< Παροιμίαι 8 >
1 Δεν κράζει η σοφία; και δεν εκπέμπει την φωνήν αυτής η σύνεσις;
Hindi ba umiiyak ang karunungan, at inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig?
2 Ίσταται επί της κορυφής των υψηλών τόπων, υπέρ την οδόν, εν τω μέσω των τριόδων.
Sa taluktok ng mga mataas na dako sa tabi ng daan, sa mga salubungang landas, siya'y tumatayo;
3 Κράζει πλησίον των πυλών, εν τη εισόδω της πόλεως, εν τη εισόδω των θυρών·
Sa tabi ng mga pintuang-bayan sa pasukan ng bayan, sa pasukan sa mga pintuan siya'y humihiyaw ng malakas:
4 προς εσάς, άνθρωποι, κράζω· και η φωνή μου εκπέμπεται προς τους υιούς των ανθρώπων.
Sa inyo, Oh mga lalake, ako'y tumatawag; at ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao.
5 Απλοί, νοήσατε φρόνησιν· και άφρονες, αποκτήσατε νοήμονα καρδίαν.
Oh kayong mga musmos, magsiunawa kayo ng katalinuhan; at, kayong mga mangmang, makaunawa kayo sa puso.
6 Ακούσατε· διότι θέλω λαλήσει πράγματα έξοχα, και τα χείλη μου θέλουσι προφέρει ορθά.
Kayo'y mangakinig, sapagka't magsasalita ako ng mga marilag na bagay; at ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay,
7 Διότι αλήθειαν θέλει λαλήσει ο λάρυγξ μου· τα δε χείλη μου βδελύττονται την ασέβειαν.
Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan; at kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi.
8 Πάντες οι λόγοι του στόματός μου είναι μετά δικαιοσύνης· δεν υπάρχει εν αυτοίς δόλιον διεστραμμένον·
Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran; walang bagay na liko o suwail sa kanila.
9 Πάντες είναι σαφείς εις τον νοούντα και ορθοί εις τους ευρίσκοντας γνώσιν.
Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa, at matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman.
10 Λάβετε την παιδείαν μου, και μη αργύριον· και γνώσιν, μάλλον παρά χρυσίον εκλεκτόν.
Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak; at ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto.
11 Διότι η σοφία είναι καλητέρα λίθων πολυτίμων· και πάντα τα επιθυμητά πράγματα δεν είναι αντάξια αυτής.
Sapagka't ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi; at lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya.
12 Εγώ η σοφία κατοικώ μετά της φρονήσεως, και εφευρίσκω γνώσιν συνετών βουλευμάτων.
Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, at aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita.
13 Ο φόβος του Κυρίου είναι να μισή τις το κακόν· αλαζονείαν και αυθάδειαν και πονηράν οδόν και διεστραμμένον στόμα εγώ μισώ.
Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan; Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad, at ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim.
14 Εμού είναι η βουλή και η ασφάλεια· εγώ είμαι η σύνεσις· εμού η δύναμις.
Payo ay akin at magaling na kaalaman: ako'y kaunawaan; ako'y may kapangyarihan,
15 Δι' εμού οι βασιλείς βασιλεύουσι, και οι άρχοντες θεσπίζουσι δικαιοσύνην.
Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari, at nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo.
16 Δι' εμού οι ηγεμόνες ηγεμονεύουσι, και οι μεγιστάνες, πάντες οι κριταί της γής·
Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo, at ang mga mahal na tao, sa makatuwid baga'y lahat ng mga hukom sa lupa.
17 Εγώ τους εμέ αγαπώντας αγαπώ· και οι ζητούντές με θέλουσι με ευρεί.
Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin; at yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan ako.
18 Πλούτος και δόξα είναι μετ' εμού, αγαθά διαμένοντα και δικαιοσύνη.
Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin; Oo, lumalaging mga kayamanan at katuwiran.
19 Οι καρποί μου είναι καλήτεροι χρυσίου και χρυσίου καθαρού· και τα γεννήματά μου, εκλεκτού αργυρίου.
Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto, oo, kay sa dalisay na ginto; at ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak.
20 Περιπατώ εν οδώ δικαιοσύνης, αναμέσον των τρίβων της κρίσεως,
Ako'y lumalakad sa daan ng katuwiran, sa gitna ng mga landas ng kahatulan:
21 διά να κάμω τους αγαπώντάς με να κληρονομήσωσιν αγαθά, και να γεμίσω τους θησαυρούς αυτών.
Upang aking papagmanahin ng pag-aari yaong nagsisiibig sa akin, at upang aking mapuno ang kanilang ingatang-yaman.
22 Ο Κύριος με είχεν εν τη αρχή των οδών αυτού, προ των έργων αυτού, απ' αιώνος.
Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una.
23 Προ του αιώνος με έχρισεν, απ' αρχής, πριν υπάρξη η γη.
Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa.
24 Εγεννήθην ότε δεν ήσαν αι άβυσσοι, ότε δεν υπήρχον αι πηγαί αι αναβρύουσαι ύδατα·
Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig.
25 Πριν τα όρη θεμελιωθώσι, προ των λόφων, εγώ εγεννήθην·
Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas:
26 ενώ δεν είχεν έτι κάμει την γην ούτε πεδιάδας, ούτε κορυφάς χωμάτων της οικουμένης.
Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan.
27 Ότε ητοίμαζε τους ουρανούς, εγώ ήμην εκεί· ότε περιέγραφε καμάραν υπεράνω του προσώπου της αβύσσου·
Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman:
28 ότε εστερέονε τον αιθέρα επάνω· ότε ωχύρονε τας πηγάς της αβύσσου·
Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman:
29 ότε επέβαλλε τον νόμον αυτού εις την θάλασσαν, να μη παραβώσι τα ύδατα το πρόσταγμα αυτού· ότε διέταττε τα θεμέλια της γής·
Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa:
30 τότε ήμην πλησίον αυτού δημιουργούσα· και εγώ ήμην καθ' ημέραν η τρυφή αυτού, ευφραινομένη πάντοτε ενώπιον αυτού,
Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya;
31 ευφραινομένη εν τη οικουμένη της γης αυτού· και η τρυφή μου ήτο μετά των υιών των ανθρώπων.
Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa; at ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao.
32 Τώρα λοιπόν ακούσατέ μου, ω τέκνα· διότι μακάριοι οι φυλάττοντες τας οδούς μου.
Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako: sapagka't mapalad ang nangagiingat ng aking mga daan.
33 Ακούσατε παιδείαν και γένεσθε σοφοί, και μη αποδοκιμάζετε αυτήν.
Mangakinig kayo ng turo, at kayo'y magpakapantas, at huwag ninyong tanggihan.
34 Μακάριος ο άνθρωπος, όστις μου ακούση, αγρυπνών καθ' ημέραν εν ταις πύλαις μου, περιμένων εις τους παραστάτας των θυρών μου·
Mapalad ang tao na nakikinig sa akin, na nagbabantay araw-araw sa aking mga pintuang-bayan, na naghihintay sa mga haligi ng aking mga pintuan.
35 διότι όστις εύρη εμέ, θέλει ευρεί ζωήν, και θέλει λάβει χάριν παρά Κυρίου.
Sapagka't sinomang nakakasumpong sa akin, ay nakakasumpong ng buhay. At magtatamo ng lingap ng Panginoon.
36 Όστις όμως αμαρτήση εις εμέ, την εαυτού ψυχήν αδικεί· πάντες οι μισούντές με αγαπώσι θάνατον.
Nguni't siyang nagkakasala laban sa akin ay nagliligaw ng kaniyang sariling kaluluwa; silang lahat na nangagtatanim sa akin ay nagsisiibig ng kamatayan.