< Ἔσδρας Αʹ 10 >

1 καὶ ὡς προσηύξατο Εσδρας καὶ ὡς ἐξηγόρευσεν κλαίων καὶ προσευχόμενος ἐνώπιον οἴκου τοῦ θεοῦ συνήχθησαν πρὸς αὐτὸν ἀπὸ Ισραηλ ἐκκλησία πολλὴ σφόδρα ἄνδρες καὶ γυναῖκες καὶ νεανίσκοι ὅτι ἔκλαυσεν ὁ λαὸς καὶ ὕψωσεν κλαίων
Habang si Ezra nga ay dumadalangin, at nagpapahayag ng kasalanan na umiiyak at nagpapatirapa sa harap ng bahay ng Dios, nagpipisan sa kaniya mula sa Israel ang isang napakalaking kapisanan ng mga lalake at mga babae at mga bata: sapagka't ang bayan ay umiyak na mainam.
2 καὶ ἀπεκρίθη Σεχενιας υἱὸς Ιιηλ ἀπὸ υἱῶν Ηλαμ καὶ εἶπεν τῷ Εσδρα ἡμεῖς ἠσυνθετήσαμεν τῷ θεῷ ἡμῶν καὶ ἐκαθίσαμεν γυναῖκας ἀλλοτρίας ἀπὸ λαῶν τῆς γῆς καὶ νῦν ἔστιν ὑπομονὴ τῷ Ισραηλ ἐπὶ τούτῳ
At si Sechanias na anak ni Jehiel, na isa sa mga anak ni Elam, ay sumagot at nagsabi kay Ezra: Kami ay nagsisalangsang laban sa ating Dios, at nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan ng lupain: gayon man, may pagasa sa Israel tungkol sa bagay na ito.
3 καὶ νῦν διαθώμεθα διαθήκην τῷ θεῷ ἡμῶν ἐκβαλεῖν πάσας τὰς γυναῖκας καὶ τὰ γενόμενα ἐξ αὐτῶν ὡς ἂν βούλῃ ἀνάστηθι καὶ φοβέρισον αὐτοὺς ἐν ἐντολαῖς θεοῦ ἡμῶν καὶ ὡς ὁ νόμος γενηθήτω
Ngayon nga'y mangakipagtipan tayo sa ating Dios, na ating ihiwalay ang lahat na asawa, at ang mga ipinanganak nila, ayon sa payo ng aking panginoon, at niyaong mga nanginginig sa utos ng ating Dios; at gawin ayon sa kautusan.
4 ἀνάστα ὅτι ἐπὶ σὲ τὸ ῥῆμα καὶ ἡμεῖς μετὰ σοῦ κραταιοῦ καὶ ποίησον
Bumangon ka: sapagka't bagay na ukol sa iyo, at kami ay sumasaiyo: magpakatapang kang mabuti, at iyong gawin.
5 καὶ ἀνέστη Εσδρας καὶ ὥρκισεν τοὺς ἄρχοντας τοὺς ἱερεῖς καὶ Λευίτας καὶ πάντα Ισραηλ τοῦ ποιῆσαι κατὰ τὸ ῥῆμα τοῦτο καὶ ὤμοσαν
Nang magkagayo'y tumindig si Ezra at pinasumpa ang mga puno ng mga saserdote, ang mga Levita at ang buong Israel, na kanilang gagawin ayon sa salitang ito. Sa gayo'y sumumpa sila.
6 καὶ ἀνέστη Εσδρας ἀπὸ προσώπου οἴκου τοῦ θεοῦ καὶ ἐπορεύθη εἰς γαζοφυλάκιον Ιωαναν υἱοῦ Ελισουβ καὶ ἐπορεύθη ἐκεῖ ἄρτον οὐκ ἔφαγεν καὶ ὕδωρ οὐκ ἔπιεν ὅτι ἐπένθει ἐπὶ τῇ ἀσυνθεσίᾳ τῆς ἀποικίας
Nang magkagayo'y tumindig si Ezra mula sa harap ng bahay ng Dios, at naparoon sa silid ni Johanan na anak ni Eliasib: at nang siya'y dumating doon, siya'y hindi kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig: sapagka't siya'y nanangis dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag.
7 καὶ παρήνεγκαν φωνὴν ἐν Ιουδα καὶ ἐν Ιερουσαλημ πᾶσιν τοῖς υἱοῖς τῆς ἀποικίας τοῦ συναθροισθῆναι εἰς Ιερουσαλημ
At siya'y gumawa ng pahayag sa Juda't Jerusalem sa lahat na mga anak sa pagkabihag, na sila'y magpipisan sa Jerusalem;
8 καὶ πᾶς ὃς ἂν μὴ ἔλθῃ εἰς τρεῖς ἡμέρας ὡς ἡ βουλὴ τῶν ἀρχόντων καὶ τῶν πρεσβυτέρων ἀναθεματισθήσεται πᾶσα ἡ ὕπαρξις αὐτοῦ καὶ αὐτὸς διασταλήσεται ἀπὸ ἐκκλησίας τῆς ἀποικίας
At yaong hindi pumaroon sa loob ng tatlong araw, ayon sa payo ng mga prinsipe at ng mga matanda, lahat niyang pag-aari ay sasamsamin, at ihihiwalay siya sa kapisanan ng sa pagkabihag.
9 καὶ συνήχθησαν πάντες ἄνδρες Ιουδα καὶ Βενιαμιν εἰς Ιερουσαλημ εἰς τὰς τρεῖς ἡμέρας οὗτος ὁ μὴν ὁ ἔνατος ἐν εἰκάδι τοῦ μηνὸς ἐκάθισεν πᾶς ὁ λαὸς ἐν πλατείᾳ οἴκου τοῦ θεοῦ ἀπὸ θορύβου αὐτῶν περὶ τοῦ ῥήματος καὶ ἀπὸ τοῦ χειμῶνος
Nang magkagayo'y ang lahat na lalake ng Juda at Benjamin ay nagpipisan sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw (siyang ikasiyam na buwan nang ikadalawang pung araw ng buwan): at ang buong bayan ay naupo sa luwal na dako sa harap ng bahay ng Dios, na nanginginig dahil sa bagay na ito at dahil sa malakas na ulan.
10 καὶ ἀνέστη Εσδρας ὁ ἱερεὺς καὶ εἶπεν πρὸς αὐτούς ὑμεῖς ἠσυνθετήκατε καὶ ἐκαθίσατε γυναῖκας ἀλλοτρίας τοῦ προσθεῖναι ἐπὶ πλημμέλειαν Ισραηλ
At si Ezra na saserdote ay tumayo, at nagsabi sa kanila: Kayo'y nagsisalangsang, at nangagasawa ng mga babaing tagaibang bayan, upang palalain ang sala ng Israel.
11 καὶ νῦν δότε αἴνεσιν κυρίῳ τῷ θεῷ τῶν πατέρων ὑμῶν καὶ ποιήσατε τὸ ἀρεστὸν ἐνώπιον αὐτοῦ καὶ διαστάλητε ἀπὸ λαῶν τῆς γῆς καὶ ἀπὸ τῶν γυναικῶν τῶν ἀλλοτρίων
Ngayon nga'y mangagpahayag kayo sa Panginoon, sa Dios ng inyong mga magulang, at inyong gawin ang kaniyang kalooban: at magsihiwalay kayo sa mga bayan ng lupain, at sa mga babaing tagaibang bayan.
12 καὶ ἀπεκρίθησαν πᾶσα ἡ ἐκκλησία καὶ εἶπαν μέγα τοῦτο τὸ ῥῆμά σου ἐφ’ ἡμᾶς ποιῆσαι
Nang magkagayo'y ang buong kapisanan ay sumagot at nagsabi ng malakas, Kung ano ang iyong sinabi tungkol sa amin, gayon ang nararapat naming gawin.
13 ἀλλὰ ὁ λαὸς πολύς καὶ ὁ καιρὸς χειμερινός καὶ οὐκ ἔστιν δύναμις στῆναι ἔξω καὶ τὸ ἔργον οὐκ εἰς ἡμέραν μίαν καὶ οὐκ εἰς δύο ὅτι ἐπληθύναμεν τοῦ ἀδικῆσαι ἐν τῷ ῥήματι τούτῳ
Nguni't ang bayan ay marami, at panahong maulan, at kami ay hindi makatatayo sa labas: ni ito man ay gawa sa isang araw o dalawa: sapagka't kami ay nagkasalang mainam sa bagay na ito.
14 στήτωσαν δὴ οἱ ἄρχοντες ἡμῶν τῇ πάσῃ ἐκκλησίᾳ καὶ πάντες οἱ ἐν πόλεσιν ἡμῶν ὃς ἐκάθισεν γυναῖκας ἀλλοτρίας ἐλθέτωσαν εἰς καιροὺς ἀπὸ συνταγῶν καὶ μετ’ αὐτῶν πρεσβύτεροι πόλεως καὶ πόλεως καὶ κριταὶ τοῦ ἀποστρέψαι ὀργὴν θυμοῦ θεοῦ ἡμῶν ἐξ ἡμῶν περὶ τοῦ ῥήματος τούτου
Mahalal ngayon ang ating mga prinsipe sa buong kapisanan, at magsiparito sa takdang panahon yaong lahat na nangasa ating mga bayan na nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan, at pumaritong kasama nila ang mga matanda ng lahat na bayan, at ang mga hukom doon, hanggang sa ang mabangis na kapootan ng ating Dios ay mahiwalay sa atin, hanggang sa ang bagay na ito ay matapos.
15 πλὴν Ιωναθαν υἱὸς Ασαηλ καὶ Ιαζια υἱὸς Θεκουε μετ’ ἐμοῦ περὶ τούτου καὶ Μεσουλαμ καὶ Σαβαθαι ὁ Λευίτης βοηθῶν αὐτοῖς
Si Jonathan lamang na anak ni Asael, at si Jaazias na anak ni Tikvah ang tumayo laban sa bagay na ito: at si Mesullam, at si Sabethai na Levita ang tumulong sa kanila.
16 καὶ ἐποίησαν οὕτως υἱοὶ τῆς ἀποικίας καὶ διεστάλησαν Εσδρας ὁ ἱερεὺς καὶ ἄνδρες ἄρχοντες πατριῶν τῷ οἴκῳ καὶ πάντες ἐν ὀνόμασιν ὅτι ἐπέστρεψαν ἐν ἡμέρᾳ μιᾷ τοῦ μηνὸς τοῦ δεκάτου ἐκζητῆσαι τὸ ῥῆμα
At ginawang gayon ng mga anak sa pagkabihag. At si Ezra na saserdote na kasama ng ilang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at silang lahat ayon sa kanilang mga pangalan, ay nangaghiwalay; at sila'y nangaupo sa unang araw ng ikasangpung buwan upang litisin ang bagay.
17 καὶ ἐτέλεσαν ἐν πᾶσιν ἀνδράσιν οἳ ἐκάθισαν γυναῖκας ἀλλοτρίας ἕως ἡμέρας μιᾶς τοῦ μηνὸς τοῦ πρώτου
At kanilang tinapos ang tungkol sa lahat na lalake na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan nang unang araw ng unang buwan.
18 καὶ εὑρέθησαν ἀπὸ υἱῶν τῶν ἱερέων οἳ ἐκάθισαν γυναῖκας ἀλλοτρίας ἀπὸ υἱῶν Ἰησοῦ υἱοῦ Ιωσεδεκ καὶ ἀδελφοὶ αὐτοῦ Μαασηα καὶ Ελιεζερ καὶ Ιαριβ καὶ Γαδαλια
At sa mga anak ng mga saserdote ay nangasumpungan na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan; sa mga anak ni Jesua, na anak ni Josadec, at sa kaniyang mga kapatid, si Maasias, at si Elieser, at si Jarib, at si Gedalias.
19 καὶ ἔδωκαν χεῖρα αὐτῶν τοῦ ἐξενέγκαι γυναῖκας αὐτῶν καὶ πλημμελείας κριὸν ἐκ προβάτων περὶ πλημμελήσεως αὐτῶν
At sila'y nangakipagkamay na kanilang ihihiwalay ang kanilang mga asawa; at yamang mga salarin, sila'y nangaghandog ng isang lalaking tupa sa kawan dahil sa kanilang sala.
20 καὶ ἀπὸ υἱῶν Εμμηρ Ανανι καὶ Ζαβδια
At sa mga anak ni Immer; si Hanani at si Zebadias.
21 καὶ ἀπὸ υἱῶν Ηραμ Μασαια καὶ Ελια καὶ Σαμαια καὶ Ιιηλ καὶ Οζια
At sa mga anak ni Harim; si Maasias, at si Elias, at si Semeias, at si Jehiel, at si Uzzias.
22 καὶ ἀπὸ υἱῶν Φασουρ Ελιωηναι Μαασαια καὶ Ισμαηλ καὶ Ναθαναηλ καὶ Ιωζαβαδ καὶ Ηλασα
At sa mga anak ni Phasur; si Elioenai, si Maasias, si Ismael, si Nathanael, si Jozabad at si Elasa.
23 καὶ ἀπὸ τῶν Λευιτῶν Ιωζαβαδ καὶ Σαμου καὶ Κωλια αὐτὸς Κωλιτας καὶ Φαθαια καὶ Ιοδομ καὶ Ελιεζερ
At sa mga Levita; si Jozabad, at si Simi, at si Kelaia (na siya ring Kelita), si Pethaia, si Juda, at si Eliezer.
24 καὶ ἀπὸ τῶν ᾀδόντων Ελισαφ καὶ ἀπὸ τῶν πυλωρῶν Σελλημ καὶ Τελημ καὶ Ωδουε
At sa mga mangaawit: si Eliasib: at sa mga tagatanod-pinto; si Sellum, at si Telem, at si Uri.
25 καὶ ἀπὸ Ισραηλ ἀπὸ υἱῶν Φορος Ραμια καὶ Ιαζια καὶ Μελχια καὶ Μεαμιν καὶ Ελεαζαρ καὶ Ασαβια καὶ Βαναια
At sa Israel: sa mga anak ni Pharos; si Ramia at si Izzias, at si Malchias, at si Miamim, at si Eleazar, at si Malchias, at si Benaias.
26 καὶ ἀπὸ υἱῶν Ηλαμ Μαθανια καὶ Ζαχαρια καὶ Ιαϊηλ καὶ Αβδια καὶ Ιαριμωθ καὶ Ηλια
At sa mga anak ni Elam: si Mathanias, si Zacharias, at si Jehiel, at si Abdi, at si Jeremoth, at si Elia.
27 καὶ ἀπὸ υἱῶν Ζαθουα Ελιωηναι Ελισουβ Μαθανια καὶ Ιαρμωθ καὶ Ζαβαδ καὶ Οζιζα
At sa mga anak ni Zattu; si Elioenai, si Eliasib, si Mathanias, at si Jeremoth, at si Zabad, at si Aziza.
28 καὶ ἀπὸ υἱῶν Βαβι Ιωαναν Ανανια καὶ Ζαβου Οθαλι
At sa mga anak ni Bebai; si Johanan, si Hananias, si Zabbai, at si Atlai.
29 καὶ ἀπὸ υἱῶν Βανουι Μεσουλαμ Μαλουχ Αδαιας Ιασουβ καὶ Σαλουια καὶ Ρημωθ
At sa mga anak ni Bani; si Mesullam, si Malluch, at si Adaias, si Jasub, si Seal, at si Ramoth.
30 καὶ ἀπὸ υἱῶν Φααθμωαβ Εδενε Χαληλ Βαναια Μασηα Μαθανια Βεσεληλ καὶ Βανουι καὶ Μανασση
At sa mga anak ni Pahath-moab; si Adna, at si Cheleal, si Benaias, si Maasias, si Mathanias, si Besaleel, at si Bennui, at si Manases.
31 καὶ ἀπὸ υἱῶν Ηραμ Ελιεζερ Ιεσσια Μελχια Σαμαια Σεμεων
At sa mga anak ni Harim; si Eliezer, si Issia, at si Malchias, si Semeia, si Simeon;
32 Βενιαμιν Μαλουχ Σαμαρια
Si Benjamin, si Malluch, si Semarias.
33 καὶ ἀπὸ υἱῶν Ησαμ Μαθανι Μαθαθα Ζαβεδ Ελιφαλεθ Ιεραμι Μανασση Σεμεϊ
Sa mga anak ni Hasum; si Mathenai, si Mathatha, si Zabad, si Eliphelet, si Jeremai, si Manases, at si Sami.
34 ἀπὸ υἱῶν Βανι Μοοδι Αμραμ Ουηλ
Sa mga anak ni Bani; si Maadi si Amram, at si Uel;
35 Βαναια Βαδαια Χελια
Si Benaias, si Bedias, si Cheluhi;
36 Ουιεχωα Ιεραμωθ Ελιασιβ
Si Vanias, si Meremoth, si Eliasib;
37 Μαθανια Μαθαναι καὶ ἐποίησαν
Si Mathanias, si Mathenai, at si Jaasai;
38 οἱ υἱοὶ Βανουι καὶ οἱ υἱοὶ Σεμεϊ
At si Bani, at si Binnui, si Simi;
39 καὶ Σελεμια καὶ Ναθαν καὶ Αδαια
At si Selemias, at si Nathan, at si Adaias;
40 Μαχναδαβου Σεσι Σαρου
Si Machnadbai, si Sasai, si Sarai;
41 Εζερηλ καὶ Σελεμια καὶ Σαμαρια
Si Azareel, at si Selemias, si Semarias;
42 καὶ Σαλουμ Αμαρια Ιωσηφ
Si Sallum, si Amarias, si Joseph.
43 ἀπὸ υἱῶν Ναβου Ιιηλ Μαθαθια Σεδεμ Ζαμβινα Ιαδαι καὶ Ιωηλ καὶ Βαναια
Sa mga anak ni Nebo; si Jehiel, si Matithias, si Zabad, si Zebina, si Jadau, at si Joel, si Benaias.
44 πάντες οὗτοι ἐλάβοσαν γυναῖκας ἀλλοτρίας καὶ ἐγέννησαν ἐξ αὐτῶν υἱούς
Lahat ng mga ito'y nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan: at ang iba sa kanila ay may mga asawang pinagkaroonan ng mga anak.

< Ἔσδρας Αʹ 10 >