< Προς Εβραιους 2 >

1 Διὰ τοῦτο δεῖ περισσοτέρως ⸂προσέχειν ἡμᾶς τοῖς ἀκουσθεῖσιν, μήποτε παραρυῶμεν.
Kaya nararapat na pagtuunan natin ng pansin kung ano ang ating mga narinig, upang hindi tayo matangay palayo dito.
2 εἰ γὰρ ὁ διʼ ἀγγέλων λαληθεὶς λόγος ἐγένετο βέβαιος, καὶ πᾶσα παράβασις καὶ παρακοὴ ἔλαβεν ἔνδικον μισθαποδοσίαν,
Sapagkat kung ang mensahe na sinabi sa pamamagitan ng mga anghel ay totoo, at ang bawat paglabag at pagsuway ay tatanggap ng nararapat na kaparusahan,
3 πῶς ἡμεῖς ἐκφευξόμεθα τηλικαύτης ἀμελήσαντες σωτηρίας, ἥτις, ἀρχὴν λαβοῦσα λαλεῖσθαι διὰ τοῦ κυρίου, ὑπὸ τῶν ἀκουσάντων εἰς ἡμᾶς ἐβεβαιώθη,
paano tayo makakatakas kung ating babalewalain ang dakilang kaligtasan? —kaligtasan na unang ipinahayag ng Panginoon at pinatunayan sa atin ng mga nakarinig nito.
4 συνεπιμαρτυροῦντος τοῦ θεοῦ σημείοις τε καὶ τέρασιν καὶ ποικίλαις δυνάμεσιν καὶ πνεύματος ἁγίου μερισμοῖς κατὰ τὴν αὐτοῦ θέλησιν;
Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda, mga kamangha-manghang gawa, at sa pamamagitan ng iba't- ibang mga makapangyarihang gawa, at sa pamamagitan ng kaloob ng Banal na Espiritu na kaniyang ipinamahagi ayon sa kaniyang kalooban.
5 Οὐ γὰρ ἀγγέλοις ὑπέταξεν τὴν οἰκουμένην τὴν μέλλουσαν, περὶ ἧς λαλοῦμεν·
Hindi ipinamahala ng Diyos sa mga anghel ang sanlibutang darating na aming tinutukoy.
6 διεμαρτύρατο δέ πού τις λέγων· Τί ἐστιν ἄνθρωπος ὅτι μιμνῄσκῃ αὐτοῦ, ἢ υἱὸς ἀνθρώπου ὅτι ἐπισκέπτῃ αὐτόν;
Sa halip, may nagpatunay mula sa isang dako at nagsabing, “Ano ba ang tao, na iyong inaalala? O ang anak ng tao, na iyong pinapahalagahan?
7 ἠλάττωσας αὐτὸν βραχύ τι παρʼ ἀγγέλους, δόξῃ καὶ τιμῇ ἐστεφάνωσας ⸀αὐτόν
Ginawa mo ang taong bahagyang mas mababa kaysa sa mga anghel; kinoronahan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. (Nilagay mo siya sa ilalim ng gawa ng iyong mga kamay.)
8 πάντα ὑπέταξας ὑποκάτω τῶν ποδῶν αὐτοῦ· ἐν ⸂τῷ γὰρ ⸀ὑποτάξαιτὰ πάντα οὐδὲν ἀφῆκεν αὐτῷ ἀνυπότακτον. νῦν δὲ οὔπω ὁρῶμεν αὐτῷ τὰ πάντα ὑποτεταγμένα·
Inilagay mo ang lahat na mapasailalim sa kaniyang mga paa”. Sapagkat ipinasailalim ng Diyos ang lahat sa sangkatauhan. Wala siyang iniwan na anuman na hindi naipasailalim sa kaniya. Ngunit ngayon, hindi pa natin makita ang lahat na ipinasailalim sa kaniya.
9 τὸν δὲ βραχύ τι παρʼ ἀγγέλους ἠλαττωμένον βλέπομεν Ἰησοῦν διὰ τὸ πάθημα τοῦ θανάτου δόξῃ καὶ τιμῇ ἐστεφανωμένον, ὅπως ⸀χωρὶςθεοῦ ὑπὲρ παντὸς γεύσηται θανάτου.
Gayon pa man, nakikita natin ang isa na ginawa sa maikling panahon, na mababa kaysa mga anghel— si Jesus, dahil sa kaniyang paghihirap at kamatayan ay kinoronahan ng kaluwalhatian at karangalan. Kaya ngayon sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, naranasan ni Jesus ang kamatayan para sa bawat tao.
10 Ἔπρεπεν γὰρ αὐτῷ, διʼ ὃν τὰ πάντα καὶ διʼ οὗ τὰ πάντα, πολλοὺς υἱοὺς εἰς δόξαν ἀγαγόντα τὸν ἀρχηγὸν τῆς σωτηρίας αὐτῶν διὰ παθημάτων τελειῶσαι.
Sapagkat nararapat na ang Diyos, dahil para sa kaniya at sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming mga anak tungo sa kaluwalhatian, ay gawing sakdal ang nagtatag ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng pagdurusa.
11 ὅ τε γὰρ ἁγιάζων καὶ οἱ ἁγιαζόμενοι ἐξ ἑνὸς πάντες· διʼ ἣν αἰτίαν οὐκ ἐπαισχύνεται ἀδελφοὺς αὐτοὺς καλεῖν,
Sapagkat parehong ang tagapaghandog at mga ihinahandog ay iisa lang ang pinanggalingan, ang Diyos. Dahil dito, ang tagapaghandog nila sa Diyos ay hindi nahihiyang tawagin silang mga kapatid.
12 λέγων· Ἀπαγγελῶ τὸ ὄνομά σου τοῖς ἀδελφοῖς μου, ἐν μέσῳ ἐκκλησίας ὑμνήσω σε·
Sinasabi niya, “Ipapahayag ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid, aawitin ko ang tungkol saiyo sa loob ng pagpupulong.”
13 καὶ πάλιν· Ἐγὼ ἔσομαι πεποιθὼς ἐπʼ αὐτῷ· καὶ πάλιν· Ἰδοὺ ἐγὼ καὶ τὰ παιδία ἅ μοι ἔδωκεν ὁ θεός.
At sinasabi niyang muli, “Magtitiwala ako sa kaniya.” At muli, “Masdan ninyo, heto ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Diyos.”
14 Ἐπεὶ οὖν τὰ παιδία κεκοινώνηκεν ⸂αἵματος καὶ σαρκός, καὶ αὐτὸς παραπλησίως μετέσχεν τῶν αὐτῶν, ἵνα διὰ τοῦ θανάτου καταργήσῃ τὸν τὸ κράτος ἔχοντα τοῦ θανάτου, τοῦτʼ ἔστι τὸν διάβολον,
Kaya, dahil lahat ng mga anak ng Diyos ay kabahagi ng laman at dugo, nakibahagi rin si Jesus sa mga bagay na ito, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay maaari niyang mapawalang bisa ang may kapangyarihan ng kamatayan, na ibig sabihin, ay ang diyablo.
15 καὶ ἀπαλλάξῃ τούτους, ὅσοι φόβῳ θανάτου διὰ παντὸς τοῦ ζῆν ἔνοχοι ἦσαν δουλείας.
Ito ay upang mapalaya niya ang lahat na sa pamamagitan ng pagkatakot sa kamatayan ay napasailalim sa pagkaalipin sa buong buhay nila.
16 οὐ γὰρ δήπου ἀγγέλων ἐπιλαμβάνεται, ἀλλὰ σπέρματος Ἀβραὰμ ἐπιλαμβάνεται.
Sapagkat tunay nga na hindi ang mga anghel ang tinutulungan niya. Sa halip, tinutulungan niya ang mga kaapu-apuhan ni Abraham.
17 ὅθεν ὤφειλεν κατὰ πάντα τοῖς ἀδελφοῖς ὁμοιωθῆναι, ἵνα ἐλεήμων γένηται καὶ πιστὸς ἀρχιερεὺς τὰ πρὸς τὸν θεόν, εἰς τὸ ἱλάσκεσθαι τὰς ἁμαρτίας τοῦ λαοῦ·
Kaya kinakailangan niyang maging katulad ng kaniyang mga kapatid sa lahat ng paraan, upang siya ay maging maawain at tapat na pinakapunong pari sa mga bagay para sa Diyos, at upang maaari niyang makamit ang kapatawaran para sa kasalanan ng mga tao.
18 ἐν ᾧ γὰρ πέπονθεν αὐτὸς πειρασθείς, δύναται τοῖς πειραζομένοις βοηθῆσαι.
Dahil si Jesus mismo ay naghirap, noong siya ay tinukso, kaya niyang tulungan ang mga natukso.

< Προς Εβραιους 2 >