< Firistoci 7 >
1 “‘Waɗannan su ne ƙa’idodi na hadaya don laifi, hadaya ce tsattsarka.
Ito ang batas ng handog na pambayad para sa kasalanan. Pinakabanal ito.
2 Za a yanka hadaya don laifi a inda ake yanka hadaya ta ƙonawa, za a kuma yayyafa jinin a kowane gefe na bagade.
Dapat nila patayin ang handog na pambayad para sa kasalanan sa lugar ng pagpatay dito, at dapat isaboy nila ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
3 Za a miƙa kitsen abin hadaya duka, da wutsiya mai kitse, da kitsen da yake rufe da kayan ciki,
Ihahandog ang lahat ng taba nito: ang taba ng buntot, ang taba na nasa panloob na mga bahagi,
4 da ƙodoji biyu da kitsen da yake a bisansu kusa da kwiɓi, da kuma rufin hanta, wanda za a cire tare da ƙodoji.
ang dalawang bato at ang taba na nasa mga ito, na kasunod sa mga puson, at ang bumalot sa atay, kasama ang mga bato—dapat tanggalin ang lahat ng ito.
5 Firist zai ƙone su a kan bagade, hadaya ce da aka ƙone da wuta ga Ubangiji. Hadaya ce don laifi.
Dapat sunugin ng pari ang mga bahagi sa altar bilang isang handog na sinunog sa apoy para kay Yahweh. Ito ang handog na pambayad para sa kasalanan.
6 Kowane da namiji cikin iyalin firistoci zai iya ci. Sai a tsattsarkan wuri ne za a ci; gama abu mafi tsarki ne.
Bawat lalaki na kabilang sa mga pari ay maaaring kumain ng bahagi ng handog na ito. Dapat kainin ito sa isang banal na lugar dahil pinakabanal ito.
7 “‘Hadaya don laifi kamar hadaya don zunubi take, saboda haka ƙa’ida hanyar yinsu iri ɗaya ce. Su ɗin na firist da ya yi kafara da su ne.
Ang handog para sa kasalanan ay katulad ng handog na pambayad para sa kasalanan. Parehong batas ang ginagamit sa dalawang ito. Nabibilang ang mga ito sa pari na siyang gumawa ng pambayad para sa kasalanan sa kanila.
8 Firist da ya miƙa hadaya ta ƙonawa domin wani, zai iya ajiye fatar wa kansa.
Ang pari na siyang naghahandog ng kanino mang handog na sinunog ay maaaring ilaan para sa kaniyang sarili ang balat ng handog na iyon.
9 Kowace hadaya ta garin da aka toya a tanda, ko aka dafa a tukunya ko a kan kaskon tuya, na firist da ya miƙa ta ne,
Bawat handog na pagkaing butil na inihurno sa isang hurno, at ang bawat handog na niluto sa isang kawali o sa isang kawaling panghurno ay mabibilang sa pari na siyang naghahandog nito.
10 kuma kowace hadaya ta gari wadda aka kwaɓa da mai, ko wadda ba a kwaɓa ba, ita ma, ta dukan’ya’ya Haruna ne maza.
Bawat handog na pagkaing butil, kahit tuyo o hinaluan ng langis, parehong mabibilang sa lahat ng mga kaapu-apuhan ni Aaron.
11 “‘Waɗannan su ne ƙa’idodin hadaya don zumuncin da mutum zai iya miƙa ga Ubangiji.
Ito ang batas ng alay na handog para sa kapayapaan na ihahandog ng mga tao kay Yahweh.
12 “‘In ya miƙa hadayar a matsayin hadaya ta godiya ce, to, zai miƙa ta tare da burodi mai kauri marar yisti, wanda aka kwaɓa da mai, da burodi marar kauri, wanda aka shafa wa mai, da kuma burodi mai kauri da aka yi da gari mai laushi wanda aka kwaɓa sosai da mai.
Kung sinuman ang maghahandog nito para magbigay ng mga pasasalamat, kung gayon dapat niya ihandog ito kasama ng isang alay na mga tinapay na ginawa na walang pampaalsa, ngunit hinaluan ng langis, mga tinapay na ginawa na walang pampaalsa, ngunit pinahiran ng langis, at ang mga tinapay na ginawa gamit ang pinong harina na hinaluan ng langis.
13 Tare da hadayarsa don zumunci ta godiya, zai miƙa dunƙulen burodin da aka yi da yisti.
Pati rin ang para sa layunin ng pagbibigay ng mga pasasalamat, dapat ihandog niya kasama ang kaniyang handog na para sa kapayapaan ang mga tinapay na niluto na may pampaalsa.
14 Zai kuma kawo ɗaya daga kowace a matsayin hadaya, baiko ne ga Ubangiji. Wannan zai zama na firist da ya yafa jinin hadaya ta salama ne.
Ihahandog niya ang isa sa bawat uri ng mga alay bilang isang handog na idudulog kay Yahweh. Magiging pag-aari ito ng mga pari na siyang nagsaboy ng dugo ng mga handog para sa kapayapaan sa altar.
15 Za a ci wannan nama na hadaya don zumunci ta godiya a ranar da aka miƙa ta, kada yă bar wani abu daga naman yă kwana.
Ang taong naghahandog ng isang handog para sa kapayapaan para sa layunin ng pagbibigay ng mga pasasalamat ay dapat kainin ang karne na kanyang handog sa araw ng pag-alay. Wala siyang dapat itira na anuman nito hanggang sa susunod na umaga.
16 “‘In hadayarsa cika wa’adin rantsuwa ce ko kuwa ta yardar rai ce, sai a ci hadayar a ranar da ya miƙa ta, amma za a iya cin duk abin da ya rage kashegari.
Ngunit kung ang alay na kaniyang handog ay para sa layunin ng isang panata, o para sa isang layunin ng pagkukusang-loob na handog, kakainin dapat ang karne sa araw na kaniyang ihahandog ang kanyang alay, pero kung anuman ang natira nito ay maaaring kainin kinabukasan.
17 Duk naman hadayar da ya rage har kwana uku, dole a ƙone shi.
Subalit, kung anumang karne ng alay na natira sa ikatlong araw ay dapat sunugin.
18 Idan aka ci naman hadayarsa ta salama a rana ta uku, ba za a karɓi wanda ya ba da hadayar har ya sami albarkar hadayar ba, naman zai zama abin ƙyama, duk wanda ya ci kuwa ya yi laifi.
Kung anuman sa karne ng alay ng tao na handog para sa kapayapaan ay kinain sa ikatlong araw, hindi ito tatanggapin, ni bibigyang pagkilala ang taong naghandog nito. Ito ay magiging isang kasuklam-suklam na bagay, at ang tao na siyang kumain nito ay dadalhin ang pagkakasala ng kaniyang kasalanan.
19 “‘Ba za a ci naman da ya taɓa wani abu marar tsarki ba; dole a ƙone shi. Game da sauran nama, kowa da yake mai tsarki zai iya ci.
Anumang karne na madikit sa maruming bagay ay hindi dapat kainin. Dapat itong sunugin. Ganoon din sa natirang karne, sinuman ang malinis ay maaaring kumain nito.
20 Amma in wani wanda ba shi da tsarki ya ci naman hadaya ta salama ga Ubangiji, za a fid da mutumin daga cikin mutanensa.
Subalit, ang taong marumi na kumain sa anumang karne mula sa alay ng isang handog para sa kapayapaan na pag-aari ni Yahweh—dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga kababayan.
21 Idan wani mutum ya taɓa abu marar tsarki, ko mutum ne, ko dabba ce, ko wani abu na banƙyama, ya kuma ci naman hadaya ta salama ga Ubangiji, za a fid da mutumin daga cikin mutanensa.’”
Kung sinuman ang makahahawak ng anumang bagay na marumi—kahit ang taong walang kalinisan, o hayop na hindi malinis, o alin mang hindi malinis at nakapandidiring bagay, at kung kinain niya ang ilan sa karne na isang alay na handog para sa kapayapaan na pag-aari ni Yahweh, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga kababayan.”'
22 Ubangiji ya ce wa Musa,
Pagkatapos nangusap si Yahweh kay Moises, sinasabing,
23 “Ka faɗa wa Isra’ilawa, ‘Kada ku ci wani kitsen shanu, ko na tumaki, ko kuwa na awaki.
“Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin, 'Hindi kayo dapat kumain ng taba ng isang baka o tupa o kambing.
24 Za a iya yin wani amfani da kitsen dabbar da ta mutu mushe, ko kitsen dabbar da namun jeji su yayyaga, amma kada a kuskura a ci.
Ang taba ng isang hayop na namatay na hindi naalay, o ang taba ng isang hayop na nilapang mga mababangis na hayop, maaaring gamitin para sa ibang mga layunin, pero tiyak na hindi ninyo dapat kainin ito.
25 Duk wanda ya ci kitsen dabbar da aka miƙa ta wuta ga Ubangiji, za a fid da shi daga mutanensa.
Sinuman ang kumain ng taba ng isang hayop na maaaring ihandog ng mga lalaki bilang isang alay na susunugin sa apoy para kay Yahweh, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga lahi.
26 Kuma duk inda kuke zama, ba za ku ci jinin wani tsuntsu ko na dabba ba.
Hindi dapat kayo kumain ng anumang dugo sa anuman sa inyong mga bahay, mula man ito sa isang ibon o sa isang hayop.
27 Duk wanda ya ci jini, za a fid da mutumin daga mutanensa.’”
Sinuman ang kumain ng anumang dugo, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga kababayan.”'
28 Ubangiji ya ce wa Musa,
Kaya nangusap si Yahweh kay Moises at sinabi,
29 “Faɗa wa Isra’ilawa, ‘Duk wanda ya kawo hadaya ta salama ga Ubangiji, sai ya kawo hadayarsa ga Ubangiji daga cikin hadayu na salama.
“Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin, 'Sino man ang maghandog ng alay ng isang handog para sa kapayapaan para kay Yahweh ay dapat magdala ng bahagi ng kaniyang alay para kay Yahweh.
30 Da hannuwansa zai kawo hadayar da za a ƙona ga Ubangiji; zai kawo kitsen tare da ƙirjin, yă kuma kaɗa ƙirjin a gaban Ubangiji a matsayin hadaya ta kaɗawa.
Ang handog para kay Yahweh na susunugin sa apoy, dapat ang kaniyang sariling mga kamay ang magdala nito. Dapat niya dalhin ang taba kasama ang dibdib, para ang dibdib ay maging isang handog na maitaas sa harapan ni Yahweh at idulog sa kaniya.
31 Firist zai ƙone kitsen a bisa bagade, amma ƙirjin zai zama na Haruna da’ya’yansa maza.
Dapat sunugin ng pari ang taba sa altar, pero ang dibdib ay ikakaloob kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan.
32 Za ku ba da cinya ta dama ta hadaya don zumuncinku ga firist a matsayin baiko.
Dapat ibigay ninyo ang kanang hita sa pari bilang isang handog na idinulog mula sa alay ng inyong handog para sa kapayapaan.
33 Ɗan Haruna da ya miƙa jini da kitsen hadaya ta salama, zai ɗauki cinyar tă zama rabonsa.
Ang pari, isa sa mga kaapu-apuhan ni Aaron, ang naghandog ng dugo ng mga handog para sa kapayapaan at ang taba—magkakaroon siya ng kanang hita bilang kaniyang bahagi sa handog.
34 Daga hadaya ta salama ta Isra’ilawa, na ɗauki ƙirjin da aka kaɗa da kuma cinyar da aka miƙa, na ba da su ga Haruna firist da kuma’ya’yansa maza a matsayin rabonsu na kullum daga Isra’ilawa.’”
Dahil kinuha ko ang handog na dibdib at hita na itinaas at idinulog sa akin, at ibinigay ko ang mga ito kay Aaron, ang pinakapunong pari at sa kaniyang mga kaapu-apuhan; patuloy itong magiging kanilang bahagi mula sa mga alay na handog para sa kapayapaan na ginawa ng bayan ng Israel.
35 Wannan shi ne sashen hadayar da aka ba wa Haruna da’ya’yansa maza, hadayar da aka yi ga Ubangiji da wuta, tun ranar da aka gabatar da su don su yi wa Ubangiji hidima a matsayin firist.
Ito ay bahagi para kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan mula sa mga handog para kay Yahweh na sinunog sa apoy, sa araw na iniharap sila ni Moises para maglingkod kay Yahweh sa gawain ng pari.
36 A ranar da aka keɓe su, Ubangiji ya umarta cewa Isra’ilawa su ba da wannan a gare su a matsayin rabonsu na kullum, a dukan tsararraki masu zuwa.
Ito ang mga bahagi na iniutos ni Yahweh na ibigay sa kanila mula sa bayan ng Israel, sa araw na kaniyang hinirang ang mga pari. Patuloy itong magiging kanilang bahagi sa lahat ng mga salinlahi.
37 Waɗannan su ne ƙa’idodi don hadaya ta ƙonawa, hadaya ta gari, hadaya don zunubi, hadaya don laifi, hadaya ta naɗi da kuma hadaya ta salama,
Ito ang batas ng sinunog na handog, handog na pagkaing butil, handog para sa kasalanan, handog na pambayad para sa kasalanan, handog na pagpapabanal, at alay na handog para sa kapayapaan,
38 waɗanda Ubangiji ya ba wa Musa a Dutsen Sinai, a Hamadar Sinai, a ranar da ya umarci Isra’ilawa su kawo hadayunsu ga Ubangiji.
kung saan ibinigay ni Yahweh ang mga utos kay Moises sa Bundok Sinai sa araw na kaniyang iniutusan ang bayan ng Israel na maghandog ng kanilang mga alay kay Yahweh sa ilang g Sinai.”'