< Μιχαίας 6 >
1 ἀκούσατε δὴ λόγον κυρίου κύριος εἶπεν ἀνάστηθι κρίθητι πρὸς τὰ ὄρη καὶ ἀκουσάτωσαν οἱ βουνοὶ φωνήν σου
Ngayon makinig kayo kung ano ang sinasabi ni Yahweh. Sinabi ni Mikas sa kaniya, “Tumayo ka at sabihin ang iyong paratang sa harap ng mga bundok, hayaang mapakinggan ng mga burol ang iyong tinig.
2 ἀκούσατε βουνοί τὴν κρίσιν τοῦ κυρίου καὶ αἱ φάραγγες θεμέλια τῆς γῆς ὅτι κρίσις τῷ κυρίῳ πρὸς τὸν λαὸν αὐτοῦ καὶ μετὰ τοῦ Ισραηλ διελεγχθήσεται
Makinig sa paratang ni Yahweh, kayong mga bundok at kayong matatag na pundasyon ng mundo. Sapagkat may paratang si Yahweh sa kaniyang mga tao at ipaglalaban niya sa hukuman laban sa Israel.
3 λαός μου τί ἐποίησά σοι ἢ τί ἐλύπησά σε ἢ τί παρηνώχλησά σοι ἀποκρίθητί μοι
Aking mga tao, ano ang nagawa ko sa inyo? Paano ko kayo pinagod? Magpatotoo kayo laban sa akin!
4 διότι ἀνήγαγόν σε ἐκ γῆς Αἰγύπτου καὶ ἐξ οἴκου δουλείας ἐλυτρωσάμην σε καὶ ἐξαπέστειλα πρὸ προσώπου σου τὸν Μωυσῆν καὶ Ααρων καὶ Μαριαμ
Sapagkat inilabas ko kayo mula sa lupain ng Egipto at iniligtas ko kayo mula sa tahanan ng pagka-alipin. Pinadala ko si Moises, Aaron at Miriam sa inyo.
5 λαός μου μνήσθητι δὴ τί ἐβουλεύσατο κατὰ σοῦ Βαλακ βασιλεὺς Μωαβ καὶ τί ἀπεκρίθη αὐτῷ Βαλααμ υἱὸς τοῦ Βεωρ ἀπὸ τῶν σχοίνων ἕως τοῦ Γαλγαλ ὅπως γνωσθῇ ἡ δικαιοσύνη τοῦ κυρίου
Aking mga tao, alalahanin ninyo ang mga inisip ni Balak na Hari ng mga Moab at ang sagot sa kaniya ni Balaam anak ni Boar sa iyong pagpunta sa Sitim hanggang Gigal upang malaman ninyo ang matuwid kong mga ginawa, si Yahweh.”
6 ἐν τίνι καταλάβω τὸν κύριον ἀντιλήμψομαι θεοῦ μου ὑψίστου εἰ καταλήμψομαι αὐτὸν ἐν ὁλοκαυτώμασιν ἐν μόσχοις ἐνιαυσίοις
Ano ang aking dadalhin kay Yahweh bilang pagpapakumbaba sa kataas-taasang Diyos? Pupunta ba ako sa kaniya na may dalang isang taong gulang na mga guyang susunugin upang ialay?
7 εἰ προσδέξεται κύριος ἐν χιλιάσιν κριῶν ἢ ἐν μυριάσιν χειμάρρων πιόνων εἰ δῶ πρωτότοκά μου ἀσεβείας καρπὸν κοιλίας μου ὑπὲρ ἁμαρτίας ψυχῆς μου
Malulugod ba si Yahweh sa isang libong lalaking tupa o kaya sampung libong mga ilog ng langis? Dapat ko bang ibigay ang aking unang anak para sa aking pagsuway, ang bunga ng aking katawan para sa aking sariling kasalanan?
8 εἰ ἀνηγγέλη σοι ἄνθρωπε τί καλόν ἢ τί κύριος ἐκζητεῖ παρὰ σοῦ ἀλλ’ ἢ τοῦ ποιεῖν κρίμα καὶ ἀγαπᾶν ἔλεον καὶ ἕτοιμον εἶναι τοῦ πορεύεσθαι μετὰ κυρίου θεοῦ σου
Sinabi niya sa inyo, tao, kung ano ang mabuti at kung ano ang nais ni Yahweh mula sa iyo: Kumilos ng makatarungan, umibig na may kabaitan at lumakad na may pagpapakumbaba kasama ang inyong Diyos.
9 φωνὴ κυρίου τῇ πόλει ἐπικληθήσεται καὶ σώσει φοβουμένους τὸ ὄνομα αὐτοῦ ἄκουε φυλή καὶ τίς κοσμήσει πόλιν
Gumagawa ng pagpapahayag ang tinig ni Yahweh sa mga lungsod, kahit ngayon kinikilala ng karunungan ang inyong pangalan: “Bigyang pansin ang pamalo at kung sino ang naglagay sa lugar nito.
10 μὴ πῦρ καὶ οἶκος ἀνόμου θησαυρίζων θησαυροὺς ἀνόμους καὶ μετὰ ὕβρεως ἀδικία
Mayroong kayamanan sa mga tahanan ng mga masasamang hindi tapat at may mandarayang mga panukat na kasuklam-suklam.
11 εἰ δικαιωθήσεται ἐν ζυγῷ ἄνομος καὶ ἐν μαρσίππῳ στάθμια δόλου
Ituturing ko ba na walang sala ang isang tao kung gumagamit siya ng mapandayang panukat, kasama ang isang lalagyan na may dayang timbang?
12 ἐξ ὧν τὸν πλοῦτον αὐτῶν ἀσεβείας ἔπλησαν καὶ οἱ κατοικοῦντες αὐτὴν ἐλάλουν ψευδῆ καὶ ἡ γλῶσσα αὐτῶν ὑψώθη ἐν τῷ στόματι αὐτῶν
Puno ng karahasan ang mga mayayaman, ang naninirahan sa kaniya ay nagsasalita ng kasinungalingan at mapanlinlang ang kanilang mga dila sa kanilang mga bibig.
13 καὶ ἐγὼ ἄρξομαι τοῦ πατάξαι σε ἀφανιῶ σε ἐπὶ ταῖς ἁμαρτίαις σου
Samakatuwid hinampas ko kayo ng isang malubhang sugat, winasak ko kayo dahil sa inyong mga kasalanan.
14 σὺ φάγεσαι καὶ οὐ μὴ ἐμπλησθῇς καὶ σκοτάσει ἐν σοὶ καὶ ἐκνεύσει καὶ οὐ μὴ διασωθῇς καὶ ὅσοι ἐὰν διασωθῶσιν εἰς ῥομφαίαν παραδοθήσονται
Kakain kayo ngunit hindi mabubusog, ang inyong kawalan ay mananatili sa iyo. Mag-iimbak ka ng mga pagkain ngunit hindi makapagtatabi at kung ano ang iyong itinabi ay ibibigay ko sa espada.
15 σὺ σπερεῖς καὶ οὐ μὴ ἀμήσῃς σὺ πιέσεις ἐλαίαν καὶ οὐ μὴ ἀλείψῃ ἔλαιον καὶ οἶνον καὶ οὐ μὴ πίητε καὶ ἀφανισθήσεται νόμιμα λαοῦ μου
Ikaw ay magtatanim ngunit hindi ka mag-aani, ikaw ay magpipiga ng olibo ngunit hindi mo mapapahiran ng langis ang iyong sarili. Ikaw ay magpipisa ng ubas ngunit hindi ka makakainom ng alak.
16 καὶ ἐφύλαξας τὰ δικαιώματα Ζαμβρι καὶ πάντα τὰ ἔργα οἴκου Αχααβ καὶ ἐπορεύθητε ἐν ταῖς βουλαῖς αὐτῶν ὅπως παραδῶ σε εἰς ἀφανισμὸν καὶ τοὺς κατοικοῦντας αὐτὴν εἰς συρισμόν καὶ ὀνείδη λαῶν λήμψεσθε
Ang mga kautusan na ginawa ni Omri ay sinunod, at lahat ng mga gawa ng sambahayan ni Ahab. Lumakad kayo sa pamamagitan ng kanilang payo. Kaya gagawin ko kayo na isang sirang lungsod at isang mangungutya ang mga naninirahan sa inyo at magdadala kayo ng kahihiyan bilang aking mga tao.”