< Ἰεζεκιήλ 7 >

1 καὶ ἐγένετο λόγος κυρίου πρός με λέγων
Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
2 καὶ σύ υἱὲ ἀνθρώπου εἰπόν τάδε λέγει κύριος τῇ γῇ τοῦ Ισραηλ πέρας ἥκει τὸ πέρας ἥκει ἐπὶ τὰς τέσσαρας πτέρυγας τῆς γῆς
“Ikaw, na anak ng tao—Ang Panginoong Yahweh ang nagsasabi nito sa lupain ng Israel, 'Isang wakas! Isang wakas ang darating sa apat na hangganan ng lupain!
3 ἥκει τὸ πέρας
Ngayon, ang wakas ay sumasainyo, sapagkat ipinapadala ko sa inyo ang aking poot at hahatulan ko kayo ayon sa inyong mga pamamaraan, pagkatapos dadalhin kong lahat sa inyo ang inyong mga pagkasuklam.
4 ἐπὶ σὲ τὸν κατοικοῦντα τὴν γῆν ἥκει ὁ καιρός ἤγγικεν ἡ ἡμέρα οὐ μετὰ θορύβων οὐδὲ μετὰ ὠδίνων
Sapagkat hindi kayo titingnan ng aking mga mata ng may habag at hindi ko kayo kaaawaan, kundi dadalhin ko ang inyong pamamaraan sa inyo at ang inyong mga pagkasuklam ay nasa inyong kalagitnaan, upang malaman ninyo na ako si Yahweh!
5 νῦν ἐγγύθεν ἐκχεῶ τὴν ὀργήν μου ἐπὶ σὲ καὶ συντελέσω τὸν θυμόν μου ἐν σοὶ καὶ κρινῶ σε ἐν ταῖς ὁδοῖς σου καὶ δώσω ἐπὶ σὲ πάντα τὰ βδελύγματά σου
Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Sakuna! Sunod-sunod na sakuna! Tingnan ninyo, paparating na ito!
6 οὐ φείσεται ὁ ὀφθαλμός μου οὐδὲ μὴ ἐλεήσω διότι τὰς ὁδούς σου ἐπὶ σὲ δώσω καὶ τὰ βδελύγματά σου ἐν μέσῳ σου ἔσονται καὶ ἐπιγνώσῃ διότι ἐγώ εἰμι κύριος ὁ τύπτων
Isang pagtatapos ang tiyak na darating, ang wakas ay nagising laban sa inyo! Masdan ninyo, paparating na ito! Ang inyong katapusan ay paparating na sa inyong mga naninirahan sa lupa.
7 νῦν τὸ πέρας πρὸς σέ καὶ ἀποστελῶ ἐγὼ ἐπὶ σὲ καὶ ἐκδικήσω σε ἐν ταῖς ὁδοῖς σου καὶ δώσω ἐπὶ σὲ πάντα τὰ βδελύγματά σου
Dumating na ang oras, malapit na ang araw ng pagkawasak at hindi na magagalak ang mga bundok.
8 οὐ φείσεται ὁ ὀφθαλμός μου ἐπὶ σέ οὐδὲ μὴ ἐλεήσω διότι τὴν ὁδόν σου ἐπὶ σὲ δώσω καὶ τὰ βδελύγματά σου ἐν μέσῳ σου ἔσται καὶ ἐπιγνώσῃ διότι ἐγὼ κύριος
Ngayon, hindi magtatagal ay ibubuhos ko ang aking poot laban sa inyo at mapupuno ang aking matinding galit sa inyo kapag hahatulan ko kayo ayon sa inyong pamaraan, pagkatapos dadalhin ko ang lahat ng mga pagkasuklam sa inyo.
9 διότι τάδε λέγει κύριος
Sapagkat hindi kayo titingnan ng aking mata ng may habag at hindi ko kayo kaaawaan. Ayon sa inyong nagawa, gagawin ko sa inyo, at ang inyong mga pagkasuklam ay nasa inyong kalagitnaan upang malaman ninyo na ako si Yahweh, ang siyang nagpaparusa sa inyo.
10 ἰδοὺ τὸ πέρας ἥκει ἰδοὺ ἡμέρα κυρίου εἰ καὶ ἡ ῥάβδος ἤνθηκεν ἡ ὕβρις ἐξανέστηκεν
Masdan ninyo! Ang araw ay parating na. Naririto na ang kaparusahan. Namukadkad sa tungkod ang bulaklak ng pagmamataas.
11 καὶ συντρίψει στήριγμα ἀνόμου καὶ οὐ μετὰ θορύβου οὐδὲ μετὰ σπουδῆς
Lumago ang karahasan ng isang tungkod ng kasamaan—wala sa kanila at wala sa karamihan, wala sa kanilang kayamanan at wala sa kanilang kahalagahan ang magtatagal!
12 ἥκει ὁ καιρός ἰδοὺ ἡ ἡμέρα ὁ κτώμενος μὴ χαιρέτω καὶ ὁ πωλῶν μὴ θρηνείτω
Paparating na ang oras, papalapit na ang araw. Huwag magalak ang mamimili, ni tumangis ang manininda, sapagkat ang aking galit ay nasa buong sangkatauhan!
13 διότι ὁ κτώμενος πρὸς τὸν πωλοῦντα οὐκέτι μὴ ἐπιστρέψῃ καὶ ἄνθρωπος ἐν ὀφθαλμῷ ζωῆς αὐτοῦ οὐ κρατήσει
Sapagkat hindi na babalikan ng manininda ang ipinagbili habang sila ay nabubuhay, sapagkat ang pangitain ay laban sa buong sangkatauhan, hindi na sila babalik, sapagkat walang sinumang tao na namumuhay sa kasalanan ang mapapalakas!
14 σαλπίσατε ἐν σάλπιγγι καὶ κρίνατε τὰ σύμπαντα
Hinipan na nila ang trumpeta at inihanda na ang lahat, ngunit wala ni isa ang lumakad upang makilaban, sapagkat ang aking galit ay nasa buong sangkatauhan!
15 ὁ πόλεμος ἐν ῥομφαίᾳ ἔξωθεν καὶ ὁ λιμὸς καὶ ὁ θάνατος ἔσωθεν ὁ ἐν τῷ πεδίῳ ἐν ῥομφαίᾳ τελευτήσει τοὺς δὲ ἐν τῇ πόλει λιμὸς καὶ θάνατος συντελέσει
Nasa labas ang espada at nasa loob ng gusali ang salot at taggutom. Ang mga nasa bukirin ay mamamatay sa pamamagitan ng espada, habang ang mga nasa lungsod ay uubusin ng taggutom at salot.
16 καὶ ἀνασωθήσονται οἱ ἀνασῳζόμενοι ἐξ αὐτῶν καὶ ἔσονται ἐπὶ τῶν ὀρέων πάντας ἀποκτενῶ ἕκαστον ἐν ταῖς ἀδικίαις αὐτοῦ
Ngunit ang ilang mga nakaligtas ay tatakas mula sa kanila at pupunta sila sa mga bundok. Tulad ng mga kalapati sa mga lambak, mananaghoy silang lahat—bawat tao dahil sa kaniyang kasalanan.
17 πᾶσαι χεῖρες ἐκλυθήσονται καὶ πάντες μηροὶ μολυνθήσονται ὑγρασίᾳ
Bawat kamay ay manghihina at bawat tuhod ay magiging kasing lambot ng tubig,
18 καὶ περιζώσονται σάκκους καὶ καλύψει αὐτοὺς θάμβος καὶ ἐπὶ πᾶν πρόσωπον αἰσχύνη ἐπ’ αὐτούς καὶ ἐπὶ πᾶσαν κεφαλὴν φαλάκρωμα
at magsusuot sila ng magaspang na tela at mababalot sila ng takot at ang kahihiyan ay nasa bawat mukha at ang pagkakalbo sa lahat ng kanilang mga ulo.
19 τὸ ἀργύριον αὐτῶν ῥιφήσεται ἐν ταῖς πλατείαις καὶ τὸ χρυσίον αὐτῶν ὑπεροφθήσεται αἱ ψυχαὶ αὐτῶν οὐ μὴ ἐμπλησθῶσιν καὶ αἱ κοιλίαι αὐτῶν οὐ μὴ πληρωθῶσιν διότι βάσανος τῶν ἀδικιῶν αὐτῶν ἐγένετο
Itatapon nila ang kanilang pilak sa mga lansangan at ang kanilang ginto ay magiging tulad ng hindi katanggap-tanggap. Hindi sila kayang iligtas ng kanilang pilak at ginto sa panahon ng matinding galit ni Yahweh. Hindi maliligtas ang kanilang buhay at hindi mapapawi ang kanilang gutom, sapagkat naging isang nakakatisod na hadlang ang kanilang kasalanan.
20 ἐκλεκτὰ κόσμου εἰς ὑπερηφανίαν ἔθεντο αὐτὰ καὶ εἰκόνας τῶν βδελυγμάτων αὐτῶν ἐποίησαν ἐξ αὐτῶν ἕνεκεν τούτου δέδωκα αὐτὰ αὐτοῖς εἰς ἀκαθαρσίαν
Kumuha sila ng palamuting hiyas sa kanilang pagmamataas at gumawa sila ng diyus-diyosang imahen na naglalarawan ng kanilang pagkasuklam—ang kanilang kamuhi-muhing mga kilos na kanilang ginawa ay kasama nila, kaya, ginagawa kong marumi ang mga bagay na ito sa kanila.
21 καὶ παραδώσω αὐτὰ εἰς χεῖρας ἀλλοτρίων τοῦ διαρπάσαι αὐτὰ καὶ τοῖς λοιμοῖς τῆς γῆς εἰς σκῦλα καὶ βεβηλώσουσιν αὐτά
At ibibigay ko ang mga bagay na iyon sa kamay ng mga dayuhan bilang samsam at sa masasama sa mundo bilang samsam at dudungisan nila ang mga ito.
22 καὶ ἀποστρέψω τὸ πρόσωπόν μου ἀπ’ αὐτῶν καὶ μιανοῦσιν τὴν ἐπισκοπήν μου καὶ εἰσελεύσονται εἰς αὐτὰ ἀφυλάκτως καὶ βεβηλώσουσιν αὐτά
Pagkatapos itatalikod ko ang aking mukha mula sa kanila nang dinudungisan nila ang aking itinatanging lugar, papasukin ito ng mga tulisan at dudungisan ito!
23 καὶ ποιήσουσι φυρμόν διότι ἡ γῆ πλήρης λαῶν καὶ ἡ πόλις πλήρης ἀνομίας
Gumawa ka ng isang tanikala, sapagkat pinuno ang lupain ng paghahatol ng dugo at puno ng karahasan ang lungsod.
24 καὶ ἀποστρέψω τὸ φρύαγμα τῆς ἰσχύος αὐτῶν καὶ μιανθήσεται τὰ ἅγια αὐτῶν
Kaya magdadala ako ng pinakamasama sa mga bansa at aangkinin nila ang kanilang mga tahanan at wawakasan ko ang pagmamataas ng makapangyarihan, sapagkat madudungisan ang kanilang banal na mga lugar.
25 ἐξιλασμὸς ἥξει καὶ ζητήσει εἰρήνην καὶ οὐκ ἔσται
Darating ang takot! Hahanapin nila ang kapayapaan, ngunit hindi ito masusumpungan!
26 οὐαὶ ἐπὶ οὐαὶ ἔσται καὶ ἀγγελία ἐπ’ ἀγγελίαν ἔσται καὶ ζητηθήσεται ὅρασις ἐκ προφήτου καὶ νόμος ἀπολεῖται ἐξ ἱερέως καὶ βουλὴ ἐκ πρεσβυτέρων
Sunod-sunod na sakuna ang darating at magkakaroon ng sunod-sunod na bulung-bulungan! Pagkatapos, maghahanap sila ng pangitain mula sa isang propeta, ngunit mawawala ang kautusan mula sa mga pari at payo mula sa sa mga nakatatanda.
27 ἄρχων ἐνδύσεται ἀφανισμόν καὶ αἱ χεῖρες τοῦ λαοῦ τῆς γῆς παραλυθήσονται κατὰ τὰς ὁδοὺς αὐτῶν ποιήσω αὐτοῖς καὶ ἐν τοῖς κρίμασιν αὐτῶν ἐκδικήσω αὐτούς καὶ γνώσονται ὅτι ἐγὼ κύριος
Magluluksa ang hari at ang prinsipe ay magdadamit ng kawalan, habang ang mga kamay ng mga tao sa lupain ay manginginig sa takot. Ayon sa sarili nilang kaparaanan, gagawin ko ito sa kanila! At hahatulan ko sila sa kanilang mga sariling pamantayan hanggang malaman nila na ako si Yahweh!'”

< Ἰεζεκιήλ 7 >