< Ἰεζεκιήλ 9 >
1 καὶ ἀνέκραγεν εἰς τὰ ὦτά μου φωνῇ μεγάλῃ λέγων ἤγγικεν ἡ ἐκδίκησις τῆς πόλεως καὶ ἕκαστος εἶχεν τὰ σκεύη τῆς ἐξολεθρεύσεως ἐν χειρὶ αὐτοῦ
Pagkatapos, narinig ko siyang umiyak ng may malakas na tinig, at sinabi, “Hayaan ninyong umakyat ang mga bantay sa lungsod, may pangwasak na sandata ang bawat isa sa kaniyang kamay.”
2 καὶ ἰδοὺ ἓξ ἄνδρες ἤρχοντο ἀπὸ τῆς ὁδοῦ τῆς πύλης τῆς ὑψηλῆς τῆς βλεπούσης πρὸς βορρᾶν καὶ ἑκάστου πέλυξ ἐν τῇ χειρὶ αὐτοῦ καὶ εἷς ἀνὴρ ἐν μέσῳ αὐτῶν ἐνδεδυκὼς ποδήρη καὶ ζώνη σαπφείρου ἐπὶ τῆς ὀσφύος αὐτοῦ καὶ εἰσήλθοσαν καὶ ἔστησαν ἐχόμενοι τοῦ θυσιαστηρίου τοῦ χαλκοῦ
At masdan! Dumating ang anim na lalaki mula sa daanan ng itaas na tarangkahan na nakaharap sa hilaga, may pangpatay na sandata ang bawat isa sa kaniyang kamay. At mayroong isang lalaki sa kanilang kalagitnaan na nakasuot ng lino na may kasamang kagamitan ng eskriba sa kaniyang tagiliran. Kaya pumasok sila at tumayo sa tabi ng altar na tanso.
3 καὶ δόξα θεοῦ τοῦ Ισραηλ ἀνέβη ἀπὸ τῶν χερουβιν ἡ οὖσα ἐπ’ αὐτῶν εἰς τὸ αἴθριον τοῦ οἴκου καὶ ἐκάλεσεν τὸν ἄνδρα τὸν ἐνδεδυκότα τὸν ποδήρη ὃς εἶχεν ἐπὶ τῆς ὀσφύος αὐτοῦ τὴν ζώνην
At umakyat ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel mula sa kerubin na nasa bungad ng pintuan ng tahanan. At tinawag niya ang lalaking nakasuot ng lino na may kagamitan ng eskriba sa kaniyang tagiliran.
4 καὶ εἶπεν πρὸς αὐτόν δίελθε μέσην τὴν Ιερουσαλημ καὶ δὸς τὸ σημεῖον ἐπὶ τὰ μέτωπα τῶν ἀνδρῶν τῶν καταστεναζόντων καὶ τῶν κατωδυνωμένων ἐπὶ πάσαις ταῖς ἀνομίαις ταῖς γινομέναις ἐν μέσῳ αὐτῆς
Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Dumaan ka sa kalagitnaan ng lungsod, ang kalagitnaan ng Jerusalem, at gumawa ng isang palatandaan sa mga noo ng mga lalaking naghihinagpis at nagbubuntong-hininga tungkol sa lahat ng mga kasuklam-suklam na naganap sa kalagitnaan ng lungsod.”
5 καὶ τούτοις εἶπεν ἀκούοντός μου πορεύεσθε ὀπίσω αὐτοῦ εἰς τὴν πόλιν καὶ κόπτετε καὶ μὴ φείδεσθε τοῖς ὀφθαλμοῖς ὑμῶν καὶ μὴ ἐλεήσητε
Pagkatapos, narinig ko siyang nagsalita sa iba, “Dumaan kayo sa lungsod na kasunod niya at pumatay! Huwag ninyong hayaang magkaroon ng awa ang inyong mga mata, at huwag mahabag
6 πρεσβύτερον καὶ νεανίσκον καὶ παρθένον καὶ νήπια καὶ γυναῖκας ἀποκτείνατε εἰς ἐξάλειψιν ἐπὶ δὲ πάντας ἐφ’ οὕς ἐστιν τὸ σημεῖον μὴ ἐγγίσητε καὶ ἀπὸ τῶν ἁγίων μου ἄρξασθε καὶ ἤρξαντο ἀπὸ τῶν ἀνδρῶν τῶν πρεσβυτέρων οἳ ἦσαν ἔσω ἐν τῷ οἴκῳ
maski alin sa matatanda, binata, dalaga, maliliit na mga bata o kababaihan. Patayin ninyo silang lahat! Ngunit huwag ninyong lapitan ang sinumang lalaki na may palatandaan sa kaniyang ulo. Magsimula kayo sa aking santuwaryo!” Kaya sinimulan nila sa matatandang lalaki na nasa harap ng bahay.
7 καὶ εἶπεν πρὸς αὐτούς μιάνατε τὸν οἶκον καὶ πλήσατε τὰς ὁδοὺς νεκρῶν ἐκπορευόμενοι καὶ κόπτετε
Sinabi niya sa kanila, “Dungisan ninyo ang bahay, at punuin ang mga patyo nito ng mga patay. Magpatuloy kayo!” Kaya lumabas sila at sinalakay ang lungsod.
8 καὶ ἐγένετο ἐν τῷ κόπτειν αὐτοὺς καὶ πίπτω ἐπὶ πρόσωπόν μου καὶ ἀνεβόησα καὶ εἶπα οἴμμοι κύριε ἐξαλείφεις σὺ τοὺς καταλοίπους τοῦ Ισραηλ ἐν τῷ ἐκχέαι σε τὸν θυμόν σου ἐπὶ Ιερουσαλημ
At habang sinasalakay nila ito, natagpuan ko ang aking sariling nag-iisa at nagpatirapa ako at umiyak at sinabi, “O, Panginoong Yahweh! Lilipulin mo ba ang lahat ng natira sa Israel sa pagbubuhos ng iyong matinding galit sa Jerusalem?”
9 καὶ εἶπεν πρός με ἀδικία τοῦ οἴκου Ισραηλ καὶ Ιουδα μεμεγάλυνται σφόδρα σφόδρα ὅτι ἐπλήσθη ἡ γῆ λαῶν πολλῶν καὶ ἡ πόλις ἐπλήσθη ἀδικίας καὶ ἀκαθαρσίας ὅτι εἶπαν ἐγκαταλέλοιπεν κύριος τὴν γῆν οὐκ ἐφορᾷ ὁ κύριος
Sinabi niya sa akin, “Ang kasalanan ng sambahayan ng Israel at Juda ay napakalaki. Ang lupain ay puno ng dugo at ang lungsod ay puno ng kabuktutan, yamang sinasabi nila, 'Kinalimutan ni Yahweh ang lupain,' at 'Hindi na tinitingnan ni Yahweh!'
10 καὶ οὐ φείσεταί μου ὁ ὀφθαλμός οὐδὲ μὴ ἐλεήσω τὰς ὁδοὺς αὐτῶν εἰς κεφαλὰς αὐτῶν δέδωκα
Kung gayon, hindi titingin nang may awa ang aking mata, at hindi ko sila kaaawaan. Sa halip, dadalhin ko ang lahat ng mga ito sa kanilang mga ulo.”
11 καὶ ἰδοὺ ὁ ἀνὴρ ὁ ἐνδεδυκὼς τὸν ποδήρη καὶ ἐζωσμένος τῇ ζώνῃ τὴν ὀσφὺν αὐτοῦ καὶ ἀπεκρίνατο λέγων πεποίηκα καθὼς ἐνετείλω μοι
At masdan ninyo! Bumalik ang taong nakasuot ng lino na may kagamitan ng eskriba sa kaniyang tagiliran. Ibinalita niya at sinabi, “Nagawa ko na ang lahat ng iyong ipinag-uutos.”