< Travay 10 >

1 Alò, te gen yon sèten nonm nan Césarée ke yo te rele Corneille, yon santenye nan kowòt Italyen an.
Ngayon may isang tao sa lungsod ng Cesarea, na nagngangalang Cornelio, isang senturiong tinawag na hukbong Italyano.
2 Li te yon mesye fidèl ki te gen lakrent Bondye avèk tout lakay li, ki te bay anpil charite a pèp Jwif la, e li te priye Bondye kontinyèlman.
Siya ay isang maka-diyos, na sumasamba sa Diyos kasama ang lahat ng kaniyang sambahayan; siya ay nagbigay ng malaking halaga ng salapi sa mga Judio at palaging nananalangin sa Diyos.
3 Anviwon nevyèm è nan jounen an, li te wè byen klè nan yon vizyon, yon zanj Bondye ki te vin kote li e te di l: “Corneille!”
Bandang alas tres ng hapon, malinaw niyang nakita sa pangitain ang isang anghel ng Diyos na papalapit sa kaniya. Ang sabi ng anghel sa kaniya, “Cornelio!”
4 Ak zye l fikse sou li, e gwo laperèz, e te di: “Kisa li ye, Senyè?” Zanj la te di li: “Priyè ou avèk charite ou kon yon rekèt, gen tan monte devan Bondye.
Tumitig si Cornelio sa anghel at takot na takot na sinabi, “Ano po iyon, ginoo?” Sinabi ng anghel sa kaniya, “Ang iyong mga panalangin at mga kaloob sa mga mahihirap ay pumaitaas bilang alaala na alay sa harapan ng Diyos.
5 Koulye a, voye kèk moun Joppé e mande pou yon mesye yo rele Simon, ki rele osi Pierre.
Ngayon magpadala ka ng mga lalaki sa lungsod ng Joppa upang sunduin ang lalaking nagngangalang Simon, na pinangalanan ding Pedro.
6 Li rete lakay a yon bòs tanè yo rele Simon ki rete bò lanmè a.”
Siya ay naninirahan sa bahay ng mambibilad ng balat ng hayop na si Simon, na ang bahay ay nasa tabing dagat.”
7 Lè zanj ki t ap pale avè l la te ale, li te rele de nan sèvitè li yo, avèk yon sòlda fidèl nan lafwa ki te sèvi li tout tan.
Nang makaalis ang anghel na kumausap sa kaniya, tinawag ni Cornelio ang dalawa sa kaniyang mga tagapaglingkod sa bahay, at isang sundalo na sumasamba sa Diyos na kabilang sa mga sundalong naglilingkod rin sa kaniya.
8 Lè l te fin eksplike yo tout bagay, li te voye yo Joppé.
Sinabi ni Cornelio sa kanila ang lahat nang nangyari at sila ay pinapunta sa Joppa.
9 Nan jou apre a, pandan yo te nan chemen yo, ap pwoche vil la Pierre te ale sou do kay la nan anviwon sizyèm è pou priye.
Bandang tanghali kinabukasan, sa kanilang paglalakbay papalapit sa lungsod, si Pedro ay pumunta sa bubungan upang manalangin.
10 Men li te vin grangou, e li te vle manje. Men pandan yo t ap fè preparasyon an, li te tonbe nan yon rèv.
Nagutom siya at gusto niya ng kumain, ngunit habang nagluluto ang mga tao ng pagkain, nabigyan siya ng isang pangitain,
11 Konsa, li te wè syèl la louvri, epi yon bagay tankou yon gwo dra te lonje desann bò kat kwen li yo jiska atè.
at nakita niyang bumukas ang langit at may isang sisidlan na bumababa mula sa langit, katulad ng isang malaking kumot na ipinababa sa lupa sa pamamagitan ng apat na mga sulok nito.
12 Ladann l te gen tout kalite bèt kat pye ak kreyati ki rale atè ak zwazo syèl yo.
Naroon ang lahat na uri ng hayop na may apat na paa, at mga bagay na gumagapang sa lupa, at mga ibon sa himpapawid.
13 Yon vwa te vini sou li: “Leve, Pierre, touye e manje!”
At may tinig na kumausap sa kaniya: “Bumangon ka Pedro, magkatay ka at kumain.”
14 Men Pierre te di: “Sa p ap janm fèt, Senyè, paske Mwen pa janm manje anyen ki pa sen e pwòp.”
Ngunit sinabi ni Pedro, “Hindi maaari Panginoon, dahil ni minsan hindi ako kumain ng anumang marumi at hindi malinis.”
15 Ankò yon vwa te vini a li menm, pou dezyèm fwa: “Sa ke Bondye gen tan fè pwòp, pa konsidere l ankò pa sen.”
Ngunit muli niyang narinig ang tinig sa ikalawang pagkakataon: “Huwag mong ituring na marumi ano man ang nilinis na ng Diyos.”
16 Sa te rive twa fwa; epi imedyatman, bagay la te vin remonte nan syèl la.
Nangyari ito nang tatlong beses; at agad na ibinalik sa langit ang sisidlan.
17 Alò, Pierre te byen twouble nan lespri li sou sa vizyon li te wè te siyifi a. Epi konsa mesye ki te voye pa Corneille yo, lè yo te fin mande tout direksyon pou kay Simon, te parèt nan pòtay la.
Ngayon habang naguguluhan pa si Pedro tungkol sa kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga lalaki na ipinadala ni Cornelio na nakatayo sa harapan ng tarangkahan, pagkatapos nilang tanungin ang daan patungo sa tahanan.
18 Yo te rele anlè, pou mande si Simon, ke yo rele osi Pierre a te rete la.
At sila ay tumawag at nagtanong kung naninirahan doon si Simon na tinatawag ding Pedro.
19 Pandan Pierre t ap reflechi sou vizyon an Lespri a te di l: “Gade, gen twa mesye k ap chache ou.
Habang iniisip pa rin ni Pedro ang tungkol sa pangitain, sinabi ng Espiritu sa kaniya, “Tingnan mo, may tatlong lalaking naghahanap sa iyo.
20 Alò, leve desann eskalye a pou akonpanye yo san doute anyen. Paske se Mwen menm ki voye yo.”
Bumangon ka at bumaba at sumama sa kanila. Huwag kang matakot na sumama sa kanila, dahil ipinadala ko sila.”
21 Pierre te desann vè moun yo. Li te di yo: “Se mwen menm nou ap chache a. Se pou ki rezon nou vini an?”
Kaya bumaba si Pedro at sinabi sa mga lalaki, “Ako ang hinahanap ninyo. Bakit kayo naparito?”
22 Yo te di: “Corneille, yon sòlda santenye, yon nonm dwat e ki krent Bondye, e ki byen pale pa tout nasyon Jwif la, te dirije pa yon zanj pou voye kote ou pou vini lakay li pou tande yon mesaj de ou menm.”
Sinabi nila, “Ang senturion na nagngangalang Cornelio, isang matuwid na tao at sumasamba sa Diyos, at mabuti ang sinasabi tungkol sa kaniya ng lahat ng mga Judio sa bansa, ay sinabihan ng isang banal na anghel ng Diyos na papuntahan ka para isama ka sa kaniyang bahay, upang siya ay makinig ng mensahe mula sa iyo.”
23 Konsa, li te envite yo antre, e li te bay yo lojman. Nan jou swivan a, li te leve. Li te sòti avèk yo, e kèk nan frè Joppé yo te akonpanye li.
Kaya inanyayahan sila ni Pedro na pumasok at manatili na kasama niya. Kinabukasan bumangon siya at sumama sa kanila, at sinamahan siya ng ilang mga kapatid na taga-Joppa.
24 Nan youn jou pi tà, li te antre Césarée. Alò, Corneille t ap tann yo. Li te rele ansanm fanmi ak zanmi ki pwòch li yo.
Noong sumunod na araw, dumating sila sa Cesarea. Hinihintay sila ni Cornelio; tinipon niya ang kaniyang mga kamag-anak at kaniyang mga malalapit na kaibigan.
25 Lè Pierre te antre, Corneille te rankontre li, e te tonbe nan pye li pou adore li.
Nangyari nga na nang papasok na si Pedro, sinalubong siya ni Cornelio at lumuhod sa kaniyang paanan para parangalan siya.
26 Men Pierre te leve l e te di: “Kanpe non, mwen menm se sèlman yon moun.”
Ngunit pinatayo siya ni Pedro at sinabi na, “Tumayo ka; ako rin ay isang tao lamang.
27 Pandan li t ap pale avèk li, li te antre, e te twouve anpil moun deja reyini.
Habang nakikipag-usap si Pedro sa kaniya, pumasok siya at natagpuan niya ang napakaraming tao na nagtipon-tipon doon.
28 Pierre te di yo: “Nou menm nou konnen kijan sa kont lalwa pou yon nonm ki se yon Jwif vin asosye avèk yon etranje, ni pou vizitè li. Men Bondye te deja montre m ke mwen pa dwe rele pèsòn pa sen oubyen pa pwòp.
Sinabi niya sa kanila, “Batid ninyo mismo na hindi naaayon sa batas para sa isang Judio na makihalubilo o bumisita sa kaninuman galing sa ibang bansa. Ngunit ipinakita sa akin ng Diyos na hindi ko dapat tawagin ang sinuman na marumi o hindi malinis.
29 Se pou rezon sa ke m te vini menm san okenn objeksyon lè yo te fè mwen vini an. Konsa, mwen mande pou ki sa nou fè mwen vini an?”
Kaya pumunta ako na hindi na nakipagtalo nang ako ay papuntahin dito. Kaya tinatanong ko kayo kung bakit ninyo ako pinapunta.”
30 Corneille te di: “Kat jou pase jis nan menm lè sa a, mwen t ap fè jèn e priye lakay mwen nan nevyèm è a; epi vwala yon nonm te kanpe devan mwen avèk vètman ki t ap briye.
Sinabi ni Cornelio, “May apat na araw na ngayon ang nakakalipas sa ganito ring oras, bandang alas-tres nananalangin ako sa aking bahay; at nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa aking harapan na may maliwanag na kasuotan.
31 Li te di: ‘Corneille, priyè ou gen tan tande e ofrann ou yo gen tan sonje devan Bondye.
At sinabi niya, “Cornelio, dininig ng Diyos ang iyong panalangin at ang ibinibigay mo sa mga mahihirap ay nagpaalala sa Diyos tungkol sa iyo.
32 Pou sa, voye Joppé pou envite Simon, ke yo rele osi Pierre, pou vin kote nou. Li rete lakay Simon, ki se bòs tanè bò lanmè a.’
Kaya magpadala ka ng tao sa Jopa, at ipatawag ang taong nagngangalang Simon, na tinatawag ding Pedro. Nakikitira siya sa bahay ng isang taong mambibilad ng balat ng hayop na nangngangalang Simon, sa tabing-dagat. (Pagdating niya, kakausapin ka niya.)
33 Pou sa, mwen te fè ou vin touswit, e ou tèlman emab, ke ou vini. Alò, koulye a, nou tout isit la, prezan devan Bondye pou tande tout sa ke ou kòmande pa Senyè a.”
kaya agad kitang ipinatawag, mabuti at dumating ka. At ngayon nandito kaming lahat sa harapan ng Diyos upang makinig sa lahat ng mga itinuro sa iyo ng Diyos na sasabihin mo.”
34 Lè l louvri bouch li, Pierre te di: “Vrèman, mwen konprann koulye a, ke Bondye se pa youn ki fè patipri pou pèsòn,
At binuksan ni Pedro ang kaniyang bibig at sinabi, “Sa katotohanan, naunawaan ko ng lubusan na walang tinatangi ang Diyos.
35 men nan tout nasyon yo, sila a ki gen lakrent Li, e ki fè sa ki bon, byen resevwa devan Li menm.
Sa halip, sa bawat bansa ang sinumang sumasamba at gumagawa ng mga matuwid na gawain ay katanggap-tanggap sa kaniya.
36 Pawòl ke Li te voye a fis Israël yo, pou preche lapè atravè Jésus Kri a—Ke Li se Senyè a tout moun.
Alam ninyo ang mensahe na ipinadala niya sa mga taga-Israel, nang ipahayag niya ang magandang balita tungkol sa kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na Panginoon ng lahat—
37 “Nou menm nou konnen bagay ki te pase nan tout Judée a, ki te kòmanse nan Galilée, apre batèm ke Jean te pwoklame a;
Alam ninyo mismo ang mga kaganapan na nangyari, na naganap sa buong Judea, na nagsimula sa Galilea, pagkatapos nang pagbautismo na ipinahayag ni Juan;
38 sou Jésus de Nazareth la, jan Bondye te bay li onksyon avèk Lespri Sen an, e avèk pwisans, Li te ale toupatou e t ap fè byen, jan Li te geri tout moun ki te oprime pa dyab la, paske Bondye te avè L.
ang mga kaganapan na ukol kay Jesus ng Nazaret, kung paano siya pinuspus ng Diyos ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan. Naglibot siya na gumagawa ng kabutihan at nagpapagaling ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya ang Diyos.
39 “Nou se temwen a tout bagay ke Li te fè nan peyi Jwif yo, ak nan Jérusalem. Anplis yo te mete Li a lanmò lè yo te pann Li sou yon kwa.
Saksi kami sa lahat ng bagay na kaniyang ginawa sa bansa ng mga Judio at sa Jerusalem —itong si Jesus na kanilang pinatay, na binitay sa isang kahoy.
40 Bondye te fè l leve nan twazyèm jou a, e te pèmèt ke Li te vin vizib
Itong taong ito ay muling binuhay ng Diyos sa ikatlong araw at ibinigay siya upang makilala,
41 pa a tout pèp la, men a temwen ki te chwazi oparavan pa Bondye yo; a nou menm ki te manje e bwè avèk Li apre Li te leve soti nan lanmò a.
hindi sa lahat ng mga tao, kundi sa mga saksi na noon pa man ay pinili na ng Diyos- kami mismo, na kumain at uminom kasama niya pagkatapos niyang muling mabuhay mula sa mga patay.
42 Konsa, Li te kòmande nou pou preche a pèp la, epi solanèlman, temwaye ke Li se Sila a ki te nome pa Bondye, kòm Jij a vivan e a mò yo.
Inutusan niya kami upang mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang pinili ng Diyos na maging Hukom ng mga buhay at mga patay.
43 “A Li menm, tout pwofèt yo pote temwayaj, ke selon non Li tout moun ki kwè nan Li resevwa padon pou peche yo.”
Ito ay para sa kaniya kaya nagpapatotoo ang mgapropeta, upang ang lahat ng sumasampalataya sa kaniya ay makatanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.”
44 Pandan Pierre te toujou ap pale pawòl sa yo, Lespri Sen an te tonbe sou tout sila yo ki t ap koute mesaj la.
Habang sinasabi pa lamang ni Pedro ang mga bagay na ito, ang Banal na Espiritu ay bumaba sa lahat ng mga nakikinig sa kaniyang mensahe.
45 Tout kwayan sikonsi ki te vini avèk Pierre yo te etone paske don Lespri Sen an te vèse sou etranje yo tou.
Ang mga taong napabilang sa mga mananampalatayang tuli—lahat ng mga sumama kay Pedro— ay namangha, dahil ang kaloob ng Banal na Espiritu ay naibuhos din sa mga Gentil.
46 Paske yo te tande yo pale an lang, e egzalte Bondye. Alò, Pierre te reponn:
Dahil narinig nila ang mga Gentil na nagsasalita ng iba't-ibang wika at nagpupuri sa Diyos. Pagkatapos sinabi ni Pedro,
47 “Èske pèsòn kapab refize dlo pou sa yo ta kapab batize, sila ki te resevwa Lespri Sen an, menm jan ak nou?”
“Mayroon bang hahadlang sa mga taong ito upang hindi mabautismuhan sa tubig, ang mga taong ito na nakatanggap ng Banal na Espiritu na katulad natin?”
48 Epi li te kòmande yo pou batize nan non Jésus Kri. Alò, yo te mande li pou rete la avèk yo pandan kèk jou.
At sila ay inutusan niya na magpabautismo sa ngalan ni Jesu-Cristo. At hiniling nila na manatili siya sa kanila ng ilang araw.

< Travay 10 >