< Ἔσδρας Βʹ 6 >

1 καὶ ἐγένετο καθὼς ἠκούσθη τῷ Σαναβαλλατ καὶ Τωβια καὶ τῷ Γησαμ τῷ Αραβι καὶ τοῖς καταλοίποις τῶν ἐχθρῶν ἡμῶν ὅτι ᾠκοδόμησα τὸ τεῖχος καὶ οὐ κατελείφθη ἐν αὐτοῖς πνοή ἕως τοῦ καιροῦ ἐκείνου θύρας οὐκ ἐπέστησα ἐν ταῖς πύλαις
Ngayon nang narinig nila Sanbalat, Tobias, at Gesem ang taga-Arabia at ng iba pang mga kalaban natin na muli ko nang naitayo ang pader at wala nang ibang mga bahagi na nananatiling sira, bagama't hindi ko pa nailalagay ang mga pinto sa mga tarangkahan,
2 καὶ ἀπέστειλεν Σαναβαλλατ καὶ Γησαμ πρός με λέγων δεῦρο καὶ συναχθῶμεν ἐπὶ τὸ αὐτὸ ἐν ταῖς κώμαις ἐν πεδίῳ Ωνω καὶ αὐτοὶ λογιζόμενοι ποιῆσαί μοι πονηρίαν
nagpadala sina Sanbalat at Gesem sa akin na sinasabing, “Halika, sama-sama tayong magpulong kahit saan sa kapatagan ng Ono.” Pero binalak nila na gawan ako ng masama.
3 καὶ ἀπέστειλα ἐπ’ αὐτοὺς ἀγγέλους λέγων ἔργον μέγα ἐγὼ ποιῶ καὶ οὐ δυνήσομαι καταβῆναι μήποτε καταπαύσῃ τὸ ἔργον ὡς ἂν τελειώσω αὐτό καταβήσομαι πρὸς ὑμᾶς
Nagpadala ako ng mga sugo sa kanila, na nagsasabing, “Gumagawa ako ng mahalagang gawain at hindi ako makabababa. Bakit kailangang mahinto ang gawain habang iniiwan ko ito at bumaba sa inyo?”
4 καὶ ἀπέστειλαν πρός με ὡς τὸ ῥῆμα τοῦτο καὶ ἀπέστειλα αὐτοῖς κατὰ ταῦτα
Pinadalhan nila ako ng parehong mensahe nang apat na beses, at sumagot ako sa kanila sa parehong paraan sa bawat pagkakataon.
5 καὶ ἀπέστειλεν πρός με Σαναβαλλατ τὸν παῖδα αὐτοῦ καὶ ἐπιστολὴν ἀνεῳγμένην ἐν χειρὶ αὐτοῦ
Ipinadala ni Sanbalat ang kanyang lingkod sa akin sa parehong paraan nang ika-limang beses, na may isang bukas na liham sa kanyang kamay.
6 καὶ ἦν γεγραμμένον ἐν αὐτῇ ἐν ἔθνεσιν ἠκούσθη ὅτι σὺ καὶ οἱ Ιουδαῖοι λογίζεσθε ἀποστατῆσαι διὰ τοῦτο σὺ οἰκοδομεῖς τὸ τεῖχος καὶ σὺ γίνῃ αὐτοῖς εἰς βασιλέα
Nasusulat dito, “Ito ay nauulat sa mga bansa, at sinasabi rin ito ni Gesem, na ikaw at ang mga Judio ay nagbabalak na maghimagsik, iyan ang dahilan kung bakit mo muling tinatayo ang pader. Mula sa sinasabi ng mga ulat na ito, ikaw ay malapit ng maging hari nila.
7 καὶ πρὸς τούτοις προφήτας ἔστησας σεαυτῷ ἵνα καθίσῃς ἐν Ιερουσαλημ εἰς βασιλέα ἐν Ιουδα καὶ νῦν ἀπαγγελήσονται τῷ βασιλεῖ οἱ λόγοι οὗτοι καὶ νῦν δεῦρο βουλευσώμεθα ἐπὶ τὸ αὐτό
At nagtalaga ka rin ng mga propeta para ipahayag ang tungkol sa iyo sa Jerusalem, na nagsasabing, 'May isang hari sa Juda!' Matitiyak mong maririnig ng hari ang mga ulat na ito. Kaya halika, mag-usap tayo.”
8 καὶ ἀπέστειλα πρὸς αὐτὸν λέγων οὐκ ἐγενήθη ὡς οἱ λόγοι οὗτοι οὓς σὺ λέγεις ὅτι ἀπὸ καρδίας σου σὺ ψεύδῃ αὐτούς
Pagkatapos nagpadala ako sa kanya ng kasagutan na nagsasabing, “Walang ganyang mga bagay ang nangyari gaya ng sinabi mo, dahil sa loob ng iyong puso gawa-gawa mo lang ang mga iyan.”
9 ὅτι πάντες φοβερίζουσιν ἡμᾶς λέγοντες ἐκλυθήσονται αἱ χεῖρες αὐτῶν ἀπὸ τοῦ ἔργου τούτου καὶ οὐ ποιηθήσεται καὶ νῦν ἐκραταίωσα τὰς χεῖράς μου
Dahil gusto nilang lahat na takutin kami, nag-iisap na, “Bibitiwan ng mga kamay nila ang kanilang trabaho, at hindi ito magagawa.” Pero ngayon, O Diyos, palakasin mo ang mga kamay ko.
10 καὶ ἐγὼ εἰσῆλθον εἰς οἶκον Σεμεϊ υἱοῦ Δαλαια υἱοῦ Μεηταβηλ καὶ αὐτὸς συνεχόμενος καὶ εἶπεν συναχθῶμεν εἰς οἶκον τοῦ θεοῦ ἐν μέσῳ αὐτοῦ καὶ κλείσωμεν τὰς θύρας αὐτοῦ ὅτι ἔρχονται νυκτὸς φονεῦσαί σε
Pumunta ako sa bahay ni Semaya anak ni Delaias anak ni Mehetabel, na nananatili sa kanyang tahanan. Sinabi niya, “Sama-sama tayong magpulong sa tahanan ng Diyos, sa loob ng templo, at isara natin ang mga pinto ng templo, dahil darating sila para patayin ka. Sa gabi, darating sila para patayin ka.”
11 καὶ εἶπα τίς ἐστιν ὁ ἀνήρ ὃς εἰσελεύσεται εἰς τὸν οἶκον καὶ ζήσεται
Sumagot ako, “Tatakas ba ang isang lalaking katulad ko? At ang isa bang lalaking tulad ko ay papasok sa templo para lang manatiling buhay? Hindi ako papasok.”
12 καὶ ἐπέγνων καὶ ἰδοὺ ὁ θεὸς οὐκ ἀπέστειλεν αὐτόν ὅτι ἡ προφητεία λόγος κατ’ ἐμοῦ καὶ Τωβιας καὶ Σαναβαλλατ ἐμισθώσαντο
Napag-isip-isip ko na hindi ang Diyos ang nagpadala sa kanya, kundi nagpropesiya siya laban sa akin. Binayaran siya nina Tobias at Sanbalat.
13 ἐπ’ ἐμὲ ὄχλον ὅπως φοβηθῶ καὶ ποιήσω οὕτως καὶ ἁμάρτω καὶ γένωμαι αὐτοῖς εἰς ὄνομα πονηρόν ὅπως ὀνειδίσωσίν με
Binayaran nila siya para takutin ako, para gawin ko kung ano ang sinabi niya at magkasala, para mabigyan nila ako ng masamang pangalan para hiyain ako.
14 μνήσθητι ὁ θεός τῷ Τωβια καὶ τῷ Σαναβαλλατ ὡς τὰ ποιήματα αὐτοῦ ταῦτα καὶ τῷ Νωαδια τῷ προφήτῃ καὶ τοῖς καταλοίποις τῶν προφητῶν οἳ ἦσαν φοβερίζοντές με
Alalahanin mo sina Tobias at Sanbalat, aking Diyos, at lahat ng ginawa nila. Alalahanin mo rin ang babaeng propetang si Noadias at ang iba pang mga propeta na sinubukan akong takutin.
15 καὶ ἐτελέσθη τὸ τεῖχος πέμπτῃ καὶ εἰκάδι τοῦ Ελουλ εἰς πεντήκοντα καὶ δύο ἡμέρας
Ang pader ay natapos sa ika-dalawampu't limang araw ng buwan ng Elul, pagkaraan ng limampu't dalawang araw.
16 καὶ ἐγένετο ἡνίκα ἤκουσαν πάντες οἱ ἐχθροὶ ἡμῶν καὶ ἐφοβήθησαν πάντα τὰ ἔθνη τὰ κύκλῳ ἡμῶν καὶ ἐπέπεσεν φόβος σφόδρα ἐν ὀφθαλμοῖς αὐτῶν καὶ ἔγνωσαν ὅτι παρὰ τοῦ θεοῦ ἡμῶν ἐγενήθη τελειωθῆναι τὸ ἔργον τοῦτο
Nang narinig ng lahat ng mga kalaban namin ang tungkol dito, lahat ng mga bansa na nakapaligid sa amin, natakot sila at malaki ang nawalang tiwala sa kanilang sarili. Dahil alam nila na nagawa ang gawain sa tulong ng aming Diyos.
17 καὶ ἐν ταῖς ἡμέραις ἐκείναις ἀπὸ πολλῶν ἐντίμων Ιουδα ἐπιστολαὶ ἐπορεύοντο πρὸς Τωβιαν καὶ αἱ Τωβια ἤρχοντο πρὸς αὐτούς
Sa panahong ito nagpadala ang mga maharlika sa Juda ng maraming liham kay Tobias, at dumating sa kanila ang mga liham ni Tobias.
18 ὅτι πολλοὶ ἐν Ιουδα ἔνορκοι ἦσαν αὐτῷ ὅτι γαμβρὸς ἦν τοῦ Σεχενια υἱοῦ Ηραε καὶ Ιωαναν υἱὸς αὐτοῦ ἔλαβεν τὴν θυγατέρα Μεσουλαμ υἱοῦ Βαραχια εἰς γυναῖκα
Dahil marami sa Juda ang nakatali sa panunumpa sa kanya dahil siya ang manugang ni Secanias ni Arah. Ang kanyang anak na si Jehohanan ay napangasawa ang anak ni Mesulam anak ni Berequias.
19 καὶ τοὺς λόγους αὐτοῦ ἦσαν λέγοντες πρός με καὶ λόγους μου ἦσαν ἐκφέροντες αὐτῷ καὶ ἐπιστολὰς ἀπέστειλεν Τωβιας φοβερίσαι με
Sinabi rin nila sa akin ang tungkol sa mabubuting mga gawa niya at iniulat ang mga salita ko pabalik sa kanya. Ang mga liham ay ipinadala sa akin mula kay Tobias para takutin ako.

< Ἔσδρας Βʹ 6 >