< Κατα Ιωαννην 6 >
1 Μετὰ ταῦτα ἀπῆλθεν ὁ Ἰησοῦς πέραν τῆς θαλάσσης τῆς Γαλιλαίας τῆς Τιβεριάδος·
Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jesus ay umalis papunta sa kabilang ibayo ng Dagat ng Galilea, na tinatawag din na Dagat ng Tiberias.
2 ἠκολούθει δὲ αὐτῷ ὄχλος πολύς, ὅτι ἐθεώρουν τὰ σημεῖα ἃ ἐποίει ἐπὶ τῶν ἀσθενούντων.
Napakaraming tao ang sumusunod sa kaniya dahil nakikita nila ang mga tanda na ginagawa niya sa may mga sakit.
3 ἀνῆλθεν δὲ εἰς τὸ ὄρος Ἰησοῦς, καὶ ἐκεῖ ἐκάθητο μετὰ τῶν μαθητῶν αὐτοῦ.
Umakyat si Jesus sa gilid ng bundok at naupo doon kasama ang kaniyang mga alagad.
4 ἦν δὲ ἐγγὺς τὸ πάσχα ἡ ἑορτὴ τῶν Ἰουδαίων.
(Ngayon ang Paskwa na kapistahan ng mga Judio ay malapit na).
5 ἐπάρας οὖν τοὺς ὀφθαλμοὺς ὁ Ἰησοῦς καὶ θεασάμενος ὅτι πολὺς ὄχλος ἔρχεται πρὸς αὐτόν, λέγει πρὸς Φίλιππον, Πόθεν ἀγοράσωμεν ἄρτους, ἵνα φάγωσιν οὗτοι;
Nang tumanaw si Jesus at nakita ang napakaraming taong lumalapit sa kaniya, sinabi niya kay Felipe, “Saan tayo makabili ng tinapay upang ang mga taong ito ay makakain?”
6 τοῦτο δὲ ἔλεγεν πειράζων αὐτόν· αὐτὸς γὰρ ᾔδει τί ἔμελλεν ποιεῖν.
(Ngunit sinabi ito ni Jesus upang subukin si Felipe, sapagkat alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang gagawin.)
7 ἀπεκρίθη αὐτῷ Φίλιππος, Διακοσίων δηναρίων ἄρτοι οὐκ ἀρκοῦσιν αὐτοῖς, ἵνα ἕκαστος βραχὺ λάβῃ.
Sumagot si Felipe sa kaniya, “Ang tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang denario ay hindi magkakasya para sa bawa't isa kahit na bigyan ng tig-kakaunti.”
8 λέγει αὐτῷ εἷς ἐκ τῶν μαθητῶν αὐτοῦ Ἀνδρέας ὁ ἀδελφὸς Σίμωνος Πέτρου,
Isa sa mga alagad, si Andres, kapatid ni Simon Pedro, ay nagsabi kay Jesus,
9 Ἔστιν παιδάριον ὧδε, ὃς ἔχει πέντε ἄρτους κριθίνους καὶ δύο ὀψάρια· ἀλλὰ ταῦτα τί ἐστιν εἰς τοσούτους;
“Mayroong isang batang narito na mayroong limang sebadang tinapay at dalawang isda, ngunit ano ang mga ito sa ganito karaming tao?”
10 εἶπεν ὁ Ἰησοῦς, Ποιήσατε τοὺς ἀνθρώπους ἀναπεσεῖν. ἦν δὲ χόρτος πολὺς ἐν τῷ τόπῳ. ἀνέπεσαν οὖν οἱ ἄνδρες τὸν ἀριθμὸν ὡς πεντακισχίλιοι.
Sinabi ni Jesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” (Ngayon madamo sa lugar na iyon.) Kaya naupo ang mga tao, mga limang libo ang bilang.
11 ἔλαβεν οὖν τοὺς ἄρτους ὁ Ἰησοῦς καὶ εὐχαριστήσας διέδωκεν τοῖς ἀνακειμένοις, ὁμοίως καὶ ἐκ τῶν ὀψαρίων ὅσον ἤθελον.
At kinuha ni Jesus ang mga tinapay at matapos makapagpasalamat ay ipinamahagi niya sa mga taong nakaupo. Sa ganoon ding paraan, ipinamahagi din niya ang mga isda, hangga't sa gusto nila.
12 ὡς δὲ ἐνεπλήσθησαν λέγει τοῖς μαθηταῖς αὐτοῦ, Συναγάγετε τὰ περισσεύσαντα κλάσματα, ἵνα μή τι ἀπόληται.
Nang nabusog na ang mga tao, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Ipunin ang natirang mga pira-piraso, para walang masayang.”
13 συνήγαγον οὖν, καὶ ἐγέμισαν δώδεκα κοφίνους κλασμάτων ἐκ τῶν πέντε ἄρτων τῶν κριθίνων, ἃ ἐπερίσσευσαν τοῖς βεβρωκόσιν.
Kaya inipon nila ang mga ito at puno ang labindalawang kaing ng mga pira-pirasong mula sa limang sebadang tinapay - ang mga pirasong natira mula sa mga nakakain.
14 οἱ οὖν ἄνθρωποι ἰδόντες ὃ ἐποίησεν σημεῖον, ἔλεγον ὅτι Οὗτός ἐστιν ἀληθῶς ὁ προφήτης ὁ ἐρχόμενος εἰς τὸν κόσμον.
At nang makita ng mga tao ang tandang ito na kaniyang ginawa, sinabi nila, “Ito ang tunay na propeta na siyang darating sa mundo.”
15 Ἰησοῦς οὖν γνοὺς ὅτι μέλλουσιν ἔρχεσθαι καὶ ἁρπάζειν αὐτὸν ἵνα ποιήσωσιν βασιλέα, ἀνεχώρησεν πάλιν εἰς τὸ ὄρος αὐτὸς μόνος.
Nang napagtanto ni Jesus na sila ay papunta at sapilitan siyang gagawing hari, muli siyang lumayo at mag-isang umakyat sa bundok.
16 ὡς δὲ ὀψία ἐγένετο, κατέβησαν οἱ μαθηταὶ αὐτοῦ ἐπὶ τὴν θάλασσαν,
Nang dumating ang gabi, ang mga alagad ay bumaba papunta sa lawa.
17 καὶ ἐμβάντες εἰς πλοῖον ἤρχοντο πέραν τῆς θαλάσσης εἰς Καφαρναούμ. καὶ σκοτία ἤδη ἐγεγόνει, καὶ οὔπω ἐληλύθει πρὸς αὐτοὺς ὁ Ἰησοῦς,
Sumakay sila sa bangka, patawid ng dagat papuntang Capernaum. (Madilim na nang oras na iyon at hindi pa pumunta si Jesus sa kanila).
18 ἥ τε θάλασσα ἀνέμου μεγάλου πνέοντος διεγείρετο.
Ngayon, isang malakas na hangin ang umiihip at ang dagat ay nagiging maalon.
19 ἐληλακότες οὖν ὡς σταδίους εἴκοσι πέντε ἢ τριάκοντα, θεωροῦσιν τὸν Ἰησοῦν περιπατοῦντα ἐπὶ τῆς θαλάσσης καὶ ἐγγὺς τοῦ πλοίου γινόμενον, καὶ ἐφοβήθησαν.
At nang nakapagsagwan na ang mga alagad ng mga dalawampu't lima o tatlumpung istadya, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat at papalapit sa bangka, at sila ay natakot.
20 ὁ δὲ λέγει αὐτοῖς, Ἐγώ εἰμι, μὴ φοβεῖσθε.
Subalit sinabi niya sa kanila, “Ako ito, huwag kayong matakot.”
21 ἤθελον οὖν λαβεῖν αὐτὸν εἰς τὸ πλοῖον, καὶ εὐθέως ἐγένετο τὸ πλοῖον ἐπὶ τῆς γῆς εἰς ἣν ὑπῆγον.
Pagkatapos kusa nilang tinanggap siya sa bangka, at kaagad nakarating ang bangka sa lugar kung saan sila papunta.
22 Τῇ ἐπαύριον ὁ ὄχλος ὁ ἑστηκὼς πέραν τῆς θαλάσσης εἶδον ὅτι πλοιάριον ἄλλο οὐκ ἦν ἐκεῖ εἰ μὴ ἕν, καὶ ὅτι οὐ συνεισῆλθεν τοῖς μαθηταῖς αὐτοῦ ὁ Ἰησοῦς εἰς τὸ πλοῖον, ἀλλὰ μόνοι οἱ μαθηταὶ αὐτοῦ ἀπῆλθον·
Kinabukasn, nakita ng karamihang nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na walang ibang bangka doon maliban sa isa at si Jesus ay hindi sumakay doon na kasama ang kaniyang mga alagad, kundi ang kaniyang mga alagad lamang.
23 ἄλλα ἦλθεν πλοιάρια ἐκ Τιβεριάδος ἐγγὺς τοῦ τόπου ὅπου ἔφαγον τὸν ἄρτον εὐχαριστήσαντος τοῦ κυρίου.
(Subalit, may ilang mga bangka na nanggaling mula sa Tiberias malapit sa lugar kung saan nila kinain ang tinapay pagkatapos makapagpasalamat ang Panginoon.)
24 ὅτε οὖν εἶδεν ὁ ὄχλος ὅτι Ἰησοῦς οὐκ ἔστιν ἐκεῖ οὐδὲ οἱ μαθηταὶ αὐτοῦ, ἐνέβησαν αὐτοὶ εἰς τὰ πλοιάρια καὶ ἦλθον εἰς Καφαρναοὺμ ζητοῦντες τὸν Ἰησοῦν,
Nang matuklasan ng karamihan na si Jesus o ang kaniyang mga alagad ay wala doon, sila sila rin ay sumakay sa mga bangka at nagpunta sa Capernaum at hinahanap si Jesus.
25 καὶ εὑρόντες αὐτὸν πέραν τῆς θαλάσσης εἶπον αὐτῷ, Ῥαββί, πότε ὧδε γέγονας;
Pagkatapos nila siyang matagpuan sa kabila ng lawa, sinabi nila sa kaniya, “Rabi, kailan ka nagpunta dito?
26 ἀπεκρίθη αὐτοῖς ὁ Ἰησοῦς καὶ εἶπεν, Ἀμὴν ἀμὴν λέγω ὑμῖν, ζητεῖτέ με οὐχ ὅτι εἴδετε σημεῖα, ἀλλ᾽ ὅτι ἐφάγετε ἐκ τῶν ἄρτων καὶ ἐχορτάσθητε.
Sumagot si Jesus sa kanila, sinasabi, “Tunay nga, hinanap ninyo ako, hindi dahil nakakita kayo ng mga tanda, ngunit dahil nakakain kayo ng ilang tinapay at kayo ay nabusog.
27 ἐργάζεσθε μὴ τὴν βρῶσιν τὴν ἀπολλυμένην, ἀλλὰ τὴν βρῶσιν τὴν μένουσαν εἰς ζωὴν αἰώνιον, ἣν ὁ υἱὸς τοῦ ἀνθρώπου ὑμῖν δώσει· τοῦτον γὰρ ὁ πατὴρ ἐσφράγισεν ὁ θεός. (aiōnios )
Tumigil kayo sa pagtrabaho para sa pagkaing nasisira, ngunit pagtrabahuhan ang pagkaing mananatili pang habang-buhay na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat inilagay ng Diyos Ama ang kaniyang tatak sa kaniya. (aiōnios )
28 εἶπον οὖν πρὸς αὐτόν, Τί ποιῶμεν, ἵνα ἐργαζώμεθα τὰ ἔργα τοῦ θεοῦ;
Pagkatapos sinabi nila sa kaniya, “Ano ang dapat naming gawin, upang magawa namin ang mga gawain ng Diyos?”
29 ἀπεκρίθη ὁ Ἰησοῦς καὶ εἶπεν αὐτοῖς, Τοῦτό ἐστιν τὸ ἔργον τοῦ θεοῦ, ἵνα πιστεύητε εἰς ὃν ἀπέστειλεν ἐκεῖνος.
Sumagot si Jesus, “Ito ay ang gawa ng Diyos: na kayo ay sumampalataya sa kaniyang isinugo.
30 εἶπον οὖν αὐτῷ, Τί οὖν ποιεῖς σὺ σημεῖον, ἵνα ἴδωμεν καὶ πιστεύσωμέν σοι; τί ἐργάζῃ;
Kaya sinabi nila sa kaniya, “Kung gayon anong tanda ang gagawin mo na maari naming makita at maniwala sa iyo? Ano ang gagawin mo?
31 οἱ πατέρες ἡμῶν τὸ μάννα ἔφαγον ἐν τῇ ἐρήμῳ, καθώς ἐστιν γεγραμμένον, Ἄρτον ἐκ τοῦ οὐρανοῦ ἔδωκεν αὐτοῖς φαγεῖν.
Kinain ng aming mga ninuno ang manna sa ilang, katulad ng nasusulat, “Binigyan niya sila ng tinapay mula sa langit upang kainin.”
32 εἶπεν οὖν αὐτοῖς ὁ Ἰησοῦς, Ἀμὴν ἀμὴν λέγω ὑμῖν, Οὐ Μωυσῆς ἔδωκεν ὑμῖν τὸν ἄρτον ἐκ τοῦ οὐρανοῦ, ἀλλ᾽ ὁ πατήρ μου δίδωσιν ὑμῖν τὸν ἄρτον ἐκ τοῦ οὐρανοῦ τὸν ἀληθινόν.
Pagkatapos, sumagot si Jesus sa kanila, “Tunay nga, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa langit, ngunit ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit.
33 ὁ γὰρ ἄρτος τοῦ θεοῦ ἐστιν ὁ καταβαίνων ἐκ τοῦ οὐρανοῦ καὶ ζωὴν διδοὺς τῷ κόσμῳ.
Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay nanggagaling mula sa langit at nagbibigay buhay sa mundo.
34 εἶπον οὖν πρὸς αὐτόν, Κύριε, πάντοτε δὸς ἡμῖν τὸν ἄρτον τοῦτον.
Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ginoo, lagi mo kaming bigyan ng tinapay na ito.”
35 εἶπεν αὐτοῖς ὁ Ἰησοῦς, Ἐγώ εἰμι ὁ ἄρτος τῆς ζωῆς· ὁ ἐρχόμενος πρὸς ἐμὲ οὐ μὴ πεινάσῃ, καὶ ὁ πιστεύων εἰς ἐμὲ οὐ μὴ διψήσει πώποτε.
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay, ang lalapit sa akin ay hindi magugutom at ang sumampalataya sa akin ay hindi mauuhaw kailanman.
36 ἀλλ᾽ εἶπον ὑμῖν ὅτι καὶ ἑωράκατέ με καὶ οὐ πιστεύετε.
Subalit, sinabi ko sa inyo na nakita ninyo na ako, ngunit hindi pa rin kayo naniniwala.
37 πᾶν ὃ δίδωσίν μοι ὁ πατὴρ πρὸς ἐμὲ ἥξει, καὶ τὸν ἐρχόμενον πρός με οὐ μὴ ἐκβάλω ἔξω·
Lahat ng ibibigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin, at ang lalapit sa akin ay hinding hindi ko itataboy.
38 ὅτι καταβέβηκα ἀπὸ τοῦ οὐρανοῦ οὐχ ἵνα ποιῶ τὸ θέλημα τὸ ἐμὸν ἀλλὰ τὸ θέλημα τοῦ πέμψαντός με.
Sapagkat ako ay bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang aking kalooban kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.
39 τοῦτο δέ ἐστιν τὸ θέλημα τοῦ πέμψαντός με, ἵνα πᾶν ὃ δέδωκέν μοι, μὴ ἀπολέσω ἐξ αὐτοῦ, ἀλλὰ ἀναστήσω αὐτὸ τῇ ἐσχάτῃ ἡμέρᾳ.
At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na dapat walang sinuman akong maiwala sa lahat ng ibinigay niya sa akin, subalit dapat maibangon sila sa huling araw.
40 τοῦτο γάρ ἐστιν τὸ θέλημα τοῦ πατρός μου, ἵνα πᾶς ὁ θεωρῶν τὸν υἱὸν καὶ πιστεύων εἰς αὐτὸν ἔχῃ ζωὴν αἰώνιον, καὶ ἀναστήσω αὐτὸν ἐγὼ τῇ ἐσχάτῃ ἡμέρᾳ. (aiōnios )
Dahil ito ang kalooban ng aking Ama, na bawat isa na nakakakita sa Anak at sumampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at bubuhayin ko siya sa huling araw. (aiōnios )
41 Ἐγόγγυζον οὖν οἱ Ἰουδαῖοι περὶ αὐτοῦ ὅτι εἶπεν, Ἐγώ εἰμι ὁ ἄρτος ὁ καταβὰς ἐκ τοῦ οὐρανοῦ·
Pagkatapos nagbulungan ang mga Judio tungkol sa kaniya dahil sa sinabi niya, “Ako ang tinapay na bumaba mula sa langit.”
42 καὶ ἔλεγον, Οὐχὶ οὗτός ἐστιν Ἰησοῦς ὁ υἱὸς Ἰωσήφ, οὗ ἡμεῖς οἴδαμεν τὸν πατέρα καὶ τὴν μητέρα; πῶς νῦν λέγει ὅτι Ἐκ τοῦ οὐρανοῦ καταβέβηκα;
Sinabi nila, “Hindi ba ito ay si Jesus na anak ni Jose, na kilala natin kung sino ang ama at ina? Paano niya masasabi, 'Ako'y bumaba mula sa langit'?”
43 ἀπεκρίθη Ἰησοῦς καὶ εἶπεν αὐτοῖς, Μὴ γογγύζετε μετὰ ἀλλήλων.
Sumagot si Jesus, sinasabi sa kanila, “Tigilan ninyo ang pagbubulung-bulungan sa inyong mga sarili.”
44 οὐδεὶς δύναται ἐλθεῖν πρὸς ἐμέ, ἐὰν μὴ ὁ πατὴρ ὁ πέμψας με ἑλκύσῃ αὐτόν, κἀγὼ ἀναστήσω αὐτὸν ἐν τῇ ἐσχάτῃ ἡμέρᾳ.
Walang taong maaaring makalapit sa akin maliban na lamang kung ilapit siya ng Ama na siyang nagsugo sa akin, at ibabangon ko siya sa huling araw.
45 ἔστιν γεγραμμένον ἐν τοῖς προφήταις, Καὶ ἔσονται πάντες διδακτοὶ θεοῦ. πᾶς ὁ ἀκούσας παρὰ τοῦ πατρὸς καὶ μαθὼν ἔρχεται πρὸς ἐμέ·
Ito ay nasusulat sa mga propeta, “Silang lahat ay tuturuan ng Diyos.' Bawat isang nakarinig at natuto mula sa Ama ay lalapit sa akin.
46 οὐχ ὅτι τὸν πατέρα ἑώρακέν τις, εἰ μὴ ὁ ὢν παρὰ τοῦ θεοῦ, οὗτος ἑώρακεν τὸν πατέρα.
Hindi sa ang sinuman ang nakakita sa Ama, maliban sa siyang nagmula sa Diyos - nakita na niya ang Ama.
47 ἀμὴν ἀμὴν λέγω ὑμῖν, ὁ πιστεύων [εἰς ἐμὲ] ἔχει ζωὴν αἰώνιον. (aiōnios )
Tunay nga, ang mananampalataya ay may buhay na walang hanggan. (aiōnios )
48 ἐγώ εἰμι ὁ ἄρτος τῆς ζωῆς.
Ako ang tinapay ng buhay.
49 οἱ πατέρες ὑμῶν ἔφαγον ἐν τῇ ἐρήμῳ τὸ μάννα καὶ ἀπέθανον·
Kinain ng inyong mga ninuno ang manna sa ilang at sila ay namatay.
50 οὗτός ἐστιν ὁ ἄρτος ὁ ἐκ τοῦ οὐρανοῦ καταβαίνων, ἵνα τις ἐξ αὐτοῦ φάγῃ καὶ μὴ ἀποθάνῃ.
Ito ang tinapay na nagmula sa langit, upang ang isang tao ay kumain nito at hindi mamamatay.
51 ἐγώ εἰμι ὁ ἄρτος ὁ ζῶν ὁ ἐκ τοῦ οὐρανοῦ καταβάς· ἐάν τις φάγῃ ἐκ τούτου τοῦ ἄρτου, ζήσεται εἰς τὸν αἰῶνα. καὶ ὁ ἄρτος δὲ ὃν ἐγὼ δώσω, ἡ σάρξ μού ἐστιν ὑπὲρ τῆς τοῦ κόσμου ζωῆς. (aiōn )
Ako ang buhay na tinapay na nagmula sa langit. Kung sinuman ang kumain ng ilang tinapay na ito, siya ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman para sa buhay ng mundo. (aiōn )
52 Ἐμάχοντο οὖν πρὸς ἀλλήλους οἱ Ἰουδαῖοι λέγοντες, Πῶς δύναται οὗτος ἡμῖν δοῦναι τὴν σάρκα φαγεῖν;
Ang mga Judio ay nagalit sa isa't isa at nagsimulang magtalo-talo, na sinasabi, “Paanong ibibigay sa atin ng taong ito ang kaniyang laman upang kainin natin?”
53 εἶπεν οὖν αὐτοῖς ὁ Ἰησοῦς, Ἀμὴν ἀμὴν λέγω ὑμῖν, ἐὰν μὴ φάγητε τὴν σάρκα τοῦ υἱοῦ τοῦ ἀνθρώπου καὶ πίητε αὐτοῦ τὸ αἷμα, οὐκ ἔχετε ζωὴν ἐν ἑαυτοῖς.
At sinabi sa kanila ni Jesus, “Tunay nga, maliban na lang kung kakainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kaniyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong mga sarili.
54 ὁ τρώγων μου τὴν σάρκα καὶ πίνων μου τὸ αἷμα ἔχει ζωὴν αἰώνιον, κἀγὼ ἀναστήσω αὐτὸν τῇ ἐσχάτῃ ἡμέρᾳ. (aiōnios )
Sinuman ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw. (aiōnios )
55 ἡ γὰρ σάρξ μου ἀληθής ἐστιν βρῶσις, καὶ τὸ αἷμά μου ἀληθής ἐστιν πόσις.
Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.
56 ὁ τρώγων μου τὴν σάρκα καὶ πίνων μου τὸ αἷμα ἐν ἐμοὶ μένει, κἀγὼ ἐν αὐτῷ.
Ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako sa kaniya.
57 καθὼς ἀπέστειλέν με ὁ ζῶν πατὴρ κἀγὼ ζῶ διὰ τὸν πατέρα, καὶ ὁ τρώγων με, κἀκεῖνος ζήσει δι᾽ ἐμέ.
Gaya ng buhay na Ama na nagsugo sa akin, at gaya ng ako ay nabuhay dahil sa Ama, ang kakain sa akin ay mabubuhay din dahil sa akin.
58 οὗτός ἐστιν ὁ ἄρτος ὁ ἐξ οὐρανοῦ καταβάς, οὐ καθὼς ἔφαγον οἱ πατέρες καὶ ἀπέθανον· ὁ τρώγων τοῦτον τὸν ἄρτον ζήσει εἰς τὸν αἰῶνα. (aiōn )
Ito ang tinapay na bumaba mula sa langit, hindi tulad ng kinain ng mga ninuno at namatay. Ang kakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. (aiōn )
59 Ταῦτα εἶπεν ἐν συναγωγῇ διδάσκων ἐν Καφαρναούμ.
Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa sinagoga habang siya ay nagtuturo sa Capernaum.
60 πολλοὶ οὖν ἀκούσαντες ἐκ τῶν μαθητῶν αὐτοῦ εἶπον, Σκληρός ἐστιν ὁ λόγος οὗτος· τίς δύναται αὐτοῦ ἀκούειν;
Pagkatapos nang narinig ng marami sa kaniyang mga alagad ito, sinabi nila, “Ito ay mahirap na katuruan; sino kaya ang tatanggap nito?”
61 εἰδὼς δὲ ὁ Ἰησοῦς ἐν ἑαυτῷ ὅτι γογγύζουσιν περὶ τούτου οἱ μαθηταὶ αὐτοῦ, εἶπεν αὐτοῖς, Τοῦτο ὑμᾶς σκανδαλίζει;
Dahil alam ni Jesus sa kaniyang sarili na ang kaniyang mga alagad ay naguusap-usap tungkol dito, sinabi niya sa kanila, “Ito ba ay nakasakit sa inyo?
62 ἐὰν οὖν θεωρῆτε τὸν υἱὸν τοῦ ἀνθρώπου ἀναβαίνοντα ὅπου ἦν τὸ πρότερον;
Kung ganoon, paano kung makita ninyo ang Anak ng Tao na umaakyat papunta sa dati niyang kinaroroon?
63 τὸ πνεῦμά ἐστιν τὸ ζωοποιοῦν, ἡ σὰρξ οὐκ ὠφελεῖ οὐδέν· τὰ ῥήματα ἃ ἐγὼ λελάληκα ὑμῖν, πνεῦμά ἐστιν καὶ ζωή ἐστιν.
Ang Espiritu ang siyang nagbibigay buhay. Walang pakinabang ang laman. Ang mga salita na nasabi ko sa inyo ay mga espiritu, at ang mga ito ay buhay.
64 ἀλλὰ εἰσὶν ἐξ ὑμῶν τινες οἳ οὐ πιστεύουσιν. ᾔδει γὰρ ἐξ ἀρχῆς ὁ Ἰησοῦς τίνες εἰσὶν οἱ μὴ πιστεύοντες καὶ τίς ἐστιν ὁ παραδώσων αὐτόν.
Gayun man mayroong ilan sa inyo na hindi mananampalataya.” Sapagkat alam ni Jesus mula pa sa simula sino ang hindi mananampalataya at sino itong magkakanulo sa kaniya.
65 καὶ ἔλεγεν, Διὰ τοῦτο εἴρηκα ὑμῖν ὅτι οὐδεὶς δύναται ἐλθεῖν πρός με, ἐὰν μὴ ᾖ δεδομένον αὐτῷ ἐκ τοῦ πατρός.
Sinabi niya, “Dahil dito ay sinabi ko sa inyo na walang isa man na maaring makalapit sa akin maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama.”
66 ἐκ τούτου πολλοὶ ἐκ τῶν μαθητῶν αὐτοῦ ἀπῆλθον εἰς τὰ ὀπίσω, καὶ οὐκέτι μετ᾽ αὐτοῦ περιεπάτουν.
Pagkatapos nito, marami sa kaniyang mga alagad ang bumalik at hindi na lumakad kasama niya.
67 εἶπεν οὖν ὁ Ἰησοῦς τοῖς δώδεκα, Μὴ καὶ ὑμεῖς θέλετε ὑπάγειν;
Kaya sinabi ni Jesus sa Labingdalawa, “Hindi rin ninyong gustong umalis? hindi ba?”
68 ἀπεκρίθη αὐτῷ Σίμων Πέτρος, Κύριε, πρὸς τίνα ἀπελευσόμεθα; ῥήματα ζωῆς αἰωνίου ἔχεις, (aiōnios )
Sinagot siya ni Simon Pedro, “Panginoon, kanino kami pupunta? Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan, (aiōnios )
69 καὶ ἡμεῖς πεπιστεύκαμεν καὶ ἐγνώ καμεν ὅτι σὺ εἶ ὁ ἅγιος τοῦ θεοῦ.
at kami ay naniwala at nalaman namin na ikaw ang Banal ng Diyos. “
70 ἀπεκρίθη αὐτοῖς ὁ Ἰησοῦς, Οὐκ ἐγὼ ὑμᾶς τοὺς δώδεκα ἐξελεξάμην, καὶ ἐξ ὑμῶν εἷς διάβολός ἐστιν;
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ko ba kayo pinili, na Labindalawa, at ang isa sa inyo ay isang diyablo?”
71 ἔλεγεν δὲ τὸν Ἰούδαν Σίμωνος Ἰσκαριώτου· οὗτος γὰρ ἔμελλεν παραδιδόναι αὐτὸν εἷς ἐκ τῶν δώδεκα.
Ngayon sinabi niya ang tungkol kay Judas anak ni Simon Iscariote, sapagkat siya iyon na kabilang sa Labingdalawan na magkakanulo kay Jesus.