< Ἀριθμοί 26 >
1 καὶ ἐγένετο μετὰ τὴν πληγὴν καὶ ἐλάλησεν κύριος πρὸς Μωυσῆν καὶ πρὸς Ελεαζαρ τὸν ἱερέα λέγων
At nangyari, pagkatapos ng salot, na sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, na sinasabi,
2 λαβὲ τὴν ἀρχὴν πάσης συναγωγῆς υἱῶν Ισραηλ ἀπὸ εἰκοσαετοῦς καὶ ἐπάνω κατ’ οἴκους πατριῶν αὐτῶν πᾶς ὁ ἐκπορευόμενος παρατάξασθαι ἐν Ισραηλ
Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, yaong lahat na makalalabas sa Israel sa pakikibaka.
3 καὶ ἐλάλησεν Μωυσῆς καὶ Ελεαζαρ ὁ ἱερεὺς ἐν Αραβωθ Μωαβ ἐπὶ τοῦ Ιορδάνου κατὰ Ιεριχω λέγων
At si Moises at si Eleazar na saserdote ay nakipagsalitaan sa kanila sa mga kapatagan ng Moab sa siping ng Jordan sa Jerico, na sinasabi,
4 ἀπὸ εἰκοσαετοῦς καὶ ἐπάνω ὃν τρόπον συνέταξεν κύριος τῷ Μωυσῇ καὶ οἱ υἱοὶ Ισραηλ οἱ ἐξελθόντες ἐξ Αἰγύπτου
Bilangin ninyo ang bayan, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises at sa mga anak ni Israel, na lumabas sa lupain ng Egipto.
5 Ρουβην πρωτότοκος Ισραηλ υἱοὶ δὲ Ρουβην Ενωχ καὶ δῆμος τοῦ Ενωχ τῷ Φαλλου δῆμος τοῦ Φαλλουι
Si Ruben ang panganay ni Israel: ang mga anak ni Ruben; kay Hanoc, ang angkan ng mga Hanocitas; kay Phallu, ang angkan ng mga Palluita:
6 τῷ Ασρων δῆμος τοῦ Ασρωνι τῷ Χαρμι δῆμος τοῦ Χαρμι
Kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Carmi, ang angkan ng mga Carmita.
7 οὗτοι δῆμοι Ρουβην καὶ ἐγένετο ἡ ἐπίσκεψις αὐτῶν τρεῖς καὶ τεσσαράκοντα χιλιάδες καὶ ἑπτακόσιοι καὶ τριάκοντα
Ito ang mga angkan ng mga Rubenita: at yaong nangabilang sa kanila, ay apat na pu't tatlong libo at pitong daan at tatlong pu.
At ang mga anak ni Phallu; ay si Eliab.
9 καὶ υἱοὶ Ελιαβ Ναμουηλ καὶ Δαθαν καὶ Αβιρων οὗτοι ἐπίκλητοι τῆς συναγωγῆς οὗτοί εἰσιν οἱ ἐπισυστάντες ἐπὶ Μωυσῆν καὶ Ααρων ἐν τῇ συναγωγῇ Κορε ἐν τῇ ἐπισυστάσει κυρίου
At ang mga anak ni Eliab; ay si Nemuel, at si Dathan, at si Abiram. Ito yaong Dathan at Abiram, na tinawag sa kapisanan na siya ngang nagsilaban kay Moises at kay Aaron, sa pulutong ni Core, nang sila'y lumaban sa Panginoon;
10 καὶ ἀνοίξασα ἡ γῆ τὸ στόμα αὐτῆς κατέπιεν αὐτοὺς καὶ Κορε ἐν τῷ θανάτῳ τῆς συναγωγῆς αὐτοῦ ὅτε κατέφαγεν τὸ πῦρ τοὺς πεντήκοντα καὶ διακοσίους καὶ ἐγενήθησαν ἐν σημείῳ
At ibinuka ng lupain ang kaniyang bibig, at nilamon sila pati ni Core, nang mamatay ang pulutong na yaon; noong panahong lamunin ng apoy ang dalawang daan at limang pung tao, at sila'y naging isang tanda.
11 οἱ δὲ υἱοὶ Κορε οὐκ ἀπέθανον
Gayon ma'y hindi namatay ang mga anak ni Core.
12 καὶ οἱ υἱοὶ Συμεων ὁ δῆμος τῶν υἱῶν Συμεων τῷ Ναμουηλ δῆμος ὁ Ναμουηλι τῷ Ιαμιν δῆμος ὁ Ιαμινι τῷ Ιαχιν δῆμος ὁ Ιαχινι
Ang mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan; kay Nemuel, ang angkan ng mga Nemuelita: kay Jamin, ang angkan ng mga Jaminita: kay Jachin, ang angkan ng mga Jachinita;
13 τῷ Ζαρα δῆμος ὁ Ζαραϊ τῷ Σαουλ δῆμος ὁ Σαουλι
Kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita; kay Saul, ang angkan ng mga Saulita.
14 οὗτοι δῆμοι Συμεων ἐκ τῆς ἐπισκέψεως αὐτῶν δύο καὶ εἴκοσι χιλιάδες καὶ διακόσιοι
Ito ang mga angkan ng mga Simeonita, dalawang pu't dalawang libo at dalawang daan.
15 υἱοὶ δὲ Ιουδα Ηρ καὶ Αυναν καὶ ἀπέθανεν Ηρ καὶ Αυναν ἐν γῇ Χανααν
Ang mga anak ni Gad ayon sa kaniyang mga angkan; kay Zephon, ang angkan ng mga Zephonita; kay Aggi, ang angkan ng mga Aggita; kay Suni, ang angkan ng mga Sunita;
16 ἐγένοντο δὲ οἱ υἱοὶ Ιουδα κατὰ δήμους αὐτῶν τῷ Σηλων δῆμος ὁ Σηλωνι τῷ Φαρες δῆμος ὁ Φαρες τῷ Ζαρα δῆμος ὁ Ζαραϊ
Kay Ozni, ang angkan ng mga Oznita; kay Eri, ang angkan ng mga Erita;
17 καὶ ἐγένοντο υἱοὶ Φαρες τῷ Ασρων δῆμος ὁ Ασρωνι τῷ Ιαμουν δῆμος ὁ Ιαμουνι
Kay Arod, ang angkan ng mga Arodita; kay Areli, ang angkan ng mga Arelita.
18 οὗτοι δῆμοι τῷ Ιουδα κατὰ τὴν ἐπισκοπὴν αὐτῶν ἓξ καὶ ἑβδομήκοντα χιλιάδες καὶ πεντακόσιοι
Ito ang mga angkan ng mga anak ni Gad ayon sa nangabilang sa kanila apat na pung libo at limang daan.
19 καὶ υἱοὶ Ισσαχαρ κατὰ δήμους αὐτῶν τῷ Θωλα δῆμος ὁ Θωλαϊ τῷ Φουα δῆμος ὁ Φουαϊ
Ang mga anak ni Juda, ay si Er at si Onan; at si Er at si Onan ay nangamatay sa lupain ng Canaan.
20 τῷ Ιασουβ δῆμος ὁ Ιασουβι τῷ Σαμαραν δῆμος ὁ Σαμαρανι
At ang mga anak ni Juda ayon sa kaniyang mga angkan: kay Sela, ang angkan ng mga Selaita; kay Phares, ang angkan ng mga Pharesita; kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita.
21 οὗτοι δῆμοι Ισσαχαρ ἐξ ἐπισκέψεως αὐτῶν τέσσαρες καὶ ἑξήκοντα χιλιάδες καὶ τριακόσιοι
At ang mga naging anak ni Phares: kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Hamul, ang angkan ng mga Hamulita.
22 υἱοὶ Ζαβουλων κατὰ δήμους αὐτῶν τῷ Σαρεδ δῆμος ὁ Σαρεδι τῷ Αλλων δῆμος ὁ Αλλωνι τῷ Αλληλ δῆμος ὁ Αλληλι
Ito ang mga angkan ni Juda ayon sa nangabilang sa kanila, pitong pu't anim na libo at limang daan.
23 οὗτοι δῆμοι Ζαβουλων ἐξ ἐπισκέψεως αὐτῶν ἑξήκοντα χιλιάδες καὶ πεντακόσιοι
Ang mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan: kay Thola, ang angkan ng mga Tholaita; kay Pua, ang angkan ng mga Puanita;
24 υἱοὶ Γαδ κατὰ δήμους αὐτῶν τῷ Σαφων δῆμος ὁ Σαφωνι τῷ Αγγι δῆμος ὁ Αγγι τῷ Σουνι δῆμος ὁ Σουνι
Kay Jasub, ang angkan ng mga Jasubita; kay Simron, ang angkan ng mga Simronita.
25 τῷ Αζενι δῆμος ὁ Αζενι τῷ Αδδι δῆμος ὁ Αδδι
Ito ang mga angkan ni Issachar ayon sa nangabilang sa kanila, anim na pu't apat na libo at tatlong daan.
26 τῷ Αροαδι δῆμος ὁ Αροαδι τῷ Αριηλ δῆμος ὁ Αριηλι
Ang mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan: kay Sered, ang angkan ng mga Seredita: kay Elon, ang angkan ng mga Elonita: kay Jalel, ang angkan ng mga Jalelita.
27 οὗτοι δῆμοι υἱῶν Γαδ ἐξ ἐπισκέψεως αὐτῶν τεσσαράκοντα χιλιάδες καὶ πεντακόσιοι
Ito ang mga angkan ng mga Zebulonita ayon sa nangabilang sa kanila, anim na pung libo at limang daan.
28 υἱοὶ Ασηρ κατὰ δήμους αὐτῶν τῷ Ιαμιν δῆμος ὁ Ιαμινι τῷ Ιεσου δῆμος ὁ Ιεσουι τῷ Βαρια δῆμος ὁ Βαριαϊ
Ang mga anak ni Jose ayon sa kanilang mga angkan: si Manases at si Ephraim.
29 τῷ Χοβερ δῆμος ὁ Χοβερι τῷ Μελχιηλ δῆμος ὁ Μελχιηλι
Ang mga anak ni Manases: kay Machir, ang angkan ng mga Machirita: at naging anak ni Machir si Galaad: kay Galaad, ang angkan ng mga Galaadita.
30 καὶ τὸ ὄνομα θυγατρὸς Ασηρ Σαρα
Ito ang mga anak ni Galaad: kay Jezer, ang angkan ng mga Jezerita: kay Helec, ang angkan ng mga Helecita;
31 οὗτοι δῆμοι Ασηρ ἐξ ἐπισκέψεως αὐτῶν τρεῖς καὶ πεντήκοντα χιλιάδες καὶ τετρακόσιοι
At kay Asriel, ang angkan ng mga Asrielita: at kay Sechem, ang angkan ng mga Sechemita:
32 υἱοὶ Ιωσηφ κατὰ δήμους αὐτῶν Μανασση καὶ Εφραιμ
At kay Semida, ang angkan ng mga Semidaita: at kay Hepher, ang angkan ng mga Hepherita.
33 υἱοὶ Μανασση τῷ Μαχιρ δῆμος ὁ Μαχιρι καὶ Μαχιρ ἐγέννησεν τὸν Γαλααδ τῷ Γαλααδ δῆμος ὁ Γαλααδι
At si Salphaad na anak ni Hepher ay hindi nagkaanak ng lalake, kundi mga babae: at ang mga pangalan ng mga anak na babae ni Salphaad ay Maala, at Noa, Hogla, Milca, at Tirsa.
34 καὶ οὗτοι υἱοὶ Γαλααδ τῷ Αχιεζερ δῆμος ὁ Αχιεζερι τῷ Χελεγ δῆμος ὁ Χελεγι
Ito ang mga angkan ni Manases; at yaong nangabilang sa kanila, ay limang pu at dalawang libo at pitong daan.
35 τῷ Εσριηλ δῆμος ὁ Εσριηλι τῷ Συχεμ δῆμος ὁ Συχεμι
Ito ang mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan: kay Suthala, ang angkan ng mga Suthalaita: kay Becher, ang angkan ng mga Becherita: kay Tahan, ang angkan ng mga Tahanita.
36 τῷ Συμαερ δῆμος ὁ Συμαερι καὶ τῷ Οφερ δῆμος ὁ Οφερι
At ito ang mga anak ni Suthala: kay Heran, ang angkan ng mga Heranita.
37 καὶ τῷ Σαλπααδ υἱῷ Οφερ οὐκ ἐγένοντο αὐτῷ υἱοί ἀλλ’ ἢ θυγατέρες καὶ ταῦτα τὰ ὀνόματα τῶν θυγατέρων Σαλπααδ Μαλα καὶ Νουα καὶ Εγλα καὶ Μελχα καὶ Θερσα
Ito ang mga angkan ng mga anak ni Ephraim ayon sa nangabilang sa kanila, tatlong pu't dalawang libo at limang daan. Ito ang mga anak ni Jose, ayon sa kanilang mga angkan.
38 οὗτοι δῆμοι Μανασση ἐξ ἐπισκέψεως αὐτῶν δύο καὶ πεντήκοντα χιλιάδες καὶ ἑπτακόσιοι
Ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan: kay Bela, ang angkan ng mga Belaita; kay Asbel, ang angkan ng mga Asbelita: kay Achiram, ang angkan ng mga Achiramita;
39 καὶ οὗτοι υἱοὶ Εφραιμ τῷ Σουταλα δῆμος ὁ Σουταλαϊ τῷ Ταναχ δῆμος ὁ Ταναχι
Kay Supham ang angkan ng mga Suphamita; kay Hupham, ang angkan ng mga Huphamita.
40 οὗτοι υἱοὶ Σουταλα τῷ Εδεν δῆμος ὁ Εδενι
At ang mga anak ni Bela ay si Ard at si Naaman: kay Ard, ang angkan ng mga Ardita: kay Naaman, ang angkan ng mga Naamanita.
41 οὗτοι δῆμοι Εφραιμ ἐξ ἐπισκέψεως αὐτῶν δύο καὶ τριάκοντα χιλιάδες καὶ πεντακόσιοι οὗτοι δῆμοι υἱῶν Ιωσηφ κατὰ δήμους αὐτῶν
Ito ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan; at yaong nangabilang sa kanila ay apat na pu't limang libo at anim na raan.
42 υἱοὶ Βενιαμιν κατὰ δήμους αὐτῶν τῷ Βαλε δῆμος ὁ Βαλεϊ τῷ Ασυβηρ δῆμος ὁ Ασυβηρι τῷ Ιαχιραν δῆμος ὁ Ιαχιρανι
Ito ang mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan: kay Suham, ang angkan ng mga Suhamita. Ito ang mga angkan ni Dan ayon sa kanilang mga angkan.
43 τῷ Σωφαν δῆμος ὁ Σωφανι
Lahat ng mga angkan ng mga Suhamita, ayon sa nangabilang sa kanila, ay anim na pu't apat na libo at apat na raan.
44 καὶ ἐγένοντο οἱ υἱοὶ Βαλε Αδαρ καὶ Νοεμαν τῷ Αδαρ δῆμος ὁ Αδαρι τῷ Νοεμαν δῆμος ὁ Νοεμανι
Ang anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan: kay Imna, ang angkan ng mga Imnaita: kay Issui, ang angkan ng mga Issuita, kay Beria, ang angkan ng mga Beriaita.
45 οὗτοι υἱοὶ Βενιαμιν κατὰ δήμους αὐτῶν ἐξ ἐπισκέψεως αὐτῶν πέντε καὶ τεσσαράκοντα χιλιάδες καὶ ἑξακόσιοι
Sa mga anak ni Beria: kay Heber, ang angkan ng mga Heberita; kay Malchiel ang angkan ng mga Malchielita.
46 καὶ υἱοὶ Δαν κατὰ δήμους αὐτῶν τῷ Σαμι δῆμος ὁ Σαμι οὗτοι δῆμοι Δαν κατὰ δήμους αὐτῶν
At ang pangalan ng anak na babae ni Aser ay si Sera.
47 πάντες οἱ δῆμοι Σαμι κατ’ ἐπισκοπὴν αὐτῶν τέσσαρες καὶ ἑξήκοντα χιλιάδες καὶ τετρακόσιοι
Ito ang mga angkan ng mga anak ni Aser ayon sa nangabilang sa kanila, limang pu't tatlong libo at apat na raan.
48 υἱοὶ Νεφθαλι κατὰ δήμους αὐτῶν τῷ Ασιηλ δῆμος ὁ Ασιηλι τῷ Γαυνι δῆμος ὁ Γαυνι
Ang mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan: kay Jahzeel ang angkan ng mga Jahzeelita: kay Guni, ang angkan ng mga Gunita.
49 τῷ Ιεσερ δῆμος ὁ Ιεσερι τῷ Σελλημ δῆμος ὁ Σελλημι
Kay Jeser, ang angkan ng mga Jeserita: kay Sillem, ang angkan ng mga Sillemita.
50 οὗτοι δῆμοι Νεφθαλι ἐξ ἐπισκέψεως αὐτῶν πέντε καὶ τεσσαράκοντα χιλιάδες καὶ τετρακόσιοι
Ito ang mga angkan ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan: at yaong nangabilang sa kanila, ay apat na pu't limang libo at apat na raan.
51 αὕτη ἡ ἐπίσκεψις υἱῶν Ισραηλ ἑξακόσιαι χιλιάδες καὶ χίλιοι καὶ ἑπτακόσιοι καὶ τριάκοντα
Ito yaong nangabilang sa angkan ni Israel, anim na raan at isang libo at pitong daan at tatlong pu.
52 καὶ ἐλάλησεν κύριος πρὸς Μωυσῆν λέγων
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
53 τούτοις μερισθήσεται ἡ γῆ κληρονομεῖν ἐξ ἀριθμοῦ ὀνομάτων
Sa mga ito babahagihin ang lupain na pinakamana ayon sa bilang ng mga pangalan.
54 τοῖς πλείοσιν πλεονάσεις τὴν κληρονομίαν καὶ τοῖς ἐλάττοσιν ἐλαττώσεις τὴν κληρονομίαν αὐτῶν ἑκάστῳ καθὼς ἐπεσκέπησαν δοθήσεται ἡ κληρονομία αὐτῶν
Sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: ang bawa't isa ayon sa mga bilang sa kaniya ay bibigyan ng kaniyang mana.
55 διὰ κλήρων μερισθήσεται ἡ γῆ τοῖς ὀνόμασιν κατὰ φυλὰς πατριῶν αὐτῶν κληρονομήσουσιν
Gayon ma'y babahagihin ang lupain sa pamamagitan ng sapalaran: ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng kanilang mga magulang ay kanilang mamanahin.
56 ἐκ τοῦ κλήρου μεριεῖς τὴν κληρονομίαν αὐτῶν ἀνὰ μέσον πολλῶν καὶ ὀλίγων
Ayon sa sapalaran babahagihin ang kanilang mana, alinsunod sa dami o kaunti.
57 καὶ υἱοὶ Λευι κατὰ δήμους αὐτῶν τῷ Γεδσων δῆμος ὁ Γεδσωνι τῷ Κααθ δῆμος ὁ Κααθι τῷ Μεραρι δῆμος ὁ Μεραρι
Ito yaong nangabilang sa mga Levita ayon sa kanilang mga angkan: kay Gerson, ang angkan ng mga Gersonita: kay Coath, ang angkan ng mga Coathita: kay Merari, ang angkan ng mga Merarita.
58 οὗτοι δῆμοι υἱῶν Λευι δῆμος ὁ Λοβενι δῆμος ὁ Χεβρωνι δῆμος ὁ Κορε καὶ δῆμος ὁ Μουσι καὶ Κααθ ἐγέννησεν τὸν Αμραμ
Ito ang mga angkan ni Levi: ang angkan ng mga Libnita, ang angkan ng mga Hebronita, ang angkan ng mga Mahalita, ang angkan ng mga Musita, ang angkan ng mga Corita. At naging anak ni Coath si Amram.
59 καὶ τὸ ὄνομα τῆς γυναικὸς αὐτοῦ Ιωχαβεδ θυγάτηρ Λευι ἣ ἔτεκεν τούτους τῷ Λευι ἐν Αἰγύπτῳ καὶ ἔτεκεν τῷ Αμραμ τὸν Ααρων καὶ Μωυσῆν καὶ Μαριαμ τὴν ἀδελφὴν αὐτῶν
At ang pangalan ng asawa ni Amram ay Jochabed, na anak na babae ni Levi, na ipinanganak kay Levi sa Egipto: at ipinanganak niya kay Amram si Aaron at si Moises, at si Miriam na kapatid nila.
60 καὶ ἐγεννήθησαν τῷ Ααρων ὅ τε Ναδαβ καὶ Αβιουδ καὶ Ελεαζαρ καὶ Ιθαμαρ
At naging anak ni Aaron si Nadad at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar.
61 καὶ ἀπέθανεν Ναδαβ καὶ Αβιουδ ἐν τῷ προσφέρειν αὐτοὺς πῦρ ἀλλότριον ἔναντι κυρίου ἐν τῇ ἐρήμῳ Σινα
At si Nadab at si Abiu ay namatay nang sila'y maghandog ng ibang apoy sa harap ng Panginoon.
62 καὶ ἐγενήθησαν ἐξ ἐπισκέψεως αὐτῶν τρεῖς καὶ εἴκοσι χιλιάδες πᾶν ἀρσενικὸν ἀπὸ μηνιαίου καὶ ἐπάνω οὐ γὰρ συνεπεσκέπησαν ἐν μέσῳ υἱῶν Ισραηλ ὅτι οὐ δίδοται αὐτοῖς κλῆρος ἐν μέσῳ υἱῶν Ισραηλ
At yaong nangabilang sa kanila ay dalawang pu't tatlong libo, lahat ng lalake mula sa isang buwang gulang na patanda: sapagka't sila'y hindi nangabilang sa mga anak ni Israel, sapagka't sila'y hindi binigyan ng mana sa gitna ng mga anak ni Israel.
63 καὶ αὕτη ἡ ἐπίσκεψις Μωυσῆ καὶ Ελεαζαρ τοῦ ἱερέως οἳ ἐπεσκέψαντο τοὺς υἱοὺς Ισραηλ ἐν Αραβωθ Μωαβ ἐπὶ τοῦ Ιορδάνου κατὰ Ιεριχω
Ito yaong nangabilang ni Moises at ni Eleazar na saserdote, na bumilang ng mga anak ni Israel sa mga kapatagan ng Moab sa siping ng Jordan sa Jerico.
64 καὶ ἐν τούτοις οὐκ ἦν ἄνθρωπος τῶν ἐπεσκεμμένων ὑπὸ Μωυσῆ καὶ Ααρων οὓς ἐπεσκέψαντο τοὺς υἱοὺς Ισραηλ ἐν τῇ ἐρήμῳ Σινα
Nguni't sa mga ito ay walang tao sa kanila, na ibinilang ni Moises at ni Aaron na saserdote, na bumilang ng mga anak ni Israel sa ilang ng Sinai.
65 ὅτι εἶπεν κύριος αὐτοῖς θανάτῳ ἀποθανοῦνται ἐν τῇ ἐρήμῳ καὶ οὐ κατελείφθη ἐξ αὐτῶν οὐδὲ εἷς πλὴν Χαλεβ υἱὸς Ιεφοννη καὶ Ἰησοῦς ὁ τοῦ Ναυη
Sapagka't sinabi ng Panginoon tungkol sa kanila, Sila'y mamamatay na walang pagsala sa ilang. At walang natira kahi't isang tao sa kanila, liban kay Caleb na anak ni Jephone, at kay Josue na anak ni Nun.