< Ιωαννου Γ΄ 1 >

1 Ὁ πρεσβύτερος Γαΐῳ τῷ ἀγαπητῷ, ὃν ἐγὼ ἀγαπῶ ἐν ἀληθείᾳ.
Ang nakatatanda para kay minamahal na si Gayo, na siyang aking mahal sa katotohanan.
2 Ἀγαπητέ, περὶ πάντων εὔχομαί σε εὐοδοῦσθαι καὶ ὑγιαίνειν, καθὼς εὐοδοῦταί σου ἡ ψυχή.
Minamahal, dinadalangin ko na ikaw ay lumago sa lahat ng mga bagay at maging sa kalusugan, katulad ng paglago ng iyong kaluluwa.
3 ἐχάρην [γὰρ] λίαν ἐρχομένων ἀδελφῶν καὶ μαρτυρούντων σου τῇ ἀληθείᾳ, καθὼς σὺ ἐν ἀληθείᾳ περιπατεῖς.
Sapagkat ako ay lubos na nagalak nang dumating ang mga kapatid na lalaki at nagpatotoo sa iyong katotohanan, katulad sa paglakad mo sa katotohanan.
4 μειζοτέραν τούτων οὐκ ἔχω χαράν, ἵνα ἀκούω τὰ ἐμὰ τέκνα ἐν τῇ ἀληθείᾳ περιπατοῦντα.
Wala akong labis na kaligayahan maliban dito, na marinig na ang aking mga anak ay lumalakad sa katotohanan.
5 Ἀγαπητέ, πιστὸν ποιεῖς ὃ ἐὰν ἐργάσῃ εἰς τοὺς ἀδελφοὺς καὶ τοῦτο ξένους,
Minamahal, ikaw ay nagsasagawa ng katapatan tuwing ikaw ay gumagawa para sa iyong mga kapatid na lalaki at para sa mga hindi kilala,
6 οἳ ἐμαρτύρησάν σου τῇ ἀγάπῃ ἐνώπιον ἐκκλησίας, οὓς καλῶς ποιήσεις προπέμψας ἀξίως τοῦ θεοῦ.
siya na nagpatotoo ng pag-ibig mo sa harapan ng iglesia. Gumawa ka ng mainam para maipadala sila sa kanilang paglalakbay sa paraang karapat-dapat sa Diyos,
7 ὑπὲρ γὰρ τοῦ ὀνόματος ἐξῆλθαν μηδὲν λαμβάνοντες ἀπὸ τῶν ἐθνικῶν.
dahil para sa kapakanan ng Pangalan sila ay lumabas, walang kinukuha mula sa mga Gentil.
8 ἡμεῖς οὖν ὀφείλομεν ὑπολαμβάνειν τοὺς τοιούτους, ἵνα συνεργοὶ γινώμεθα τῇ ἀληθείᾳ.
Samakatuwid tayo ay marapat na tumanggap tulad ng mga ito, nang sa gayon tayo ay maging kapwa manggagawa para sa katotohanan.
9 Ἔγραψά τι τῇ ἐκκλησίᾳ· ἀλλ᾽ ὁ φιλοπρωτεύων αὐτῶν Διοτρεφὴς οὐκ ἐπιδέχεται ἡμᾶς.
Nagsulat ako ng isang bagay sa kapulungan, pero si Diotrefes, na gustong maging una sa kanila, ay hindi tayo tinanggap.
10 διὰ τοῦτο, ἐὰν ἔλθω, ὑπομνήσω αὐτοῦ τὰ ἔργα ἃ ποιεῖ, λόγοις πονηροῖς φλυαρῶν ἡμᾶς· καὶ μὴ ἀρκούμενος ἐπὶ τούτοις, οὔτε αὐτὸς ἐπιδέχεται τοὺς ἀδελφούς, καὶ τοὺς βουλομένους κωλύει, καὶ ἐκ τῆς ἐκκλησίας ἐκβάλλει.
Samakatuwid, kung ako ay pupunta, aalalahanin ko ang mga gawaing kaniyang ginawa, kung paano siyang nagsabi ng mga katawa-tawang bagay laban sa atin gamit ang mga masasamang salita. Hindi pa nasiyahan sa mga gawaing ito, siya mismo ay hindi tinanggap ang mga kapatid na lalaki. Ipinagbabawal niya ang mga nagnanais na gumawa nito at pinapalayas sila sa kapulungan.
11 Ἀγαπητέ, μὴ μιμοῦ τὸ κακόν, ἀλλὰ τὸ ἀγαθόν. ὁ ἀγαθοποιῶν, ἐκ τοῦ θεοῦ ἐστιν· ὁ κακοποιῶν οὐχ ἑώρακεν τὸν θεόν.
Minamahal, huwag mong tularan kung ano ang masama pero kung ano ang mabuti. Ang siyang gumagawa ng mabuti ay sa Diyos; ang siyang gumagawa ng masama ay hindi nakita ang Diyos.
12 Δημητρίῳ μεμαρτύρηται ὑπὸ πάντων καὶ ὑπ᾽ αὐτῆς τῆς ἀληθείας· καὶ ἡμεῖς δὲ μαρτυροῦμεν, καὶ οἶδας ὅτι ἡ μαρτυρία ἡμῶν ἀληθής ἐστιν.
Si Demetrio ay nagpatotoo sa lahat at sa pamamagitan ng katotohanan mismo. Tayo din ay nagpapatotoo, at alam mo na ang aming pagpapatotoo ay tunay.
13 Πολλὰ εἶχον γράψαι σοι, ἀλλ᾽ οὐ θέλω διὰ μέλανος καὶ καλάμου σοι γράφειν·
Marami akong bagay na isusulat sa iyo, pero hindi ko nais isulat ang mga ito sa iyo na gamit ang panulat at tinta.
14 ἐλπίζω δὲ εὐθέως σε ἰδεῖν, καὶ στόμα πρὸς στόμα λαλήσομεν. εἰρήνη σοι. ἀσπάζονταί σε οἱ φίλοι. ἀσπάζου τοὺς φίλους κατ᾽ ὄνομα. ΙΩΑΝΟΥ Γʹ.
Pero ako ay umaasa na makita ka sa lalong madaling panahon, at tayo ay mag-uusap harap-harapan. Kapayapaan ay sumainyo. Ang mga kaibigan ay bumabati sa iyo. Batiin ang mga kaibigan sa pangalan.

< Ιωαννου Γ΄ 1 >