< Ayuba 1 >
1 A ƙasar Uz akwai wani mutum mai suna Ayuba. Mutum ne marar laifi kuma mai adalci; yana tsoron Allah, ba ruwansa da mugunta.
May isang lalaki sa lupain ng Uz na ang pangalan ay Job; walang maipipintas kay Job at siya ay matuwid, may takot siya sa Diyos at tumatalikod sa anumang kasamaan.
2 Yana da’ya’ya maza bakwai da’yan mata uku,
Binigyan siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.
3 yana da tumaki dubu bakwai, raƙuma dubu uku, shanu ɗari biyar, da jakuna ɗari biyar, yana kuma da masu yi masa aiki da yawa. A ƙasar Gabas ba wani kamar sa.
May pag-aari siyang pitong libong mga tupa, tatlong libong kamelyo, limang daang pares ng mga baka, at limang daang mga asno at napakaraming mga lingkod. Ang lalaking ito ang pinaka-dakila sa lahat ng tao sa Silangan.
4 ’Ya’yansa maza sukan yi biki a gidajensu, wannan yă yi yă ba wancan, sai su kira’yan’uwansu mata ukun su ci, su sha tare.
Sa bawat araw na may kani-kaniyang pagdiriwang ang mga anak na lalaki, ipinapatawag nila ang kanilang tatlong kapatid na babae para kumain at uminom kasama nila.
5 Bayan lokacin bikin ya wuce, sai Ayuba yă aika su zo don yă tsarkake su. Tun da sassafe zai miƙa hadaya ta ƙonawa domin kowannensu, don yana tunani cewa, “Mai yiwuwa’ya’yana sun yi wa Allah zunubi, ko sun la’anta shi a cikin zuciyarsu.” Haka Ayuba ya saba yi.
Pagkatapos ng mga araw ng pista, sila ay ipinapatawag at muli silang itatalaga ni Job sa Diyos. Babangon siya nang maagang-maaga at mag-aalay ng sinunog na handog para sa bawat kaniyang mga anak, dahil iniisip niya na, “Marahil nagkasala ang aking mga anak at isinumpa ang Diyos sa kanilang mga puso.” Ito ay laging ginagawa ni Job.
6 Wata rana mala’iku suka kawo kansu gaban Ubangiji, Shaiɗan shi ma ya zo tare da su.
At dumating naman ang isang araw para humarap ang mga anak ng Diyos kay Yahweh, at si Satanas ay dumalo kasama nila.
7 Ubangiji ya ce wa Shaiɗan, “Daga ina ka fito?” Shaiɗan ya amsa wa Ubangiji ya ce, “Daga yawo a duniya ina kai da kawowa a cikinta.”
Ang tanong ni Yahweh kay Satanas, “Saan ka naman nanggaling?” Sumagot si Satanas kay Yahweh, “Galing ako sa isang paglalakad-lakad sa mundo, nagpabalik-balik ako rito.”
8 Sai Ubangiji ya ce wa Shaiɗan, “Ko ka ga bawana Ayuba? A cikin duniya babu wani kamar sa; shi marar laifi ne, adali kuma, mutum ne mai tsoron Allah, ba ruwansa da mugunta.”
Nagtanong muli si Yahweh, “Ano naman ang masasabi mo sa lingkod kong si Job? Dahil wala siyang katulad sa mundong ito, walang maipipintas at tapat na tao, may takot sa Diyos at tumatalikod sa lahat ng kasamaan.”
9 Sai Shaiɗan ya amsa ya ce, “Haka kawai Ayuba yake tsoron Allah?
Saka sumagot si Satanas kay Yahweh, “Basta na lang ba magkakaroon ng takot sa iyo si Job nang walang kadahilanan?”
10 Ba ka kāre shi da iyalinsa gaba ɗaya da duk mallakarsa ba? Ka Albarkaci ayyukan hannunsa yadda dabbobinsa duk sun cika ko’ina.
Hindi ka ba gumawa ng bakod sa kaniyang paligid, sa paligid ng kaniyang bahay, at sa lahat ng kaniyang mga pag-aari? Pinagpala mo ang kaniyang hanap-buhay at pinarami mo ang kaniyang kayamanan.
11 Ka ɗan miƙa hannunka ka raba shi da duk abin da yake da shi, ba shakka zai la’anta ka kana ji, kana gani.”
Pero iunat mo ang iyong kamay laban sa kaniyang mga pag-aari, at makikita mo na itatanggi ka niya sa iyong harapan.
12 Ubangiji ya ce wa Shaiɗan, “To, shi ke nan, duk abin da yake da shi yana hannunka, amma kada ka taɓa shi, shi kansa.” Sai Shaiɗan ya bar Ubangiji.
Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Makinig ka, ang lahat ng kaniyang pag-aari ay hawakan mo, pero huwag mo siyang pagbubuhatan ng kamay.” Saka umalis si Satanas sa presensiya ni Yahweh.
13 Wata rana lokacin da’ya’yan Ayuba suke cikin biki a gidan babban ɗansa,
Dumating ang isang araw habang nagkakainan at nag-iinuman ang kaniyang mga anak sa bahay ng kanilang panganay na kapatid,
14 sai ɗan aika ya zo wurin Ayuba ya ce masa, “Shanu suna huɗa, jakuna kuma suna kiwo nan kusa,
isang mensahero ang pumunta kay Job at nagbalita, “Habang ang mga baka ay nag-aararo at ang mga asno ay nanginginain sa kanilang tabi;
15 sai Sabenawa suka auka musu suka kwashe su suka tafi, suka karkashe masu yi maka aiki duka, ni kaɗai na tsira na zo in gaya maka!”
lumusob ang mga Sabano at tinangay sila. Pinatay nga nila ang ibang mga lingkod gamit ang espada; ako lang ang nag-iisang nakatakas para ibalita sa iyo.”
16 Yana cikin magana sai ga wani ɗan aika ya zo ya ce, “Wutar Allah ta sauko daga sama ta ƙona dukan tumaki da masu lura da su, wato, bayinka, ni kaɗai na tsira na zo in gaya maka!”
Habang siya ay nagsasalita pa, dumating ang isa pang lingkod at nagbalita. “Umulan ng apoy ng Diyos mula sa langit at tinupok ang mga tupa kasama na ang mga lingkod; at ako lang ang tanging nakaligtas para sabihin sa iyo.”
17 Yana cikin magana sai ga wani ɗan aika ya zo ya ce, “Ƙungiyoyin mahara uku na Kaldiyawa sun auka wa raƙumanka sun kwashe su duka, suka kuma karkashe masu yi maka aiki, ni kaɗai ne na tsira na zo in gaya maka!”
Habang siya rin ay nagsasalita, may dumating pang isang lingkod at nagbalitang “Gumawa ng tatlong pangkat ang mga Caldea, nilusob ang mga kamelyo, at tinangay silang lahat. Totoo ito, at pinatay pa nila ang mga lingkod gamit ang espada, at ako lang ang nakaligtas para ibalita sa iyo.”
18 Yana cikin magana, sai ga wani ɗan aika ya zo ya ce, “’Ya’yanka maza da mata suna biki, suna ci suna sha a gidan babban ɗanka,
Habang siya ay nagsasalita dumating ang isa pa at nagbalitang, “Nagkakainan at nag-iinuman ng alak ang iyong mga anak sa bahay ng kanilang panganay na kapatid.
19 sai wata iska mai ƙarfi daga hamada ta auka ta rushe gidan, gidan kuwa ya fāɗi a kan’ya’yanka ya kashe su, ni kaɗai na tsira na zo in gaya maka!”
Isang malakas na hangin ang umihip mula sa disyerto at giniba ang apat na haligi ng bahay, nadaganan nito ang mga kabataan, at namatay silang lahat, at ako na lang ang nakatakas para sabihin ito sa iyo.”
20 Da jin haka sai Ayuba ya tashi ya yayyaga tufafin jikinsa, ya aske kansa. Ya fāɗi a ƙasa ya yi sujada
Napatayo si Job, pinunit ang kaniyang damit, inahit ang kaniyang buhok, nagpatirapa sa lupa at sinamba ang Diyos.”
21 ya ce, “Tsirara na fito daga cikin mahaifiyata, tsirara kuma zan koma. Ubangiji ya bayar, Ubangiji kuma ya karɓa; yabo ya tabbata ga Ubangiji.”
Sabi niya, “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik doon. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi; ang pangalan nawa ng Diyos ang mapapurihan.”
22 Cikin wannan duka Ayuba bai yi wa Allah zunubi ta wurin ba shi laifi ba.
Sa lahat ng mga pangyayaring ito, hindi nagkasala si Job at hindi siya naging hangal para akusahan ang Diyos.