< Αποκαλυψις Ιωαννου 5 >
1 Καὶ εἶδον ἐπὶ τὴν δεξιὰν τοῦ καθημένου ἐπὶ τοῦ θρόνου βιβλίον γεγραμμένον ἔσωθεν καὶ ὄπισθεν, κατεσφραγισμένον σφραγῖσιν ἑπτά.
Pagkatapos nakita ko sa kanang kamay ng isa na siyang nakaupo sa trono, isang balumbon na nakasulat sa harapang panig at sa likurang panig, at sinelyuhan ng pitong selyo.
2 καὶ εἶδον ἄγγελον ἰσχυρὸν κηρύσσοντα ἐν φωνῇ μεγάλῃ Τίς ἄξιος ἀνοῖξαι τὸ βιβλίον καὶ λῦσαι τὰς σφραγῖδας αὐτοῦ;
Nakita ko ang isang makapangyarihang anghel na naghahayag ng may malakas ng tinig, “Sino ang karapat-dapat magbukas ng balumbon at sirain ang mga selyo nito?”
3 καὶ οὐδεὶς ἐδύνατο ἐν τῷ οὐρανῷ οὐδὲ ἐπὶ τῆς γῆς οὐδὲ ὑποκάτω τῆς γῆς ἀνοῖξαι τὸ βιβλίον οὔτε βλέπειν αὐτό.
Walang sinuman sa langit o sa lupa o sa ilalim ng lupa ang kayang buksan ang balumbon o basahin ito.
4 καὶ ἔκλαιον πολὺ, ὅτι οὐδεὶς ἄξιος εὑρέθη ἀνοῖξαι τὸ βιβλίον οὔτε βλέπειν αὐτό.
Maramdamin akong umiyak dahil walang sinuman ang nakatagpo na karapat-dapat para buksan ang balumbon o basahin ito.
5 καὶ εἷς ἐκ τῶν πρεσβυτέρων λέγει μοι Μὴ κλαῖε· ἰδοὺ ἐνίκησεν ὁ Λέων ὁ ἐκ τῆς φυλῆς Ἰούδα, ἡ Ῥίζα Δαυείδ, ἀνοῖξαι τὸ βιβλίον καὶ τὰς ἑπτὰ σφραγῖδας αὐτοῦ.
Pero sinabi sa akin ng isa sa mga nakatatanda, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang Leon sa lipi ng Juda, ang Ugat ni David, ay nalupig, at kaya niyang buksan ang balumbon at ang mga selyo nito.”
6 Καὶ εἶδον ἐν μέσῳ τοῦ θρόνου καὶ τῶν τεσσάρων ζῴων καὶ ἐν μέσῳ τῶν πρεσβυτέρων Ἀρνίον ἑστηκὸς ὡς ἐσφαγμένον, ἔχων κέρατα ἑπτὰ καὶ ὀφθαλμοὺς ἑπτά, οἵ εἰσιν τὰ ἑπτὰ Πνεύματα τοῦ Θεοῦ ἀπεσταλμένοι εἰς πᾶσαν τὴν γῆν.
Sa pagitan ng trono at ng apat na buhay na mga nilalang at sa kalagitnaan ng mga nakatatanda, nakita ko ang isang Kordero na nakatayo, nagmamasid na kahit siya ay pinatay. Mayroon siyang pitong mga sungay at pitong mga mata — ito ay ang pitong espiritu ng Diyos na ipinadala sa lahat ng dako ng lupa.
7 καὶ ἦλθεν καὶ εἴληφεν ἐκ τῆς δεξιᾶς τοῦ καθημένου ἐπὶ τοῦ θρόνου.
Pumunta siya at kinuha ang balumbon mula sa kanang kamay ng isa na siyang nakaupo sa trono.
8 Καὶ ὅτε ἔλαβεν τὸ βιβλίον, τὰ τέσσερα ζῷα καὶ οἱ εἴκοσι τέσσαρες πρεσβύτεροι ἔπεσαν ἐνώπιον τοῦ Ἀρνίου, ἔχοντες ἕκαστος κιθάραν καὶ φιάλας χρυσᾶς γεμούσας θυμιαμάτων, αἵ εἰσιν αἱ προσευχαὶ τῶν ἁγίων.
Nang nakuha niya ang balumbon, ang apat na buhay na nilalang at ang dalawampu't apat na nakatatanda ay inihiga ang kanilang mga sarili sa lupa sa harap ng Kordero. Ang bawat isa sa kanila ay may isang alpa at isang gintong mangkok na puno ng insenso — kung saan ang mga panalangin ng mga mananampalataya.
9 καὶ ᾄδουσιν ᾠδὴν καινὴν λέγοντες Ἄξιος εἶ λαβεῖν τὸ βιβλίον καὶ ἀνοῖξαι τὰς σφραγῖδας αὐτοῦ, ὅτι ἐσφάγης καὶ ἠγόρασας τῷ Θεῷ ἐν τῷ αἵματί σου ἐκ πάσης φυλῆς καὶ γλώσσης καὶ λαοῦ καὶ ἔθνους,
Umawit sila ng bagong awit: “Ikaw ay karapat-dapat kumuha ng balumbon at buksan ang mga selyo nito. Dahil ikaw ay pinatay at sa pamamagitan ng iyong dugo, binili mo ang mga tao para sa Diyos mula sa bawat lipi, wika, mga tao, at bansa.
10 καὶ ἐποίησας αὐτοὺς τῷ Θεῷ ἡμῶν βασιλείαν καὶ ἱερεῖς, καὶ βασιλεύσουσιν ἐπὶ τῆς γῆς.
Ginawa mo silang isang kaharian at mga pari para maglingkod sa ating Diyos at sila ay maghahari sa mundo.
11 καὶ εἶδον, καὶ ἤκουσα φωνὴν ἀγγέλων πολλῶν κύκλῳ τοῦ θρόνου καὶ τῶν ζῴων καὶ τῶν πρεσβυτέρων, καὶ ἦν ὁ ἀριθμὸς αὐτῶν μυριάδες μυριάδων καὶ χιλιάδες χιλιάδων,
Pagkatapos nakita ko at narinig ang tunog ng maraming mga anghel sa palibot ng trono, — ang kanilang bilang ay 200, 000, 000 — at ang mga buhay na nilalang at mga nakatatanda.
12 λέγοντες φωνῇ μεγάλῃ Ἄξιός ἐστιν τὸ Ἀρνίον τὸ ἐσφαγμένον λαβεῖν τὴν δύναμιν καὶ πλοῦτον καὶ σοφίαν καὶ ἰσχὺν καὶ τιμὴν καὶ δόξαν καὶ εὐλογίαν.
Kanilang sinabi sa malakas na tinig, “Karapat-dapat ang Kordero na pinatay na tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian at kapurihan.”
13 καὶ πᾶν κτίσμα ὃ ἐν τῷ οὐρανῷ καὶ ἐπὶ τῆς γῆς καὶ ὑποκάτω τῆς γῆς καὶ ἐπὶ τῆς θαλάσσης ἐστίν, καὶ τὰ ἐν αὐτοῖς πάντα, ἤκουσα λέγοντας Τῷ καθημένῳ ἐπὶ τῷ θρόνῳ καὶ τῷ Ἀρνίῳ ἡ εὐλογία καὶ ἡ τιμὴ καὶ ἡ δόξα καὶ τὸ κράτος εἰς τοὺς αἰῶνας τῶν αἰώνων. (aiōn )
Narinig ko bawat bagay na nasa langit, at sa lupa, at sa ilalim ng lupa at sa dagat — lahat ng bagay sa kanila — sinasabing: “Sa kaniya na siyang nakaupo sa trono, at sa Kordero, ay ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan para mamahala, magpakailan pa man. (aiōn )
14 καὶ τὰ τέσσερα ζῷα ἔλεγον Ἀμήν, καὶ οἱ πρεσβύτεροι ἔπεσαν καὶ προσεκύνησαν.
Ang apat na buhay na nilalang ay sinabing'”Amen” at ang mga nakatatanda ay humiga at sumamba.