< Ψαλμοί 132 >

1 ᾠδὴ τῶν ἀναβαθμῶν μνήσθητι κύριε τοῦ Δαυιδ καὶ πάσης τῆς πραΰτητος αὐτοῦ
Panginoon, alalahanin mo para kay David ang lahat niyang kadalamhatian;
2 ὡς ὤμοσεν τῷ κυρίῳ ηὔξατο τῷ θεῷ Ιακωβ
Kung paanong sumumpa siya sa Panginoon, at nanata sa Makapangyarihan ni Jacob:
3 εἰ εἰσελεύσομαι εἰς σκήνωμα οἴκου μου εἰ ἀναβήσομαι ἐπὶ κλίνης στρωμνῆς μου
Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay, ni sasampa man sa aking higaan,
4 εἰ δώσω ὕπνον τοῖς ὀφθαλμοῖς μου καὶ τοῖς βλεφάροις μου νυσταγμὸν καὶ ἀνάπαυσιν τοῖς κροτάφοις μου
Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata, o magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata;
5 ἕως οὗ εὕρω τόπον τῷ κυρίῳ σκήνωμα τῷ θεῷ Ιακωβ
Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon, ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob.
6 ἰδοὺ ἠκούσαμεν αὐτὴν ἐν Εφραθα εὕρομεν αὐτὴν ἐν τοῖς πεδίοις τοῦ δρυμοῦ
Narito, narinig namin sa Ephrata: aming nasumpungan sa mga parang ng gubat.
7 εἰσελευσόμεθα εἰς τὰ σκηνώματα αὐτοῦ προσκυνήσομεν εἰς τὸν τόπον οὗ ἔστησαν οἱ πόδες αὐτοῦ
Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo; kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan.
8 ἀνάστηθι κύριε εἰς τὴν ἀνάπαυσίν σου σὺ καὶ ἡ κιβωτὸς τοῦ ἁγιάσματός σου
Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako: ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan.
9 οἱ ἱερεῖς σου ἐνδύσονται δικαιοσύνην καὶ οἱ ὅσιοί σου ἀγαλλιάσονται
Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran; at magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan.
10 ἕνεκεν Δαυιδ τοῦ δούλου σου μὴ ἀποστρέψῃς τὸ πρόσωπον τοῦ χριστοῦ σου
Dahil sa iyong lingkod na kay David huwag mong ipihit ang mukha ng iyong pinahiran ng langis.
11 ὤμοσεν κύριος τῷ Δαυιδ ἀλήθειαν καὶ οὐ μὴ ἀθετήσει αὐτήν ἐκ καρποῦ τῆς κοιλίας σου θήσομαι ἐπὶ τὸν θρόνον σου
Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan; hindi niya babaligtarin: ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
12 ἐὰν φυλάξωνται οἱ υἱοί σου τὴν διαθήκην μου καὶ τὰ μαρτύριά μου ταῦτα ἃ διδάξω αὐτούς καὶ οἱ υἱοὶ αὐτῶν ἕως τοῦ αἰῶνος καθιοῦνται ἐπὶ τοῦ θρόνου σου
Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan. At ang aking patotoo na aking ituturo, magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.
13 ὅτι ἐξελέξατο κύριος τὴν Σιων ᾑρετίσατο αὐτὴν εἰς κατοικίαν ἑαυτῷ
Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion; kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.
14 αὕτη ἡ κατάπαυσίς μου εἰς αἰῶνα αἰῶνος ὧδε κατοικήσω ὅτι ᾑρετισάμην αὐτήν
Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man. Dito ako tatahan; sapagka't aking ninasa.
15 τὴν θήραν αὐτῆς εὐλογῶν εὐλογήσω τοὺς πτωχοὺς αὐτῆς χορτάσω ἄρτων
Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain; aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha.
16 τοὺς ἱερεῖς αὐτῆς ἐνδύσω σωτηρίαν καὶ οἱ ὅσιοι αὐτῆς ἀγαλλιάσει ἀγαλλιάσονται
Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan: at ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan.
17 ἐκεῖ ἐξανατελῶ κέρας τῷ Δαυιδ ἡτοίμασα λύχνον τῷ χριστῷ μου
Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David: aking ipinaghanda ng ilawan ang aking pinahiran ng langis.
18 τοὺς ἐχθροὺς αὐτοῦ ἐνδύσω αἰσχύνην ἐπὶ δὲ αὐτὸν ἐξανθήσει τὸ ἁγίασμά μου
Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan: nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong.

< Ψαλμοί 132 >