< Ἰώβ 10 >

1 κάμνων τῇ ψυχῇ μου στένων ἐπαφήσω ἐπ’ αὐτὸν τὰ ῥήματά μου λαλήσω πικρίᾳ ψυχῆς μου συνεχόμενος
Napapagod ako sa aking buhay; magbibigay ako ng malayang pagpapahayag sa aking hinaing; magsasalita ako sa kapaitan ng aking kaluluwa.
2 καὶ ἐρῶ πρὸς κύριον μή με ἀσεβεῖν δίδασκε καὶ διὰ τί με οὕτως ἔκρινας
Sasabihin ko sa Diyos, huwag mo akong basta isumpa; ipakita mo kung bakit mo ako inaakusahan.
3 ἦ καλόν σοι ἐὰν ἀδικήσω ὅτι ἀπείπω ἔργα χειρῶν σου βουλῇ δὲ ἀσεβῶν προσέσχες
Makakabuti ba para sa iyo na ako ay iyong apihin, na kasuklaman ang mga gawa ng iyong mga kamay habang ikaw ay nakangiti sa mga plano ng masasama?
4 ἦ ὥσπερ βροτὸς ὁρᾷ καθορᾷς ἢ καθὼς ὁρᾷ ἄνθρωπος βλέψῃ
Mayroon ka bang mga mata? Nakakakita ka ba kagaya ng nakikita ng tao?
5 ἦ ὁ βίος σου ἀνθρώπινός ἐστιν ἢ τὰ ἔτη σου ἀνδρός
Ang mga araw mo ba ay kagaya ng mga araw ng sangkatauhan o ang mga taon mo ba ay kagaya ng mga taon ng mga tao,
6 ὅτι ἀνεζήτησας τὴν ἀνομίαν μου καὶ τὰς ἁμαρτίας μου ἐξιχνίασας
na nag-uusisa sa aking mga kasamaan at nagsasaliksik ng aking mga kasalanan,
7 οἶδας γὰρ ὅτι οὐκ ἠσέβησα ἀλλὰ τίς ἐστιν ὁ ἐκ τῶν χειρῶν σου ἐξαιρούμενος
kahit na alam mong wala akong kasalanan at walang sinumang makakasagip sa akin mula sa iyong mga kamay?
8 αἱ χεῖρές σου ἔπλασάν με καὶ ἐποίησάν με μετὰ ταῦτα μεταβαλών με ἔπαισας
Ang iyong mga kamay ang nagbalangkas at humubog sa akin, pero sinisira mo ako.
9 μνήσθητι ὅτι πηλόν με ἔπλασας εἰς δὲ γῆν με πάλιν ἀποστρέφεις
Alalahanin mo, nagsusumamo ako sa iyo, na hinubog mo ako gaya ng putik; ibabalik mo ba muli ako sa alabok?
10 ἦ οὐχ ὥσπερ γάλα με ἤμελξας ἐτύρωσας δέ με ἴσα τυρῷ
Hindi ba't ibinuhos mo ako na parang gatas at binuo mo ako na parang keso?
11 δέρμα καὶ κρέας με ἐνέδυσας ὀστέοις δὲ καὶ νεύροις με ἐνεῖρας
Binihisan mo ako ng balat at laman at hinabi mo akong magkakasama ng mga buto at mga litid.
12 ζωὴν δὲ καὶ ἔλεος ἔθου παρ’ ἐμοί ἡ δὲ ἐπισκοπή σου ἐφύλαξέν μου τὸ πνεῦμα
Pinagkalooban mo ako ng buhay at katapatan sa tipan; ang tulong mo ang nagbantay sa aking espiritu.
13 ταῦτα ἔχων ἐν σεαυτῷ οἶδα ὅτι πάντα δύνασαι ἀδυνατεῖ δέ σοι οὐθέν
Gayon man itinago mo ang mga bagay na ito sa iyong puso—alam ko ito ang iyong iniisip:
14 ἐάν τε γὰρ ἁμάρτω φυλάσσεις με ἀπὸ δὲ ἀνομίας οὐκ ἀθῷόν με πεποίηκας
na kung ako ay nagkasala, napapansin mo ito; Hindi mo ako ipapawalang-sala sa aking mga kasamaan.
15 ἐάν τε γὰρ ἀσεβὴς ὦ οἴμμοι ἐάν τε ὦ δίκαιος οὐ δύναμαι ἀνακύψαι πλήρης γὰρ ἀτιμίας εἰμί
Kung ako ay masama, sumpain ako; kahit ako ay matuwid, hindi ko maaring itaas ang aking ulo, yamang puno ako nang kahihiyan at pinagmamasdan ang sarili kong paghihirap.
16 ἀγρεύομαι γὰρ ὥσπερ λέων εἰς σφαγήν πάλιν δὲ μεταβαλὼν δεινῶς με ὀλέκεις
Kung titingala ang aking ulo, hinuhuli mo ako tulad ng isang leon; muli mong ipinapakita sa akin na ikaw ay makapangyarihan.
17 ἐπανακαινίζων ἐπ’ ἐμὲ τὴν ἔτασίν μου ὀργῇ δὲ μεγάλῃ μοι ἐχρήσω ἐπήγαγες δὲ ἐπ’ ἐμὲ πειρατήρια
Nagdadala ka ng mga bagong saksi laban sa akin at dinadagdagan mo ang iyong galit sa akin; sinasalakay mo ako ng mga bagong hukbo.
18 ἵνα τί οὖν ἐκ κοιλίας με ἐξήγαγες καὶ οὐκ ἀπέθανον ὀφθαλμὸς δέ με οὐκ εἶδεν
Bakit, kung gayon, inilabas mo ako mula sa sinapupunan? Sana ay isinuko ko na ang aking espiritu para wala ng mata ang nakakita sa akin kailanman.
19 καὶ ὥσπερ οὐκ ὢν ἐγενόμην διὰ τί γὰρ ἐκ γαστρὸς εἰς μνῆμα οὐκ ἀπηλλάγην
hindi na sana ako nabuhay; binitbit na sana ako mula sa sinapupunan diretso sa libingan.
20 ἦ οὐκ ὀλίγος ἐστὶν ὁ χρόνος τοῦ βίου μου ἔασόν με ἀναπαύσασθαι μικρὸν
Hindi ba kaunti na lang ang aking mga araw? Kung gayon ay tapusin na, hayaan akong mag-isa, para magkaroon naman ako ng kaunting pahinga
21 πρὸ τοῦ με πορευθῆναι ὅθεν οὐκ ἀναστρέψω εἰς γῆν σκοτεινὴν καὶ γνοφεράν
bago ako pumunta kung saan hindi na ako makakabalik, sa lupain ng kadiliman at sa anino ng kamatayan,
22 εἰς γῆν σκότους αἰωνίου οὗ οὐκ ἔστιν φέγγος οὐδὲ ὁρᾶν ζωὴν βροτῶν
ang lupain na kasing-dilim ng hatinggabi, sa lupain ng anino ng kamatayan, walang kahit anong kaayusan, kung saan ang liwanag ay kagaya ng hatinggabi.””

< Ἰώβ 10 >