< Πραξεις 12 >

1 Κατʼ ἐκεῖνον δὲ τὸν καιρὸν ἐπέβαλεν Ἡρῴδης ὁ βασιλεὺς τὰς χεῖρας κακῶσαί τινας τῶν ἀπὸ τῆς ἐκκλησίας.
Nang panahong ding iyon, pinagbuhatan ng kamay ni haring Herodes ang ilan sa kapulungan, upang abusuhin sila.
2 ἀνεῖλεν δὲ Ἰάκωβον τὸν ἀδελφὸν Ἰωάννου μαχαίρῃ.
Pinatay niya si Santiago na kapatid ni Juan sa pamamagitan ng espada.
3 ⸂ἰδὼν δὲ ὅτι ἀρεστόν ἐστιν τοῖς Ἰουδαίοις προσέθετο συλλαβεῖν καὶ Πέτρον (ἦσαν ⸀δὲἡμέραι τῶν ἀζύμων),
Nang makita niya na nalugod ang mga Judio, ipinadakip din niya si Pedro. Ito ay sa panahon ng mga tinapay na walang lebadura.
4 ὃν καὶ πιάσας ἔθετο εἰς φυλακήν, παραδοὺς τέσσαρσιν τετραδίοις στρατιωτῶν φυλάσσειν αὐτόν, βουλόμενος μετὰ τὸ πάσχα ἀναγαγεῖν αὐτὸν τῷ λαῷ.
Pagkatapos siyang dakipin, ipinabilanggo siya at nagtalaga ng apat na pangkat ng mga sundalo upang siya ay bantayan; binabalak niyang iharap si Pedro sa mga tao pagkatapos ng Paskwa.
5 ὁ μὲν οὖν Πέτρος ἐτηρεῖτο ἐν τῇ φυλακῇ· προσευχὴ δὲ ἦν ⸀ἐκτενῶςγινομένη ὑπὸ τῆς ἐκκλησίας πρὸς τὸν θεὸν ⸀περὶαὐτοῦ.
Kaya nanatili si Pedro sa kulungan, ngunit ang kapulungan ay masigasig na nanalangin sa Diyos para sa kaniya.
6 Ὅτε δὲ ἤμελλεν ⸂προαγαγεῖν αὐτὸν ὁ Ἡρῴδης, τῇ νυκτὶ ἐκείνῃ ἦν ὁ Πέτρος κοιμώμενος μεταξὺ δύο στρατιωτῶν δεδεμένος ἁλύσεσιν δυσίν, φύλακές τε πρὸ τῆς θύρας ἐτήρουν τὴν φυλακήν.
Nang araw bago siya ilabas ni Herodes, nang gabing iyon, natutulog si Pedro sa pagitan ng dalawang kawal, gapos ng dalawang mga tanikala at nagbabantay ang mga bantay sa harap ng pintuan ng bilangguan.
7 καὶ ἰδοὺ ἄγγελος κυρίου ἐπέστη, καὶ φῶς ἔλαμψεν ἐν τῷ οἰκήματι· πατάξας δὲ τὴν πλευρὰν τοῦ Πέτρου ἤγειρεν αὐτὸν λέγων· Ἀνάστα ἐν τάχει· καὶ ἐξέπεσαν αὐτοῦ αἱ ἁλύσεις ἐκ τῶν χειρῶν.
At biglang lumitaw ang isang anghel ng Diyos sa kaniyang tabi at isang ilaw ang lumiwanag sa bilangguan. Tinapik niya si Pedro sa tagiliran at ginising at sinabi, “Bumangon kang madali.” Pagkatapos nahulog ang kaniyang mga kadena sa kaniyang mga kamay.
8 εἶπεν ⸀δὲὁ ἄγγελος πρὸς αὐτόν· ⸀Ζῶσαικαὶ ὑπόδησαι τὰ σανδάλιά σου· ἐποίησεν δὲ οὕτως. καὶ λέγει αὐτῷ· Περιβαλοῦ τὸ ἱμάτιόν σου καὶ ἀκολούθει μοι.
Sinabi sa kaniya ng anghel, “Magdamit ka at isuot ang iyong sandalyas.”Ginawa nga ito ni Pedro. Sinabi ng anghel sa kaniya, “Isuot mo ang iyong panlabas na kasuotan at sumunod ka sa akin.”
9 καὶ ἐξελθὼν ⸀ἠκολούθει καὶ οὐκ ᾔδει ὅτι ἀληθές ἐστιν τὸ γινόμενον διὰ τοῦ ἀγγέλου, ἐδόκει δὲ ὅραμα βλέπειν.
Kaya sumunod nga si Pedro sa anghel at lumabas. Hindi niya alam na ang nangyari sa pamamagitan ng anghel ay totoo. Ang akala niya nakakakita siya ng isang pangitain.
10 διελθόντες δὲ πρώτην φυλακὴν καὶ δευτέραν ἦλθαν ἐπὶ τὴν πύλην τὴν σιδηρᾶν τὴν φέρουσαν εἰς τὴν πόλιν, ἥτις αὐτομάτη ἠνοίγη αὐτοῖς, καὶ ἐξελθόντες προῆλθον ῥύμην μίαν, καὶ εὐθέως ἀπέστη ὁ ἄγγελος ἀπʼ αὐτοῦ.
Pagkatapos nilang makalampas sa una at sa pangalawang bantay, nakarating sila sa pintuang bakal na patungo sa lungsod, kusa itong bumukas para sa kanila. Lumabas sila at bumaba sa isang kalye, at kaagad siyang iniwan ng anghel.
11 καὶ ὁ Πέτρος ⸂ἐν ἑαυτῷ γενόμενος εἶπεν· Νῦν οἶδα ἀληθῶς ὅτι ἐξαπέστειλεν ⸀ὁκύριος τὸν ἄγγελον αὐτοῦ καὶ ἐξείλατό με ἐκ χειρὸς Ἡρῴδου καὶ πάσης τῆς προσδοκίας τοῦ λαοῦ τῶν Ἰουδαίων.
Nang matauhan si Pedro, sinabi niya, “Ngayon, aking napatunayan na ipinadala ng Diyos ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes, at mula sa lahat ng inaasahan ng mga mamamayang Judio.”
12 Συνιδών τε ἦλθεν ἐπὶ τὴν οἰκίαν ⸀τῆςΜαρίας τῆς μητρὸς Ἰωάννου τοῦ ἐπικαλουμένου Μάρκου, οὗ ἦσαν ἱκανοὶ συνηθροισμένοι καὶ προσευχόμενοι.
Pagkatapos niyang maunawaan ito, dumating siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na ang huling pangalan ay Marcos; maraming mananampalataya ang nagkatipon doon at nananalangin.
13 κρούσαντος δὲ ⸀αὐτοῦτὴν θύραν τοῦ πυλῶνος προσῆλθε παιδίσκη ὑπακοῦσαι ὀνόματι Ῥόδη,
Nang kumatok siya sa may pintuan ng tarangkahan, isang aliping babae na nagngangalang Roda ang pumunta upang sumagot.
14 καὶ ἐπιγνοῦσα τὴν φωνὴν τοῦ Πέτρου ἀπὸ τῆς χαρᾶς οὐκ ἤνοιξεν τὸν πυλῶνα, εἰσδραμοῦσα δὲ ἀπήγγειλεν ἑστάναι τὸν Πέτρον πρὸ τοῦ πυλῶνος.
Nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa kaniyang kagalakan, hindi niya nabuksan ang pintuan; sa halip, tumakbo siya sa silid at kaniyang ibinalita na nakatayo si Pedro sa may pintuan.
15 οἱ δὲ πρὸς αὐτὴν εἶπαν· Μαίνῃ. ἡ δὲ διϊσχυρίζετο οὕτως ἔχειν. οἱ δὲ ἔλεγον· Ὁ ἄγγελός ⸂ἐστιν αὐτοῦ.
Kaya sinabi nila sa kaniya, “Nababaliw ka na.”Ngunit kaniyang ipinilit na ito ay totoo. Kanilang sinabi, “Ito ang kaniyang anghel.”
16 ὁ δὲ Πέτρος ἐπέμενεν κρούων· ἀνοίξαντες δὲ εἶδαν αὐτὸν καὶ ἐξέστησαν.
Ngunit patuloy pa rin si Pedro sa pagkatok, at nang kanilang buksan ang pintuan, nakita nila siya at sila ay namangha.
17 κατασείσας δὲ αὐτοῖς τῇ χειρὶ σιγᾶν διηγήσατο αὐτοῖς πῶς ὁ κύριος αὐτὸν ἐξήγαγεν ἐκ τῆς φυλακῆς, εἶπέν ⸀τε Ἀπαγγείλατε Ἰακώβῳ καὶ τοῖς ἀδελφοῖς ταῦτα. καὶ ἐξελθὼν ἐπορεύθη εἰς ἕτερον τόπον.
Sumenyas si Pedro sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang kamay na tumahimik, at sinabi niya sa kanila kung paano siya inilabas ng Diyos sa bilangguan. Sinabi niya, “Ibalita ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago at sa mga kapatid.” Pagkatapos umalis siya at nagpunta sa ibang lugar.
18 Γενομένης δὲ ἡμέρας ἦν τάραχος οὐκ ὀλίγος ἐν τοῖς στρατιώταις, τί ἄρα ὁ Πέτρος ἐγένετο.
Nang sumapit na ang araw, gulong-gulo ang mga kawal tungkol sa nangyari kay Pedro.
19 Ἡρῴδης δὲ ἐπιζητήσας αὐτὸν καὶ μὴ εὑρὼν ἀνακρίνας τοὺς φύλακας ἐκέλευσεν ἀπαχθῆναι, καὶ κατελθὼν ἀπὸ τῆς Ἰουδαίας ⸀εἰςΚαισάρειαν διέτριβεν.
Pagkatapos siyang hanapin ni Herodes at hindi matagpuan, tinanong niya ang mga bantay at iniutos na patawan sila ng kamatayan. Pagkatapos siya ay bumaba mula Judea hanggang Cesarea at nanatili doon.
20 Ἦν ⸀δὲθυμομαχῶν Τυρίοις καὶ Σιδωνίοις· ὁμοθυμαδὸν δὲ παρῆσαν πρὸς αὐτόν, καὶ πείσαντες Βλάστον τὸν ἐπὶ τοῦ κοιτῶνος τοῦ βασιλέως ᾐτοῦντο εἰρήνην διὰ τὸ τρέφεσθαι αὐτῶν τὴν χώραν ἀπὸ τῆς βασιλικῆς.
Ngayon galit na galit si Herodes sa mga taga-Tiro at Sidon. Pumunta sila sa kaniya na magkakasama. Hinikayat nila si Blasto, na kanang kamay ng Hari, upang tulungan sila. Pagkatapos humiling sila ng kapayapaan, dahil ang kanilang bansa ay tumatanggap ng pagkain mula sa bansa ng hari.
21 τακτῇ δὲ ἡμέρᾳ ὁ Ἡρῴδης ἐνδυσάμενος ἐσθῆτα βασιλικὴν ⸀καὶκαθίσας ἐπὶ τοῦ βήματος ἐδημηγόρει πρὸς αὐτούς·
Nang dumating ang takdang araw, nagbihis si Herodes ng marangyang kasuotan at umupo sa trono; nagsalita siya sa kanila.
22 ὁ δὲ δῆμος ἐπεφώνει· ⸂Θεοῦ φωνὴ καὶ οὐκ ἀνθρώπου.
Sumigaw ang mga tao, “Ito ang tinig ng isang diyos, hindi ng isang tao!”
23 παραχρῆμα δὲ ἐπάταξεν αὐτὸν ἄγγελος κυρίου ἀνθʼ ὧν οὐκ ἔδωκεν ⸀τὴνδόξαν τῷ θεῷ, καὶ γενόμενος σκωληκόβρωτος ἐξέψυξεν.
Kaagad siyang hinampas ng isang anghel ng Panginoon, dahil hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Diyos; kinain siya ng mga uod at namatay.
24 Ὁ δὲ λόγος τοῦ ⸀θεοῦηὔξανεν καὶ ἐπληθύνετο.
Ngunit lumago at lumaganap ang salita ng Diyos.
25 Βαρναβᾶς δὲ καὶ Σαῦλος ὑπέστρεψαν, ⸀εἰςἸερουσαλὴμ πληρώσαντες τὴν διακονίαν, ⸀συμπαραλαβόντεςἸωάννην τὸν ἐπικληθέντα Μᾶρκον.
Nang matapos nina Bernabe at Saul ang kanilang misyon sa Jerusalem, bumalik sila mula doon; isinama nila si Juan na ang huling pangalan ay Marcos.

< Πραξεις 12 >