< Λευϊτικόν 19 >
1 καὶ ἐλάλησεν κύριος πρὸς Μωυσῆν λέγων
Kinausap ni Yahweh si Moises, sinabing,
2 λάλησον τῇ συναγωγῇ τῶν υἱῶν Ισραηλ καὶ ἐρεῖς πρὸς αὐτούς ἅγιοι ἔσεσθε ὅτι ἐγὼ ἅγιος κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν
“Makipag-usap sa lahat ng kapulungan ng mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kailangan ninyong maging banal, sapagkat ako ay banal, ako si Yahweh na inyong Diyos.
3 ἕκαστος πατέρα αὐτοῦ καὶ μητέρα αὐτοῦ φοβείσθω καὶ τὰ σάββατά μου φυλάξεσθε ἐγὼ κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν
Dapat gumalang ang bawat isa sa kanyang ina at kanyang ama, at dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
4 οὐκ ἐπακολουθήσετε εἰδώλοις καὶ θεοὺς χωνευτοὺς οὐ ποιήσετε ὑμῖν ἐγὼ κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν
Huwag ng bumaling sa mga walang kuwentang diyus-diyosan, ni gumawa ng diyus-diyosan na gawa sa metal para sa inyong sarili. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
5 καὶ ἐὰν θύσητε θυσίαν σωτηρίου τῷ κυρίῳ δεκτὴν ὑμῶν θύσετε
Kapag kayo ay nag-alay ng handog para sa pagtitipon kay Yahweh, dapat ninyong ihandog ito upang maaari kayong tanggapin.
6 ᾗ ἂν ἡμέρᾳ θύσητε βρωθήσεται καὶ τῇ αὔριον καὶ ἐὰν καταλειφθῇ ἕως ἡμέρας τρίτης ἐν πυρὶ κατακαυθήσεται
Dapat itong kainin sa mismong araw nang ito ay inihandog, o sa susunod na araw. Kung may matira hanggang sa ikatlong araw, dapat na itong sunugin.
7 ἐὰν δὲ βρώσει βρωθῇ τῇ ἡμέρᾳ τῇ τρίτῃ ἄθυτόν ἐστιν οὐ δεχθήσεται
Marumi na ito kung kakainin sa ikatlong araw. Hindi na dapat ito maaring tanggapin,
8 ὁ δὲ ἔσθων αὐτὸ ἁμαρτίαν λήμψεται ὅτι τὰ ἅγια κυρίου ἐβεβήλωσεν καὶ ἐξολεθρευθήσονται αἱ ψυχαὶ αἱ ἔσθουσαι ἐκ τοῦ λαοῦ αὐτῶν
ngunit kung sinuman ang kumain nito ay dapat managot sa kanyang kasalanan sapagkat dinungisan niya ang inihandog kay Yahweh. Dapat na itiwalag ang taong iyon mula sa kanyang bayan.
9 καὶ ἐκθεριζόντων ὑμῶν τὸν θερισμὸν τῆς γῆς ὑμῶν οὐ συντελέσετε τὸν θερισμὸν ὑμῶν τοῦ ἀγροῦ ἐκθερίσαι καὶ τὰ ἀποπίπτοντα τοῦ θερισμοῦ σου οὐ συλλέξεις
Kapag inani ninyo ang mga pananim sa inyong lupain, hindi ninyo dapat anihin ang lahat ng sulok ng inyong bukirin, ni ipunin ang lahat ng bunga ng inyong ani.
10 καὶ τὸν ἀμπελῶνά σου οὐκ ἐπανατρυγήσεις οὐδὲ τοὺς ῥῶγας τοῦ ἀμπελῶνός σου συλλέξεις τῷ πτωχῷ καὶ τῷ προσηλύτῳ καταλείψεις αὐτά ἐγώ εἰμι κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν
Hindi ninyo dapat ipunin ang bawat ubas mula sa inyong ubasan, ni ipunin ang mga ubas na nahulog sa lupa sa inyong ubasan. Dapat ninyong iwan ang mga ito para sa mahihirap at para sa dayuhan. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
11 οὐ κλέψετε οὐ ψεύσεσθε οὐ συκοφαντήσει ἕκαστος τὸν πλησίον
Huwag magnakaw. Huwag magsinungaling. Huwag linlangin ang bawat isa.
12 καὶ οὐκ ὀμεῖσθε τῷ ὀνόματί μου ἐπ’ ἀδίκῳ καὶ οὐ βεβηλώσετε τὸ ὄνομα τοῦ θεοῦ ὑμῶν ἐγώ εἰμι κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν
Huwag manumpa ng kasinungalingan gamit ang aking pangalan at huwag lapastanganin pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.
13 οὐκ ἀδικήσεις τὸν πλησίον καὶ οὐχ ἁρπάσεις καὶ οὐ μὴ κοιμηθήσεται ὁ μισθὸς τοῦ μισθωτοῦ παρὰ σοὶ ἕως πρωί
Huwag ninyong apihin ang inyong kapit-bahay o pagnakawan sila. Ang bayad ng isang inupahang tagapaglingkod ay hindi dapat manatili sa inyo ng buong gabi hanggang umaga.
14 οὐ κακῶς ἐρεῖς κωφὸν καὶ ἀπέναντι τυφλοῦ οὐ προσθήσεις σκάνδαλον καὶ φοβηθήσῃ κύριον τὸν θεόν σου ἐγώ εἰμι κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν
Huwag isumpa ang bingi o lagyan ng isang harang sa harapan ng bulag. Sa halip, dapat ninyong katakutan ang inyong Diyos. Ako si Yahweh.
15 οὐ ποιήσετε ἄδικον ἐν κρίσει οὐ λήμψῃ πρόσωπον πτωχοῦ οὐδὲ θαυμάσεις πρόσωπον δυνάστου ἐν δικαιοσύνῃ κρινεῖς τὸν πλησίον σου
Huwag idulot na ang paghataol ay maging kasinungalingan. Hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman dahil siya ay mahirap, at hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman sapagkat siya ay mahalaga. Sa halip, maghusga ng matuwid sa inyong kapwa.
16 οὐ πορεύσῃ δόλῳ ἐν τῷ ἔθνει σου οὐκ ἐπισυστήσῃ ἐφ’ αἷμα τοῦ πλησίον σου ἐγώ εἰμι κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν
Huwag maglibot sa pagkalat ng maling tsismis sa inyong mga bayan, nguni't protektahan ang buhay ng inyong kapwa. Ako si Yahweh.
17 οὐ μισήσεις τὸν ἀδελφόν σου τῇ διανοίᾳ σου ἐλεγμῷ ἐλέγξεις τὸν πλησίον σου καὶ οὐ λήμψῃ δῑ αὐτὸν ἁμαρτίαν
Huwag kamuhian ang inyong kapatid sa inyong puso. Dapat ninyong pagsabihan nang tapat ang inyong kapwa upang hindi kayo magkasala dahil sa kanya.
18 καὶ οὐκ ἐκδικᾶταί σου ἡ χείρ καὶ οὐ μηνιεῖς τοῖς υἱοῖς τοῦ λαοῦ σου καὶ ἀγαπήσεις τὸν πλησίον σου ὡς σεαυτόν ἐγώ εἰμι κύριος
Huwag maghiganti o magtanim ng sama ng loob laban sa sinuman sa inyong kapwa, nguni't sa halip mahalin ninyo ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili. Ako si Yahweh.
19 τὸν νόμον μου φυλάξεσθε τὰ κτήνη σου οὐ κατοχεύσεις ἑτεροζύγῳ καὶ τὸν ἀμπελῶνά σου οὐ κατασπερεῖς διάφορον καὶ ἱμάτιον ἐκ δύο ὑφασμένον κίβδηλον οὐκ ἐπιβαλεῖς σεαυτῷ
Dapat ninyong ingatan ang aking mga utos. Huwag subukang palahian ang inyong mga hayop ng iba't ibang uri ng mga hayop. Huwag ihalo ang dalawang magkaibang uri ng buto kapag nagtatanim sa inyong kabukiran. Huwag magsuot ng damit na gawa sa dalawang uri ng materyal na magkasama.
20 καὶ ἐάν τις κοιμηθῇ μετὰ γυναικὸς κοίτην σπέρματος καὶ αὐτὴ οἰκέτις διαπεφυλαγμένη ἀνθρώπῳ καὶ αὐτὴ λύτροις οὐ λελύτρωται ἢ ἐλευθερία οὐκ ἐδόθη αὐτῇ ἐπισκοπὴ ἔσται αὐτοῖς οὐκ ἀποθανοῦνται ὅτι οὐκ ἀπηλευθερώθη
Ang sinumang sumiping sa isang aliping babae na nakapangako ng ikasal sa isang lalaki, subalit hindi pa natubos o naibigay ang kanyang kalayaan, sila ay dapat maparusahan. Hindi dapat sila ipapatay sapagkat hindi siya malaya.
21 καὶ προσάξει τῆς πλημμελείας αὐτοῦ τῷ κυρίῳ παρὰ τὴν θύραν τῆς σκηνῆς τοῦ μαρτυρίου κριὸν πλημμελείας
Dapat dalhin ng lalaking iyon ang kanyang handog na pambayad ng kasalanan kay Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagtitipon—isang lalaking tupa bilang isang alay na pambayad ng kasalanan.
22 καὶ ἐξιλάσεται περὶ αὐτοῦ ὁ ἱερεὺς ἐν τῷ κριῷ τῆς πλημμελείας ἔναντι κυρίου περὶ τῆς ἁμαρτίας ἧς ἥμαρτεν καὶ ἀφεθήσεται αὐτῷ ἡ ἁμαρτία ἣν ἥμαρτεν
Pagkatapos gagawa ng pambayad ng kasalanan ang pari para sa kanya sa papamagitan ng lalaking tupa sa harapan ni Yahweh, para sa kasalanan na nagawa niya. Pagkatapos mapapatawad ang kasalanan na kanyang nagawa.
23 ὅταν δὲ εἰσέλθητε εἰς τὴν γῆν ἣν κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν δίδωσιν ὑμῖν καὶ καταφυτεύσετε πᾶν ξύλον βρώσιμον καὶ περικαθαριεῖτε τὴν ἀκαθαρσίαν αὐτοῦ ὁ καρπὸς αὐτοῦ τρία ἔτη ἔσται ὑμῖν ἀπερικάθαρτος οὐ βρωθήσεται
Kapag pumunta kayo sa lupain at magtanim ng lahat ng uri ng mga puno para makain, kung gayon dapat ninyong ituring ang bunga na kanilang nakuha bilang pinagbabawal na kainin. Dapat ipagbawal ang bunga sa inyo ng tatlong taon. Hindi dapat itong kainin.
24 καὶ τῷ ἔτει τῷ τετάρτῳ ἔσται πᾶς ὁ καρπὸς αὐτοῦ ἅγιος αἰνετὸς τῷ κυρίῳ
Subalit sa ikaapat na taon lahat ng bunga ay magiging banal, na isang papuring handog kay Yahweh.
25 ἐν δὲ τῷ ἔτει τῷ πέμπτῳ φάγεσθε τὸν καρπόν πρόσθεμα ὑμῖν τὰ γενήματα αὐτοῦ ἐγώ εἰμι κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν
Sa ikalimang taon maaari na ninyong kainin ang bunga, kinakailangang maghintay upang higit pang magbunga ang puno. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
26 μὴ ἔσθετε ἐπὶ τῶν ὀρέων καὶ οὐκ οἰωνιεῖσθε οὐδὲ ὀρνιθοσκοπήσεσθε
Huwag kumain ng anumang karne na may dugo pa nito. Huwag yayong sumangguni sa mga espiritu tungkol sa hinaharap, at huwag kayong maghangad na makontrol ang iba sa pamamagitan ng mga kahima-himalang kapangyarihan.
27 οὐ ποιήσετε σισόην ἐκ τῆς κόμης τῆς κεφαλῆς ὑμῶν οὐδὲ φθερεῖτε τὴν ὄψιν τοῦ πώγωνος ὑμῶν
Huwag sumunod sa mga gawain ng pagano tulad ng pag-ahit sa kanilang magkabilaang ulo o pagputol sa kanilang gilid mula sa kanilang balbas.
28 καὶ ἐντομίδας ἐπὶ ψυχῇ οὐ ποιήσετε ἐν τῷ σώματι ὑμῶν καὶ γράμματα στικτὰ οὐ ποιήσετε ἐν ὑμῖν ἐγώ εἰμι κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν
Huwag ninyong sugatan ang inyong katawan para sa patay o maglagay ng tatu sa inyong katawan. Ako si Yahweh.
29 οὐ βεβηλώσεις τὴν θυγατέρα σου ἐκπορνεῦσαι αὐτήν καὶ οὐκ ἐκπορνεύσει ἡ γῆ καὶ ἡ γῆ πλησθήσεται ἀνομίας
Huwag ninyong idulot sa kahihiyan ang inyong anak na babae para maging babaeng bayaran, o babagsak sa prostitusyon ang bansa ay mapupuno ng kasamaan.
30 τὰ σάββατά μου φυλάξεσθε καὶ ἀπὸ τῶν ἁγίων μου φοβηθήσεσθε ἐγώ εἰμι κύριος
Dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga at igalang ang santuwaryo ng aking tabernakulo. Ako si Yahweh.
31 οὐκ ἐπακολουθήσετε ἐγγαστριμύθοις καὶ τοῖς ἐπαοιδοῖς οὐ προσκολληθήσεσθε ἐκμιανθῆναι ἐν αὐτοῖς ἐγώ εἰμι κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν
Huwag bumaling sa mga nakikipag usap sa mga patay o sa mga espiritu. Huwag hanapin ang mga ito, o dudungisan lang nila kayo. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
32 ἀπὸ προσώπου πολιοῦ ἐξαναστήσῃ καὶ τιμήσεις πρόσωπον πρεσβυτέρου καὶ φοβηθήσῃ τὸν θεόν σου ἐγώ εἰμι κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν
Dapat kayong tumayo sa harapan ng taong may puting buhok at igalang ang presensiya ng isang matandang tao. Dapat ninyong katakutan ang inyong Diyos. Ako si Yahweh.
33 ἐὰν δέ τις προσέλθῃ προσήλυτος ὑμῖν ἐν τῇ γῇ ὑμῶν οὐ θλίψετε αὐτόν
Kung naninirahan ang isang dayuhan sa inyong lupain, huwag dapat kayong gumawa ng anumang mali sa kanya.
34 ὡς ὁ αὐτόχθων ἐν ὑμῖν ἔσται ὁ προσήλυτος ὁ προσπορευόμενος πρὸς ὑμᾶς καὶ ἀγαπήσεις αὐτὸν ὡς σεαυτόν ὅτι προσήλυτοι ἐγενήθητε ἐν γῇ Αἰγύπτῳ ἐγώ εἰμι κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν
Ang naninirahang dayuhan sa inyo ay dapat maging tulad ninyong katutubong Israelita na kasama ninyong naninirahan, at dapat ninyo siyang mahalin tulad ng inyong sarili, sapagkat naging mga dayuhan kayo sa lupain ng Ehipto. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
35 οὐ ποιήσετε ἄδικον ἐν κρίσει ἐν μέτροις καὶ ἐν σταθμίοις καὶ ἐν ζυγοῖς
Huwag gumamit ng mga maling sukatan kapag nagsusukat ng haba, bigat, o dami.
36 ζυγὰ δίκαια καὶ στάθμια δίκαια καὶ χοῦς δίκαιος ἔσται ὑμῖν ἐγώ εἰμι κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν ὁ ἐξαγαγὼν ὑμᾶς ἐκ γῆς Αἰγύπτου
Dapat gumamit lamang kayo ng mga tamang timbangan, mga tamang pabigat, isang tamang epa, at isang tamang hin. Ako si Yahweh na inyong Diyos, na siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto.
37 καὶ φυλάξεσθε πάντα τὸν νόμον μου καὶ πάντα τὰ προστάγματά μου καὶ ποιήσετε αὐτά ἐγώ εἰμι κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν
Dapat ninyong sundin ang lahat ng aking mga kautusan at lahat ng aking mga batas, at gawin ang mga ito. Ako si Yahweh.””