< Ψαλμοί 140 >

1 εἰς τὸ τέλος ψαλμὸς τῷ Δαυιδ ἐξελοῦ με κύριε ἐξ ἀνθρώπου πονηροῦ ἀπὸ ἀνδρὸς ἀδίκου ῥῦσαί με
Yahweh, sagipin mo ako mula sa masama; pangalagaan mo ako mula sa mararahas na mga tao.
2 οἵτινες ἐλογίσαντο ἀδικίας ἐν καρδίᾳ ὅλην τὴν ἡμέραν παρετάσσοντο πολέμους
Nagpaplano (sila) ng kasamaan sa kanilang mga puso; (sila) ang pasimuno ng hindi pagkakasundo araw-araw.
3 ἠκόνησαν γλῶσσαν αὐτῶν ὡσεὶ ὄφεως ἰὸς ἀσπίδων ὑπὸ τὰ χείλη αὐτῶν διάψαλμα
Ang kanilang dila ay nakakasugat tulad ng mga ahas, ang lason ng ulupong ay nasa kanilang mga labi. (Selah)
4 φύλαξόν με κύριε ἐκ χειρὸς ἁμαρτωλοῦ ἀπὸ ἀνθρώπων ἀδίκων ἐξελοῦ με οἵτινες ἐλογίσαντο ὑποσκελίσαι τὰ διαβήματά μου
Ilayo mo ako sa mga kamay ng masasama, Yahweh; pangalagaan mo ako sa mararahas na mga tao na nagpaplano na patumbahin ako.
5 ἔκρυψαν ὑπερήφανοι παγίδα μοι καὶ σχοινία διέτειναν παγίδας τοῖς ποσίν μου ἐχόμενα τρίβου σκάνδαλον ἔθεντό μοι διάψαλμα
Ang mapagmalaki ay naghanda ng patibong para sa akin; nagkalat (sila) ng lambat; naghanda (sila) ng silo para sa akin. (Selah)
6 εἶπα τῷ κυρίῳ θεός μου εἶ σύ ἐνώτισαι κύριε τὴν φωνὴν τῆς δεήσεώς μου
Sinabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang aking Diyos; makinig ka sa aking mga paghingi ng awa.”
7 κύριε κύριε δύναμις τῆς σωτηρίας μου ἐπεσκίασας ἐπὶ τὴν κεφαλήν μου ἐν ἡμέρᾳ πολέμου
Yahweh, aking Panginoon, ikaw ay malakas para magligtas; sa araw ng labanan nilagyan mo ng panangga ang aking ulo.
8 μὴ παραδῷς με κύριε ἀπὸ τῆς ἐπιθυμίας μου ἁμαρτωλῷ διελογίσαντο κατ’ ἐμοῦ μὴ ἐγκαταλίπῃς με μήποτε ὑψωθῶσιν διάψαλμα
Yahweh, huwag mong ipagkaloob ang nais ng masasama; huwag mong hayaan ang kanilang mga plano na magtagumpay. (Selah)
9 ἡ κεφαλὴ τοῦ κυκλώματος αὐτῶν κόπος τῶν χειλέων αὐτῶν καλύψει αὐτούς
Silang mga nakapalibot sa akin ay itiningala ang kanilang mga ulo; hayaan mo silang tabunan ng kalokohan ng kanilang labi.
10 πεσοῦνται ἐπ’ αὐτοὺς ἄνθρακες ἐν πυρὶ καταβαλεῖς αὐτούς ἐν ταλαιπωρίαις οὐ μὴ ὑποστῶσιν
Hayaan mong bumagsak ang nagbabagang mga uling sa kanila; itapon mo (sila) sa apoy, sa napakalalim na hukay, na hindi na kailanman makakabangon.
11 ἀνὴρ γλωσσώδης οὐ κατευθυνθήσεται ἐπὶ τῆς γῆς ἄνδρα ἄδικον κακὰ θηρεύσει εἰς διαφθοράν
Nawa ang sinumang nagsasabi ng masasamang mga bagay tungkol sa iba ay hindi mailigtas sa mundo; nawa hanapin ng kasamaan ang mararahas para ibagsak siya.
12 ἔγνων ὅτι ποιήσει κύριος τὴν κρίσιν τοῦ πτωχοῦ καὶ τὴν δίκην τῶν πενήτων
Alam kong si Yahweh ang magpapanatili ng kapakanan ng mga nasaktan, at siyang magpapatuloy ng katarungan para sa mga nangangailangan.
13 πλὴν δίκαιοι ἐξομολογήσονται τῷ ὀνόματί σου καὶ κατοικήσουσιν εὐθεῖς σὺν τῷ προσώπῳ σου
Tiyak na ang mga makatuwiran ay magpapasalamat sa ngalan mo; ang matutuwid na mga tao ay mamumuhay sa iyong presensya.

< Ψαλμοί 140 >