< Ψαλμοί 149 >
1 αλληλουια ᾄσατε τῷ κυρίῳ ᾆσμα καινόν ἡ αἴνεσις αὐτοῦ ἐν ἐκκλησίᾳ ὁσίων
Purihin si Yahweh! Umawit ng bagong awit para kay Yahweh; purihin siya sa pagtitipon ng mga tapat!
2 εὐφρανθήτω Ισραηλ ἐπὶ τῷ ποιήσαντι αὐτόν καὶ υἱοὶ Σιων ἀγαλλιάσθωσαν ἐπὶ τῷ βασιλεῖ αὐτῶν
Hayaang magdiwang ang Israel sa kaniya na ginawa silang isang bayan; magdiwang ang mga mamamayan ng Sion sa kanilang hari.
3 αἰνεσάτωσαν τὸ ὄνομα αὐτοῦ ἐν χορῷ ἐν τυμπάνῳ καὶ ψαλτηρίῳ ψαλάτωσαν αὐτῷ
Purihin nila ang kaniyang pangalan na may sayawan; umawit (sila) ng papuri sa kaniya nang may tamburin at alpa.
4 ὅτι εὐδοκεῖ κύριος ἐν λαῷ αὐτοῦ καὶ ὑψώσει πραεῖς ἐν σωτηρίᾳ
Dahil nasisiyahan si Yahweh sa kaniyang bayan; dinadakila niya ang mapagkumbaba ng kaligtasan.
5 καυχήσονται ὅσιοι ἐν δόξῃ καὶ ἀγαλλιάσονται ἐπὶ τῶν κοιτῶν αὐτῶν
Magdiwang ang mga maka-diyos sa tagumpay; umawit (sila) sa galak sa kanilang mga higaan.
6 αἱ ὑψώσεις τοῦ θεοῦ ἐν τῷ λάρυγγι αὐτῶν καὶ ῥομφαῖαι δίστομοι ἐν ταῖς χερσὶν αὐτῶν
Nawa mamutawi sa kanilang mga bibig ang mga papuri para sa Diyos at sa kanilang kamay, isang espadang may magkabilang-talim,
7 τοῦ ποιῆσαι ἐκδίκησιν ἐν τοῖς ἔθνεσιν ἐλεγμοὺς ἐν τοῖς λαοῖς
para maghiganti sa mga bayan at parusahan ang mga tao.
8 τοῦ δῆσαι τοὺς βασιλεῖς αὐτῶν ἐν πέδαις καὶ τοὺς ἐνδόξους αὐτῶν ἐν χειροπέδαις σιδηραῖς
Igagapos nila ang mga hari sa kadena at ang mararangya sa mga bakal na posas.
9 τοῦ ποιῆσαι ἐν αὐτοῖς κρίμα ἔγγραπτον δόξα αὕτη ἐστὶν πᾶσι τοῖς ὁσίοις αὐτοῦ
Isasagawa nila ang hatol na nasusulat. Ito ay magiging karangalan para sa mga tapat. Purihin si Yahweh.