< Ψαλμοί 27 >
1 «Ψαλμός του Δαβίδ.» Ο Κύριος είναι φως μου και σωτηρία μου· τίνα θέλω φοβηθή; ο Κύριος είναι δύναμις της ζωής μου· από τίνος θέλω δειλιάσει;
Si Yahweh ang aking liwanag at aking kaligtasan; kanino ako matatakot? Si Yahweh ang kanlungan ng aking buhay; kanino ako mangangamba?
2 Ότε επλησίασαν επ' εμέ οι πονηρευόμενοι, διά να καταφάγωσι την σάρκα μου, οι αντίδικοι και οι εχθροί μου, αυτοί προσέκρουσαν και έπεσον.
Nang lumapit sa akin ang mga gumagawa ng kasamaan para lamunin ang aking laman, ang aking mga kalaban at ang aking mga kaaway ay nadapa at nabuwal.
3 Και αν παραταχθή εναντίον μου στράτευμα, η καρδία μου δεν θέλει φοβηθή· και αν πόλεμος σηκωθή επ' εμέ, και τότε θέλω ελπίζει.
Kahit ang isang hukbo ay nagsasama-sama laban sa akin, ang aking puso ay hindi matatakot; kahit digmaan ay umusbong laban sa akin, kahit ganoon ay mananatili akong nagtitiwala.
4 Εν εζήτησα παρά του Κυρίου, τούτο θέλω εκζητεί· το να κατοικώ εν τω οίκω του Κυρίου πάσας τας ημέρας της ζωής μου, να θεωρώ το κάλλος του Κυρίου και να επισκέπτωμαι τον ναόν αυτού.
Isang bagay ang aking hiniling kay Yahweh, at iyon ay aking hahanapin: na ako ay mananahan sa tahanan ni Yahweh sa lahat ng mga araw ng aking buhay, para makita ang kagandahan ni Yahweh at para magnilay-nilay sa kanyang templo.
5 Διότι εν ημέρα συμφοράς θέλει με κρύψει εν τη σκηνή αυτού· Θέλει με κρύψει εν τω αποκρύφω της σκηνής αυτού· θέλει με υψώσει επί βράχον·
Dahil sa araw ng kaguluhan ay ikukubli niya ako sa kanyang kubol; sa loob ng kanyang tolda ay itatago niya ako. Itataas niya ako sa ibabaw ng isang malaking bato!
6 και ήδη η κεφαλή μου θέλει υψωθή υπεράνω των εχθρών μου των περικυκλούντων με· και θέλω θυσιάσει εν τη σκηνή αυτού θυσίας αλαλαγμού· θέλω υμνεί και θέλω ψαλμωδεί εις τον Κύριον.
Pagkatapos ay itataas ang aking ulo nang mas angat kaysa aking mga kaaway na nasa paligid ko, at ako ay maghahain ng mga handog ng kagalakan sa kanyang tolda! Aawit ako at gagawa ng mga awitin kay Yahweh!
7 Άκουσον, Κύριε, της φωνής μου, όταν κράζω· και ελέησόν με και εισάκουσόν μου.
Pakinggan mo, Yahweh, ang aking tinig kapag ako ay umiiyak! Maawa ka sa akin, at sagutin mo ako!
8 Ζητήσατε το πρόσωπόν μου, είπε περί σου η καρδία μου. Το πρόσωπόν σου, Κύριε, θέλω ζητήσει.
Sinasabi ng aking puso tungkol sa iyo, “Hanapin ang kaniyang mukha!” Hahanapin ko ang iyong mukha, Yahweh!
9 Μη κρύψης απ' εμού το πρόσωπόν σου· μη απορρίψης εν οργή τον δούλον σου· συ εστάθης βοήθειά μου· μη με αφήσης και μη με εγκαταλείψης, Θεέ της σωτηρίας μου.
Huwag mong itago ang iyong mukha sa akin; huwag mong saktan ang iyong lingkod sa galit! Ikaw ang aking naging katuwang; huwag mo akong pabayaan o iwanan, Diyos ng aking kaligtasan!
10 Και αν ο πατήρ μου και η μήτηρ μου με εγκαταλείψωσιν, ο Κύριος όμως θέλει με προσδεχθή.
Kahit na pabayaan ako ng aking ama o ng aking ina, si Yahweh ang mag-aaruga sa akin.
11 Δίδαξόν με, Κύριε, την οδόν σου και οδήγησόν με εν οδώ ευθεία ένεκεν των εχθρών μου.
Ituro mo sa akin ang iyong daan, Yahweh! Pangunahan mo ako sa patag na landas dahil sa aking mga kaaway.
12 Μη με παραδώσης εις την επιθυμίαν των εχθρών μου· διότι ηγέρθησαν κατ' εμού μάρτυρες ψευδείς και πνέοντες αδικίαν.
Huwag mo akong ibigay sa mga hangarin ng aking mga kaaway, dahil ang mga sinungaling na saksi ay nagsitindig laban sa akin, at (sila) ay bumuga ng karahasan!
13 Ουαί εάν δεν επίστευον να ίδω τα αγαθά του Κυρίου εν γη ζώντων.
Ano kaya ang nangyari sa akin kung hindi ako naniwala na makikita ko ang kabutihan ni Yahweh sa lupain ng mga buhay?
14 Πρόσμενε τον Κύριον· ανδρίζου, και ας κραταιωθή η καρδία σου· και πρόσμενε τον Κύριον.
Maghintay kayo kay Yahweh; maging matatag, at hayaan na maging matapang ang inyong puso! Maghintay kayo kay Yahweh!