagpo sila ng pastulan ng kanilang kawan.
ומהם מן בני שמעון הלכו להר שעיר אנשים חמש מאות ופלטיה ונעריה ורפיה ועזיאל בני ישעי--בראשם 42
Limang daang kalalakihan mula sa tribu ni Simeon ang nagtungo sa bundok ng Seir, kasama ang kanilang mga pinuno na sina Pelatias, Nearias, Refaias at si Uziel na mga anak na lalaki ni Isi.
ויכו את שארית הפלטה לעמלק וישבו שם עד היום הזה 43
Tinalo nila ang iba pang mga Amalekitang takas na naroon, at nanirahan sila doon hanggang ngayon.

< דברי הימים א 4 >