< Hebera 2 >
1 NOLAILA hoi, e pono e lelepau kakou ia mau mea a kakou i lohe ae nei, o haule ia kakou i kekahi manawa.
Kaya nararapat na pagtuunan natin ng pansin kung ano ang ating mga narinig, upang hindi tayo matangay palayo dito.
2 No ka mea, ina i kau paa ia ke kanawai i oleloia mai ma ka poe anela, a ua hoopai pono ia ka hala, a me ka hoopale a pau;
Sapagkat kung ang mensahe na sinabi sa pamamagitan ng mga anghel ay totoo, at ang bawat paglabag at pagsuway ay tatanggap ng nararapat na kaparusahan,
3 Pehea la uanei kakon e pakele ai ke malama ole i ke ola nui nei; ka mea i haiia mai i kinohi e ka Haku, a i hooiaioia mai hoi ia kakou e ka poe i lohe;
paano tayo makakatakas kung ating babalewalain ang dakilang kaligtasan? —kaligtasan na unang ipinahayag ng Panginoon at pinatunayan sa atin ng mga nakarinig nito.
4 O ke Akua kekahi e hooiaio pu mai ana ma na hoailona, a me na mea kupanaha, a me kela hana mana, a me keia hana mana, a me ka haawi ana mai o ka Uhane Hemolele, e like me kona makemake?
Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda, mga kamangha-manghang gawa, at sa pamamagitan ng iba't- ibang mga makapangyarihang gawa, at sa pamamagitan ng kaloob ng Banal na Espiritu na kaniyang ipinamahagi ayon sa kaniyang kalooban.
5 Aole hoi oia i hoolilo iho malalo iho o ka poe anela i ke ao e hiki mai ana, a makou e olelo nei.
Hindi ipinamahala ng Diyos sa mga anghel ang sanlibutang darating na aming tinutukoy.
6 Aka, ua hoike mai kekahi ma kekahi wahi, i ka olelo ana mai, Heaha ke kanaka i manao mai ai oe ia ia? a o ke koiki a ke kanaka i ike mai ai oe ia ia?
Sa halip, may nagpatunay mula sa isang dako at nagsabing, “Ano ba ang tao, na iyong inaalala? O ang anak ng tao, na iyong pinapahalagahan?
7 Ua hana iho oe ia ia malalo iki iho o ka poe anela: ua kau mai oe maluna ona i ka nani a me ka mahalo i lei nona; ua hoolilo oe ia ia i haku no na mea a kou lima i hana'i.
Ginawa mo ang taong bahagyang mas mababa kaysa sa mga anghel; kinoronahan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. (Nilagay mo siya sa ilalim ng gawa ng iyong mga kamay.)
8 Nau no i waiho na mea a pau malalo ae o kona mau wawae. A, i kona hoolilo ana i na mea a pau malalo iho ona, aohe mea koe ia ia i waiho ole ia'e malalo ona. Aole nae kakou i ike i na mea a pau i waihoia'e malalo ona:
Inilagay mo ang lahat na mapasailalim sa kaniyang mga paa”. Sapagkat ipinasailalim ng Diyos ang lahat sa sangkatauhan. Wala siyang iniwan na anuman na hindi naipasailalim sa kaniya. Ngunit ngayon, hindi pa natin makita ang lahat na ipinasailalim sa kaniya.
9 Aka, ua ike kakou ia Iesu i ka mea i hooliloia malalo iki iho o ka poe anela, no ka make aua, i hooleiia mai ai i ka nani a me ka mahalo; i lilo hoi ia i ka make no na kanaka a pau, ma ka lukomaikai o ke Akua.
Gayon pa man, nakikita natin ang isa na ginawa sa maikling panahon, na mababa kaysa mga anghel— si Jesus, dahil sa kaniyang paghihirap at kamatayan ay kinoronahan ng kaluwalhatian at karangalan. Kaya ngayon sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, naranasan ni Jesus ang kamatayan para sa bawat tao.
10 No ka mea, ua pono i ka mea nona na mea a pau, nana hoi na mea a pau, i kona alakai ana i na keiki he nui wale iloko o ka nani, ma o ka hooehaia ana, e hoonani loa ai i ko lakou Alii e ola'i.
Sapagkat nararapat na ang Diyos, dahil para sa kaniya at sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming mga anak tungo sa kaluwalhatian, ay gawing sakdal ang nagtatag ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng pagdurusa.
11 No ka mea, o ka mea nana i hoohuikala mai, a o ka poe i hoohuikalaia mai, no ka mea hookahi lakou a pau; no ia mea, aole ia i hilahila ke kapa aku ia lakou he mau hoahanau,
Sapagkat parehong ang tagapaghandog at mga ihinahandog ay iisa lang ang pinanggalingan, ang Diyos. Dahil dito, ang tagapaghandog nila sa Diyos ay hindi nahihiyang tawagin silang mga kapatid.
12 I ka i ana, E hai aku au i kou inoa i ko'u mau hoahanau; e hoolea hoi au ia oe mawaeoa o ke anaina kanaka.
Sinasabi niya, “Ipapahayag ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid, aawitin ko ang tungkol saiyo sa loob ng pagpupulong.”
13 Eia hou hoi, E hilinai aku au ia ia. Eia hou hoi, Eia hoi au, me na keiki a ke Akua i haawi mai ai ia'u.
At sinasabi niyang muli, “Magtitiwala ako sa kaniya.” At muli, “Masdan ninyo, heto ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Diyos.”
14 A, i ka lawe pu ana o na keiki i ka io a me ke koko, pela hoi oia i lawe pu ai i ua mau mea la; i hiki ai ia ia, ma kona make ana, ke hoopio i ka mea ia ia ka mana e make ai, oia ka diabolo:
Kaya, dahil lahat ng mga anak ng Diyos ay kabahagi ng laman at dugo, nakibahagi rin si Jesus sa mga bagay na ito, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay maaari niyang mapawalang bisa ang may kapangyarihan ng kamatayan, na ibig sabihin, ay ang diyablo.
15 A e hoola hoi i ka poe i noho pio i ko lakou wa e ola nei a pau, no ka makau i ka make.
Ito ay upang mapalaya niya ang lahat na sa pamamagitan ng pagkatakot sa kamatayan ay napasailalim sa pagkaalipin sa buong buhay nila.
16 Aole hoi oia i kokua i ka poe anela; aka, ua kokua mai oia i na mamo a Aberahama.
Sapagkat tunay nga na hindi ang mga anghel ang tinutulungan niya. Sa halip, tinutulungan niya ang mga kaapu-apuhan ni Abraham.
17 Nolaila, ua pono e hoohalike loa ia oia me kona poe hoahanau, i lilo ai ia i kahunanui aloha, a me ka hoopono ma na mea no ke Akua, i hiki ai ia ka hoomalu ana no ka hewa o kanaka.
Kaya kinakailangan niyang maging katulad ng kaniyang mga kapatid sa lahat ng paraan, upang siya ay maging maawain at tapat na pinakapunong pari sa mga bagay para sa Diyos, at upang maaari niyang makamit ang kapatawaran para sa kasalanan ng mga tao.
18 A, no ka mea ua ehaeha oia i ka hoowalewaleia, ua hiki no ia ia ke kokua i ka poe i hoowalewaleia mai.
Dahil si Jesus mismo ay naghirap, noong siya ay tinukso, kaya niyang tulungan ang mga natukso.