< Mak 9 >
1 Jésus te di yo: “Anverite Mwen di nou, gen kèk moun nan sila ki kanpe la yo ki p ap goute lanmò jouk lè yo fin wè wayòm Bondye a rive avèk pouvwa.”
At sinabi niya sa kanila, “Totoo itong sasabihin ko sa inyo, mayroong ilan sa inyo na nakatayo rito ang hindi makakaranas ng kamatayan bago nila makita ang kaharian ng Diyos na darating na may kapangyarihan.”
2 Sis jou pita, Jésus te pran avè L, Pierre, Jacques, avèk Jean, e te mennen yo sou yon mòn wo pou kont yo. La, devan yo, Li te transfòme nan yon lòt fòm.
At makalipas ang anim na araw, sinama ni Jesus si Pedro, Santiago at Juan na umakyat sa mataas na bundok, na sila lang ang naroon. Pagkatapos, nagbago ang kaniyang anyo sa kanilang harapan.
3 Rad Li yo te vin klere jis yo blanchi nèt, blanch kon okenn moun k ap fè lesiv nan mond sa a, pa t janm kab fè.
Ang kaniyang kasuotan ay kumikinang nang napakaliwanag, labis na maputi, mas maputi kaysa sa anumang pampaputi sa mundo na maaaring makapagpapaputi sa mga ito.
4 Konsa, Élie ak Moïse te parèt devan yo ansanm, e yo t ap pale avèk Jésus.
Pagkatapos ay nagpakita sa kanila si Elias kasama si Moises, at nakikipag-usap sila kay Jesus.
5 Pierre te reponn pou di Jésus: “Mèt, se bon pou nou isit la; annou fè twa tabènak, youn pou Ou, youn pou Moïse, e youn pou Élie.”
Nagsalita si Pedro at sinabi kay Jesus, “Guro, mabuti para sa amin na kami ay naririto kaya hayaan mo kaming gumawa ng tatlong silungan, isa para sa iyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.”
6 Paske li pa t konnen ki repons pou bay, akoz kè yo te plen avèk laperèz.
(Sapagkat hindi niya alam kung ano ang sasabihin, sapagkat sila ay lubhang natakot.)
7 Konsa, yon nwaj te fòme ki te vin mete yo nan fon lonbraj, e yon vwa te vin sòti nan nwaj la, “Sa se Fis Mwen; koute Li!”
Isang ulap ang dumating at lumilim sa kanila. Pagkatapos, isang boses ang nagmula sa ulap, “Ito ang aking minamahal na Anak. Makinig kayo sa kaniya.”
8 Nan menm moman sa a, yo te gade toupatou e pa t wè pèsòn avèk yo ankò, sof ke Jésus sèl.
Biglang, nang sila ay lumingon sa paligid, wala silang ibang nakitang kasama nila kundi si Jesus lamang.
9 Pandan yo t ap desann mòn nan, Li te bay yo lòd pou pa di pèsòn sa yo te wè a, jouk lè ke Fis a Lòm nan ta leve soti nan lanmò.
Habang sila ay bumababa ng bundok, inutusan niya na walang sinuman ang kanilang pagsasabihan kung ano ang kanilang nakita, hanggang ang Anak ng Tao ay bumangon mula sa patay.
10 Yo te reflechi anpil sou pawòl sa a, e te diskite youn avèk lòt sou sa sa vle di: “leve soti nan lanmò an”.
Kaya inilihim nila ang nangyari sa kanilang mga sarili, ngunit pinag-usapan nila kung ano ang ibig sabihin ng “bumangon mula sa patay.”
11 Yo te mande Li: “Poukisa skrib yo di ke Élie oblije vini avan an?”
Siya ay tinanong nila, “Bakit sinasabi ng mga eskriba na dapat maunang dumating si Elias?”
12 Li te di yo: “Élie vrèman ap vini avan pou restore tout bagay. Men poukisa li ekri sou Fis a Lòm nan ke Li va soufri anpil bagay, e vin meprize?
Sinabi niya sa kanila, “Tunay na mauunang darating si Elias upang ibalik sa dati ang lahat ng bagay. Kung gayon bakit nasusulat na ang Anak ng Tao ay maghihirap ng maraming bagay at kasusuklaman?
13 Men Mwen di nou Élie vrèman gen tan vini, e yo te fè l sa ke yo te pito, jan ke sa ekri sou li a.”
Ngunit sinasabi ko sa inyo na si Elias ay dumating na at ginawa nila ang lahat ng gusto nilang gawin sa kaniya, tulad ng sinasabi ng kasulatan tungkol sa kaniya.”
14 Lè yo te retounen kote disip yo, yo te wè yon gwo foul ki te antoure yo, e kèk skrib ki t ap diskite avèk yo.
At nang makabalik sila sa mga alagad, nakita nila ang napakaraming tao na nakapalibot sa kanila at nakikipagtalo ang mga eskriba sa kanila.
15 Imedyatman, lè tout foul la te wè Li, yo te etone, e yo te kouri vini salye Li.
At nang makita nila si Jesus, namangha ang lahat ng mga tao at kaagad nagsipagtakbuhan papunta sa kaniya upang siya ay batiin.
16 E Li te mande yo: “Kisa nou ap diskite avèk yo la a?”
Tinanong niya ang kaniyang mga alagad, “Ano ang inyong pinagtatalunan sa kanila?”
17 Epi yon moun nan foul la te reponn Li: “Mèt, mwen te pote bay Ou fis Mwen an, ki gen yon move lespri ki fè l bèbè;
Sinagot siya ng isa sa mga taong naroroon, “Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalaki, mayroon siyang espiritu na pumipigil sa kaniya na makapagsalita,
18 epi lè li sezi l, li voye li atè. Li kimen nan bouch e manje dan l; kò li vin tou rèd. Mwen te pale disip Ou yo pou chase l, men yo pa t kapab.”
at nagiging sanhi ito ng kaniyang pangingisay at ibinabagsak siya nito, bumubula ang kaniyang bibig, nagngangalit ang kaniyang mga ngipin at naninigas. Hiniling ko sa iyong mga alagad na palayasin ito sa kaniya ngunit hindi nila ito magawa.”
19 Konsa, Li te reponn yo e te di: “O jenerasyon enkredil, pou konbyen de tan ankò M ap avèk nou? Konbyen de tan ankò M ap sipòte nou? Fè l vin kote Mwen!”
Sinagot sila ni Jesus, “Salinlahing walang pananampalataya, hanggang kailan ba ako kailangang manatili kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo siya sa akin.”
20 Yo te pote gason an kote Li. E lè li te wè L, lapoula lespri a te jete li nan yon gwo kriz. Li te tonbe atè, te kòmanse woule toupatou e kimen nan bouch.
Dinala nila ang batang lalaki sa kaniya. Nang makita ng espiritu si Jesus, kaagad siya nitong pinangisay. Natumba ang bata sa lupa at bumula ang bibig.
21 Jésus te mande papa li: “Depi kilè bagay sa a konn rive li?” Li te di: “Depi li timoun.
Tinanong ni Jesus ang ama ng bata, “Gaano na siya katagal na ganito?” Sinabi ng ama, “Mula pagkabata.
22 Souvan li konn voye li ni nan dlo, ni nan dife pou l detwi l. Men si Ou kapab fè yon bagay, gen pitye pou nou, e ede nou!”
Madalas siyang tinatapon nito sa apoy o sa tubig at sinubukan siya nitong patayin. Kung may magagawa kang kahit ano, kaawaan mo kami at tulungan mo kami.”
23 Jésus te di li: “Si Ou kapab? Tout bagay posib pou sila a ki kwè a.”
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “'Kung may magagawa'? Ang lahat ay magagawa sa mga naniniwala.”
24 Konsa, papa a tigason an te kriye fò e te di: “Mwen kwè; ede enkredilite Mwen an.”
Agad na sumigaw ang ama ng bata at nagsabi, “Naniniwala ako! Tulungan mo ang aking kawalan ng paniniwala!”
25 Lè Jésus te wè yon foul moun t ap rasanble, Li te reprimande move lespri a. Li te di L: “Ou menm lespri soud e bèbè, Mwen kòmande ou, sòti nan li, e pa antre nan li ankò.”
Nang makita ni Jesus ang mga tao na tumatakbo papunta sa kanila, sinaway niya ang masamang espiritu at sinabi, “Ikaw pipi at binging espiritu, inuutusan kita, lumabas ka at huwag nang bumalik pa sa kaniya.”
26 Lè lespri a fin kriye fò, e jete li nan gwo kriz tèrib, li te sòti. Ti gason an te tèlman parèt kon yon kadav, ki te fè pi fò nan yo te di: “Li mouri!”
Sumigaw ito at matinding pinangisay ang bata at pagkatapos ay lumabas. Nagmukhang parang isang patay ang bata kaya marami ang nagsabi, “Patay na siya.”
27 Men Jésus te pran li pa men li, te leve l, e Li te kanpe.
Ngunit hinawakan ni Jesus ang kaniyang kamay at ibinangon siya, at tumayo ang batang lalaki.
28 Lè Li te vini nan kay la, disip Li yo te kòmanse kesyone Li an prive: “Poukisa nou pa t kapab chase l?”
Nang pumasok si Jesus sa bahay, tinanong siya ng kaniyang mga alagad ng sarilinan. “Bakit hindi namin iyon mapalayas?”
29 Li te di yo: “Kalite sila a p ap kab sòti pa anyen, sof ke lapriyè.”
Sinabi niya sa kanila, “Ang ganitong uri ay hindi mapapalayas maliban sa pamamagitan ng panalangin.”
30 Depi la yo te ale pase nan tout Galilée, e Li pa t vle ke pèsòn konnen anyen sou sa.
Umalis sila mula roon at dumaan sa Galilea. Ayaw niyang malaman ng kahit sino kung nasaan sila,
31 Paske Li t ap enstwi disip Li yo e t ap di yo: “Fis a Lòm nan va livre nan men a lèzòm, e yo va touye Li. Epi lè Li fin touye, L ap resisite ankò twa jou pita.”
sapagkat tinuturuan niya ang kaniyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng mga tao, at siya ay papatayin nila. Kung siya ay pinatay na, babangon siyang muli pagkalipas ng tatlong araw.”
32 Men yo pa t konprann pawòl sila a, e yo te pè mande L.
Ngunit hindi nila naintindihan ang pahayag na ito, at natakot silang tanungin siya.
33 Yo te vini Capernaüm, e lè Li te nan kay la, Li te kòmanse kesyone yo: “De kisa nou t ap diskite nan wout la?”
At dumating sila sa Capernaum. At nang siya ay nasa loob ng bahay, tinanong niya sila, “Ano ang pinagtatalunan ninyo sa daan?”
34 Men yo te rete an silans; paske nan wout la, yo t ap diskite de kilès nan yo ki te pi gran.
Ngunit sila ay tahimik. Sapagkat habang sila ay nasa daan nakikipagtalo sila sa isa't isa kung sino ang pinakadakila sa kanila.
35 Lè Li te fin chita, Li te rele douz yo, e Li te di yo: “Si yon moun vle premye, li va dènye de tout moun, e vin sèvitè a tout moun.”
Umupo siya at tinawag ang Labindalawa nang magkakasama, at sinabi niya sa kanila, “Kung sino man ang nais mauna, dapat siyang maging huli sa lahat at maging tagapaglingkod ng lahat.”
36 Li te pran yon timoun, e te fè l chita devan yo. Epi lè L pran li nan bra Li, Li te di yo:
Kumuha siya ng isang maliit na bata at pinaupo sa kanilang kalagitnaan. Binuhat niya ito at sinabi sa kanila,
37 “Nenpòt moun ki resevwa yon timoun tankou sila a nan non pa M, resevwa M; e nenpòt moun ki resevwa M, li pa resevwa Mwen, men Sila ki voye Mwen an.”
“Sinumang tumanggap sa isang batang katulad nito sa aking pangalan ay tumanggap din sa akin, at kung sinuman ang tumanggap sa akin, hindi lamang ako ang tinanggap niya, kundi maging ang nagsugo sa akin.”
38 Jean te di Li: “Mèt, nou te wè yon moun ki t ap chase move lespri yo nan non Ou, e nou te eseye fè l sispann, paske li pa t ap swiv nou.”
Sinabi ni Juan sa kaniya, “Guro, may nakita kaming nagpapalayas ng demonyo sa iyong pangalan at pinatigil namin siya, dahil hindi siya sumusunod sa atin.”
39 Men Jésus te di: “Pa anpeche li, paske pa gen moun k ap fè yon mirak nan non Mwen, e apre byen vit ki ka pale mal de Mwen.
Ngunit sinabi ni Jesus, “Huwag ninyo siyang patigilin, sapagkat walang sinuman ang gagawa ng dakilang bagay sa pangalan ko at pagkatapos ay magsasalita ng anumang masama tungkol sa akin.
40 Paske sila ki pa kont nou an, li pou nou.
Sinumang hindi laban sa atin ay sumasa atin,
41 Paske nenpòt moun ki bay nou yon tas dlo pou bwè akoz nou nan Kris yo, anverite Mwen di nou, li p ap pèdi rekonpans li.
Sinumang magbigay sa inyo ng isang tasa ng tubig upang inumin dahil kabilang kayo kay Cristo, totoong sinasabi ko sa inyo, hindi mawawala ang kaniyang gantimpala.
42 “Nenpòt moun ki fè youn nan pitit sa yo ki kwè vin chape tonbe, li t ap pi bon pou li si yo te mete yon gwo wòch moulen nan kou li, e jete l nan lanmè.
Ang sinumang nagiging dahilan na madapa ang isa sa mga bata na ito na naniniwala sa akin, mas mabuti pa sa kaniya na talian ang kaniyang leeg ng malaking gilingang bato at itapon siya sa dagat.
43 “Si men nou fè nou chape tonbe, koupe l nèt; li pi bon pou nou ta antre nan lavi kokobe, pase avèk de men, pou nou ta jete nan twou san fon an, nan lanfè ki “pa kapab etenn nan, (Geenna )
Kung ang iyong kamay ang dahilan upang ikaw ay madapa, putulin mo ito. Mas mabuti pang pumasok ka sa buhay na walang kamay kaysa may dalawang kamay at pumunta sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay. (Geenna )
44 ‘kote vè pa mouri, e dife pa janm etenn.’
(kung saan ang kanilang mga uod ay hindi kailanman mamamatay at ang apoy ay hindi kailanman mamamatay)
45 “E si pye nou fè nou chape tonbe, koupe li nèt; li pi bon pou nou antre nan lavi bwete, pase genyen tou de pye nou, e vin jete nan lanfè, (Geenna )
Kung ang iyong paa ang dahilan upang ikaw ay madapa, putulin mo ito. Mas mabuti pa para sa iyo na pilay kang papasok sa buhay, kaysa may dalawang paa at maitapon sa impiyerno. (Geenna )
46 kote vè pa mouri, e dife pa janm etenn.
(kung saan ang kanilang mga uod ay hindi kailanman mamamatay at ang apoy ay hindi kailanman mamamatay.)
47 “Si zye nou fè nou chape tonbe, retire li jete; li pi bon pou nou antre nan wayòm Bondye a avèk yon sèl zye, pase jete nan lanfè avèk de zye. (Geenna )
Kung ang iyong mata ang dahilan upang ikaw ay madapa, dukutin mo ito. Mas mabuti pang pumasok sa kaharian ng Diyos na may isang mata kaysa mayroong dalawang mata at maitapon sa impiyerno, (Geenna )
48 Kote vè pa mouri, e dife pa janm etenn.
kung saan hindi namamatay ang kanilang mga uod at hindi namamatay ang apoy.
49 “Paske tout moun va vin sale ak dife, e chak sakrifis ap sizonnen ak sèl.
Dahil ang lahat ay maasinan ng apoy.
50 “Disèl la bon, men si disèl la vin pèdi gou, kilès k ap fè l gen gou sèl ankò. Fòk nou gen sèl nan nou, e rete anpè youn avèk lòt.”
Ang asin ay mabuti, ngunit kung mawala ang pagka-alat nito, paano mo ito mapapaalat muli? Taglayin ninyo ang asin sa inyong mga sarili at magkaroon kayo ng kapayapaan sa isa't-isa.”