< Ἰησοῦς Nαυῆ 2 >

1 καὶ ἀπέστειλεν Ἰησοῦς υἱὸς Ναυη ἐκ Σαττιν δύο νεανίσκους κατασκοπεῦσαι λέγων ἀνάβητε καὶ ἴδετε τὴν γῆν καὶ τὴν Ιεριχω καὶ πορευθέντες εἰσήλθοσαν οἱ δύο νεανίσκοι εἰς Ιεριχω καὶ εἰσήλθοσαν εἰς οἰκίαν γυναικὸς πόρνης ᾗ ὄνομα Ρααβ καὶ κατέλυσαν ἐκεῖ
Pagkatapos palihim na ipinadala ni Josue anak ni Nun ang dalawang lalaki mula sa Sittim bilang mga espiya. Sinabi niya, “Lumakad kayo, manmanan ang buong lupain, lalung-lalo na ang Jerico.” Umalis sila at dumating sa bahay ng isang bayarang babae na nagngangalang Rahab, at nanatili sila doon.
2 καὶ ἀπηγγέλη τῷ βασιλεῖ Ιεριχω λέγοντες εἰσπεπόρευνται ὧδε ἄνδρες τῶν υἱῶν Ισραηλ κατασκοπεῦσαι τὴν γῆν
Sinabi ito sa hari ng Jerico, “Tingnan ninyo, dumating ang mga lalaki ng Israel para magmanman sa lupain.”
3 καὶ ἀπέστειλεν ὁ βασιλεὺς Ιεριχω καὶ εἶπεν πρὸς Ρααβ λέγων ἐξάγαγε τοὺς ἄνδρας τοὺς εἰσπεπορευμένους εἰς τὴν οἰκίαν σου τὴν νύκτα κατασκοπεῦσαι γὰρ τὴν γῆν ἥκασιν
Ang hari ng Jerico ay nagpasabi kay Rahab at sinabi, “Ilabas ang mga lalaking pumunta sa iyo na tumuloy sa iyong bahay, dahil naparito sila para magmanman sa buong lupain.”
4 καὶ λαβοῦσα ἡ γυνὴ τοὺς ἄνδρας ἔκρυψεν αὐτοὺς καὶ εἶπεν αὐτοῖς λέγουσα εἰσεληλύθασιν πρός με οἱ ἄνδρες
Pero pinapasok ng babae ang dalawang lalaki at itinago sila. At sinabi niya, “Oo, pumunta ang mga lalaki sa akin, pero hindi ko alam kung saan sila galing.
5 ὡς δὲ ἡ πύλη ἐκλείετο ἐν τῷ σκότει καὶ οἱ ἄνδρες ἐξῆλθον οὐκ ἐπίσταμαι ποῦ πεπόρευνται καταδιώξατε ὀπίσω αὐτῶν εἰ καταλήμψεσθε αὐτούς
Umalis sila nang takipsilim, oras iyon para isara ang tarangkahan ng lungsod. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Marahil maaabutan ninyo sila kung magmamadali kayong sundan sila.”
6 αὐτὴ δὲ ἀνεβίβασεν αὐτοὺς ἐπὶ τὸ δῶμα καὶ ἔκρυψεν αὐτοὺς ἐν τῇ λινοκαλάμῃ τῇ ἐστοιβασμένῃ αὐτῇ ἐπὶ τοῦ δώματος
Pero dinala niya sila sa bubong at itinago sila gamit ang mga tangkay ng lino na kaniyang nilatag sa bubong.
7 καὶ οἱ ἄνδρες κατεδίωξαν ὀπίσω αὐτῶν ὁδὸν τὴν ἐπὶ τοῦ Ιορδάνου ἐπὶ τὰς διαβάσεις καὶ ἡ πύλη ἐκλείσθη καὶ ἐγένετο ὡς ἐξήλθοσαν οἱ διώκοντες ὀπίσω αὐτῶν
Kaya sinundan sila ng mga lalaki sa daang papunta sa mga tawiran ng Jordan. At isinara ang mga tarangkahan pagkalabas ng mga humahabol.
8 καὶ αὐτοὶ δὲ πρὶν ἢ κοιμηθῆναι αὐτούς καὶ αὐτὴ ἀνέβη ἐπὶ τὸ δῶμα πρὸς αὐτοὺς
Hindi pa nakakahiga ang mga lalaki para sa gabi, nang umakyat siya sa kanila sa bubong.
9 καὶ εἶπεν πρὸς αὐτούς ἐπίσταμαι ὅτι δέδωκεν ὑμῖν κύριος τὴν γῆν ἐπιπέπτωκεν γὰρ ὁ φόβος ὑμῶν ἐφ’ ἡμᾶς
Sinabi niya, “Alam ko na ibinigay ni Yahweh sa inyo ang lupain at ang takot sa inyo ay dumating sa amin. Ang lahat ng naninirahan sa lupain ay manghihina sa inyong harapan.
10 ἀκηκόαμεν γὰρ ὅτι κατεξήρανεν κύριος ὁ θεὸς τὴν ἐρυθρὰν θάλασσαν ἀπὸ προσώπου ὑμῶν ὅτε ἐξεπορεύεσθε ἐκ γῆς Αἰγύπτου καὶ ὅσα ἐποίησεν τοῖς δυσὶ βασιλεῦσιν τῶν Αμορραίων οἳ ἦσαν πέραν τοῦ Ιορδάνου τῷ Σηων καὶ Ωγ οὓς ἐξωλεθρεύσατε αὐτούς
Nabalitaan namin kung paano pinatuyo ni Yahweh ang tubig ng Dagat na Pula para sa inyo noong lumabas kayo sa Ehipto. At nabalitaan namin kung ano ang ginawa ninyo sa dalawang hari ng mga Amoreo sa kabilang dako ng Jordan—Sihon at Og—na winasak ninyong ganap.
11 καὶ ἀκούσαντες ἡμεῖς ἐξέστημεν τῇ καρδίᾳ ἡμῶν καὶ οὐκ ἔστη ἔτι πνεῦμα ἐν οὐδενὶ ἡμῶν ἀπὸ προσώπου ὑμῶν ὅτι κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν θεὸς ἐν οὐρανῷ ἄνω καὶ ἐπὶ τῆς γῆς κάτω
Sa pagkarinig namin nito, natunaw ang aming mga puso at walang tapang ang naiwan sa sinuman—dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ang Diyos sa langit sa itaas at sa lupa sa ibaba.
12 καὶ νῦν ὀμόσατέ μοι κύριον τὸν θεόν ὅτι ποιῶ ὑμῖν ἔλεος καὶ ποιήσετε καὶ ὑμεῖς ἔλεος ἐν τῷ οἴκῳ τοῦ πατρός μου
Kaya ngayon, pakiusap mangako ka sa akin sa pamamagitan ni Yahweh na, katulad ng aking kabutihan sa inyo, pakitunguhan rin ninyo ng may kabutihan ang sambahayan ng aking ama. Bigyan ninyo ako ng isang tiyak na palatandaan
13 καὶ ζωγρήσετε τὸν οἶκον τοῦ πατρός μου καὶ τὴν μητέρα μου καὶ τοὺς ἀδελφούς μου καὶ πάντα τὸν οἶκόν μου καὶ πάντα ὅσα ἐστὶν αὐτοῖς καὶ ἐξελεῖσθε τὴν ψυχήν μου ἐκ θανάτου
na ililigtas ninyo ang buhay ng aking ama, ina, mga kapatid na lalaki at babae, at ang kanilang buong pamilya, at sa gayon ililigtas ninyo kami mula sa kamatayan.”
14 καὶ εἶπαν αὐτῇ οἱ ἄνδρες ἡ ψυχὴ ἡμῶν ἀνθ’ ὑμῶν εἰς θάνατον καὶ αὐτὴ εἶπεν ὡς ἂν παραδῷ κύριος ὑμῖν τὴν πόλιν ποιήσετε εἰς ἐμὲ ἔλεος καὶ ἀλήθειαν
Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Buhay namin para sa inyong buhay, kahit hanggang kamatayan! Kung hindi mo sasabihin ang aming pakay, kaya, kapag ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito magiging mahabagin kami at matapat sa iyo.”
15 καὶ κατεχάλασεν αὐτοὺς διὰ τῆς θυρίδος
Kaya pinalabas niya sila sa bintana gamit ang isang lubid. Ang bahay kung saan siya nanirahan ay itinayo sa loob ng pader ng lungsod.
16 καὶ εἶπεν αὐτοῖς εἰς τὴν ὀρεινὴν ἀπέλθετε μὴ συναντήσωσιν ὑμῖν οἱ καταδιώκοντες καὶ κρυβήσεσθε ἐκεῖ τρεῖς ἡμέρας ἕως ἂν ἀποστρέψωσιν οἱ καταδιώκοντες ὀπίσω ὑμῶν καὶ μετὰ ταῦτα ἀπελεύσεσθε εἰς τὴν ὁδὸν ὑμῶν
Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa mga burol at magtago o ang mga humahabol ay makikita kayo. Magtago kayo doon sa loob ng tatlong araw hanggang ang mga humahabol ay makabalik. Pagkatapos magpatuloy na sa inyong landas.”
17 καὶ εἶπαν οἱ ἄνδρες πρὸς αὐτήν ἀθῷοί ἐσμεν τῷ ὅρκῳ σου τούτῳ
Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Wala kaming pananagutan sa mga pangakong ipinagawa mo sa aming sumpaan, kung hindi mo gagawin ito:
18 ἰδοὺ ἡμεῖς εἰσπορευόμεθα εἰς μέρος τῆς πόλεως καὶ θήσεις τὸ σημεῖον τὸ σπαρτίον τὸ κόκκινον τοῦτο ἐκδήσεις εἰς τὴν θυρίδα δῑ ἧς κατεβίβασας ἡμᾶς δῑ αὐτῆς τὸν δὲ πατέρα σου καὶ τὴν μητέρα σου καὶ τοὺς ἀδελφούς σου καὶ πάντα τὸν οἶκον τοῦ πατρός σου συνάξεις πρὸς σεαυτὴν εἰς τὴν οἰκίαν σου
Kapag pumasok kami sa lupain, dapat itali mo itong matingkad na pulang lubid sa bintana na siyang pinagbabaan mo sa amin, at magtitipon kayo sa bahay ng iyong ama at ina, iyong mga lalaking kapatid at ang buong sambahayan ng iyong ama.
19 καὶ ἔσται πᾶς ὃς ἂν ἐξέλθῃ τὴν θύραν τῆς οἰκίας σου ἔξω ἔνοχος ἑαυτῷ ἔσται ἡμεῖς δὲ ἀθῷοι τῷ ὅρκῳ σου τούτῳ καὶ ὅσοι ἐὰν γένωνται μετὰ σοῦ ἐν τῇ οἰκίᾳ σου ἡμεῖς ἔνοχοι ἐσόμεθα
Sinuman ang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay patungo sa lansangan, ang kanilang dugo ay nasa kanilang sariling mga ulo at wala kaming pananagutan. Pero kung may isang kamay na manakit sa sinumang kasama mo sa bahay, ang kaniyang dugo ay nasa aming mga ulo.
20 ἐὰν δέ τις ἡμᾶς ἀδικήσῃ ἢ καὶ ἀποκαλύψῃ τοὺς λόγους ἡμῶν τούτους ἐσόμεθα ἀθῷοι τῷ ὅρκῳ σου τούτῳ
Pero kung ipagsasabi mo itong aming pakay, kung gayon wala kaming pananagutan sa pangakong aming sinumpaan sa iyo, sa pangakong pinagawa mong aming sumpaan.”
21 καὶ εἶπεν αὐτοῖς κατὰ τὸ ῥῆμα ὑμῶν οὕτως ἔστω καὶ ἐξαπέστειλεν αὐτούς
Sumagot si Rahab, “Matupad nawa ang inyong sinabi.” Pinaalis niya sila at umalis sila. Pagkatapos itinali niya ang matingkad na pulang lubid sa bintana.
22 καὶ ἐπορεύθησαν καὶ ἤλθοσαν εἰς τὴν ὀρεινὴν καὶ κατέμειναν ἐκεῖ τρεῖς ἡμέρας καὶ ἐξεζήτησαν οἱ καταδιώκοντες πάσας τὰς ὁδοὺς καὶ οὐχ εὕροσαν
Umalis at umakyat sila sa mga burol at nanatili sila doon ng tatlong araw hanggang sa makabalik ang mga humahabol sa kanila. Naghanap ang mga humahabol sa kahabaan ng daanan at wala silang natagpuan.
23 καὶ ὑπέστρεψαν οἱ δύο νεανίσκοι καὶ κατέβησαν ἐκ τοῦ ὄρους καὶ διέβησαν πρὸς Ἰησοῦν υἱὸν Ναυη καὶ διηγήσαντο αὐτῷ πάντα τὰ συμβεβηκότα αὐτοῖς
Bumalik ang dalawang lalaki at tumawid at nagbalik kay Josue anak ni Nun, at isinalaysay nila sa kaniya ang lahat ng bagay na nangyari sa kanila.
24 καὶ εἶπαν πρὸς Ἰησοῦν ὅτι παρέδωκεν κύριος πᾶσαν τὴν γῆν ἐν χειρὶ ἡμῶν καὶ κατέπτηκεν πᾶς ὁ κατοικῶν τὴν γῆν ἐκείνην ἀφ’ ἡμῶν
At sinabi nila kay Josue, “Totoong ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito. Natatakot ang lahat ng mga naninirahan sa lupain dahil sa atin.

< Ἰησοῦς Nαυῆ 2 >