< Mataio 22 >
1 OLELO hou aku la o Iesu ia lakou i na olelonane, i aku la,
At sumagot si Jesus at muling pinagsalitaan sila sa mga talinghaga, na sinasabi,
2 Ua like ke aupuni o ka lani me kekahi alii nana i hoomakaukau ka ahaaina no kana keiki.
Tulad ang kaharian ng langit sa isang hari na naghanda ng piging ng kasalan ng kaniyang anak na lalake,
3 Hoouna aku la ia i kana poe kauwa e kii i ka poe i oleloia e hele mai i ka ahaaina; aka, aole lakou i makemake e hele mai.
At sinugo ang kaniyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa piging ng kasalan: at sila'y ayaw magsidalo.
4 Hoouna hou aku la ia i na kauwa e ae, i aku la, E i aku oukou i ka poe i oleloia, Eia hoi, ua hoomakaukau no wau i ka'u ahaaina, ua kaluaia ka'u mau bipi a me na mea i kupaluia, ua makaukau hoi na mea a pau; e hele mai oukou i ka ahaaina.
Muling nagsugo siya sa ibang mga alipin, na sinasabi, Sabihin ninyo sa mga inanyayahan, Narito, inihanda ko na ang aking piging; pinatay ko ang aking mga baka at mga hayop na matataba, at ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na: magsiparito kayo sa piging ng kasalan.
5 Hoowahawaha mai la lakou, hele aku la; o kekahi ma kona aina, a o kekahi ma kana kuai ana.
Datapuwa't hindi nila pinansin, at sila'y nagsiyaon sa kanilang lakad, ang isa'y sa kaniyang sariling bukid, ang isa'y sa kaniyang mga kalakal;
6 A o ka poe i koe, lalau mai la lakou i kana mau kauwa, hoomainoino mai la ia lakou, pepehi iho la a make.
At hinawakan ng mga iba ang kaniyang mga alipin, at sila'y dinuwahagi, at pinagpapatay.
7 A lohe ae la ke alii, huhu iho la ia, hoouna aku la ia i kona poe kana, luku aku la ia poe pepehi kanaka, a puhi aku la i ko lakou kulanakauhale.
Datapuwa't ang hari ay nagalit; at sinugo ang kaniyang mga hukbo, at pinuksa ang mga mamamataytaong yaon, at sinunog ang kanilang bayan.
8 Alaila, olelo aku la ia i kana poe kauwa, Ua makaukau nae ka abaaina; aole hoi i pono kela poe i oleloia.
Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alipin, Nahahanda ang kasalan, nguni't hindi karapatdapat ang mga inanyayahan.
9 Nolaila, e hele aku oukou ma na huina alanui, a e koi aku i na mea a pau i loaa ia oukou, e hele mai i ka ahaaina.
Magsiparoon nga kayo sa mga likuang lansangan, at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ninyong mangasumpungan.
10 Hele aku la ua poe kauwa la iwaho ma ke alanui, a houluulu mai la i na mea a pau i loaa ia lakou, o ka poe ino a me ka poe maikai; a nui iho la na hoaai ma ua ahaaina la.
At nagsilabas ang mga aliping yaon sa mga lansangan, at kanilang tinipon ang lahat nilang nangasumpungan, masasama at mabubuti: at napuno ng mga panauhin ang kasalan.
11 Komo aku la ke alii iloko e nana i ka poe hoaai, ike aku la ia ilaila i kekahi kanaka aole i kahikoia i ke kapa alumina.
Datapuwa't pagpasok ng hari upang tingnan ang mga panauhin, ay doo'y nakita niya ang isang tao na hindi nararamtan ng damit-kasalan:
12 I aku la kela ia ia, E ka hoalauna, pehea la oe i hele mai nei, aole i kahikoia i ke kapa ahaaina? Mumule loa iho la ia.
At sinabi niya sa kaniya, Kaibigan, ano't pumasok ka rito na walang damit-kasalan? At siya'y naumid.
13 Alaila, i aku la ua alii la i ka poe lawelawe, E nakiki iho ia ia a paa ma na wawae e me na lima, e lawe aku ia ia, a e hoolei aku iloko o ka pouli mawaho; ilaila e uwe ai a e uwi ai na niho.
Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa mga naglilingkod, Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas; diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.
14 No ka mea, he nui ka poe i kaheaia, he uuku hoi ka poe i waeia,
Sapagka't marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang.
15 Alaila hele aku la ka poe Parisaio, kukakuka ae la i ka mea e hoohihia ia ia i kana olelo ana.
Nang magkagayo'y nagsialis ang mga Fariseo, at nangagsanggunian sila kung paano kayang mahuhuli nila siya sa kaniyang pananalita.
16 Hoouna mai la lakou io na la i na haumana a lakou me kekahi poe Herodiano, i mai la, E ke Kumu, ke ike nei makou, he oiaio kau, a ke ao mai nei oe i ka aoao o ke Akua me ka oiaio, aole oe i paewaewa ma ka kekahi, aole hoi i manao i ko waho o ke kanaka.
At sinugo nila sa kaniya ang kanilang mga alagad, na kasama ng mga Herodiano, na nagsisipagsabi, Guro, nalalaman naming ikaw ay totoo, at itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios, at hindi ka nangingimi kanino man: sapagka't hindi ka nagtatangi ng tao.
17 E hai mai hoi oe, heaha kou manao? He mea pono anei ke hookupu waiwai ia Kaisara? aole anei?
Sabihin mo nga sa amin, Ano sa akala mo? Matuwid bagang bumuwis kay Cesar, o hindi?
18 Ike ae la o Iesu i ko lakou manao ino ana, i aku la, E ka poe hookamani, no ke aha la oukou e hoao mai nei ia'u?
Datapuwa't napagkikilala ni Jesus ang kanilang kasamaan, at sinabi sa kanila, Bakit ninyo ako tinutukso, kayong mga mapagpaimbabaw?
19 E hoike mai ia'u i kekahi moni hookupu. A lawe mai la lakou io na la i kekahi denari.
Ipakita ninyo sa akin ang salaping pangbuwis. At dinala nila sa kaniya ang isang denario.
20 Ninau aku la oia ia lakou, Nowai keia kii a me ka palapala?
At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat?
21 I mai la lakou ia ia, No Kaisara. Alaila, i aku la oia ia lakou, E haawi aku i ka Kaisara ia Kaisara, a i ka ke Akua hoi i ke Akua.
Sinabi nila sa kaniya, Kay Cesar. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Kaya't ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar; at sa Dios ang sa Dios.
22 A lohe ae la lakou, kahaha iho la, haalele mai la lakou ia ia a hele aku la.
At pagkarinig nila nito ay nagsipanggilalas sila, at siya'y iniwan, at nagsiyaon.
23 Ia la hoi, hele mai la io na la ka poe Sadukaio, ka poe i olelo, Aole alahouana; ninau mai la lakou ia ia.
Nang araw na yaon ay nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo, na nangagsasabing walang pagkabuhay na maguli: at siya'y kanilang tinanong,
24 I mai la, E ke Kumu, i olelo mai o Mose, Ina e make kekahi kanaka aohe ana keiki, e mare no kona kaikaina i kana wahine e hoala mai i hua na kona kaikuaana.
Na sinasabi, Guro, sinabi ni Moises, Kung mamatay na walang mga anak ang isang lalake, ay magasawa ang kaniyang kapatid na lalake sa asawa niya, at magkakaanak sa kaniyang kapatid na lalake.
25 Ehiku mau hoahanau me makou: mare iho la ka makahiapo i wahine, a make iho la, aohe ana keiki; a lilo aku la kana wahine na kona kaikaina.
Nagkaroon nga sa amin ng pitong magkakapatid na lalake: at nagasawa ang panganay at namatay, at sapagka't hindi siya nagkaanak ay iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalake;
26 Pela aku hoi ka lua a me ke kolu a hiki aku la i ka hiku o lakou.
Gayon din naman ang nangyari sa pangalawa, at sa pangatlo, hanggang sa ikapito.
27 Mahope iho o lakou a pau, make iho la hoi ua wahine la.
At sa kahulihulihan nilang lahat, ay namatay ang babae.
28 Nolaila, i ke alahouana, na ka mea hea o lakou a ehiku ua wahine la? no ka mea, he wahine ia na lakou a pau mamua.
Sa pagkabuhay ngang maguli sino kaya doon sa pito ang magiging asawa? sapagka't siya'y naging asawa nilang lahat.
29 Olelo aku la o Iesu ia lakou, i aku la, Ua lalau oukou, i ka ike ole i ka palapala hemolele, a me ka mana o ke Akua.
Nguni't sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios.
30 No ka mea, i ke alahouana, aole lakou e mare, aole hoi e hoopalau; aka, ua like lakou me na anela o ke Akua i ka lani.
Sapagka't sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi gaya ng mga anghel sa langit.
31 A, no ke alahouana o ka poe i make, aole anei oukou i heluhelu i ka ke Akua olelo ia oukou, e i mai ana,
Datapuwa't tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, hindi baga ninyo nabasa ang sinalita sa inyo ng Dios, na nagsasabi,
32 Owau no ke Akua o Aberahama, ke Akua o Isaaka, ke Akua o Iakoba? O ke Akua, aole ia he Akua no ka poe i make, no ka poe ola no.
Ako ang Dios ni Abraham, at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob? Ang Dios ay hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay.
33 A lohe ae la ka poe kanaka, kahaha iho la lakou i kana ao ana.
At nang marinig ito ng karamihan ay nangagtaka sa kaniyang aral.
34 Lohe ae la ka poe Parisaio, ua paa ia ia ka waha o ka poe Sadukaio, akoakoa mai la lakou io na la:
Datapuwa't nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo, ay nangagkatipon sila.
35 A ninau mai la kekahi o lakou, ho kakaolelo, hoao mai la ia ia, i mai la,
At isa sa kanila, na tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya'y tuksuhin:
36 E ke Kumu, heaha ke kauoha nui iloko o ke kanawai?
Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?
37 I aku la o Iesu ia ia, E aloha aku oe ia Iehova i kou Akua me kou naau a pau, a me kou uhane a pau, a me kou manao a pau.
At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.
38 O ka mua keia a me ke kauoha nui.
Ito ang dakila at pangunang utos.
39 Ua like hoi ka lua me ia, E aloha aku oe i kou hoalauna me oe ia oe iho.
At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
40 Maluna o keia mau kauoha elua, ke kau nei ke kanawai a pau a me na kaula.
Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
41 A akoakoa mai ka poe Parisaio, ninau aku la Iesu ia lakou,
Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni Jesus ng isang tanong.
42 I aku la, Heaha ko oukou manao no ka Mesia. He mamo ia nawai? I mai la lakou, Na Davida.
Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, kay David.
43 I aku la oia ia lakou, Pehea la hoi o Davida i kapa ai ia ia ma ka Uhane, he Haku? i ka i ana,
Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi,
44 Olelo aku la ka Haku i kuu Haku, E noho mai oe ma kuu lima akau, a hoolilo iho ai au i kou poe enemi i keehana wawae nou.
Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?
45 Ina hoi o Davida i kapa aku ia ia he Haku, pehea la ia e mamo ai nana?
Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak?
46 Aole i hiki i kekahi ke ekemu iki mai ia ia, aole hoi kekahi i aa e ninau hou mai ia ia mai ia wa iho.
At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong.