< Ψαλμοί 58 >
1 εἰς τὸ τέλος μὴ διαφθείρῃς τῷ Δαυιδ εἰς στηλογραφίαν εἰ ἀληθῶς ἄρα δικαιοσύνην λαλεῖτε εὐθεῖα κρίνετε οἱ υἱοὶ τῶν ἀνθρώπων
Nagsasabi ba kayong mga tagapamahala ng katuwiran? Tuwid ba kayong humatol, kayong mga tao?
2 καὶ γὰρ ἐν καρδίᾳ ἀνομίας ἐργάζεσθε ἐν τῇ γῇ ἀδικίαν αἱ χεῖρες ὑμῶν συμπλέκουσιν
Hindi, gumagawa kayo ng kasamaan sa inyong puso; naghahasik kayo ng karahasan sa buong kalupaan gamit ang inyong mga kamay.
3 ἀπηλλοτριώθησαν οἱ ἁμαρτωλοὶ ἀπὸ μήτρας ἐπλανήθησαν ἀπὸ γαστρός ἐλάλησαν ψεύδη
Ihinihiwalay ang mga masasama mula sa sinapupunan; naliligaw na (sila) simula nang kapanganakan pa lamang, na nagsasabi ng mga kasinungalingan.
4 θυμὸς αὐτοῖς κατὰ τὴν ὁμοίωσιν τοῦ ὄφεως ὡσεὶ ἀσπίδος κωφῆς καὶ βυούσης τὰ ὦτα αὐτῆς
Ang kanilang kamandag ay katulad ng kamandag ng ahas; katulad (sila) ng binging ulupong na tinatakpan ang kanilang mga tainga,
5 ἥτις οὐκ εἰσακούσεται φωνὴν ἐπᾳδόντων φαρμάκου τε φαρμακευομένου παρὰ σοφοῦ
na hindi pinapansin ang tinig ng mga nang-aamo, kahit gaano pa (sila) kagaling.
6 ὁ θεὸς συνέτριψεν τοὺς ὀδόντας αὐτῶν ἐν τῷ στόματι αὐτῶν τὰς μύλας τῶν λεόντων συνέθλασεν κύριος
Sirain mo ang mga ngipin ng kanilang mga bibig, O Diyos; sirain mo ang mga malalaking ngipin ng mga batang leon, Yahweh.
7 ἐξουδενωθήσονται ὡς ὕδωρ διαπορευόμενον ἐντενεῖ τὸ τόξον αὐτοῦ ἕως οὗ ἀσθενήσουσιν
Hayaan mong matunaw (sila) katulad ng tubig na dumadaloy; kapag pinapana nila ang kanilang mga palaso, hayaan mong ang mga ito ay parang walang mga tulis.
8 ὡσεὶ κηρὸς ὁ τακεὶς ἀνταναιρεθήσονται ἐπέπεσε πῦρ καὶ οὐκ εἶδον τὸν ἥλιον
Hayaan mo silang maging parang kuhol na natutunaw at namamatay, katulad ng sanggol na kulang sa buwan na ipinanganak ng isang babae, na hindi kailanman makikita ang sikat ng araw.
9 πρὸ τοῦ συνιέναι τὰς ἀκάνθας ὑμῶν τὴν ῥάμνον ὡσεὶ ζῶντας ὡσεὶ ἐν ὀργῇ καταπίεται ὑμᾶς
Bago pa maramdaman ng iyong mga paso ang nakakapasong init ng mga tinik, aalisin niya ang mga iyon sa pamamagitan ng buhawi, ang parehong luntian at nakakapasong mga tinik.
10 εὐφρανθήσεται δίκαιος ὅταν ἴδῃ ἐκδίκησιν ἀσεβῶν τὰς χεῖρας αὐτοῦ νίψεται ἐν τῷ αἵματι τοῦ ἁμαρτωλοῦ
Ang matuwid ay magagalak kapag nakita niya ang paghihiganti ng Diyos; huhugasan niya ang kaniyang mga paa sa dugo ng mga masasama,
11 καὶ ἐρεῖ ἄνθρωπος εἰ ἄρα ἔστιν καρπὸς τῷ δικαίῳ ἄρα ἐστὶν ὁ θεὸς κρίνων αὐτοὺς ἐν τῇ γῇ
para ang mga tao ay makapagsabing, “Tunay nga, may gantimpala para sa taong matuwid; tunay ngang mayroong Diyos na humahatol sa mundo.”