< Ἰώβ 11 >
1 ὑπολαβὼν δὲ Σωφαρ ὁ Μιναῖος λέγει
Nang magkagayo'y sumagot si Sophar na Naamathita, at nagsabi,
2 ὁ τὰ πολλὰ λέγων καὶ ἀντακούσεται ἢ καὶ ὁ εὔλαλος οἴεται εἶναι δίκαιος εὐλογημένος γεννητὸς γυναικὸς ὀλιγόβιος
Hindi ba sasagutin ang karamihan ng mga salita? At ang lalaking masalita ay aariing ganap?
3 μὴ πολὺς ἐν ῥήμασιν γίνου οὐ γάρ ἐστιν ὁ ἀντικρινόμενός σοι
Pamamayapain ba ang mga tao ng iyong mga paghahambog. At kung ikaw ay nanunuya, wala bang hihiya sa iyo?
4 μὴ γὰρ λέγε ὅτι καθαρός εἰμι τοῖς ἔργοις καὶ ἄμεμπτος ἐναντίον αὐτοῦ
Sapagka't iyong sinasabi, Ang aking aral ay dalisay, at ako'y malinis sa iyong mga mata.
5 ἀλλὰ πῶς ἂν ὁ κύριος λαλήσαι πρὸς σέ καὶ ἀνοίξει χείλη αὐτοῦ μετὰ σοῦ
Nguni't Oh ang Dios nawa'y magsalita, at bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo;
6 εἶτα ἀναγγελεῖ σοι δύναμιν σοφίας ὅτι διπλοῦς ἔσται τῶν κατὰ σέ καὶ τότε γνώσῃ ὅτι ἄξιά σοι ἀπέβη ἀπὸ κυρίου ὧν ἡμάρτηκας
At ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan, pagka't siya ay masagana sa pagkaunawa. Talastasin mo nga na nilalapatan ka ng Dios ng kulang kay sa nauukol sa iyong kasamaan.
7 ἦ ἴχνος κυρίου εὑρήσεις ἢ εἰς τὰ ἔσχατα ἀφίκου ἃ ἐποίησεν ὁ παντοκράτωρ
Masusumpungan mo ba ang Dios sa pagsaliksik? Masusumpungan mo ba sa kasakdalan ang Makapangyarihan sa lahat?
8 ὑψηλὸς ὁ οὐρανός καὶ τί ποιήσεις βαθύτερα δὲ τῶν ἐν ᾅδου τί οἶδας (Sheol )
Mataas na gaya ng langit; anong iyong magagawa? Malalim kay sa Sheol: anong iyong malalaman? (Sheol )
9 ἢ μακρότερα μέτρου γῆς ἢ εὔρους θαλάσσης
Ang sukat niyao'y mahaba kay sa lupa. At maluwang kay sa dagat.
10 ἐὰν δὲ καταστρέψῃ τὰ πάντα τίς ἐρεῖ αὐτῷ τί ἐποίησας
Kung siya'y dumaan at magsara, at tumawag sa kahatulan, sino ngang makapipigil sa kaniya?
11 αὐτὸς γὰρ οἶδεν ἔργα ἀνόμων ἰδὼν δὲ ἄτοπα οὐ παρόψεται
Sapagka't nakikilala niya ang mga walang kabuluhang tao: Nakikita rin naman niya ang kasamaan, bagaman hindi niya pinapansin.
12 ἄνθρωπος δὲ ἄλλως νήχεται λόγοις βροτὸς δὲ γεννητὸς γυναικὸς ἴσα ὄνῳ ἐρημίτῃ
Nguni't ang walang kabuluhang tao ay walang unawa, Oo, ang tao ay ipinanganak na gaya ng anak ng mabangis na asno.
13 εἰ γὰρ σὺ καθαρὰν ἔθου τὴν καρδίαν σου ὑπτιάζεις δὲ χεῖρας πρὸς αὐτόν
Kung iyong ihahanda ang iyong puso, at iuunat mo ang iyong kamay sa kaniya;
14 εἰ ἄνομόν τί ἐστιν ἐν χερσίν σου πόρρω ποίησον αὐτὸ ἀπὸ σοῦ ἀδικία δὲ ἐν διαίτῃ σου μὴ αὐλισθήτω
Kung ang kasamaan ay sumaiyong kamay, ilayo mo, at huwag manahan ang kalikuan sa iyong mga tolda;
15 οὕτως γὰρ ἀναλάμψει σου τὸ πρόσωπον ὥσπερ ὕδωρ καθαρόν ἐκδύσῃ δὲ ῥύπον καὶ οὐ μὴ φοβηθῇς
Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan; Oo, ikaw ay matatatag, at hindi matatakot:
16 καὶ τὸν κόπον ἐπιλήσῃ ὥσπερ κῦμα παρελθὸν καὶ οὐ πτοηθήσῃ
Sapagka't iyong malilimutan ang iyong karalitaan; iyong aalalahaning parang tubig na umaagos:
17 ἡ δὲ εὐχή σου ὥσπερ ἑωσφόρος ἐκ δὲ μεσημβρίας ἀνατελεῖ σοι ζωή
At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kay sa katanghaliang tapat; bagaman magkaroon ng kadiliman, ay magiging gaya ng umaga.
18 πεποιθώς τε ἔσῃ ὅτι ἔστιν σοι ἐλπίς ἐκ δὲ μερίμνης καὶ φροντίδος ἀναφανεῖταί σοι εἰρήνη
At ikaw ay matitiwasay sapagka't may pagasa; Oo, ikaw ay magsiyasat sa palibot mo, at magpapahinga kang tiwasay.
19 ἡσυχάσεις γάρ καὶ οὐκ ἔσται ὁ πολεμῶν σε μεταβαλόμενοι δὲ πολλοί σου δεηθήσονται
Ikaw nama'y hihiga at walang tatakot sa iyo; Oo, maraming liligaw sa iyo.
20 σωτηρία δὲ αὐτοὺς ἀπολείψει ἡ γὰρ ἐλπὶς αὐτῶν ἀπώλεια ὀφθαλμοὶ δὲ ἀσεβῶν τακήσονται
Nguni't ang mga mata ng masama ay mangangalumata, at mawawalan sila ng daang tatakasan, at ang kanilang pagasa ay pagkalagot ng hininga.