< Oihana 19 >

1 I KA wa a Apolo i noho ai ma Korineto, kaahele o Paulo i na aina mauka, a hele aku la i Epeso; a loaa ia ia kekahi mau haumana,
At nang si Apolos ay nasa Corinto, dumaan si Pablo sa mga matataas na lupain at nakarating sa lungsod ng Efeso, at natagpuan niya ang ilang alagad doon.
2 I mai la ia lakou, Ua loaa anei ia oukou ka Uhane Hemolele i ko oukou manaoio ana? I aku la lakou ia ia, Aole makou i lohe no ka Uhane Hemolele.
Sinabi ni Pablo sa kanila, “Tinanggap ba ninyo ang Banal na Espiritu nang kayo ay manampalataya?” Sinabi nila sa kaniya, “Hindi, hindi man lang namin narinig ang tungkol sa Banal na Espiritu.”
3 I mai la kela ia lakou, I ke aha la oukou i bapetizoia'i? I aku la hoi lakou ia ia, I ka bapetizo a Ioane.
Sinabi ni Pablo, “Kung gayon saan kayo nabautismuhan?” Sinabi nila, “Sa bautismo ni Juan.”
4 I mai la o Paulo, Bapetizo mai la o Ioane i ka bapetizo ana o ka mihi, i ka i ana mai i kanaka, e manaoio aku lakou i ka mea e hiki mai ana mahope ona, o ka Mesia no ia, o Iesu no.
Kaya sumagot si Pablo, “Nagbautismo si Juan kasama ang bautismo ng pagsisisi. Sinabi niya sa mga tao na dapat silang manampalataya sa darating na kasunod niya, kay Jesus.”
5 A lohe lakou, bapetizoia iho la lakou ma ka inoa o ka Haku, o Iesu.
Nang narinig ito ng mga tao, nabautismuhan sila sa pangalan ng Panginoong Jesus.
6 A kau aku la o Paulo i na lima maluna iho o lakou, hiki mai la ka Uhane Hemolele maluna o lakou; a olelo ae la lakou ma ka olelo e, a wanana mai la.
At nang ipatong ni Pablo ang kaniyang kamay sa kanila, ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kanila at sila ay nagsalita ng iba't ibang mga wika at nagpahayag ng propesiya.
7 A oia mau kanaka a pau, he umikumamalua lakou.
mga labindalawang kalalakihan silang lahat.
8 Hele mai la ia iloko o ka halehalawai, olelo wiwo ole mai la, ekolu malama ana i hooakaka ai, a i hoohuli mai ma na mea o ke aupuni o ke Akua.
Pumunta si Pablo sa sinagoga at matapang na nagsalita sa loob ng tatlong buwan. Pinangungunahan niya ang mga pagpapaliwanag at panghihikayat sa mga tao tungkol sa mga bagay patungkol sa Kaharian ng Diyos.
9 A paakiki kekahi poe, a hoomaloka no hoi, olelo ino no lakou i keia aoao imua i ke alo o kanaka; alaila haalele oia ia lakou a hookaawale iho la i na haumana, a hoakaka mai la ia i kela la i keia la, maloko o ke kula o kahi Turano.
Ngunit nang ang ilan sa mga Judio ay nagmamatigas at hindi sumusunod, nagsimula silang magsalita ng masama sa daan ni Cristo sa harap ng maraming tao. Kaya iniwan sila ni Pablo at pinangunahan niya ang mga mananampalataya palayo sa kanila. Nagsimula siyang magsalita araw-araw sa loob ng bulwagan ng Tiranus.
10 Ua hana mau ia keia mea i na makahiki elua; no ia mea, lohe ka poe a pau i noho ma Asia i ka olelo a ka Haku, a Iesu, o ka poe Iudaio a me ka poe Helene.
Nagpatuloy ito ng dalawang taon, lahat ng mga taong nakatira sa Asia ay nakarinig ng Salita ng Panginoon, maging Judio o Griego.
11 Na ke Akua no i hana i na mea mana ano e, ma na lima o Paulo.
Gumagawa ang Diyos ng mga kamangha-manghang gawa sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo,
12 No ia mea, laweia'ku la, mai kona kino aku, na hainaka a me na pale, no ka poe mai, a haalele iho la ka mai ia lakou, a puka aku la na uhane ino mailoko aku o lakou.
upang maging ang mga may sakit ay gumaling, at ang mga masasamang espiritu ay lumabas mula sa kanila, nang makakuha sila ng mga panyo at epron mula sa katawan ni Pablo.
13 Hoao nae kekahi poe Iudaio, he poe kuewa mahiki daimonio, a hea aku la lakou i ka inoa o ka Haku o Iesu maluna o ka poe i loohia e na uhane ino, i aku la, Ma o Iesu la, ka mea a Paulo e hai mai nei, ke hookikina aku nei makou ia oukou.
Ngunit may mga Judio na nagpapalayas ng mga masasamang espiritu ang naglalakbay sa lugar na ginagamit ang pangalan ni Jesus para sa kanilang pansariling nais. Sila ay nagsalita sa mga nasapian ng mga masasamang espiritu; sinabi nilang, Mula sa pagpapahayag ni Pablo inuutusan kita sa pamamagitan ni Jesus na ipinapangaral ni Pablo, lumayas ka.”
14 Aia malaila kekahi mau keiki na Sekena, he Iudaio, a he kahuna nui, ehiku lakou i hana pela.
Ang mga gumawa nito ay ang pitong anak ng punong pari ng mga Hudyo, na si Esceva.
15 Olelo mai la ka uhane ino, i mai, Ua ike no wau ia Iesu, a ua ike no hoi au ia Paulo, aka hoi, owai oukou?
Sumagot ang masamang espiritu sa kanila, “Kilala ko si Jesus at kilala ko si Pablo; ngunit sino kayo?”
16 A o ke kanaka maloko ona ua uhane ino la, lele mai la ia maluna o lakou, a lanakila iho la maluna o lakou, a hana ino mai la, a holo kohana aku la lakou mawaho o ia hale, ua eha hoi.
Lumundag ang masamang espiritu sa mga nagpalayas ng masamang espiritu at tinalo sila at sinaktan. Pagkatapos tumakas sila palabas sa bahay na iyon na walang damit at sugatan.
17 Ua ikea iho la keia e na Iudaio a pau, a me ua Helene, e noho ana ma Epeso. A kau mai ka makau maluna o lakou a pau, a ua hoonuiia ka inoa o ka Haku o Iesu.
Nalaman ito ng lahat, maging mga Judio at Griego na nanirahan sa Efeso. Natakot sila ng labis at naparangalan ang pangalan ng Panginoong Jesus.
18 He nui na mea o ka poe manaoio i hele mai, a hai mai, a hoike mai i ka lakou mau hana.
Gayon din, marami sa mga mananampalataya ang dumating na nagsabi at umamin ng kanilang mga kasamaang ginawa.
19 A he nui na mea o ka poe i hana kilokilo, i lawe mai i ka lakou mau buke, a puhi iho la i ke ahi imua o kanaka a pau; a helu lakou i ke kumukuai o ua mau buke la ke kuaiia, he kanalima tausani hapalua.
Marami sa mga gumagawa ng salamangka ang nagdala ng kanilang mga libro at sinunog nila sa paningin ng lahat. Nang bilangin nila ang halaga nito, ito ay nagkakahalaga ng limampung libong piraso ng pilak.
20 Pela i ulu ai me ka mana ka olelo a ka Haku, a lanakila iho la.
Kaya't ang salita ng Panginoon ay lumaganap sa makapangyarihang paraan.
21 A pau keia mau mea i ka hanaia, manao iho la o Paulo ma ka uhane, e kaahele ma Makedonia a me Akaia, alaila, e hele i Ierusalema, i ae la, A hiki au ilaila, ma ia hope aku, pono ia'u ke ike ia Roma.
Ngayon nang natapos ni Pablo ang kaniyang ministeryo sa Efeso, nagpasya siya sa Espiritu na dumaan sa Macedonia at Acaya patungong Jerusalem; sinabi niya, “Pagkagaling ko roon, kailangan ko ring makita ang Roma.”
22 Hoouna aku la ia ma Makedonia i kekahi mau hoalawehana ona elua, o Timoteo laua me Eraseto; a noho iho la ia ma Asia a liuliu.
Pinadala ni Pablo ang dalawa sa kaniyang mga alagad sa Macedonia, si Timoteo at Erasto, na tumulong sa kaniya. Ngunit siya ay nanatili muna sa Asia ng kaunting panahon.
23 Ia manawa, aole okana mai ka pioloke no keia aoao.
At nagkaroon ng malaking kaguluhan sa panahong iyon Efeso patungkol sa Daan.
24 No ka mea, he kanaka, o Demeterio ka inoa, he kahuna hana kala e hana ana i na luakini kala no Diana, a nui loa iho la ka waiwai i loaa mai i ka poe paahana.
May isang magpapanday ng pilak na nagngangalang Demetrio, na gumagawa ng imahe ni Diana na pilak, na nagbibigay ng malaking negosyo sa mga nagpapanday.
25 Hoakoakoa ae la oia ia lakou, a me ka poe paahana ma ua mea me ia, i aku la, E na kanaka, ua ike no oukou, no keia hana i loaa mai ai ka kakou waiwai.
Kaya tinipon niya ang mga manggagawa sa trabahong iyon, at sinabi, “Mga Ginoo, alam ninyo na sa negosyong ito tayo kumikita ng malaking halaga.
26 Ua ike no hoi oukou, a ua lohe, aole ma Epeso wale no, aka, ma Asia a pau, o Paulo nei i hooikaika aku ai a i hoohuli i kanaka, he nui loa, me ka i ana ae, aohe akua na mea i hanaia e na lima.
Nakikita at naririnig ninyo iyon, hindi lang sa Efeso, ngunit halos sa buong Asia. Ang Pablong ito ay nanghikayat at nagpalayo ng maraming tao. Sinasabi niya na walang mga diyos-diyosan na gawa sa mga kamay.
27 No ia mea, aole ka kakou oihana wale no ke aneane lilo i mea ole; aka, o ka heiau o keia akua nui o Diana kekahi, e hoowahawahaia, a kokoke e pau i ke kahuliia ka nani o ka mea i hoomanaia'i e ko Asia a pau, a me ko ke ao nei.
At hindi lamang iyon ang panganib na ang mga kalakal natin ay hindi na kakailanganin, subalit pati narin ang templo ng dakilang diyosang si Diana ay maaring mawalan ng halaga. At mawawalan din siya ng kadakilaan, na siyang sinasamba ng buong Asia at ng buong mundo.”
28 A lohe ae la lakou, piha iho la lakou i ka huhu, wawa aku la, i ae la, Nani ka mana o Diana o ko Epeso.
Nang marinig nila ito, napuno sila ng galit at sumigaw na nagsasabi, “Dakila si Diana ng mga taga- Efeso.”
29 Piha iho la ke kulanakauhale a pau i ka haunaele. Hopu aku la lakou ia Gaio, a me Arisetareko no Makedonia, he mau hoahele no Paulo, a holo lokahi aku la lakou i ka hale kiaka.
Napuno ng kaguluhan ang buong lungsod, at ang mga tao ay sama-samang nagmadali papunta sa tanghalan. At dinampot nila ang mga kasamahan ni Pablo sa paglalakbay na sina Gaius at Aristarco, na taga-Macedonia.
30 Makemake iho la o Paulo e komo pu aku mawaena o na kanaka, aole nae na haumana i ae aku ia ia.
Nais ni Pablo na pumasok sa gitna ng napakaraming tao, ngunit pinigilan siya ng mga alagad.
31 A o kekahi poe luna ma Asia, he poe makamaka nona, hoouna aku la lakou, kauoha ae la ia ia, aole hoike ia ia iho maloko o ka hale kiaka.
Maging ang ilan sa mga opisyal ng probinsiya ng Asia na kaniyang mga kaibigan ay nagpadala ng mensahe na nakikiusap na huwag siyang tumuloy sa tanghalan.
32 Nolaila uwauwa ae la kekahi poe i kekahi mea a me kela poe i kela mea; no ka mea, ua mokuahana ua ahakanaka la; a o ka nui o lakou, aole lakou i ike i ka lakou mea i hoakoakoa'i.
Ang ibang mga tao ay sumisigaw ng isang bagay, at ang ilan ay naman, sapagkat nalito ang mga tao. Karamihan sa kanila ay hindi alam kung bakit sila nagkatipon-tipon doon.
33 Hoeueu ae la lakou ia Alekanedero, noloko mai o ka lehulehu, na ka poe Iudaio ia i alakai mai. Peahi aku la o Alekanedero i ka lima, manao iho la ia e hoapono ia ia iho imua o na kanaka.
Dinala ng mga Judio si Alejandro palabas sa maraming tao, ihinarap siya sa mga tao. Si Alejandro ay nagsenyas ng kaniyang kamay upang magbigay ng paliwanag sa mga tao.
34 A ike lakou he Iudaio ia, kahea aku la lakou me ka leo hookahi, a liuliu, elua no hora. Nani ka mana o Diana o ko Epeso.
Ngunit nang malaman nila na siya ay isang Judio, sumigaw silang lahat ng may iisang tinig sa loob ng dalawang oras, “Dakila si Diana ng mga taga Efeso.”
35 Hoolai iho la nae ke kakaolelo i ua ahakanaka la, i aku la, E na kanaka o Epeso nei, owai ke kanaka ike ole i ke kulanakauhale o Epeso nei he poe kakou e hoomaua ana ia Diana, i ka mea i haule no Iupita mai?
Nang patahimikin ng kalihim ng bayan ang mga tao, sinabi niya, “Kayong mga taga-Efeso, sino ba naman ang hindi nakakaalam na ang lungsod ng mga taga Efeso ay tagapag-ingat ng templo ng dakilang Diana at ng kaniyang imahe na nahulog mula sa langit?
36 No ka hiki ole i kekahi ke hoole i keia mau mea, he pono ia oukou e hoolai, aole hoi e hana wikiwiki.
Nakikita naman natin na ang mga bagay na ito ay hindi maitatanggi, kinakailangan na kayo ay manahimik at huwag maging pabigla-bigla.
37 Ua kai mai oukou i keia mau kanaka, aole lakou he poe hao heiau, aole hoi i olelo hoino i ko oukou akua.
Sapagkat dinala ninyo ang mga lalaking ito sa hukumang ito na hindi magnanakaw sa templo o nagsasalita ng masama sa ating diyosa.
38 No ia mea, ina i loaa ia Demeterio, a me ka poe paahana me ia, ka hala o kekahi, ua maopopo na la hookolokolo, a me na lunakanawai. E hoopii lakou kekahi i kekahi.
Kaya, kung si Demetrio at ang mga manggagawa na kasama niya ay may reklamo laban sa sinuman, bukas ang hukuman at nandiyan ang mga gobernador. Hayaan ninyo na akusahan nila ang isat isa.
39 Aka, ina imi oukou ma kekahi mea e, e hooponoponoia ia mea, ma ka ahakanaka ku i ke kanawai.
Ngunit kung naghahanap kayo ng kasagutan sa anumang bagay, ito ay maaring maayos sa pagpupulong.
40 No ka mea, e hoopiiia mai paha auanei kakou, no ka haunaele o keia la, aole hoi e hiki ia kakou ke hai aku i ka mea i akoakoa'i keia ahakanaka.
Kung gayon tayo ay nanganganib na maakusahan sa nangyaring kaguluhan sa araw na ito. Walang dahilan para sa kaguluhang ito, at hindi natin kayang ipaliwanag ito.”
41 A i ka olelo ana i keia mea, hookuu aku la ia i ua ahakanaka la.
Nang sabihin niya ito, tinapos na niya ang pagpupulong.

< Oihana 19 >