< דברי הימים א 11 >
ויקבצו כל ישראל אל דויד חברונה לאמר הנה עצמך ובשרך אנחנו | 1 |
Nang magkagayo'y ang buong Israel ay nagpipisan kay David sa Hebron, na nagsasabi, Narito, kami ay iyong buto at iyong laman.
גם תמול גם שלשום גם בהיות שאול מלך--אתה המוציא והמביא את ישראל ויאמר יהוה אלהיך לך אתה תרעה את עמי את ישראל ואתה תהיה נגיד על עמי ישראל | 2 |
Nang mga panahong nakaraan, sa makatuwid baga'y nang si Saul ay hari, ikaw ang pumapatnubay at nagpapasok sa Israel: at sinabi sa iyo ng Panginoon mong Dios, Iyong aalagaan ang aking bayang Israel, at ikaw ay magiging pangulo ng aking bayang Israel.
ויבאו כל זקני ישראל אל המלך חברונה ויכרת להם דויד ברית בחברון לפני יהוה וימשחו את דויד למלך על ישראל כדבר יהוה ביד שמואל | 3 |
Sa gayo'y lahat ng mga matanda sa Israel ay nagsiparoon sa hari sa Hebron; at si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron sa harap ng Panginoon, at kanilang pinahiran ng langis si David na hari sa Israel, ayon sa salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Samuel.
וילך דויד וכל ישראל ירושלם היא יבוס ושם היבוסי ישבי הארץ | 4 |
At si David at ang buong Israel ay naparoon sa Jerusalem (na siyang Jebus); at ang mga Jebuseo na mga tagaroon sa lupain, ay nangandoon.
ויאמרו ישבי יבוס לדויד לא תבוא הנה וילכד דויד את מצדת ציון היא עיר דויד | 5 |
At sinabi ng mga taga Jebus kay David, Ikaw ay hindi makapapasok rito. Gayon ma'y sinakop ni David ang katibayan ng Sion; na siyang bayan ni David.
ויאמר דויד--כל מכה יבוסי בראשונה יהיה לראש ולשר ויעל בראשונה יואב בן צרויה ויהי לראש | 6 |
At sinabi ni David, Sinomang sumakit sa mga Jebuseo na una ay magiging pinuno at kapitan. At si Joab na anak ni Sarvia ay sumampang una, at naging pinuno.
וישב דויד במצד על כן קראו לו עיר דויד | 7 |
At si David ay tumahan sa katibayan; kaya't kanilang tinawag na bayan ni David.
ויבן העיר מסביב מן המלוא ועד הסביב ויואב יחיה את שאר העיר | 8 |
At kaniyang itinayo ang bayan sa palibot, mula sa Millo hanggang sa palibot: at hinusay ni Joab ang nalabi sa bayan.
וילך דויד הלוך וגדול ויהוה צבאות עמו | 9 |
At si David ay dumakila ng dumakila; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa kaniya.
ואלה ראשי הגברים אשר לדויד המתחזקים עמו במלכותו עם כל ישראל להמליכו--כדבר יהוה על ישראל | 10 |
Ang mga ito ang mga pinuno ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David, na napakilala na malakas na kasama niya sa kaniyang kaharian, na kasama ng buong Israel, upang gawin siyang hari, ayon sa salita ng Panginoon tungkol sa Israel.
ואלה מספר הגברים אשר לדויד ישבעם בן חכמוני ראש השלושים (השלישים)--הוא עורר את חניתו על שלש מאות חלל בפעם אחת | 11 |
At ito ang bilang ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David: si Jasobam, na anak ng isang Hachmonita, na pinuno ng tatlongpu; siya ang nagtaas ng kaniyang sibat laban sa tatlong daan, at pinatay niya sila na paminsan.
ואחריו אלעזר בן דודו האחוחי הוא בשלושה הגברים | 12 |
At pagkatapos niya ay si Eleazar na anak ni Dodo, na Ahohita, na isa sa tatlong makapangyarihang lalake.
הוא היה עם דויד בפס דמים והפלשתים נאספו שם למלחמה ותהי חלקת השדה מלאה שעורים והעם נסו מפני פלשתים | 13 |
Siya'y kasama ni David sa Pasdammin, at doo'y ang mga Filisteo ay nagpipisan upang bumaka, na kinaroroonan ng isang putol na lupa na puno ng sebada; at ang bayan ay tumakas sa harap ng mga Filisteo.
ויתיצבו בתוך החלקה ויצילוה ויכו את פלשתים ויושע יהוה תשועה גדולה | 14 |
At sila'y nagsitayo sa gitna ng putol na yaon at ipinagsanggalang, at pinatay ang mga Filisteo; at iniligtas ng Panginoon sila sa pamamagitan ng isang dakilang pagtatagumpay.
וירדו שלושה מן השלושים ראש על הצר אל דויד--אל מערת עדלם ומחנה פלשתים חנה בעמק רפאים | 15 |
At binaba sa malaking bato si David ng tatlo sa tatlongpung pinuno, sa loob ng yungib ni Adullam; at ang hukbo ng mga Filisteo ay humantong sa libis ng Raphaim.
ודויד אז במצודה ונציב פלשתים אז בבית לחם | 16 |
At si David nga ay nasa katibayan, at ang pulutong ng mga Filisteo ay nasa Bethlehem noon.
ויתאו דויד ויאמר מי ישקני מים מבור בית לחם אשר בשער | 17 |
At si David ay nagbuntonghininga, at nagsabi, Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Bethlehem na mainom, na nasa siping ng pintuang-bayan!
ויבקעו השלשה במחנה פלשתים וישאבו מים מבור בית לחם אשר בשער וישאו ויבאו אל דויד ולא אבה דויד לשתותם וינסך אתם ליהוה | 18 |
At ang tatlo'y nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo, at nagsiigib ng tubig sa balon ng Bethlehem na nasa siping ng pintuang-bayan, at kinuha at dinala kay David: nguni't hindi ininom ni David yaon, kundi ibinuhos na pinakainuming handog sa Panginoon.
ויאמר חלילה לי מאלהי מעשות זאת הדם האנשים האלה אשתה בנפשותם כי בנפשותם הביאום ולא אבה לשתותם אלה עשו שלשת הגבורים | 19 |
At sinabi, Huwag itulot sa akin ng aking Dios na aking gawin ito; iinumin ko ba ang dugo ng mga lalaking ito na ipinain ang kanilang buhay sa pagkamatay? sapagka't sa pagpapain ng kanilang mga buhay ay kanilang dinala. Kaya't hindi niya ininom. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong makapangyarihang lalake.
ואבשי אחי יואב הוא היה ראש השלושה והוא עורר את חניתו על שלש מאות חלל ולא (ולו) שם בשלושה | 20 |
At si Abisai na kapatid ni Joab, siyang pinuno ng tatlo: sapagka't kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan, at pinatay niya sila, at nagkaroon ng pangalan sa tatlo.
מן השלושה בשנים נכבד ויהי להם לשר ועד השלושה לא בא | 21 |
Sa tatlo, siya'y lalong marangal kay sa dalawa, at ginawang kanilang pinunong kawal: gayon ma'y hindi siya umabot sa unang tatlo.
בניה בן יהוידע בן איש חיל רב פעלים מן קבצאל הוא הכה את שני אריאל מואב והוא ירד והכה את הארי בתוך הבור ביום השלג | 22 |
Si Benaias na anak ni Joiada, na anak ng isang matapang na lalake sa Cabseel, na gumawa ng mga makapangyarihang gawa, ay kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab: siya'y bumaba rin naman at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa panahon ng niebe.
והוא הכה את האיש המצרי איש מדה חמש באמה וביד המצרי חנית כמנור ארגים וירד אליו בשבט ויגזל את החנית מיד המצרי ויהרגהו בחניתו | 23 |
At siya'y pumatay ng isang taga Egipto, na isang lalaking may malaking bulas, na limang siko ang taas; at sa kamay ng taga Egipto ay may isang sibat na gaya ng panghabi ng manghahabi; at binaba niya siya na may isang tungkod, at inagaw ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat.
אלה עשה בניהו בן יהוידע ולו שם בשלושה הגברים | 24 |
Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong makapangyarihang lalake.
מן השלושים הנו נכבד הוא ואל השלשה לא בא וישימהו דויד על משמעתו | 25 |
Narito, siya'y lalong marangal kay sa tatlongpu, nguni't hindi siya umabot sa unang tatlo: at inilagay ni David sa kaniya na bantay.
וגבורי החילים עשהאל אחי יואב אלחנן בן דודו מבית לחם | 26 |
Ang mga makapangyarihang lalake naman sa mga hukbo; si Asael na kapatid ni Joab, si Elchanan na anak ni Dodo na taga Bethlehem:
שמות ההרורי חלץ הפלוני | 27 |
Si Samoth na Arorita, si Helles na Pelonita;
עירא בן עקש התקועי אביעזר הענתותי | 28 |
Si Ira na anak ni Acces na Tecoita, si Abiezer na Anathothita;
סבכי החשתי עילי האחוחי | 29 |
Si Sibbecai na Husatita, si Ilai na Ahohita;
מהרי הנטפתי חלד בן בענה הנטופתי | 30 |
Si Maharai na Nethophatita, si Heled na anak ni Baana na Nethophatita;
איתי בן ריבי מגבעת בני בנימן בניה הפרעתני | 31 |
Si Ithai na anak ni Ribai na taga Gabaath, sa mga anak ni Benjamin, si Benaias na Phirathita.
חורי מנחלי געש אביאל הערבתי | 32 |
Si Hurai sa mga batis ng Gaas, si Abiel na Arbathonita;
עזמות הבחרומי אליחבא השעלבני | 33 |
Si Azmaveth na Baharumita, si Eliaba na Saalbonita;
בני השם הגזוני יונתן בן שגה ההררי | 34 |
Ang mga anak ni Asem na Gizonita, si Jonathan na anak ni Saje na Hararita;
אחיאם בן שכר ההררי אליפל בן אור | 35 |
Si Ahiam na anak ni Sachar, na Ararita, si Eliphal na anak ni Ur;
Si Hepher na Mecherathita, si Ahia na Phelonita;
חצרו הכרמלי נערי בן אזבי | 37 |
Si Hesro na Carmelita, si Nahari na anak ni Ezbai;
יואל אחי נתן מבחר בן הגרי | 38 |
Si Joel na kapatid ni Nathan, si Mibhar na anak ni Agrai,
צלק העמוני נחרי הברתי נשא כלי יואב בן צרויה | 39 |
Si Selec na Ammonita, si Naarai na Berothita, na tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia;
Si Ira na Ithrita, si Yared na Ithrita:
אוריה החתי זבד בן אחלי | 41 |
Si Uria na Hetheo, si Zabad na anak ni Ahli;
עדינא בן שיזא הראובני ראש לראובני--ועליו שלשים | 42 |
Si Adina na anak ni Siza na Rubenita, na pinuno ng mga Rubenita, at tatlongpu ang kasama niya;
חנן בן מעכה ויושפט המתני | 43 |
Si Hanan na anak ni Maacha, at si Josaphat na Mithnita;
עזיא העשתרתי שמע ויעואל (ויעיאל) בני חותם הערערי | 44 |
Si Uzzias na Astarothita, si Samma at si Jehiel na mga anak ni Hotham na Arorita;
ידיעאל בן שמרי ויחא אחיו התיצי | 45 |
Si Jediael na anak ni Simri; at si Joha na kaniyang kapatid, na Thisaita;
אליאל המחוים ויריבי ויושויה בני אלנעם ויתמה המואבי | 46 |
Si Eliel na Mahavita, at si Jeribai, at si Josabias na mga anak ni Elnaam, at si Ithma na Moabita;
אליאל ועובד ויעשיאל המצביה | 47 |
Si Eliel, at si Obed, at si Jaasiel, na taga Mesobiata.