< דברי הימים א 15 >

ויעש לו בתים בעיר דויד ויכן מקום לארון האלהים ויט לו אהל 1
Nagpatayo si David ng mga bahay para sa kaniyang sa lungsod ni David. Siya ay naghanda ng isang lugar para sa kaban ng Diyos at nagtayo ng tolda para dito.
אז אמר דויד לא לשאת את ארון האלהים כי אם הלוים כי בם בחר יהוה לשאת את ארון יהוה ולשרתו--עד עולם 2
At sinabi ni David, “Ang mga Levita lamang ang maaaring magbuhat ng kaban ng Diyos, sapagkat pinili sila ni Yahweh upang buhatin ito at upang paglingkuran siya magpakailanman.”
ויקהל דויד את כל ישראל אל ירושלם להעלות את ארון יהוה אל מקומו אשר הכין לו 3
Pagkatapos, ang lahat ng Israel ay tinipon ni David sa Jerusalem upang dalhin ang kaban ni Yahweh sa lugar na kaniyang inihanda para dito.
ויאסף דויד את בני אהרן ואת הלוים 4
Tinipon ni David ang mga kaapu-apuhan ni Aaron at ang mga Levita.
לבני קהת--אוריאל השר ואחיו מאה ועשרים 5
Mula sa kaapu-apuhan ni Kohat, naroon ang pinuno na si Uriel at ang kaniyang mga kamag-anak na 120 na kalalakihan.
לבני מררי--עשיה השר ואחיו מאתים ועשרים 6
Mula sa kaapu-apuhan ni Merari, naroon ang pinuno na si Asaias at ang kaniyang mga kamag-anak na 220 na kalalakihan.
לבני גרשום--יואל השר ואחיו מאה ושלשים 7
Mula sa kaapu-apuhan ni Gershom, naroon ang pinuno na si Joel at ang kaniyang mga kamag-anak na 130 na kalalakihan.
לבני אליצפן--שמעיה השר ואחיו מאתים 8
Mula sa kaapu-apuhan ni Elizafan, naroon ang pinuno na si Semaias at ang kaniyang mga kamag-anak na 200 na kalalakihan.
לבני חברון--אליאל השר ואחיו שמונים 9
Mula sa kaapu-apuhan ni Hebron, naroon ang pinuno na si Eliel at ang kaniyang mga na kamag-anak na 80 na kalalakihan.
לבני עזיאל עמינדב השר--ואחיו מאה ושנים עשר 10
Mula sa kaapu-apuhan ni Uziel, naroon ang pinuno na si Aminadab at ang kaniyang mga na kamag-anak na 112 na kalalakihan.
ויקרא דויד לצדוק ולאביתר הכהנים וללוים לאוריאל עשיה ויואל שמעיה ואליאל ועמינדב 11
Ipinatawag ni David ang mga paring sina Zadok at Abiatar at ang mga Levitang sina Uriel, Asaias, Joel, Semaias, Eliel at Aminadab.
ויאמר להם אתם ראשי האבות ללוים התקדשו אתם ואחיכם והעליתם את ארון יהוה אלהי ישראל אל הכינותי לו 12
Sinabi niya sa kanila, “Kayo ang mga pinuno ng pamilya ng mga Levita. Ilaan ninyo ang inyong sarili kay Yahweh, kayo at ang inyong mga kapatid na lalaki upang maaari ninyong dalhin ang kaban ni Yahweh, ang Diyos ng Israel sa lugar na inihanda ko para dito.
כי למבראשונה לא אתם--פרץ יהוה אלהינו בנו כי לא דרשנהו כמשפט 13
Hindi ninyo ito binuhat noong una. Kung kaya si Yahweh na ating Diyos ay nagalit sa atin, sapagkat hindi natin siya hinanap o sinunod ang kaniyang kautusan.”
ויתקדשו הכהנים והלוים להעלות את ארון יהוה אלהי ישראל 14
Kaya ang mga pari at ang mga Levita ay inilaan ang kanilang mga sarili upang buhatin ang kaban ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
וישאו בני הלוים את ארון האלהים כאשר צוה משה כדבר יהוה--בכתפם במטות עליהם 15
Kaya pinasan ng mga Levita ang kaban ng Diyos sa kanilang mga balikat gamit ang mga pingga, tulad ng iniutos ni Moises na alinsunod sa tuntuning ibinigay sa pamamagitan ng salita ni Yahweh.
ויאמר דויד לשרי הלוים להעמיד את אחיהם המשררים בכלי שיר נבלים וכנרות ומצלתים--משמיעים להרים בקול לשמחה 16
Kinausap ni David ang mga pinuno ng Levita upang italaga ang kanilang mga kapatid na tumugtog ng mga instrumentong pangmusika, instrumentong may mga kuwerdas, mga alpa at mga pompiyang, tumugtog ng malakas at masayang itataas ang kanilang mga tinig.
ויעמידו הלוים את הימן בן יואל ומן אחיו אסף בן ברכיהו ומן בני מררי אחיהם איתן בן קושיהו 17
Kaya, itinalaga ng mga Levita si Heman, ang lalaking anak ni Joel at isa sa kaniyang mga kapatid na lalaki, si Asaf na anak ni Berequias. At itinalaga din ang kanilang mga kamag-anak mula sa kaapu-apuhan ni Merari at si Etan na anak ni Cusaias.
ועמהם אחיהם המשנים זכריהו בן ויעזיאל ושמירמות ויחיאל ועני אליאב ובניהו ומעשיהו ומתתיהו ואליפלהו ומקניהו ועבד אדם ויעיאל--השערים 18
Kasama nila ang kanilang mga kamag-anak na nasa ikalawang katungkulan: sina Zacarias, Jaazael, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Benaias, Maaseias, Matitias, Elifelehu, Micneias, Obed-edom, at Jeiel, ang mga tagapagbantay ng tarangkahan.
והמשררים הימן אסף ואיתן--במצלתים נחשת להשמיע 19
Ang mga manunugtog na sina Heman, Asaf at Etan ay itinalaga upang tumugtog ng mga tansong pompiyang na may malalakas na tunog.
וזכריה ועזיאל ושמירמות ויחיאל ועני ואליאב ומעשיהו ובניהו--בנבלים על עלמות 20
Sina Zacarias, Aziel, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Maasaias, at Benaias ang tumugtog ng mga instrumentong may kuwerdas na alinsunod sa Alamot.
ומתתיהו ואליפלהו ומקניהו ועבד אדם ויעיאל ועזזיהו--בכנרות על השמינית לנצח 21
Ang mga nanguna sa pagtugtog ng mga alpa ay sina Matitias, Elifelehu, Micneias, Obed-edom, Jeiel at Azazias na alinsunod sa Seminit.
וכנניהו שר הלוים במשא--יסר במשא כי מבין הוא 22
Si Quenanias na pinuno ng mga Levita sa pag-awit, ang namahala sa pag-awit dahil mahusay siya.
וברכיה ואלקנה שערים לארון 23
Sina Berequias at Elkana ang tagabantay sa kaban.
ושבניהו ויושפט ונתנאל ועמשי וזכריהו ובניהו ואליעזר הכהנים מחצצרים (מחצרים) בחצצרות לפני ארון האלהים ועבד אדם ויחיה שערים לארון 24
Ang mga paring sina Sebanias, Joshafat, Nethanael, Amazias, Zacarias, Benaias at Eliezer ang iihip ng mga trumpeta sa harapan ng kaban ng Diyos. Si Obed-edom at Jehias ang mga tagabantay ng kaban.
ויהי דויד וזקני ישראל ושרי האלפים ההלכים להעלות את ארון ברית יהוה מן בית עבד אדם--בשמחה 25
Kaya pumunta sina David, ang mga nakatatanda sa Israel at ang mga pinuno sa libu-lubo upang ilabas sa bahay ni Obed-edom ang kaban ng tipan ni Yahweh na may kagalakan.
ויהי בעזר האלהים את הלוים נשאי ארון ברית יהוה ויזבחו שבעה פרים ושבעה אילים 26
Sapagkat tinulungan ng Diyos ang mga Levita na nagbuhat sa kaban ng tipan ni Yahweh, naghandog sila ng pitong toro at pitong tupa.
ודויד מכרבל במעיל בוץ וכל הלוים הנשאים את הארון והמשררים וכנניה השר המשא המשררים ועל דויד אפוד בד 27
Nakadamit si David ng balabal na gawa pinong lino, ganoon din ang mga Levitang nagbuhat sa kaban, ang mga mang-aawit, at si Kenaniaz, ang nangunguna sa awit kasama ang mga mang-aawit. Nakasuot si David ng linong efod.
וכל ישראל מעלים את ארון ברית יהוה בתרועה ובקול שופר ובחצצרות ובמצלתים משמעים בנבלים וכנרות 28
Kaya dinala ng lahat ng Israel ang kaban ng tipan ni Yahweh na may masayang hiyawan at may tunog ng mga tambuli, mga pompiyang at mga instrumentong may kuwerdas at mga alpa.
ויהי ארון ברית יהוה בא עד עיר דויד ומיכל בת שאול נשקפה בעד החלון ותרא את המלך דויד מרקד ומשחק ותבז לו בלבה 29
Ngunit nang paparating ang kaban ng tipan ni Yahweh sa lungsod ni David, dumungaw sa bintana ang babaeng anak ni Saul na si Mical. Nakita niya si Haring David na sumasayaw at nagdiriwang. At kinamuhian niya si Haring David sa kaniyang puso.

< דברי הימים א 15 >