< Rit 3 >

1 Alò Naomi, bèlmè li a te di l: “Fi mwen, èske m pa dwe chache sekirite pou ou, pou sa kapab ale byen pou ou?
Sinabi sa kaniya ni Naomi, na kaniyang biyenan, “Aking anak, hindi ba dapat na humanap ako ng lugar para makapagpahinga ka, kaya maging maayos ang mga bagay para sa iyo?
2 Alò èske Boaz avèk sèvant li kote ou te ye yo, èske se pa pwòch fanmi pa nou? Gade byen, l ap vannen lòj nan glasi a aswè a.
Ngayon si Boaz, ang lalaki na ang mga kabataang babaing manggagawa ay nakasama mo, hindi ba kamag-anak natin siya? Tingnan mo, magtatahip siya ng sebada mamayang gabi sa giikang palapag.
3 Pou sa, lave kò ou, onksyone ou e mete pi bèl rad ou yo pou desann nan glasi vannen an. Men pa fè nonm nan konnen kilès ou ye jiskaske li fin manje ak bwè.
Kaya, maglinis, maglagay ka ng pabango, magpalit ka ng damit, at bumaba sa giikan. Pero huwag ka munang magpakilala sa lalaki hanggang matapos siyang kumain at uminom.
4 Li va rive ke lè li fin kouche, ke ou va remake byen kote li kouche a, epi ou va ale dekouvri pye li e kouche la. Konsa li va di ou kisa pou w fè.”
At tiyakin mo, kapag humiga siya, na matandaan mo ang lugar kung saan siya nakahiga para mamaya ay maaari kang pumunta sa kaniya, alisin ang takip ng kaniyang mga paa, at humiga roon. Pagkatapos sasabihin niya sa iyo ang iyong gagawin.”
5 Epi li te di li: “Tout sa ou di m fè, mwen va fè l.”
Sinabi ni Ruth kay Naomi, “Gagawin ko ang lahat ng bagay na sasabihin ninyo.”
6 Konsa, li te desann kote glasi vannen an pou te fè selon tout sa ke bèlmè li te kòmande li yo.
Kaya bumaba siya sa giikan, at sumunod siya sa mga tagubiling ibinigay sa kaniya ng kaniyang biyenan.
7 Lè Boaz te fin manje ak bwè, kè l te kontan. Konsa li te ale kouche nan pwent pil lòj la, e Ruth te vin kote li an sekrè. Konsa, li te dekouvri pye li pou te kouche la.
Nang si Boaz ay makakain at makainom at ang kaniyang puso ay masigla, pumunta siya para humiga sa dulo ng tumpok ng butil. Pagkatapos siya ay dahan-dahang lumapit, inalis ang takip ng kaniyang mga paa, at nahiga.
8 Li te vin rive nan mitan nwit lan ke nonm nan te sibitman sanse yon bagay, epi lè l panche devan an, men yon fanm te kouche la nan pye li.
Nangyari ito noong hatinggabi na ang lalaki ay nagulat. Bumalikwas siya, at naroon ang isang babae na nakahiga sa kaniyang paanan.
9 Li te di: “Kilès ou ye?” Li te reponn: “Mwen se Ruth, sèvant ou a. Konsa, tann kouvèti ou sou sèvant ou a, paske ou se pwòch fanmi pa m.”
Sinabi niya, “Sino ka?” Sumagot siya, “Ako si Ruth, ang iyong babaeng lingkod. Ilatag mo ang inyong balabal sa iyong babaeng lingkod, dahil ikaw ay isang malapit na kamag-anak.”
10 Epi li te di: “Ke ou kapab beni pa SENYÈ a, fi mwen. Ou te montre dènye favè ou a pi bèl pase premye a! Konsa, ke ou pa t kouri dèyè jennonm yo, kit rich, kit pòv.
Sinabi ni Boaz, “Aking anak, pagpalain ka nawa ni Yahweh. Nagpakita ka ng higit na kabaitan sa huli kaysa sa simula, dahil hindi ka humabol alinman sa mga binata, maging mahirap man o mayaman.
11 Alò fi mwen, pa pè; mwen va fè pou ou nenpòt sa ke ou mande, paske tout pèp nan vil la konnen ke ou se yon fanm plen kalite.
At ngayon, aking anak, huwag kang matakot! Gagawin ko para sa iyo ang lahat ng sabihin mo, dahil ang buong lungsod ng aking bayan ay nalalaman na ikaw ay isang karapat-dapat na babae.
12 Alò, se vrè ke mwen se yon pwòch fanmi. Men gen yon fanmi pi pre pase m.
Ngayon ito ay totoo na ako ay isang malapit na kamag-anak; sa gayon, may isang kamag-anak na mas malapit kaysa akin.
13 Rete pou nwit lan e lè maten rive, si li va peye ranson ou, trè byen; kite li peye ranson ou. Men si li pa vle peye ranson ou, alò, kon SENYÈ a viv la, mwen va peye ranson ou! Kouche la jis rive nan maten.”
Manatili ka rito ngayong gabi, at sa umaga, kung gagampanan niya para sa iyo ang tungkulin ng isang kamag-anak, mabuti, hayaang gawin niya ang tungkulin ng isang kamag-anak. Pero kung hindi niya gagawin ang tungkulin ng isang kamag-anak para sa iyo, pagkatapos ako ang gagawa nito, sa pamamagitan ng buhay ni Yahweh. Mahiga ka hanggang sa umaga.”
14 Konsa, li te kouche nan pye li jis rive nan maten e te leve avan youn ta kab rekonèt lòt. Konsa, Boaz te di: “Pa kite li vin konnen ke fanm nan te vini nan glasi vannen an.”
Kaya nahiga siya sa kaniyang paanan hanggang umaga. Pero bumangon siya bago pa man may sinumang makakilala ng ibang tao. Dahil sinabi ni Boaz, “Huwag hayaang malaman na pumarito ang babae sa giikan.”
15 Ankò li te di: “Ban mwen manto ki sou ou a e kenbe li.” Konsa, li te kenbe li e li te mezire sis mezi nan lòj la e te poze l sou li. Epi li te lantre nan vil la.
Pagkatapos sinabi ni Boaz, “Dalhin mo ang iyong balabal at hawakan mo ito.” Nang gawin niya iyon, nakasukat siya ng anim na malalaking sukat ng sebada sa loob nito at pinasan niya. Pagkatapos nagtungo siya sa lungsod.
16 Lè li te rive vè bèlmè li, li te di: “Kijan sa te sòti, fi mwen?” Epi li te di li tout sa ke nonm nan te fè pou li.
Nang dumating si Ruth sa kaniyang biyenan, sinabi niya, “Kamusta ang iyong ginawa, aking anak?” Pagkatapos sinabi ni Ruth sa kaniya ang lahat ng nagawa ng lalaki para sa kaniya.
17 Li te di: “Men sis mezi lòj li te ban mwen yo, paske li te di: ‘Pa kite men a bèlmè ou vid.’”
Sinabi niya, “Itong anim na sukat ng sebada ay kung ano ang ibinigay niya sa akin, dahil sinabi niya, 'Huwag kang umalis na walang dala sa iyong biyenan.'”
18 Epi li te di: “Tann, fi mwen, jiskaske ou konnen kijan afè sa vin fini, paske nonm nan p ap pran repo jiskaske li fin regle li jodi a menm.”
Pagkatapos sinabi ni Naomi, “Manatili ka rito, aking anak, hanggang malaman mo kung anong mangyayari sa bagay na ito, dahil hindi titigil ang lalaki hanggang matapos niya ang bagay na ito ngayon.”

< Rit 3 >