< Ἰώβ 34 >

1 ὑπολαβὼν δὲ Ελιους λέγει
Higit pa rito, nagpatuloy sa pagsasalita si Elihu;
2 ἀκούσατέ μου σοφοί ἐπιστάμενοι ἐνωτίζεσθε τὸ καλόν
“Makinig ka sa aking mga sasabihin, kayong matatalino; pakinggan ninyo ako, kayong may kaalaman.
3 ὅτι οὖς λόγους δοκιμάζει καὶ λάρυγξ γεύεται βρῶσιν
Sinusubok ng tainga ang mga salita, gaya ng dila na tumitikim ng pagkain.
4 κρίσιν ἑλώμεθα ἑαυτοῖς γνῶμεν ἀνὰ μέσον ἑαυτῶν ὅ τι καλόν
Piliin natin para sa ating sarili kung ano ang matuwid: alamin natin sa ating mga sarili kung ano ang tama.
5 ὅτι εἴρηκεν Ιωβ δίκαιός εἰμι ὁ κύριος ἀπήλλαξέν μου τὸ κρίμα
Dahil sinabi ni Job, “Ako ay matuwid, pero kinuha ng Diyos ang aking mga karapatan.
6 ἐψεύσατο δὲ τῷ κρίματί μου βίαιον τὸ βέλος μου ἄνευ ἀδικίας
Sa kabila ng aking mga karapatan, itinuring akong isang sinungaling. Walang lunas ang aking sugat, kahit wala naman akong kasalanan.'
7 τίς ἀνὴρ ὥσπερ Ιωβ πίνων μυκτηρισμὸν ὥσπερ ὕδωρ
Sino ang katulad ni Job, na umiinom ng pangungutya gaya ng tubig,
8 οὐχ ἁμαρτὼν οὐδὲ ἀσεβήσας ἢ ὁδοῦ κοινωνήσας μετὰ ποιούντων τὰ ἄνομα τοῦ πορευθῆναι μετὰ ἀσεβῶν
na sumasama sa mga gumagawa ng masama, at lumalakad kasama ang masasamang tao?
9 μὴ γὰρ εἴπῃς ὅτι οὐκ ἔσται ἐπισκοπὴ ἀνδρός καὶ ἐπισκοπὴ αὐτῷ παρὰ κυρίου
Dahil kaniyang sinabi, “walang pakinabang sa isang tao ang magalak sa paggawa ng nais ng Diyos.”
10 διό συνετοὶ καρδίας ἀκούσατέ μου μή μοι εἴη ἔναντι κυρίου ἀσεβῆσαι καὶ ἔναντι παντοκράτορος ταράξαι τὸ δίκαιον
Kaya makinig kayo sa akin, kayong mga matatalino: malayong gawin ng Diyos na gumawa ng kasamaan; malayong gawin ng Makapangyarihan na magkasala.
11 ἀλλὰ ἀποδιδοῖ ἀνθρώπῳ καθὰ ποιεῖ ἕκαστος αὐτῶν καὶ ἐν τρίβῳ ἀνδρὸς εὑρήσει αὐτόν
Dahil kaniyang binabayaran ang gawa ng isang tao; pinapatanggap niya sila ng gantimpala sa kanilang sariling mga pamamaraan.
12 οἴῃ δὲ τὸν κύριον ἄτοπα ποιήσειν ἢ ὁ παντοκράτωρ ταράξει κρίσιν
Tunay nga na hindi gumagawa ng kasamaan ang Diyos, ni hindi binabaluktot ng Makapangyarihan ang katarungan.
13 ὃς ἐποίησεν τὴν γῆν τίς δέ ἐστιν ὁ ποιῶν τὴν ὑπ’ οὐρανὸν καὶ τὰ ἐνόντα πάντα
Sino ang nagtalaga sa kaniya na pamahalaan ang buong mundo? Sino ang naglagay ng buong daigdig sa kaniyang pamamahala?
14 εἰ γὰρ βούλοιτο συνέχειν καὶ τὸ πνεῦμα παρ’ αὐτῷ κατασχεῖν
Kung itatakda lamang ng Diyos ang kaniyang layunin para sa kaniyang sarili, at kung iipunin niya pabalik para sa kaniyang sarili ang kaniyang espiritu at kaniyang hininga,
15 τελευτήσει πᾶσα σὰρξ ὁμοθυμαδόν πᾶς δὲ βροτὸς εἰς γῆν ἀπελεύσεται ὅθεν καὶ ἐπλάσθη
sama-samang mawawala ang lahat ng laman; babalik muli sa alabok ang sangkatauhan.
16 εἰ δὲ μὴ νουθετῇ ἄκουε ταῦτα ἐνωτίζου φωνὴν ῥημάτων
Kung mayroon kayong pang-unawa, pakinggan ninyo ito; makinig kayo sa tunog ng aking mga sasabihin.
17 ἰδὲ σὺ τὸν μισοῦντα ἄνομα καὶ τὸν ὀλλύντα τοὺς πονηροὺς ὄντα αἰώνιον δίκαιον
Kaya bang mamahala ng taong namumuhi sa katarungan? Hahatulan mo ba ang Diyos na siyang matuwid at makapangyarihan?
18 ἀσεβὴς ὁ λέγων βασιλεῖ παρανομεῖς ἀσεβέστατε τοῖς ἄρχουσιν
Ang Diyos, na nagsasabi sa isang hari, “Ikaw a hamak”, o sinasabi sa mga maharlika, 'Ikaw ay masama”?
19 ὃς οὐκ ἐπῃσχύνθη πρόσωπον ἐντίμου οὐδὲ οἶδεν τιμὴν θέσθαι ἁδροῖς θαυμασθῆναι πρόσωπα αὐτῶν
Hindi nagpapakita ang Diyos ng pagtatangi sa mga pinuno at hindi niya kinikilala ang mayayaman kaysa sa mahirap, dahil silang lahat ay ginawa ng kaniyang kamay.
20 κενὰ δὲ αὐτοῖς ἀποβήσεται τὸ κεκραγέναι καὶ δεῖσθαι ἀνδρός ἐχρήσαντο γὰρ παρανόμως ἐκκλινομένων ἀδυνάτων
Sa isang sandali sila ay namatay; sa hating-gabi mayayanig ang mga tao at mamamatay; ang mga taong malalakas ay kukunin, pero hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao.
21 αὐτὸς γὰρ ὁρατής ἐστιν ἔργων ἀνθρώπων λέληθεν δὲ αὐτὸν οὐδὲν ὧν πράσσουσιν
Dahil ang mga mata ni Yahweh ay nakatuon sa pamumuhay ng tao; nakikita niya ang lahat ng hakbang niya.
22 οὐδὲ ἔσται τόπος τοῦ κρυβῆναι τοὺς ποιοῦντας τὰ ἄνομα
Walang kadiliman, walang makapal na karimlan ang makakapagtago sa kanilang sarili sa mga gumagawa ng kasalanan.
23 ὅτι οὐκ ἐπ’ ἄνδρα θήσει ἔτι ὁ γὰρ κύριος πάντας ἐφορᾷ
Dahil hindi na kailangan ng Diyos na suriin pa nang maigi ang isang tao; hindi na kailangang pumunta ng sinuman sa harapan niya para sa paghuhukom.
24 ὁ καταλαμβάνων ἀνεξιχνίαστα ἔνδοξά τε καὶ ἐξαίσια ὧν οὐκ ἔστιν ἀριθμός
Winawasak niya nang pira-piraso ang mga malalakas na tao dahil ang kanilang mga pamumuhay ay hindi na kailangan pang suriin; naglalagay siya ng iba sa kanilang mga lugar.
25 ὁ γνωρίζων αὐτῶν τὰ ἔργα καὶ στρέψει νύκτα καὶ ταπεινωθήσονται
Sa paraang ito, mayroong siyang kaalaman sa kanilang mga ginagawa; binabagsak niya ang mga taong ito sa gabi; sila ay winasak.
26 ἔσβεσεν δὲ ἀσεβεῖς ὁρατοὶ δὲ ἐναντίον αὐτοῦ
Sa harapan ng lahat ng tao, pinatay niya sila dahil sa kanilang masasamang gawa gaya ng mga kriminal
27 ὅτι ἐξέκλιναν ἐκ νόμου θεοῦ δικαιώματα δὲ αὐτοῦ οὐκ ἐπέγνωσαν
dahil lumayo sila mula sa pagsunod sa kaniya at tumangging kilalanin ang kaniyang mga pamamaraan.
28 τοῦ ἐπαγαγεῖν ἐπ’ αὐτὸν κραυγὴν πένητος καὶ κραυγὴν πτωχῶν εἰσακούσεται
Sa paraang ito, ginawa nilang ilapit ang iyak ng mahihirap sa kaniya; pinakinggan niya ang iyak ng mga taong nahihirapan.
29 καὶ αὐτὸς ἡσυχίαν παρέξει καὶ τίς καταδικάσεται καὶ κρύψει πρόσωπον καὶ τίς ὄψεται αὐτόν καὶ κατὰ ἔθνους καὶ κατὰ ἀνθρώπου ὁμοῦ
Kapag siya ay nanatiling tahimik, sino ang maaring magparatang sa kaniya? Kung itatago niya ang kaniyang mukha, sino ang maaring makakakilala sa kaniya? Namamahala siya sa lahat ng bansa at bawat tao,
30 βασιλεύων ἄνθρωπον ὑποκριτὴν ἀπὸ δυσκολίας λαοῦ
kaya hindi mamahala ang hindi maka-diyos, kaya walang ni isa ang mabibitag.
31 ὅτι πρὸς τὸν ἰσχυρὸν ὁ λέγων εἴληφα οὐκ ἐνεχυράσω
Ipagpalagay natin na may taong nagsabi sa Diyos, “Tiyak akong may sala, pero hindi na ako magkakasala;
32 ἄνευ ἐμαυτοῦ ὄψομαι σὺ δεῖξόν μοι εἰ ἀδικίαν ἠργασάμην οὐ μὴ προσθήσω
ituro mo kung ano ang hindi ko nakikita; gumawa ako ng kasalanan, pero hindi ko na ito gagawin.”
33 μὴ παρὰ σοῦ ἀποτείσει αὐτήν ὅτι ἀπώσῃ ὅτι σὺ ἐκλέξῃ καὶ οὐκ ἐγώ καὶ τί ἔγνως λάλησον
Sa tingin mo parurusahan ng Diyos ang kasalanan ng taong iyon, dahil sa hindi mo gusto ang ginawa ng Diyos? Dapat kang mamili, hindi ako. Kaya sabihin mo ang iyong nalalaman.
34 διὸ συνετοὶ καρδίας ἐροῦσιν ταῦτα ἀνὴρ δὲ σοφὸς ἀκήκοέν μου τὸ ῥῆμα
Sasabihin sa akin ng matatalinong tao - tunay nga, na sasabihin sa akin ng bawat matatalinong tao na nakaririnig sa akin,
35 Ιωβ δὲ οὐκ ἐν συνέσει ἐλάλησεν τὰ δὲ ῥήματα αὐτοῦ οὐκ ἐν ἐπιστήμῃ
“Nagsasalita si Job nang walang kaalaman; walang karunungan ang mga sinasabi niya.'
36 οὐ μὴν δὲ ἀλλὰ μάθε Ιωβ μὴ δῷς ἔτι ἀνταπόκρισιν ὥσπερ οἱ ἄφρονες
Dapat mailagay si Job sa paglilitis sa maliliit na detalye ng kaniyang kaso dahil nagsasalita siya gaya ng masasamang tao.
37 ἵνα μὴ προσθῶμεν ἐφ’ ἁμαρτίαις ἡμῶν ἀνομία δὲ ἐφ’ ἡμῖν λογισθήσεται πολλὰ λαλούντων ῥήματα ἐναντίον τοῦ κυρίου
Dahil nagdadagdag siya ng pagrerebelde sa kaniyang kasalanan; pinapalakpak niya ang kaniyang mga kamay para inisin kami sa aming kalagitnaan; nagsasabi siya ng mga salita laban sa Diyos.”

< Ἰώβ 34 >