< Sòm 79 >

1 Yon Sòm Asaph O Bondye, nasyon yo te anvayi eritaj Ou a. Yo te souye sen tanp Ou an. Yo te fè Jérusalem kouche nan yon pil ranblè.
O Diyos, ang mga dayuhang bansa ay dumating sa iyong pamana; dinungisan nila ang iyong banal na templo; ginawa nilang isang bunton ng pagkawasak ang Jerusalem.
2 Yo te bay kadav sèvitè Ou yo kon manje pou zwazo syèl yo. Chè a fidèl Ou yo, yo fin bay a bèt latè yo.
Ibinigay nila ang mga patay na katawan ng iyong mga lingkod bilang pagkain ng mga ibon sa himpapawid, ang mga katawan ng iyong tapat na bayan sa mga halimaw ng daigdig.
3 Yo te vide san yo tankou dlo toupatou Jérusalem. Pa t genyen moun ki pou antere yo.
Ibinuhos nila ang kanilang dugo na parang tubig sa paligid ng Jerusalem, at walang naglilibing sa kanila.
4 Nou gen tan vin yon repwòch pou vwazen nou yo, Yon rizib ak yon betiz pou (sila) ki antoure nou yo.
Kami ay naging isang kasiraan para sa aming mga kapwa para magawan ng panunuya at pangungutya ng mga nakapaligid sa amin.
5 Jiskilè, O SENYÈ? Èske Ou va rete fache nèt? Èske jalouzi Ou va brile tankou dife tout tan?
Gaano katagal, Yahweh? Mananatili ba ang iyong galit magpakailanman? Gaano katagal mag-iinit tulad ng apoy ang galit ng iyong pagseselos?
6 Vide kòlè Ou sou nasyon ki pa rekonèt Ou yo, ak sou wayòm yo ki pa rele non Ou yo.
Ibuhos mo ang iyong poot sa mga bansa na hindi nakakakilala sa iyo at sa mga kaharian na hindi tumatawag sa iyong pangalan.
7 Paske yo te devore Jacob. Yo te devaste abitasyon Li an.
Dahil nilamon nila si Jacob at winasak ang kaniyang mga nayon.
8 Pa sonje inikite a papa zansèt nou yo pou kenbe kont nou. Kite mizerikòd Ou vini vit rankontre nou, paske nou fin rive ba nèt.
Huwag ibilang ang mga kasalanan ng aming mga ninuno laban sa amin; dumating nawa ang mga mahabaging pagkilos mo sa amin, dahil napakahina namin.
9 Fè nou sekou, O Bondye sali nou an, pou glwa a non Ou. Delivre nou e padone peche nou yo, pou koz a non Ou.
Tulungan mo kami, Diyos ng aming kaligtasan, alang-alang sa kaluwalhatian ng iyong pangalan; iligtas mo kami at patawarin ang aming mga kasalanan alang-alang sa iyong pangalan.
10 Poukisa nasyon yo ta di: “Kote Bondye yo ye?” Kite li vin rekonèt pami nasyon yo devan zye nou, ke vanjans pou san sèvitè Ou yo ap vèse.
Bakit kailangan sabihin ng mga bansa, “Nasaan ang kanilang Diyos?” Nawa ang dugo ng iyong mga lingkod na ibinuhos ay maipaghiganti sa mga bansang nasa harap ng aming mga mata.
11 Kite vwa prizonyè k ap plenyen yo rive devan Ou. Selon grandè fòs Ou, prezève (sila) ki kondane a lamò.
Nawa ang mga pagdaing ng mga bilanggo ay dumating sa harap mo; sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan panatilihin mong buhay ang mga anak ng kamatayan.
12 Fè remet a vwazen nou yo, sèt fwa antre nan vant yo, repwòch avèk (sila) yo te repwoche Ou a, O SENYÈ.
Pagbayarin mo sa mga kandungan ng aming mga karatig- bansa ng pitong beses ang mga pang-iinsulto sa iyo, Panginoon.
13 Konsa nou menm, pèp Ou a, ak mouton a patiraj Ou a, Va bay Ou remèsiman jis pou tout tan. A tout jenerasyon yo, nou va pale lwanj Ou.
Kaya kami na bayan mo at tupa ng iyong pastulan ay magbibigay ng pasasalamat sa iyo magpakailanman. Sasabihin namin ang iyong mga papuri sa lahat ng mga salinlahi.

< Sòm 79 >