< Ὡσηέʹ 1 >
1 λόγος κυρίου ὃς ἐγενήθη πρὸς Ωσηε τὸν τοῦ Βεηρι ἐν ἡμέραις Οζιου καὶ Ιωαθαμ καὶ Αχαζ καὶ Εζεκιου βασιλέων Ιουδα καὶ ἐν ἡμέραις Ιεροβοαμ υἱοῦ Ιωας βασιλέως Ισραηλ
Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Hosea, na anak na lalaki ni Beeri sa panahon nina Uzias, Jotam, Ahaz, at Hezekias na mga hari ng Juda, at sa panahon ni Jeroboam, na anak na lalaki ni Jehoas na hari ng Israel.
2 ἀρχὴ λόγου κυρίου πρὸς Ωσηε καὶ εἶπεν κύριος πρὸς Ωσηε βάδιζε λαβὲ σεαυτῷ γυναῖκα πορνείας καὶ τέκνα πορνείας διότι ἐκπορνεύουσα ἐκπορνεύσει ἡ γῆ ἀπὸ ὄπισθεν τοῦ κυρίου
Noong unang magsalita si Yahweh sa pamamagitan ni Hosea, sinabi niya sa kaniya, “Humayo ka, mag-asawa ka ng babaing nagbebenta ng aliw. Magkakaroon siya ng mga anak na bunga ng kaniyang pagbebenta ng aliw. Sapagkat nagkakasala ang lupain ng matinding gawain ng pagbebenta ng aliw habang tinatalikuran ako.”
3 καὶ ἐπορεύθη καὶ ἔλαβεν τὴν Γομερ θυγατέρα Δεβηλαιμ καὶ συνέλαβεν καὶ ἔτεκεν αὐτῷ υἱόν
Kaya, humayo si Hosea at pinakasalan si Gomer na anak na babae ni Diblaim, at nagbuntis siya at nagsilang siya sa kaniya ng isang anak na lalaki.
4 καὶ εἶπεν κύριος πρὸς αὐτόν κάλεσον τὸ ὄνομα αὐτοῦ Ιεζραελ διότι ἔτι μικρὸν καὶ ἐκδικήσω τὸ αἷμα τοῦ Ιεζραελ ἐπὶ τὸν οἶκον Ιου καὶ καταπαύσω βασιλείαν οἴκου Ισραηλ
Sinabi ni Yahweh kay Hosea, “Tawagin mo siya sa pangalang Jezreel. Sapagkat hindi magtatagal, paparusahan ko ang sambahayan ni Jehu dahil sa pagdanak ng dugo sa Jezreel at wawakasan ko ang kaharian ng sambahayan ni Israel.
5 καὶ ἔσται ἐν τῇ ἡμέρᾳ ἐκείνῃ συντρίψω τὸ τόξον τοῦ Ισραηλ ἐν τῇ κοιλάδι τοῦ Ιεζραελ
Mangyayari ito sa araw na iyon na babaliin ko ang pana ng Israel sa lambak ng Jezreel.”
6 καὶ συνέλαβεν ἔτι καὶ ἔτεκεν θυγατέρα καὶ εἶπεν αὐτῷ κάλεσον τὸ ὄνομα αὐτῆς Οὐκ‐ἠλεημένη διότι οὐ μὴ προσθήσω ἔτι ἐλεῆσαι τὸν οἶκον τοῦ Ισραηλ ἀλλ’ ἢ ἀντιτασσόμενος ἀντιτάξομαι αὐτοῖς
Nagbuntis muli si Gomer at nagsilang ng isang anak na babae. At sinabi ni Yahweh kay Hosea, “Tawagin mo siya sa pangalang Lo-ruhama, sapagkat hindi na ako mahahabag sa sambahayan ni Israel, ni dapat ko pa silang patawarin.
7 τοὺς δὲ υἱοὺς Ιουδα ἐλεήσω καὶ σώσω αὐτοὺς ἐν κυρίῳ θεῷ αὐτῶν καὶ οὐ σώσω αὐτοὺς ἐν τόξῳ οὐδὲ ἐν ῥομφαίᾳ οὐδὲ ἐν πολέμῳ οὐδὲ ἐν ἅρμασιν οὐδὲ ἐν ἵπποις οὐδὲ ἐν ἱππεῦσιν
Ngunit mahahabag ako sa sambahayan ni Juda, at ako mismo, si Yahweh na kanilang Diyos ang magliligtas sa kanila. Hindi ko sila ililigtas sa pamamagitan ng pana, espada, digmaan, mga kabayo, o ng mga mangangabayo.”
8 καὶ ἀπεγαλάκτισεν τὴν Οὐκ‐ἠλεημένην καὶ συνέλαβεν ἔτι καὶ ἔτεκεν υἱόν
Nang maawat ni Gomer si Lo-ruhama sa pagsuso, nagbuntis siya at nagsilang ng isa pang anak na lalaki.
9 καὶ εἶπεν κάλεσον τὸ ὄνομα αὐτοῦ Οὐ‐λαός‐μου διότι ὑμεῖς οὐ λαός μου καὶ ἐγὼ οὔκ εἰμι ὑμῶν
At sinabi ni Yahweh, “Tawagin mo siya sa pangalang Lo-ammi, sapagkat hindi ko kayo mga tao at hindi ako ang inyong Diyos.
10 καὶ ἦν ὁ ἀριθμὸς τῶν υἱῶν Ισραηλ ὡς ἡ ἄμμος τῆς θαλάσσης ἣ οὐκ ἐκμετρηθήσεται οὐδὲ ἐξαριθμηθήσεται καὶ ἔσται ἐν τῷ τόπῳ οὗ ἐρρέθη αὐτοῖς οὐ λαός μου ὑμεῖς ἐκεῖ κληθήσονται υἱοὶ θεοῦ ζῶντος
Ngunit ang bilang ng mga tao ng Israel ay magiging tulad ng buhangin sa dalampasigan, na hindi masusukat o mabibilang. Mangyayari ito kung saan sinabi sa kanila na, 'Hindi ko kayo mga tao,' sasabihin ito sa kanila, 'Kayo ay mga tao ng buhay na Diyos.'
11 καὶ συναχθήσονται οἱ υἱοὶ Ιουδα καὶ οἱ υἱοὶ Ισραηλ ἐπὶ τὸ αὐτὸ καὶ θήσονται ἑαυτοῖς ἀρχὴν μίαν καὶ ἀναβήσονται ἐκ τῆς γῆς ὅτι μεγάλη ἡ ἡμέρα τοῦ Ιεζραελ
Titipunin ang mga tao ng Juda at mga tao ng Israel. Magtatalaga sila ng isang pinuno para sa kanila at lalabas sila mula sa lupain, sapagkat magiging dakila ang araw ng Jezreel.