< Markus 5 >

1 Suka ƙetare tafkin suka je yankin Gerasenawa.
Dumating sila sa kabilang dako ng dagat, sa rehiyon ng Geraseno.
2 Da Yesu ya sauka daga jirgin ruwa, sai wani mutum mai mugun ruhu ya fito daga kaburbura, ya tarye shi.
At nang bumababa si Jesus sa bangka, agad may isang lalaking may maruming espiritu ang pumunta sa kaniya mula sa mga libingan.
3 Wannan mutumin ya mai da kaburbura gidansa. Kuma ba wanda ya iya daure shi, ko da sarƙa ma.
Ang lalaki ay nakatira sa mga libingan. Wala nang makapagpigil sa kaniya, kahit pa kadena.
4 Gama an sha daure shi hannu da ƙafa da sarƙa, amma yakan tsintsinke sarƙar, yă kuma karye ƙarafan da suke ƙafafunsa. Ba wanda yake da ƙarfin da zai iya yă riƙe shi.
Ilang ulit na siyang ginapos gamit ang mga tanikala at kadena. Sinisira niya ang mga kadena at winawasak niya ang kaniyang mga tanikala. Walang sinuman ang may lakas na supilin siya.
5 Dare da rana, sai yă dinga kuka yana ƙuƙƙuje jikinsa da duwatsu a cikin kaburbura da kan tuddai.
Bawat gabi at araw sa mga libingan at sa mga bundok, sumisigaw siya at sinusugatan niya ang kaniyang sarili ng mga matatalas na bato.
6 Da ya hangi Yesu daga nesa, sai ya ruga da gudu, ya zo ya durƙusa a gabansa.
Nang nakita niya si Jesus sa malayo, tumakbo siya sa kaniya at yumuko sa kaniyang harapan.
7 Ya yi ihu da babbar murya ya ce, “Ina ruwanka da ni Yesu, Ɗan Allah Mafi Ɗaukaka? Ka rantse da Allah cewa ba za ka ba ni azaba ba!”
Sumigaw siya nang may malakas na boses, “Ano ang kinalaman ko sa iyo, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako sa iyo sa Diyos mismo, huwag mo akong pahirapan.”
8 Gama Yesu ya riga ya ce masa, “Ka fita daga jikin mutumin nan, kai mugun ruhu!”
Sapagkat sinasabi niya sa kaniya, “Lumabas ka sa lalaking ito, ikaw na maruming espiritu.”
9 Sai Yesu ya tambaye shi ya ce, “Mene ne sunanka?” Sai ya amsa ya ce, “Sunana Lejiyon, wato, ‘Tuli,’ domin muna da yawa.”
At tinanong niya ito, “Ano ang pangalan mo?” At sumagot siya, “Ang pangalan ko ay Pulutong, sapagkat marami kami.”
10 Sai ya yi ta roƙon Yesu, kada yă kore su daga wurin.
Paulit-ulit siyang nakiusap sa kaniya na huwag silang papuntahin sa labas ng rehiyon.
11 A kan tudun da yake nan kusa kuwa, akwai wani babban garken aladu, suna kiwo.
Ngayon may malaking kawan ng baboy ang naroon na kumakain sa burol,
12 Sai aljanun suka roƙi Yesu, suka ce, “Tura mu cikin aladun nan, ka bari mu shiga cikinsu.”
at nagmakaawa sila sa kaniya, na sinasabi, “Papuntahin mo kami sa mga baboy, hayaan mo kaming pumasok sa kanila.”
13 Ya kuwa yarda musu, sai mugayen ruhohin suka fita suka shiga cikin aladun. Garken kuwa, yana da kusan aladu dubu biyu, suka gangara daga kan tudun zuwa cikin tafkin, suka nutse.
Kaya pinayagan niya ang mga ito, lumabas ang mga masamang espiritu at pumasok sa mga baboy, at nagtakbuhan sila patungo sa matarik na burol papunta sa dagat, halos dalawang libong baboy ang nalunod sa dagat.
14 Masu kiwon aladun kuwa suka ruga da gudu zuwa cikin gari da ƙauyuka, suka ba da wannan labari. Sai mutanen suka fito, domin su ga abin da ya faru.
At tumakbo ang mga nagpapakain sa mga baboy at ipinamalita sa lungsod at sa mga karatig-pook kung ano ang nangyari. At maraming tao ang pumunta upang makita kung ano ang nangyari.
15 Da suka kai wajen Yesu, sai suka ga mutumin da dā yake da tulin aljanun yana zaune a wurin, sanye da tufafi kuma cikin hankalinsa, sai suka ji tsoro.
Pagkatapos ay pumunta sila kay Jesus at nakita nila ang lalaking sinapian ng demonyo— na may Pulutong—na nakaupo, nakabihis, at nasa kaniyang tamang kaisipan, at sila ay natakot.
16 Waɗanda suka ga abin da ya faru, suka ba da labarin abin da ya faru da mai aljanun, da kuma aladun.
Sinabi sa kanila ng mga nakakita ng nangyari sa lalaking sinapian ng demonyo kung ano ang nangyari sa kaniya at gayon din ang tungkol sa mga baboy.
17 Sai mutane suka fara roƙon Yesu yă bar yankinsu.
At nagsimula silang nagmakaawa sa kaniya na umalis sa kanilang rehiyon.
18 Yesu yana kan shiga cikin jirgin ruwa ke nan, sai mutumin da dā yake da aljanun ya roƙa yă bi shi.
At nang sumasakay na siya sa bangka, nakiusap sa kaniya ang lalaking sinaniban ng demonyo kung maaari siyang sumama sa kaniya.
19 Yesu bai yardar masa ba, amma ya ce, “Ka tafi gida wurin iyalinka, ka gaya musu babban alherin da Ubangiji ya yi maka, da yadda ya yi maka jinƙai.”
Ngunit hindi siya pumayag dito, subalit sinabi niya sa kaniya, “Umuwi ka sa iyong bahay at sa mga kasama mo, at sabihin mo sa kanila kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa iyo at kung paano ka niya kinahabagan.”
20 Sai mutumin ya tafi, ya yi ta ba da labari a cikin Dekafolis a kan babban alherin da Yesu ya yi masa. Dukan mutane kuwa suka yi mamaki.
Kaya siya ay umalis at nagsimulang ihayag ang mga dakilang bagay na ginawa ni Jesus para sa kaniya sa Decapolis at ang lahat ay namangha.
21 Da Yesu ya sāke ƙetarewa cikin jirgin ruwa zuwa ɗaya hayen tafkin, sai taro mai yawa ya taru kewaye da shi yayinda yake a bakin tafkin.
At nang si Jesus ay muling tumawid sa kabilang dako, maraming mga tao ang pumalibot sa kaniya sa bangka, sapagkat siya ay nasa tabing dagat.
22 Sai ɗaya a cikin masu mulkin majami’a, wanda ake kira Yayirus ya zo wurin. Da ganin Yesu, sai ya durƙusa a gabansa,
At isa sa mga pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo ang dumating, at nang makita niya si Jesus, nagpatirapa siya sa kaniyang paanan.
23 ya roƙe shi da gaske ya ce, “Ƙaramar diyata tana bakin mutuwa. In ka yarda, ka zo ka ɗibiya hannunka a kanta, domin ta warke, ta kuma rayu.”
Nagmakaawa siya nang paulit-ulit na nagsasabi, “Ang aking anak na babae ay malapit nang mamatay. Nakikiusap ako sa iyo, halika ka at ipatong ang iyong mga kamay sa kaniya upang siya ay gumaling at mabuhay.”
24 Sai Yesu ya tafi tare da shi. Babban taron kuma ya bi shi, suna ta matsinsa a kowane gefe.
Kaya sumama siya sa kaniya at sumunod sa kaniya ang napakaraming tao at sila ay nag-uumpukan sa palibot niya.
25 A can kuwa akwai wata mace, wadda ta yi shekaru goma sha biyu tana zub da jini.
Ngayon, mayroong isang babae na walang tigil na dinudugo sa loob ng labing dalawang taon.
26 Ta kuma sha wahala ƙwarai a hannun likitoci da yawa, har ta kashe duk abin da take da shi, amma maimakon samun sauƙi, sai ciwon ya ƙara muni.
Dumanas siya ng maraming hirap sa ilalim ng mga manggagamot at naubos na niya ang lahat ng mayroon siya. Ngunit walang nakatulong sa kaniya, sa halip ay lalo pang lumala.
27 Da ta ji labarin Yesu, sai ta zo ta bayansa, a cikin taron, ta taɓa rigarsa,
Narinig niya ang mga balita tungkol kay Jesus. Kaya pumunta siya sa kaniyang likuran habang siya ay naglalakad sa gitna ng maraming tao, at hinawakan niya ang kaniyang balabal.
28 domin ta yi tunani cewa, “Ko da rigunarsa ma na taɓa, zan warke.”
Sapagkat iniisip niya, “Kung mahawakan ko man lang kahit ang kaniyang damit, ako ay gagaling.”
29 Nan da take, zub da jininta ya tsaya, sai ta ji a jikinta ta rabu da shan wahalarta.
Nang mahawakan niya siya, tumigil ang pagdurugo, at naramdaman niya sa kaniyang katawan na siya ay gumaling na sa kaniyang paghihirap.
30 Nan da nan Yesu ya gane cewa, iko ya fita daga gare shi. Sai ya juya a cikin taron ya yi tambaya, “Wa ya taɓa rigata?”
At agad napansin ni Jesus na may lumabas na kapangyarihan mula sa kaniya. At lumingon siya sa mga tao at nagtanong, “Sino ang humawak sa aking damit?”
31 Sai almajiransa suka ce, “Kana ganin mutane suna matsinka, duk da haka kana tambaya, ‘Wa ya taɓa ni?’”
Sinabi sa kaniya ng mga alagad, “Nakita mo ang napakaraming taong nag-uumpukan sa paligid mo, at sasabihin mong 'Sino ang humawak sa akin?”
32 Amma Yesu ya ci gaba da dubawa don yă ga wa ya taɓa shi.
Ngunit si Jesus ay tumingin sa paligid upang malaman kung sino ang may gawa nito.
33 Matar, da yake ta san abin da ya faru da ita, sai ta zo ta durƙusa a gabansa, da tsoro da rawan jiki, ta kuma gaya masa dukan abin da ya faru.
Nang nalaman ng babae ang nangyari sa kaniya, natakot siya at nanginig. Lumapit siya at nagpatirapa sa kaniyang harapan at sinabi ang buong katotohanan.
34 Sai ya ce mata, “Diyata, bangaskiyarki ta warkar da ke. Ki sauka lafiya, kin kuma rabu da dukan wahalarki.”
Sinabi niya sa kaniya, “Anak, ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo. Umuwi ka nang may kapayapaan at gumaling ka sa iyong karamdaman.”
35 Yayinda Yesu yana cikin magana, sai waɗansu mutane daga gidan Yayirus, mai mulkin majami’a, suka zo suka ce, “Diyarka ta rasu. Kada ma ka wahal da Malam.”
Habang siya ay nagsasalita, ilang tao mula sa pinuno ng sinagoga ang dumating at nagsabi, “Patay na ang iyong anak. Bakit mo pa aabalahin ang Guro?”
36 Yesu bai kula da abin da suka faɗa ba, sai ya ce wa mai mulkin majami’ar, “Kada ka ji tsoro, ka gaskata kawai.”
Ngunit nang marinig ni Jesus ang kanilang sinabi, sinabi niya sa pinuno ng sinagoga, “Huwag kang matakot, maniwala ka lang.”
37 Bai bar kowa ya bi shi ba, sai Bitrus, Yaƙub da Yohanna ɗan’uwan Yaƙub.
Hindi niya pinayagan ang kahit sino na sumama sa kaniya maliban kay Pedro, Santiago, at Juan na kapatid ni Santiago.
38 Da suka iso gidan mai mulkin majami’ar, sai Yesu ya ga ana hayaniya, mutane suna kuka da kururuwa.
Nakarating sila sa bahay ng pinuno nang sinagoga at nakita niya ang kaguluhan, napakaraming iyakan at pagtangis.
39 Sai ya shiga ciki, ya ce musu, “Mene ne dalilin wannan hayaniya da kuka? Yarinyar ba mutuwa ne ta yi ba, barci take yi.”
Nang pumasok siya sa bahay, sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nababalisa at bakit kayo umiiyak? Ang bata ay hindi patay kundi natutulog.”
40 Sai suka yi masa dariya. Bayan ya fitar da su duk waje, sai ya ɗauki mahaifin da mahaifiyar yarinyar tare da almajiran da suke tare da shi, suka shiga inda yarinyar take.
Siya ay pinagtawanan nila, ngunit pinalabas niya silang lahat, isinama niya ang ama at ina ng bata at maging ang mga kasama niya, at pumunta sila kung saan naroroon ang bata.
41 Sai ya kama hannunta ya ce mata, “Talita kum!” (Wato, “Ƙaramar yarinya, na ce miki, tashi!”).
Kinuha niya ang kamay ng bata at sinabi sa kaniya, “Talitha koum,” na ang ibig sabihin ay “Batang babae, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.”
42 Nan da nan, sai yarinyar ta tashi ta yi tafiya (shekarunta goma sha biyu ne). Saboda wannan, suka yi mamaki ƙwarai.
Agad na tumayo ang bata at naglakad (sapagkat siya ay labindalawang taon). At kaagad labis silang namangha.
43 Sai ya ba da umarni mai tsanani, kada kowa yă san kome game da wannan. Sai ya ce musu, su ba ta wani abu tă ci.
Mahigpit niya silang pinagbilinan na walang dapat makaalam ng tungkol dito. At inutusan niya sila na bigyan ang bata ng makakain.

< Markus 5 >