< Ἠσαΐας 17 >

1 τὸ ῥῆμα τὸ κατὰ Δαμασκοῦ ἰδοὺ Δαμασκὸς ἀρθήσεται ἀπὸ πόλεων καὶ ἔσται εἰς πτῶσιν
Isang kapahayagan tungkol sa Damasco. Pagmasdan ninyo, hindi na magiging lungsod ang Damasco; ito ay magiging tambak ng mga guho.
2 καταλελειμμένη εἰς τὸν αἰῶνα εἰς κοίτην ποιμνίων καὶ ἀνάπαυσιν καὶ οὐκ ἔσται ὁ διώκων
Iiwanan ang mga lungsod ng Aroer. Ito ay magiging mga lugar na hihigaan ng mga kawan, at walang makakapanakot sa kanila.
3 καὶ οὐκέτι ἔσται ὀχυρὰ τοῦ καταφυγεῖν Εφραιμ καὶ οὐκέτι ἔσται βασιλεία ἐν Δαμασκῷ καὶ τὸ λοιπὸν τῶν Σύρων ἀπολεῖται οὐ γὰρ σὺ βελτίων εἶ τῶν υἱῶν Ισραηλ καὶ τῆς δόξης αὐτῶν τάδε λέγει κύριος σαβαωθ
Maglalaho ang matitibay na lungsod mula sa Efraim, ang kaharian mula sa Damasco, at ang mga nalabi ng Aram—magiging gaya sila ng kaluwalhatian ng bayan ng Israel—ito ang kapahayagan ni Yahweh ng mga hukbo.
4 ἔσται ἐν τῇ ἡμέρᾳ ἐκείνῃ ἔκλειψις τῆς δόξης Ιακωβ καὶ τὰ πίονα τῆς δόξης αὐτοῦ σεισθήσεται
Sa araw na iyon ay manghihina ang kaluwalhatian ni Jacob, at papayat ang katabaan ng kaniyang laman.
5 καὶ ἔσται ὃν τρόπον ἐάν τις συναγάγῃ ἀμητὸν ἑστηκότα καὶ σπέρμα σταχύων ἐν τῷ βραχίονι αὐτοῦ ἀμήσῃ καὶ ἔσται ὃν τρόπον ἐάν τις συναγάγῃ στάχυν ἐν φάραγγι στερεᾷ
Ito ay magiging gaya ng mga nag-aani kapag tinitipon nila ang mga butil, at inaani ng kaniyang mga bisig ang mga ulo ng butil. Ito ay magiging gaya ng mga namumulot ng butil sa lambak ng Refaim.
6 καὶ καταλειφθῇ ἐν αὐτῇ καλάμη ἢ ὡς ῥῶγες ἐλαίας δύο ἢ τρεῖς ἐπ’ ἄκρου μετεώρου ἢ τέσσαρες ἢ πέντε ἐπὶ τῶν κλάδων αὐτῶν καταλειφθῇ τάδε λέγει κύριος ὁ θεὸς Ισραηλ
Pero, ititigil ang pamumulot kapag nayanig ang puno ng olibo: dalawa o tatlong olibo sa tuktok ng mataas na bahagi ng sanga, apat o lima sa pinaka mataas na sanga ng masagang puno—ito ang kapahayagan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
7 τῇ ἡμέρᾳ ἐκείνῃ πεποιθὼς ἔσται ἄνθρωπος ἐπὶ τῷ ποιήσαντι αὐτόν οἱ δὲ ὀφθαλμοὶ αὐτοῦ εἰς τὸν ἅγιον τοῦ Ισραηλ ἐμβλέψονται
Sa araw na iyon ay titingin ang mga tao sa kanilang Manililikha, at titingin ang mga mata nila sa Banal ng Israel.
8 καὶ οὐ μὴ πεποιθότες ὦσιν ἐπὶ τοῖς βωμοῖς οὐδὲ ἐπὶ τοῖς ἔργοις τῶν χειρῶν αὐτῶν ἃ ἐποίησαν οἱ δάκτυλοι αὐτῶν καὶ οὐκ ὄψονται τὰ δένδρα αὐτῶν οὐδὲ τὰ βδελύγματα αὐτῶν
Hindi sila titingin sa mga altar, ang ginawa ng kanilang mga kamay, ni titingin sa mga nilikha ng kanilang mga daliri, ang mga poste ni Asera o ang mga imahe ng araw.
9 τῇ ἡμέρᾳ ἐκείνῃ ἔσονται αἱ πόλεις σου ἐγκαταλελειμμέναι ὃν τρόπον ἐγκατέλιπον οἱ Αμορραῖοι καὶ οἱ Ευαῖοι ἀπὸ προσώπου τῶν υἱῶν Ισραηλ καὶ ἔσονται ἔρημοι
Sa araw na iyon, ang matitibay nilang lungsod ay magiging gaya ng mga iniwan na kahoy na dalusdos sa rurok ng mga burol, na pinabayaan dahil sa bayan ng Israel at iyon ay magiging isang bayan na pinabayaan.
10 διότι κατέλιπες τὸν θεὸν τὸν σωτῆρά σου καὶ κυρίου τοῦ βοηθοῦ σου οὐκ ἐμνήσθης διὰ τοῦτο φυτεύσεις φύτευμα ἄπιστον καὶ σπέρμα ἄπιστον
Dahil kinalimutan ninyo ang Diyos ng inyong kaligtasan, at iniwan ang bato ng inyong kalakasan. Kaya nagtatanim kayo ng mga kaaya-ayang mga halaman, at naghahasik ng kakaibang mga binhi
11 τῇ δὲ ἡμέρᾳ ᾗ ἂν φυτεύσῃς πλανηθήσῃ τὸ δὲ πρωί ἐὰν σπείρῃς ἀνθήσει εἰς ἀμητὸν ᾗ ἂν ἡμέρᾳ κληρώσῃ καὶ ὡς πατὴρ ἀνθρώπου κληρώσῃ τοῖς υἱοῖς σου
sa araw ng inyong pagtatanim, pagbabakod ng halaman, at paglilinang. Balang araw ay tutubo ang mga binhi ninyo, pero mabibigo ang pag-aani sa araw ng kapighatian at labis na kalungkutan.
12 οὐαὶ πλῆθος ἐθνῶν πολλῶν ὡς θάλασσα κυμαίνουσα οὕτως ταραχθήσεσθε καὶ νῶτος ἐθνῶν πολλῶν ὡς ὕδωρ ἠχήσει
Kaawa-awa! Ang paghihiyawan ng mga tao, ang pag-ugong gaya ng pag-ugong ng mga dagat, at ang pagragasa ng mga bansa, gaya ng rumaragasang malalakas na tubig!
13 ὡς ὕδωρ πολὺ ἔθνη πολλά ὡς ὕδατος πολλοῦ βίᾳ καταφερομένου καὶ ἀποσκορακιεῖ αὐτὸν καὶ πόρρω αὐτὸν διώξεται ὡς χνοῦν ἀχύρου λικμώντων ἀπέναντι ἀνέμου καὶ ὡς κονιορτὸν τροχοῦ καταιγὶς φέρουσα
Uugong ang mga bansa gaya ng rumaragasang mga tubig, pero sasawayin sila ng Diyos. Tatakbo sila palayo at hahabulin gaya ng mga patay na damo sa bundok na nasa harap ng mga hangin, at gaya ng mga damo na umiikot sa harap ng bagyo.
14 πρὸς ἑσπέραν ἔσται πένθος πρὶν ἢ πρωὶ καὶ οὐκ ἔσται αὕτη ἡ μερὶς τῶν ὑμᾶς προνομευσάντων καὶ κληρονομία τοῖς ὑμᾶς κληρονομήσασιν
Sa gabi, tingnan ninyo, ang lagim! At maglalaho sila bago dumating ang umaga; ito ang bahagi ng mga nagnakaw sa atin, ang kapalaran ng mga nanloob sa atin.

< Ἠσαΐας 17 >