< Πραξεις 24 >

1 μετα δε πεντε ημερας κατεβη ο αρχιερευς ανανιας μετα πρεσβυτερων τινων και ρητορος τερτυλλου τινος οιτινες ενεφανισαν τω ηγεμονι κατα του παυλου
Pagkaraan ng limang araw, pumunta roon si Ananias na pinakapunong pari, ilang mga nakatatanda, at ang mananalumpati na nagngangalang Tertulo. Nagdala ng mga bintang ang mga kalalakihang ito sa gobernador laban kay Pablo.
2 κληθεντος δε {VAR1: [αυτου] } {VAR2: αυτου } ηρξατο κατηγορειν ο τερτυλλος λεγων πολλης ειρηνης τυγχανοντες δια σου και διορθωματων γινομενων τω εθνει τουτω δια της σης προνοιας
Nang tumayo si Pablo sa harap ng gobernador, nagsimula siyang paratangan ni Tertulo at sinabi sa gobernador, “Dahil sa iyo nagkaroon kami ng labis na kapayapaan; at ang pag-iintindi mo sa amin ay nagdulot ng ikauunlad ng aming bansa;
3 παντη τε και πανταχου αποδεχομεθα κρατιστε φηλιξ μετα πασης ευχαριστιας
kaya buong pasasalamat, tinanggap namin ang lahat ng bagay na iyong ginawa, kataas-taasang Felix.
4 ινα δε μη επι πλειον σε εγκοπτω παρακαλω ακουσαι σε ημων συντομως τη ση επιεικεια
Kaya hindi ko na kayo gagambalain pa, hinihiling ko sa inyo na makinig ng sandali sa akin ng may kagandahang loob.
5 ευροντες γαρ τον ανδρα τουτον λοιμον και κινουντα στασεις πασιν τοις ιουδαιοις τοις κατα την οικουμενην πρωτοστατην τε της των ναζωραιων αιρεσεως
Dahil natuklasan namin na ang taong ito ay nanggugulo at dahilan ng paghihimagsik ng lahat ng mga Judio sa buong mundo. Siya ang pinuno ng sektang Nazareno.
6 ος και το ιερον επειρασεν βεβηλωσαι ον και εκρατησαμεν
Sinubukan pa niyang lapastanganin ang templo; kaya namin siya hinuli. (At gusto pa namin siyang hatulan ayon sa aming batas.)
7
( “Ngunit si Lisias na opisyal ay dumating at sapilitan siyang kinuha sa aming mga kamay.”)
8 παρ ου δυνηση αυτος ανακρινας περι παντων τουτων επιγνωναι ων ημεις κατηγορουμεν αυτου
Kung tatanungin ninyo si Pablo tungkol sa lahat ng mga bagay na ito, maging ikaw din, malalaman mo ang mga paratang namin sa kaniya.”
9 συνεπεθεντο δε και οι ιουδαιοι φασκοντες ταυτα ουτως εχειν
Sama-sama ding pinaratangan ng mga Judio si Pablo, at sinabi na ang lahat ng mga bagay na ito ay totoo.
10 απεκριθη τε ο παυλος νευσαντος αυτω του ηγεμονος λεγειν εκ πολλων ετων οντα σε κριτην τω εθνει τουτω επισταμενος ευθυμως τα περι εμαυτου απολογουμαι
Ngunit nang sumenyas ang gobernador upang magsalita si Pablo, sumagot si Pablo, “Nauunawaan ko na sa maraming taon ay naging hukom ka sa bansang ito, kaya ikinagagalak kong ipaliwanag ang aking sarili sa iyo.
11 δυναμενου σου επιγνωναι οτι ου πλειους εισιν μοι ημεραι δωδεκα αφ ης ανεβην προσκυνησων εις ιερουσαλημ
Mapapatunayan mo na hindi pa aabot sa labindalawang araw mula ng ako ay umakyat sa Jerusalem upang sumamba;
12 και ουτε εν τω ιερω ευρον με προς τινα διαλεγομενον η επιστασιν ποιουντα οχλου ουτε εν ταις συναγωγαις ουτε κατα την πολιν
at nang makita nila ako sa templo, hindi ako nakipagtalo kahit kaninuman, at hindi ko ginulo ang maraming tao, maging sa mga sinagoga o sa lungsod;
13 ουδε παραστησαι δυνανται σοι περι ων νυνι κατηγορουσιν μου
at hindi nila kayang mapatunayan sa iyo ang mga reklamo nila laban sa akin ngayon.
14 ομολογω δε τουτο σοι οτι κατα την οδον ην λεγουσιν αιρεσιν ουτως λατρευω τω πατρωω θεω πιστευων πασιν τοις κατα τον νομον και τοις εν τοις προφηταις γεγραμμενοις
Subalit inaamin ko ito sa iyo, na ayon sa pamamaraan na tinatawag nilang sekta, sa pamamaraan ding iyon, naglingkod ako sa Diyos ng aming mga ninuno. Tapat ako sa lahat ng nasa batas at sa mga kasulatan ng mga Propeta.
15 ελπιδα εχων εις τον θεον ην και αυτοι ουτοι προσδεχονται αναστασιν μελλειν εσεσθαι δικαιων τε και αδικων
Ganoon din ang pagtitiwala ko sa Diyos, katulad din ng paghihintay ng mga taong ito, sa pagdating ng araw ng pagkabuhay ng mga patay ng kapwa matuwid at hindi matuwid na tao;
16 εν τουτω και αυτος ασκω απροσκοπον συνειδησιν εχειν προς τον θεον και τους ανθρωπους δια παντος
at dahil dito, pinagsisikapan ko na magkaroon ng budhing walang kapintasan sa lahat ng mga bagay sa harapan ng Diyos at sa mga tao.
17 δι ετων δε πλειονων ελεημοσυνας ποιησων εις το εθνος μου παρεγενομην και προσφορας
Ngayon, pagkalipas ng maraming taon, ako'y dumating upang maghatid ng tulong sa aking bansa at maging sa pagkaloob ng mga pera.
18 εν αις ευρον με ηγνισμενον εν τω ιερω ου μετα οχλου ουδε μετα θορυβου τινες δε απο της ασιας ιουδαιοι
Nang ginawa ko ito, may ilang mga Judio na taga-Asia ang nakakita sa akin na nagsasagawa ng seremonyang paglilinis sa templo, na walang maraming tao at walang kaguluhan.
19 ους εδει επι σου παρειναι και κατηγορειν ει τι εχοιεν προς εμε
Ang mga taong ito ay dapat na narito sa harapan ninyo at sabihin kung ano ang mayroon sila laban sa akin, kung mayroon man.
20 η αυτοι ουτοι ειπατωσαν τι ευρον αδικημα σταντος μου επι του συνεδριου
O kaya, ang mga tao ding ito ay dapat magsabi kung ano ang kanilang natagpuang kamalian na ginawa ko nang tumayo ako sa konseho ng mga Judio;
21 η περι μιας ταυτης φωνης ης εκεκραξα εν αυτοις εστως οτι περι αναστασεως νεκρων εγω κρινομαι σημερον εφ υμων
maliban kung ito ay patungkol sa isang bagay na pasigaw kong sinabi ng tumayo ako sa gitna nila, 'Ito ay patungkol sa pagkabuhay ng mga patay na inyong inihatol ngayon sa akin.”'
22 ανεβαλετο δε αυτους ο φηλιξ ακριβεστερον ειδως τα περι της οδου ειπας οταν λυσιας ο χιλιαρχος καταβη διαγνωσομαι τα καθ υμας
Ganap ang kaalaman ni Felix patungkol sa Daan, kaya pinaghintay niya ang mga Judio. Sinabi niya, “Pagpapasiyahan ko ang iyong kaso kapag bumaba ang pinunong kapitan na si Lisias galing Jerusalem.”
23 διαταξαμενος τω εκατονταρχη τηρεισθαι αυτον εχειν τε ανεσιν και μηδενα κωλυειν των ιδιων αυτου υπηρετειν αυτω
At inutusan niya ang pinuno ng mga kawal na bantayan si Pablo, subalit may kaluwagan, at walang makakapigil sa kaniyang mga kaibigan sa pagtulong o kaya sa pagdalaw sa kaniya.
24 μετα δε ημερας τινας παραγενομενος ο φηλιξ συν δρουσιλλη τη ιδια γυναικι ουση ιουδαια μετεπεμψατο τον παυλον και ηκουσεν αυτου περι της εις χριστον ιησουν πιστεως
pagkalipas ng ilang araw, nagbalik si Felix kasama ang kaniyang asawa na si Drusila, isang babaing Judio, ipinatawag niya si Pablo at napakinggan ang tungkol sa pananampalataya kay Cristo.
25 διαλεγομενου δε αυτου περι δικαιοσυνης και εγκρατειας και του κριματος του μελλοντος εμφοβος γενομενος ο φηλιξ απεκριθη το νυν εχον πορευου καιρον δε μεταλαβων μετακαλεσομαι σε
Subalit nang nagbahagi si Pablo tungkol sa pagkamatuwid, pagpipigil sa sarili, at sa nalalapit na paghuhukom, nagkaroon na ng takot si Felix; at siya'y sumagot, “Lumayo ka muna sa ngayon, kapag may oras ako muli, ipapatawag kita.”
26 αμα και ελπιζων οτι χρηματα δοθησεται {VAR1: [αυτω] } {VAR2: αυτω } υπο του παυλου διο και πυκνοτερον αυτον μεταπεμπομενος ωμιλει αυτω
niyang bibigyan siya ni Pablo ng pera, kaya't palagi niyang pinapatawag at nakikipag-usap sa kaniya.
27 διετιας δε πληρωθεισης ελαβεν διαδοχον ο φηλιξ πορκιον φηστον θελων τε χαριτα καταθεσθαι τοις ιουδαιοις ο φηλιξ κατελιπεν τον παυλον δεδεμενον
Ngunit pagkaraan ng dalawang taon, si Porcio Festo ang naging gobernador kapalit ni Felix, ngunit nais ni Felix na magtamo ng pabor ng mga Judio, kaya iniwan niya si Pablo na patuloy na binabantayan.

< Πραξεις 24 >