< Ἠσαΐας 37 >
1 καὶ ἐγένετο ἐν τῷ ἀκοῦσαι τὸν βασιλέα Εζεκιαν ἔσχισεν τὰ ἱμάτια καὶ σάκκον περιεβάλετο καὶ ἀνέβη εἰς τὸν οἶκον κυρίου
Ito ang nangyari nang narinig ni Haring Hezekias ang kanilang ulat, pinunit niya ang kanyang kasuotan, sinuotan ang sarili ng sako, at nagtungo sa tahanan ni Yahweh.
2 καὶ ἀπέστειλεν Ελιακιμ τὸν οἰκονόμον καὶ Σομναν τὸν γραμματέα καὶ τοὺς πρεσβυτέρους τῶν ἱερέων περιβεβλημένους σάκκους πρὸς Ησαιαν υἱὸν Αμως τὸν προφήτην
Ipinadala niya si Eliakim, na namumuno sa sambayahan, at Sebna ang escriba, at ang mga nakatatanda ng mga pari, lahat nakasuot ng sakong tela, kay Isaias anak ni Amos, ang propeta.
3 καὶ εἶπαν αὐτῷ τάδε λέγει Εζεκιας ἡμέρα θλίψεως καὶ ὀνειδισμοῦ καὶ ἐλεγμοῦ καὶ ὀργῆς ἡ σήμερον ἡμέρα ὅτι ἥκει ἡ ὠδὶν τῇ τικτούσῃ ἰσχὺν δὲ οὐκ ἔχει τοῦ τεκεῖν
Sinabi nila sa kaniya, “Sinasabi ni Hezekias, 'Ang araw na ito ay araw ng paghihirap, pagsasaway at kahihiyan, tulad kapag ang isang sanggol ay handa ng isilang, pero ang ina ay walang kalakasang iluwal ang kanyang sanggol.
4 εἰσακούσαι κύριος ὁ θεός σου τοὺς λόγους Ραψακου οὓς ἀπέστειλεν βασιλεὺς Ἀσσυρίων ὀνειδίζειν θεὸν ζῶντα καὶ ὀνειδίζειν λόγους οὓς ἤκουσεν κύριος ὁ θεός σου καὶ δεηθήσῃ πρὸς κύριον τὸν θεόν σου περὶ τῶν καταλελειμμένων τούτων
Maaaring maririnig ni Yahweh inyong Diyos ang mga salita ng pangunahing pinuno, na siyang ipinadala ng hari ng Asiria kanyang panginoon para hamunin ang buhay na Diyos, at sasawayin ang mga salitang narinig ni Yahweh inyong Diyos. Itaas ninyo ngayon ang inyong panalangin para sa mga nalalabi na naroroon pa.””
5 καὶ ἦλθον οἱ παῖδες τοῦ βασιλέως πρὸς Ησαιαν
Kaya ang mga lingkod ni Haring Hezekias ay nagtungo kay Isaias
6 καὶ εἶπεν αὐτοῖς Ησαιας οὕτως ἐρεῖτε πρὸς τὸν κύριον ὑμῶν τάδε λέγει κύριος μὴ φοβηθῇς ἀπὸ τῶν λόγων ὧν ἤκουσας οὓς ὠνείδισάν με οἱ πρέσβεις βασιλέως Ἀσσυρίων
at sinabi sa kanila ni Isaias, 'Sabihin ninyo sa inyong panginoon: sinabi ni Yahweh, “Huwag kayong matakot sa mga salitang inyong narinig, na kung saan hinamak ako ng mga lingkod ng hari ng Asiria.
7 ἰδοὺ ἐγὼ ἐμβαλῶ εἰς αὐτὸν πνεῦμα καὶ ἀκούσας ἀγγελίαν ἀποστραφήσεται εἰς τὴν χώραν αὐτοῦ καὶ πεσεῖται μαχαίρᾳ ἐν τῇ γῇ αὐτοῦ
Pagmasdan ninyo, maglalagay ako ng isang espiritu sa kanya, at makakarinig siya ng isang ulat at magbabalik sa kanyang sariling lupain. Dudulutin kong siyang mahulog sa espada sa kanyang sariling lupain.””
8 καὶ ἀπέστρεψεν Ραψακης καὶ κατέλαβεν πολιορκοῦντα τὸν βασιλέα Λομναν καὶ ἤκουσεν βασιλεὺς Ἀσσυρίων ὅτι
Pagkatapos ang pinunong kumander ay nagbalik at inabot ang Hari ng Asiriang nakikipagdigma kay Libna, dahil narinig niya na ang hari ay umalis mula sa Laquis.
9 ἐξῆλθεν Θαρακα βασιλεὺς Αἰθιόπων πολιορκῆσαι αὐτόν καὶ ἀκούσας ἀπέστρεψεν καὶ ἀπέστειλεν ἀγγέλους πρὸς Εζεκιαν λέγων
Pagkatapos narinig ni Senaquerib na si Tirhaka hari ng Etiopia at Ehipto ay naghahanda para lumaban sa kanya, kaya muli siyang nagpadala ng tagapagbalita kay Hezekias kasama ng isang mensahe:
10 οὕτως ἐρεῖτε Εζεκια βασιλεῖ τῆς Ιουδαίας μή σε ἀπατάτω ὁ θεός σου ἐφ’ ᾧ πεποιθὼς εἶ ἐπ’ αὐτῷ λέγων οὐ μὴ παραδοθῇ Ιερουσαλημ εἰς χεῖρας βασιλέως Ἀσσυρίων
“Sabihin kay Hezekias, hari ng Juda, 'Huwag hayaang linlalingin kayo ng inyong Diyos na inyong pinagtitiwalaan, nagsasabing, “Hindi ibibgay sa kamay ng hari ng Asiria ang Jerusalem.”
11 ἢ οὐκ ἤκουσας ἃ ἐποίησαν βασιλεῖς Ἀσσυρίων πᾶσαν τὴν γῆν ὡς ἀπώλεσαν
Masdan ninyo, narinig ninyo kung ano ang ginawa ng mga hari ng Asiria sa lahat ng lupain na ganap nang winasak. Kaya maililigtas ba kayo?
12 μὴ ἐρρύσαντο αὐτοὺς οἱ θεοὶ τῶν ἐθνῶν οὓς οἱ πατέρες μου ἀπώλεσαν τήν τε Γωζαν καὶ Χαρραν καὶ Ραφες αἵ εἰσιν ἐν χώρᾳ Θεμαδ
Nailigtas ba sila ng mga diyos ng mga bansa, mga bansang winasak ng aking mga ama: ang Gozan, Haran, Resef, at mamamayan ng Eden sa Telasar?
13 ποῦ εἰσιν οἱ βασιλεῖς Αιμαθ καὶ Αρφαθ καὶ πόλεως Σεπφαριμ Αναγ Ουγαυα
Nasaan ang hari ng Hamat, hari ng Arpad, hari ng mga lunsod ng Sefarvaim, ng Hena at Iva?”
14 καὶ ἔλαβεν Εζεκιας τὸ βιβλίον παρὰ τῶν ἀγγέλων καὶ ἤνοιξεν αὐτὸ ἐναντίον κυρίου
Tinanggap ni Hezekias ang liham na ito mula sa mensahero at binasa ito. Pagkatapos umakyat siya sa bahay ni Yahweh at inilatag ito sa kanyang harapan.
15 καὶ προσεύξατο Εζεκιας πρὸς κύριον λέγων
Nanalangin si Hezekias kay Yahweh:
16 κύριε σαβαωθ ὁ θεὸς Ισραηλ ὁ καθήμενος ἐπὶ τῶν χερουβιν σὺ θεὸς μόνος εἶ πάσης βασιλείας τῆς οἰκουμένης σὺ ἐποίησας τὸν οὐρανὸν καὶ τὴν γῆν
Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ikaw na nakaupo sa ibabaw ng kerubin, ikaw ang tangging Diyos sa lahat ng kaharian ng mundo. Ikaw na gumawa ng mga langit at lupa.
17 εἰσάκουσον κύριε εἴσβλεψον κύριε καὶ ἰδὲ τοὺς λόγους οὓς ἀπέστειλεν Σενναχηριμ ὀνειδίζειν θεὸν ζῶντα
Ibaling mo ang inyong tainga, Yahweh, at makinig. Imulat mo ang inyong mga mata, Yahweh, at tingnan mo, at dingin mo ang mga salita ni Senaquerib, na kanyang ipinadala para alipustahin ang Diyos na buhay.
18 ἐπ’ ἀληθείας γὰρ ἠρήμωσαν βασιλεῖς Ἀσσυρίων τὴν οἰκουμένην ὅλην καὶ τὴν χώραν αὐτῶν
Totoo ito, Yahweh, winasak ng mga hari ng Asiria lahat ng mga bansa at kanilang mga lupain.
19 καὶ ἐνέβαλον τὰ εἴδωλα αὐτῶν εἰς τὸ πῦρ οὐ γὰρ θεοὶ ἦσαν ἀλλὰ ἔργα χειρῶν ἀνθρώπων ξύλα καὶ λίθοι καὶ ἀπώλεσαν αὐτούς
Inilagay nila sa apoy ang kanilang mga diyos, dahil sila ay hindi mga diyos pero gawa ng kamay ng mga tao, kahoy lamang at bato. Kaya winasak sila ng mga taga-Asiria.
20 σὺ δέ κύριε ὁ θεὸς ἡμῶν σῶσον ἡμᾶς ἐκ χειρὸς αὐτῶν ἵνα γνῷ πᾶσα βασιλεία τῆς γῆς ὅτι σὺ εἶ ὁ θεὸς μόνος
Pero ngayon, Yahweh aming Diyos, iligtas mo kami mula sa kanyang kapangyarihan, para malaman ng lahat ng kaharian sa mundo na ikaw Yahweh ang nag-iisa.”
21 καὶ ἀπεστάλη Ησαιας υἱὸς Αμως πρὸς Εζεκιαν καὶ εἶπεν αὐτῷ τάδε λέγει κύριος ὁ θεὸς Ισραηλ ἤκουσα ἃ προσηύξω πρός με περὶ Σενναχηριμ βασιλέως Ἀσσυρίων
Pagkatapos magpadala ni Isaias anak ni Amos ng mensahe kay Hezekias, nagsasabing, “Yahweh, ang Diyos ng Israel ay sinasabing, 'Dahil ikaw ay nanalangin sa akin tungkol kay Senaquerib hari ng Asiria,
22 οὗτος ὁ λόγος ὃν ἐλάλησεν περὶ αὐτοῦ ὁ θεός ἐφαύλισέν σε καὶ ἐμυκτήρισέν σε παρθένος θυγάτηρ Σιων ἐπὶ σοὶ κεφαλὴν ἐκίνησεν θυγάτηρ Ιερουσαλημ
ito ang salitang sinalita ni Yahweh tungkol sa kanya: “Ang birheng anak ng Sion ay kinamumuhian ka at tinatawanan ka para kutyain; ang mga anak na babae ng Jerusalem ay iniiling ang kanilanh ulo para sa iyo.
23 τίνα ὠνείδισας καὶ παρώξυνας ἢ πρὸς τίνα ὕψωσας τὴν φωνήν σου καὶ οὐκ ἦρας εἰς ὕψος τοὺς ὀφθαλμούς σου εἰς τὸν ἅγιον τοῦ Ισραηλ
Sino ang iyong nilapastangan at hinamak? at laban kanino mo itinaas ang iyong tinig at nagmataas sa iyong mga tinggin? Laban sa Ang Banal ng Israel.
24 ὅτι δῑ ἀγγέλων ὠνείδισας κύριον σὺ γὰρ εἶπας τῷ πλήθει τῶν ἁρμάτων ἐγὼ ἀνέβην εἰς ὕψος ὀρέων καὶ εἰς τὰ ἔσχατα τοῦ Λιβάνου καὶ ἔκοψα τὸ ὕψος τῆς κέδρου αὐτοῦ καὶ τὸ κάλλος τῆς κυπαρίσσου καὶ εἰσῆλθον εἰς ὕψος μέρους τοῦ δρυμοῦ
Sa iyong mga lingkod nilapastangan mo ang Panginoon at nagsabing, 'Sa dami ng aking mga karwaheng pandigma umangat ako ng kasingtaas ng mga bundok, sa pinakamataas na sukat mula sa lupa ng Lebanon. Puputulin ko ang kanyang mataas na mga punong cedar at piling puno ng pir doon, at papasukin ko ang dulo ng kanilang matataas ng mga lugar, sa kanilang mayamang gubat.
25 καὶ ἔθηκα γέφυραν καὶ ἠρήμωσα ὕδατα καὶ πᾶσαν συναγωγὴν ὕδατος
Nakapaghukay ako ng mga balon at uminom ng kanilang tubig; tinuyo ko ang mga ilog ng Ehipto sa ilalim ng aking mga paa.'
26 οὐ ταῦτα ἤκουσας πάλαι ἃ ἐγὼ ἐποίησα ἐξ ἀρχαίων ἡμερῶν συνέταξα νῦν δὲ ἐπέδειξα ἐξερημῶσαι ἔθνη ἐν ὀχυροῖς καὶ ἐνοικοῦντας ἐν πόλεσιν ὀχυραῖς
Hindi mo ba narinig kung paano ko binalak ito noon pa man at gawin ito ng sinaunang panahon? Ngayon, gagawin ko na itog mangyari. Ikaw ay naririto para gawing tumpok ng batong durog ang mga hindi matinag na mga lunsod.
27 ἀνῆκα τὰς χεῖρας καὶ ἐξηράνθησαν καὶ ἐγένοντο ὡς χόρτος ξηρὸς ἐπὶ δωμάτων καὶ ὡς ἄγρωστις
Ang mga naninirahan dito, na walang kalakasan, ay litong-lito at hiyang-hiya. Sila ay mga pananim sa bukid, damong luntian, ang damo sa ibabaw ng bubong o sa bukid, sa harap ng hanging silangan.
28 νῦν δὲ τὴν ἀνάπαυσίν σου καὶ τὴν ἔξοδόν σου καὶ τὴν εἴσοδόν σου ἐγὼ ἐπίσταμαι
Pero alam ko ang iyong pag-upo, ang iyong paglabas, ang iyong pagpasok, at iyong labis na galit sa akin.
29 ὁ δὲ θυμός σου ὃν ἐθυμώθης καὶ ἡ πικρία σου ἀνέβη πρός με καὶ ἐμβαλῶ φιμὸν εἰς τὴν ῥῖνά σου καὶ χαλινὸν εἰς τὰ χείλη σου καὶ ἀποστρέψω σε τῇ ὁδῷ ᾗ ἦλθες ἐν αὐτῇ
Dahil sa labis mong galit sa akin, at dahil sa iyong pagmamataas ay nakaabot sa aking mga tainga, ilalagay ko ang aking kawit sa iyong ilong, at aking lubid sa iyong bibig; ibabalik kita sa pinanggalingan mo.”
30 τοῦτο δέ σοι τὸ σημεῖον φάγε τοῦτον τὸν ἐνιαυτὸν ἃ ἔσπαρκας τῷ δὲ ἐνιαυτῷ τῷ δευτέρῳ τὸ κατάλειμμα τῷ δὲ τρίτῳ σπείραντες ἀμήσατε καὶ φυτεύσατε ἀμπελῶνας καὶ φάγεσθε τὸν καρπὸν αὐτῶν
Ito ang magiging palatandaan sa iyo: Sa taong ito kakain ka ng ligaw na halaman, at sa ikalawang taon kung ano ang bunga nito. Pero sa ikatlong taon kailangan mong magtanim at mag-ani, magtanim ng ubasan at kainin ang kanilang bunga.
31 καὶ ἔσονται οἱ καταλελειμμένοι ἐν τῇ Ιουδαίᾳ φυήσουσιν ῥίζαν κάτω καὶ ποιήσουσιν σπέρμα ἄνω
Ang nalalabing lahi ni Juda ay muling mag-uugat at mamumunga.
32 ὅτι ἐξ Ιερουσαλημ ἐξελεύσονται οἱ καταλελειμμένοι καὶ οἱ σῳζόμενοι ἐξ ὄρους Σιων ὁ ζῆλος κυρίου σαβαωθ ποιήσει ταῦτα
Kaya may nalalabi mula sa Jerusalem ang lalabas; may mga nakaligtas mula sa Bundok ng Sion ang darating.' Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang gagawa nito.”
33 διὰ τοῦτο οὕτως λέγει κύριος ἐπὶ βασιλέα Ἀσσυρίων οὐ μὴ εἰσέλθῃ εἰς τὴν πόλιν ταύτην οὐδὲ μὴ βάλῃ ἐπ’ αὐτὴν βέλος οὐδὲ μὴ ἐπιβάλῃ ἐπ’ αὐτὴν θυρεὸν οὐδὲ μὴ κυκλώσῃ ἐπ’ αὐτὴν χάρακα
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh sa hari ng Asiria: “Hindi siya makararating sa lungsod na ito, ni papana ng palaso dito. Ni makakalapit ito ng may panangga o gumawa ng taguan laban dito.
34 ἀλλὰ τῇ ὁδῷ ᾗ ἦλθεν ἐν αὐτῇ ἀποστραφήσεται τάδε λέγει κύριος
Ang daang pinanggalingan niya ay ang daan din na kanyang pag-aalisan; hindi siya makakapasok sa lungsod na ito. Ito ang kapahayagan ni Yahweh.
35 ὑπερασπιῶ ὑπὲρ τῆς πόλεως ταύτης τοῦ σῶσαι αὐτὴν δῑ ἐμὲ καὶ διὰ Δαυιδ τὸν παῖδά μου
Dahil ipagtatanggol ko ang lungsod na ito at sasagipin ito, sa aking kapakanan at sa kapakanan ni David aking lingkod.”
36 καὶ ἐξῆλθεν ἄγγελος κυρίου καὶ ἀνεῖλεν ἐκ τῆς παρεμβολῆς τῶν Ἀσσυρίων ἑκατὸν ὀγδοήκοντα πέντε χιλιάδας καὶ ἐξαναστάντες τὸ πρωὶ εὗρον πάντα τὰ σώματα νεκρά
Pagkatapos ay dumating ang angel ni Yahweh at lumusob sa kampo ng Asiria, pinatay ang 185, 000 na sundalo. Nang maagang gumising ang mga kawal, nagkalat ang patay kahit saan.
37 καὶ ἀποστραφεὶς ἀπῆλθεν βασιλεὺς Ἀσσυρίων καὶ ᾤκησεν ἐν Νινευη
Kaya si Senaquerib hari ng Asiria ay umuwi at nanatili sa Nineveh.
38 καὶ ἐν τῷ αὐτὸν προσκυνεῖν ἐν τῷ οἴκῳ Νασαραχ τὸν παταχρον αὐτοῦ Αδραμελεχ καὶ Σαρασαρ οἱ υἱοὶ αὐτοῦ ἐπάταξαν αὐτὸν μαχαίραις αὐτοὶ δὲ διεσώθησαν εἰς Ἀρμενίαν καὶ ἐβασίλευσεν Ασορδαν ὁ υἱὸς αὐτοῦ ἀντ’ αὐτοῦ
Kalaunan, habang siya ay nagpupuri sa tahanan ng kanyang diyos na si Nisroc, pinatay siya ng kanyang mga anak na si Adramelec at Sarezer gamit ang espada. Pagkatapos sila ay nagtago sa lupain ng Ararat. Tapos ang kanyang anak si Esarhadon ang naghari kapalit niya.