< Ψαλμοί 50 >
1 ψαλμὸς τῷ Ασαφ θεὸς θεῶν κύριος ἐλάλησεν καὶ ἐκάλεσεν τὴν γῆν ἀπὸ ἀνατολῶν ἡλίου καὶ μέχρι δυσμῶν
Ang Tanging Makapangyarihan, ang Diyos, si Yahweh, ay nagsalita at tinawag ang daigdig mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
2 ἐκ Σιων ἡ εὐπρέπεια τῆς ὡραιότητος αὐτοῦ ὁ θεὸς ἐμφανῶς ἥξει
Mula sa Sion, ang kaganapan ng kagandahan, ang Diyos ay nagningning.
3 ὁ θεὸς ἡμῶν καὶ οὐ παρασιωπήσεται πῦρ ἐναντίον αὐτοῦ καυθήσεται καὶ κύκλῳ αὐτοῦ καταιγὶς σφόδρα
Dumarating ang ating Diyos at hindi nananatiling tahimik; isang apoy ang lumalamon sa harapan niya, at bumabagyo nang napakalakas sa kanyang paligid.
4 προσκαλέσεται τὸν οὐρανὸν ἄνω καὶ τὴν γῆν διακρῖναι τὸν λαὸν αὐτοῦ
Nananawagan siya sa kalangitan at sa lupa para mahatulan niya ang kaniyang bayan:
5 συναγάγετε αὐτῷ τοὺς ὁσίους αὐτοῦ τοὺς διατιθεμένους τὴν διαθήκην αὐτοῦ ἐπὶ θυσίαις
“Tipunin ang mga matatapat sa akin, ang mga nakipagtipan sa akin sa pamamagitan ng pag-aalay.”
6 καὶ ἀναγγελοῦσιν οἱ οὐρανοὶ τὴν δικαιοσύνην αὐτοῦ ὅτι ὁ θεὸς κριτής ἐστιν διάψαλμα
Ipahahayag ng kalangitan ang kaniyang katuwiran, dahil ang Diyos mismo ay hukom. (Selah)
7 ἄκουσον λαός μου καὶ λαλήσω σοι Ισραηλ καὶ διαμαρτύρομαί σοι ὁ θεὸς ὁ θεός σού εἰμι ἐγώ
“Makinig, aking bayan, at ako ay magsasalita; ako ang Diyos, ang inyong Diyos.
8 οὐκ ἐπὶ ταῖς θυσίαις σου ἐλέγξω σε τὰ δὲ ὁλοκαυτώματά σου ἐνώπιόν μού ἐστιν διὰ παντός
Hindi ko kayo susumbatan dahil sa inyong mga alay; ang sinunog ninyong mga handog ay laging nasa aking harapan.
9 οὐ δέξομαι ἐκ τοῦ οἴκου σου μόσχους οὐδὲ ἐκ τῶν ποιμνίων σου χιμάρους
Wala akong kukuning toro mula sa inyong bahay, o lalaking mga kambing mula sa inyong mga kawan.
10 ὅτι ἐμά ἐστιν πάντα τὰ θηρία τοῦ δρυμοῦ κτήνη ἐν τοῖς ὄρεσιν καὶ βόες
Dahil ang bawat hayop sa kagubatan ay sa akin, at ang mga baka na nasa isang libong burol.
11 ἔγνωκα πάντα τὰ πετεινὰ τοῦ οὐρανοῦ καὶ ὡραιότης ἀγροῦ μετ’ ἐμοῦ ἐστιν
Kilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok, at ang mga mababangis na hayop sa bukid ay sa akin.
12 ἐὰν πεινάσω οὐ μή σοι εἴπω ἐμὴ γάρ ἐστιν ἡ οἰκουμένη καὶ τὸ πλήρωμα αὐτῆς
Kung ako ay nagugutom, hindi ko sa inyo sasabihin; dahil ang mundo ay sa akin, at ang lahat ng mga bagay dito, ay sa akin din.
13 μὴ φάγομαι κρέα ταύρων ἢ αἷμα τράγων πίομαι
Kakainin ko ba ang laman ng mga toro o iinumin ang dugo ng mga kambing?
14 θῦσον τῷ θεῷ θυσίαν αἰνέσεως καὶ ἀπόδος τῷ ὑψίστῳ τὰς εὐχάς σου
Maghandog kayo sa Diyos ng alay ng pasasalamat, at tuparin ninyo ang inyong mga banal na panata sa Kataas-taasan.
15 καὶ ἐπικάλεσαί με ἐν ἡμέρᾳ θλίψεως καὶ ἐξελοῦμαί σε καὶ δοξάσεις με διάψαλμα
Tumawag kayo sa akin sa araw ng kaguluhan; sasagipin ko kayo, at ako ay inyong luluwalhatiin.”
16 τῷ δὲ ἁμαρτωλῷ εἶπεν ὁ θεός ἵνα τί σὺ διηγῇ τὰ δικαιώματά μου καὶ ἀναλαμβάνεις τὴν διαθήκην μου διὰ στόματός σου
Pero sa mga makasalanan sinasabi ng Diyos, “Ano ang kinalaman mo sa pagpapahayag ng aking mga kautusan, at sinasambit mo ang aking tipan,
17 σὺ δὲ ἐμίσησας παιδείαν καὶ ἐξέβαλες τοὺς λόγους μου εἰς τὰ ὀπίσω
gayong ang aking tagubilin ay inyong kinamumuhian at ang aking mga salita ay inyong itinatapon?
18 εἰ ἐθεώρεις κλέπτην συνέτρεχες αὐτῷ καὶ μετὰ μοιχῶν τὴν μερίδα σου ἐτίθεις
Kapag nakakakita kayo ng isang magnanakaw, sumasang-ayon kayo sa kanya; nakikisali kayo sa mga nangangalunya.
19 τὸ στόμα σου ἐπλεόνασεν κακίαν καὶ ἡ γλῶσσά σου περιέπλεκεν δολιότητα
Nagsasabi kayo ng kasamaan, at naghahayag ang inyong dila ng kasinungalingan.
20 καθήμενος κατὰ τοῦ ἀδελφοῦ σου κατελάλεις καὶ κατὰ τοῦ υἱοῦ τῆς μητρός σου ἐτίθεις σκάνδαλον
Umuupo kayo at nagsasalita laban sa inyong kapatid; ang anak ng sarili ninyong ina ay inyong sinisiraang puri.
21 ταῦτα ἐποίησας καὶ ἐσίγησα ὑπέλαβες ἀνομίαν ὅτι ἔσομαί σοι ὅμοιος ἐλέγξω σε καὶ παραστήσω κατὰ πρόσωπόν σου
Ginawa ninyo ang mga bagay na ito, pero nanatili akong tahimik, kaya inisip ninyo na isa lamang akong katulad ninyo. Pero susumbatan ko kayo at ipapakita ko ang lahat ng mga bagay na inyong ginawa.
22 σύνετε δὴ ταῦτα οἱ ἐπιλανθανόμενοι τοῦ θεοῦ μήποτε ἁρπάσῃ καὶ μὴ ᾖ ὁ ῥυόμενος
Ngayon isaalang-alang niyo ito, kayong nakakalimot sa Diyos; dahil kung hindi ay dudurugin ko kayo at walang sinumang darating para tulungan kayo:
23 θυσία αἰνέσεως δοξάσει με καὶ ἐκεῖ ὁδός ᾗ δείξω αὐτῷ τὸ σωτήριον τοῦ θεοῦ
Sinumang naghahandog ng alay ng pasasalamat ay nagpupuri sa akin, at sa sinumang nagpaplano ng kaniyang landas sa tamang paraan, ipakikita ko sa kaniya ang pagliligtas ng Diyos.”