< Ἰώβ 12 >
Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
2 εἶτα ὑμεῖς ἐστε ἄνθρωποι ἦ μεθ’ ὑμῶν τελευτήσει σοφία
walang pag-aalinlangan na kayo ang bayan; ang karunungan ay mamamatay na kasama ninyo.
3 κἀμοὶ μὲν καρδία καθ’ ὑμᾶς ἐστιν
Pero mayroon din akong pang-unawa na kagaya ninyo; Hindi ako mas mababa kaysa sa inyo. Sa katunayan, sino ang hindi nakaka-alam ng mga bagay na gaya nito?
4 δίκαιος γὰρ ἀνὴρ καὶ ἄμεμπτος ἐγενήθη εἰς χλεύασμα
Ako ay isang katatawanan para sa aking kapwa —ako, na siyang tumawag sa Diyos at kaniyang sinagot! Ako, isang taong makatarungan at walang kasalanan—ako ngayon ay isa nang katatawanan.
5 εἰς χρόνον γὰρ τακτὸν ἡτοίμαστο πεσεῖν ὑπὸ ἄλλους οἴκους τε αὐτοῦ ἐκπορθεῖσθαι ὑπὸ ἀνόμων
Sa isip ng isang taong matiwasay, may paglait para sa kasawian; Iniisip niya sa paraang magdadala nang mas marami pang kasawian sa mga nadudulas ang paa.
6 οὐ μὴν δὲ ἀλλὰ μηδεὶς πεποιθέτω πονηρὸς ὢν ἀθῷος ἔσεσθαι ὅσοι παροργίζουσιν τὸν κύριον ὡς οὐχὶ καὶ ἔτασις αὐτῶν ἔσται
Sumasagana ang mga tolda ng mga manloloob, at ang mga nagpapagalit sa Diyos ay dama ang katiyakan; ang kanilang mga sariling mga kamay ang kanilang mga diyos.
7 ἀλλὰ δὴ ἐπερώτησον τετράποδα ἐάν σοι εἴπωσιν πετεινὰ δὲ οὐρανοῦ ἐάν σοι ἀπαγγείλωσιν
Pero ngayon tanungin mo ang mga mababangis na hayop; at tuturuan ka nila; Tanungin mo ang mga ibon sa mga himpapawid at sasabihin nila sa iyo.
8 ἐκδιήγησαι δὲ γῇ ἐάν σοι φράσῃ καὶ ἐξηγήσονταί σοι οἱ ἰχθύες τῆς θαλάσσης
O magsalita ka sa lupa, at ikaw ay tuturuan; Ang mga isda sa dagat ay magpapahayag sa iyo.
9 τίς οὐκ ἔγνω ἐν πᾶσι τούτοις ὅτι χεὶρ κυρίου ἐποίησεν ταῦτα
Alin sa mga hayop ang hindi alam na ang kamay ni Yahweh ang gumawa nito—ang nagbigay sa kanila ng buhay—
10 εἰ μὴ ἐν χειρὶ αὐτοῦ ψυχὴ πάντων τῶν ζώντων καὶ πνεῦμα παντὸς ἀνθρώπου
Yahweh, sa kaninong kamay ang bawat bagay na may buhay at ang hininga ng sangkatauhan?
11 οὖς μὲν γὰρ ῥήματα διακρίνει λάρυγξ δὲ σῖτα γεύεται
Hindi ba ang tainga ang sumusuri sa mga salita gaya ng dila na tumitikim sa pagkain?
12 ἐν πολλῷ χρόνῳ σοφία ἐν δὲ πολλῷ βίῳ ἐπιστήμη
Sa mga taong may edad ay karunungan; sa kahabaan ng mga araw ay pang-unawa.
13 παρ’ αὐτῷ σοφία καὶ δύναμις αὐτῷ βουλὴ καὶ σύνεσις
Sa Diyos ay may karunungan at kalakasan; mayroon siyang mabuting kaisipan at pang-unawa.
14 ἐὰν καταβάλῃ τίς οἰκοδομήσει ἐὰν κλείσῃ κατὰ ἀνθρώπων τίς ἀνοίξει
Tingnan mo, siya ay nasisira, at hindi na ito maitatayong muli; kung ikinukulong niya ang isang tao, hindi na maaring palayain.
15 ἐὰν κωλύσῃ τὸ ὥδωρ ξηρανεῖ τὴν γῆν ἐὰν δὲ ἐπαφῇ ἀπώλεσεν αὐτὴν καταστρέψας
Masdan mo, kung pinipigil niya ang mga tubig, natutuyo ang mga ito, at kung pakakawalan ang mga ito, natatabunan nila ang lupain.
16 παρ’ αὐτῷ κράτος καὶ ἰσχύς αὐτῷ ἐπιστήμη καὶ σύνεσις
Nasa kaniya ang kalakasan at karunungan; ang mga taong nilinlang at ang mga luminlang ay parehong nasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan.
17 διάγων βουλευτὰς αἰχμαλώτους κριτὰς δὲ γῆς ἐξέστησεν
Pinapangunahan niyang ilayo ang mga tagapayo ng nakayapak sa kalungkutan; inililiko niya ang mga hukom para maging hangal.
18 καθιζάνων βασιλεῖς ἐπὶ θρόνους καὶ περιέδησεν ζώνῃ ὀσφύας αὐτῶν
Tinatanggal niya ang hanay ng kapangyarihan mula sa mga hari; binabalutan niya ng tela ang kanilang mga baywang.
19 ἐξαποστέλλων ἱερεῖς αἰχμαλώτους δυνάστας δὲ γῆς κατέστρεψεν
Pinapangunahan niyang ilayo ang mga pari na nakayapak sa kalungkutan at patalsikin ang mga makapangyarihang tao.
20 διαλλάσσων χείλη πιστῶν σύνεσιν δὲ πρεσβυτέρων ἔγνω
Inalis niya ang pananalita ng mga taong mapagkakatiwalaan at inaalis niya ang pang-unawa ng mga matatanda.
21 ἐκχέων ἀτιμίαν ἐπ’ ἄρχοντας ταπεινοὺς δὲ ἰάσατο
Ibinubuhos niya ang paghamak sa mga prinsipe at kinanakalas niya ang sinturon ng mga malalakas na tao.
22 ἀνακαλύπτων βαθέα ἐκ σκότους ἐξήγαγεν δὲ εἰς φῶς σκιὰν θανάτου
Inilalantad niya ang mga malalalim na bagay mula sa kadiliman at inilalabas sa liwanag ang mga anino kung saan naroon ang mga patay.
23 πλανῶν ἔθνη καὶ ἀπολλύων αὐτά καταστρωννύων ἔθνη καὶ καθοδηγῶν αὐτά
Ginagawa niyang malakas ang mga bansa, at winawasak din niya ang mga ito. Pinapalawak niya ang mga bansa, at dinadadala din niya ang mga ito bilang mga bihag.
24 διαλλάσσων καρδίας ἀρχόντων γῆς ἐπλάνησεν δὲ αὐτοὺς ὁδῷ ᾗ οὐκ ᾔδεισαν
Tinatanggal niya ang pang-unawa mula sa mga pinuno ng mga bayan sa daigdig; Idinudulot niyang magpaikot-ikot sila sa ilang kung saan walang daan.
25 ψηλαφήσαισαν σκότος καὶ μὴ φῶς πλανηθείησαν δὲ ὥσπερ ὁ μεθύων
Nangangapa sila sa dilim na walang liwanag; Ginagawa silang parang lasing na pasuray-suray.