< Ψαλμοί 97 >
1 Ο Κύριος βασιλεύει· ας αγάλλεται η γή· ας ευφραίνεται το πλήθος των νήσων.
Naghahari si Yahweh; hayaang magalak ang daigdig; hayaang matuwa ang maraming kapuluan.
2 Νεφέλη και ομίχλη είναι κύκλω αυτού· δικαιοσύνη και κρίσις η βάσις του θρόνου αυτού.
Pumapalibot sa kanya ang mga ulap at kadiliman. Katuwiran at katarungan ang saligan ng kanyang trono.
3 Πυρ προπορεύεται έμπροσθεν αυτού και καταφλέγει πανταχόθεν, τους εχθρούς αυτού.
Ang apoy ang nasa kanyang unahan at tumutupok sa kanyang mga kaaway sa lahat ng dako.
4 Αι αστραπαί αυτού φωτίζουσι την οικουμένην· είδεν η γη και εσαλεύθη.
Ang kanyang kidlat ang lumiliwanag sa mundo; nakikita ng daigdig at nayayanig.
5 Τα όρη διαλύονται ως κηρός από της παρουσίας του Κυρίου, από της παρουσίας του Κυρίου πάσης της γής·
Ang mga bundok ay natutunaw gaya ng kandila sa harapan ni Yahweh, ang Panginoon ng buong daigdig.
6 Αναγγέλλουσιν οι ουρανοί την δικαιοσύνην αυτού, και βλέπουσι πάντες οι λαοί την δόξαν αυτού.
Ipinapahayag ng kalangitan ang kanyang katarungan, at nakikita ng lahat ng mga bansa ang kanyang kaluwalhatian.
7 Ας αισχυνθώσι πάντες οι λατρεύοντες τα γλυπτά, οι καυχώμενοι εις τα είδωλα· προσκυνείτε αυτόν, πάντες οι θεοί.
Ang lahat ng sumasamba sa mga inukit na bagay ay mapapahiya, ang mga nagyayabang sa mga walang katuturang mga diyos-diyosan— yumukod kayo sa kanya, kayong lahat na mga diyos!
8 Ήκουσεν η Σιών και ευφράνθη, και εχάρησαν αι θυγατέρες του Ιούδα διά τας κρίσεις σου, Κύριε.
Narinig ng Sion at natuwa, at ang mga bayan ng Juda ay nagalak dahil sa iyong matuwid na mga kautusan, Yahweh.
9 Διότι συ, Κύριε, είσαι ύψιστος εφ' όλην την γήν· σφόδρα υπερυψώθης υπέρ πάντας τους θεούς.
Dahil ikaw, Yahweh, ay kataas-taasan sa buong daigdig. Ikaw ay dinadakila higit sa lahat ng mga diyos.
10 Οι αγαπώντες τον Κύριον, μισείτε το κακόν· αυτός φυλάττει τας ψυχάς των οσίων αυτού· ελευθερόνει αυτούς εκ χειρός ασεβών.
Kayong mga nagmamahal kay Yahweh, kamuhian ninyo ang masama! Ipinagtatanggol niya ang buhay ng kanyang mga banal at inililigtas niya (sila) sa kamay ng mga masasama.
11 Φως σπείρεται διά τον δίκαιον και ευφροσύνη διά τους ευθείς την καρδίαν.
Ang liwanag ay itinatanim para sa mga matuwid at katuwaan para sa mga may matapat na puso.
12 Ευφραίνεσθε, δίκαιοι, εν Κυρίω, και υμνείτε την μνήμην της αγιωσύνης αυτού.
Magalak kay Yahweh, kayong matutuwid; at magbigay ng pasasalamat sa kanyang banal na pangalan.