< Ἰεζεκιήλ 34 >

1 καὶ ἐγένετο λόγος κυρίου πρός με λέγων
At ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
2 υἱὲ ἀνθρώπου προφήτευσον ἐπὶ τοὺς ποιμένας τοῦ Ισραηλ προφήτευσον καὶ εἰπὸν τοῖς ποιμέσι τάδε λέγει κύριος κύριος ὦ ποιμένες Ισραηλ μὴ βόσκουσιν ποιμένες ἑαυτούς οὐ τὰ πρόβατα βόσκουσιν οἱ ποιμένες
“Anak ng tao, magpahayag ka laban sa mga pastol ng Israel! Magpahayag ka at sabihin sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa mga pastol. Sa Aba ng mga pastol ng Israel na ipinapastol ang kanilang mga sarili! Hindi ba ang mga pastol dapat ang magbabantay sa kawan?
3 ἰδοὺ τὸ γάλα κατέσθετε καὶ τὰ ἔρια περιβάλλεσθε καὶ τὸ παχὺ σφάζετε καὶ τὰ πρόβατά μου οὐ βόσκετε
Kinakain ninyo ang mga matatabang bahagi at nakadamit kayo ng lana! Kinatay ninyo ang mga pinatabang kawan! Hindi talaga kayo nagpapastol.
4 τὸ ἠσθενηκὸς οὐκ ἐνισχύσατε καὶ τὸ κακῶς ἔχον οὐκ ἐσωματοποιήσατε καὶ τὸ συντετριμμένον οὐ κατεδήσατε καὶ τὸ πλανώμενον οὐκ ἐπεστρέψατε καὶ τὸ ἀπολωλὸς οὐκ ἐζητήσατε καὶ τὸ ἰσχυρὸν κατειργάσασθε μόχθῳ
Hindi ninyo pinalakas ang mga may sakit, at hindi ninyo pinagaling ang mga may karamdaman. Hindi ninyo binendahan ang mga may pilay, at hindi ninyo pinanumbalik ang mga naitaboy o hinanap ang nawawala. Sa halip, pinamunuan ninyo sila sa pamamagitan ng lakas at karahasan.
5 καὶ διεσπάρη τὰ πρόβατά μου διὰ τὸ μὴ εἶναι ποιμένας καὶ ἐγενήθη εἰς κατάβρωμα πᾶσι τοῖς θηρίοις τοῦ ἀγροῦ
At nangagkalat sila na walang pastol, at sila ay naging pagkain para sa lahat ng mga mababangis na hayop na nabubuhay sa mga parang, pagkatapos na sila ay nangagkalat.
6 καὶ διεσπάρη μου τὰ πρόβατα ἐν παντὶ ὄρει καὶ ἐπὶ πᾶν βουνὸν ὑψηλὸν καὶ ἐπὶ προσώπου πάσης τῆς γῆς διεσπάρη καὶ οὐκ ἦν ὁ ἐκζητῶν οὐδὲ ὁ ἀποστρέφων
Ang aking kawan ay nagkalat sa lahat ng mga kabundukan at sa bawat mataas na burol, at nagkawatak-watak ang mga ito sa ibabaw ng buong mundo. Ngunit wala kahit isa ang naghahanap sa kanila.
7 διὰ τοῦτο ποιμένες ἀκούσατε λόγον κυρίου
Kaya nga, mga pastol, pakinggan ang pahayag ni Yahweh:
8 ζῶ ἐγώ λέγει κύριος κύριος εἰ μὴν ἀντὶ τοῦ γενέσθαι τὰ πρόβατά μου εἰς προνομὴν καὶ γενέσθαι τὰ πρόβατά μου εἰς κατάβρωμα πᾶσι τοῖς θηρίοις τοῦ πεδίου παρὰ τὸ μὴ εἶναι ποιμένας καὶ οὐκ ἐξεζήτησαν οἱ ποιμένες τὰ πρόβατά μου καὶ ἐβόσκησαν οἱ ποιμένες ἑαυτούς τὰ δὲ πρόβατά μου οὐκ ἐβόσκησαν
Dahil buhay ako—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—dahil ang aking kawan ay tinangay at naging pagkain ng lahat ng mga mababangis na hayop sa mga parang (dahil walang pastol at wala sa aking mga pastol ang humanap sa aking kawan, ngunit binantayan ng mga pastol ang kanilang mga sarili at hindi ang aking kawan ang ipinastol)—
9 ἀντὶ τούτου ποιμένες
Kaya nga, mga pastol, pakinggan ang pahayag ni Yahweh:
10 τάδε λέγει κύριος κύριος ἰδοὺ ἐγὼ ἐπὶ τοὺς ποιμένας καὶ ἐκζητήσω τὰ πρόβατά μου ἐκ τῶν χειρῶν αὐτῶν καὶ ἀποστρέψω αὐτοὺς τοῦ μὴ ποιμαίνειν τὰ πρόβατά μου καὶ οὐ βοσκήσουσιν ἔτι οἱ ποιμένες αὐτά καὶ ἐξελοῦμαι τὰ πρόβατά μου ἐκ τοῦ στόματος αὐτῶν καὶ οὐκ ἔσονται αὐτοῖς ἔτι εἰς κατάβρωμα
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, Masdan ninyo! Ako ay laban sa mga pastol, at kukunin ko ang aking kawan mula sa kanilang kamay. At paaalisin ko sila sa pagpapastol ng kawan; Ni maging ang mga pastol ay hindi na magpapastol sa kanilang sarili yamang kukunin ko ang aking kawan mula sa kanilang mga bibig, upang ang aking mga kawan ay hindi na magiging pagkain para sa kanila.
11 διότι τάδε λέγει κύριος ἰδοὺ ἐγὼ ἐκζητήσω τὰ πρόβατά μου καὶ ἐπισκέψομαι αὐτά
Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Masdan ninyo! Ako mismo ang hahanap sa aking kawan at ako ang mag-aalaga sa kanila,
12 ὥσπερ ζητεῖ ὁ ποιμὴν τὸ ποίμνιον αὐτοῦ ἐν ἡμέρᾳ ὅταν ᾖ γνόφος καὶ νεφέλη ἐν μέσῳ προβάτων διακεχωρισμένων οὕτως ἐκζητήσω τὰ πρόβατά μου καὶ ἀπελάσω αὐτὰ ἀπὸ παντὸς τόπου οὗ διεσπάρησαν ἐκεῖ ἐν ἡμέρᾳ νεφέλης καὶ γνόφου
tulad ng isang pastol na hinahanap ang kaniyang kawan sa araw na siya ay nasa kalagitnaan ng kaniyang nangagkalat na kawan. Ganoon ko hahanapin ang aking kawan, at sasagipin ko sila mula sa lahat ng mga lugar kung saan sila nangagkalat sa araw ng mga kaulapan at kadiliman.
13 καὶ ἐξάξω αὐτοὺς ἐκ τῶν ἐθνῶν καὶ συνάξω αὐτοὺς ἀπὸ τῶν χωρῶν καὶ εἰσάξω αὐτοὺς εἰς τὴν γῆν αὐτῶν καὶ βοσκήσω αὐτοὺς ἐπὶ τὰ ὄρη Ισραηλ καὶ ἐν ταῖς φάραγξιν καὶ ἐν πάσῃ κατοικίᾳ τῆς γῆς
At ilalabas ko sila mula sa mga tao; Titipunin ko sila mula sa mga lupain at dadalhin sila sa inyong lupain. Ilalagay ko sila sa mga pastulan sa mga bahagi ng kabundukan ng Israel, sa tabi ng mga bukal, at sa bawat pamayanan sa lupain.
14 ἐν νομῇ ἀγαθῇ βοσκήσω αὐτούς καὶ ἐν τῷ ὄρει τῷ ὑψηλῷ Ισραηλ ἔσονται αἱ μάνδραι αὐτῶν ἐκεῖ κοιμηθήσονται καὶ ἐκεῖ ἀναπαύσονται ἐν τρυφῇ ἀγαθῇ καὶ ἐν νομῇ πίονι βοσκηθήσονται ἐπὶ τῶν ὀρέων Ισραηλ
Ilalagay ko sila sa magandang mga pastulan; ang mataas na kabundukan ng Israel ang magiging lugar na kanilang panginginainan. Hihiga sila roon sa mga magagandang lugar na panginainan, sa masasaganang mga pastulan, at sila ay manginginain sa mga kabundukan ng Israel.
15 ἐγὼ βοσκήσω τὰ πρόβατά μου καὶ ἐγὼ ἀναπαύσω αὐτά καὶ γνώσονται ὅτι ἐγώ εἰμι κύριος τάδε λέγει κύριος κύριος
Ako mismo ang magpapastol sa aking kawan, at ako mismo ang magpapahiga sa kanila—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—
16 τὸ ἀπολωλὸς ζητήσω καὶ τὸ πλανώμενον ἐπιστρέψω καὶ τὸ συντετριμμένον καταδήσω καὶ τὸ ἐκλεῖπον ἐνισχύσω καὶ τὸ ἰσχυρὸν φυλάξω καὶ βοσκήσω αὐτὰ μετὰ κρίματος
Hahanapin ko ang mga nawawala at panunumbalikin ang mga naitaboy; Bebendahan ko ang napilay na tupa at pagagalingin ang may sakit na tupa. At aking lilipulin ang mga pinataba at malalakas! Magpapastol ako nang may katarungan!
17 καὶ ὑμεῖς πρόβατα τάδε λέγει κύριος κύριος ἰδοὺ ἐγὼ διακρινῶ ἀνὰ μέσον προβάτου καὶ προβάτου κριῶν καὶ τράγων
At kayo, aking kawan—ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh— masdan ninyo! Ako ang magiging hukom sa mga tupa, sa mga lalaking tupa, at sa mga kambing!
18 καὶ οὐχ ἱκανὸν ὑμῖν ὅτι τὴν καλὴν νομὴν ἐνέμεσθε καὶ τὰ κατάλοιπα τῆς νομῆς ὑμῶν κατεπατεῖτε τοῖς ποσὶν ὑμῶν καὶ τὸ καθεστηκὸς ὕδωρ ἐπίνετε καὶ τὸ λοιπὸν τοῖς ποσὶν ὑμῶν ἐταράσσετε
Maliit na bagay ba ang maipastol sa magandang pastulan, kaya ninanais rin ninyong tapakan ng inyong mga paa kung ano ang natira sa pastulan? O maliit na bagay ba ang makainom mula sa mga malinaw na tubig, na kailangang gawin ninyong maputik ang mga ilog sa pamamagitan ng inyong mga paa?
19 καὶ τὰ πρόβατά μου τὰ πατήματα τῶν ποδῶν ὑμῶν ἐνέμοντο καὶ τὸ τεταραγμένον ὕδωρ ὑπὸ τῶν ποδῶν ὑμῶν ἔπινον
Ngunit ang aking mga tupa ay ipinapastol ngayon kung saan tinapakan ng inyong mga paa; sila ngayon ay umiinom sa mga tubig na ginawa ninyong maputik gamit ang inyong mga paa!
20 διὰ τοῦτο τάδε λέγει κύριος κύριος ἰδοὺ ἐγὼ διακρινῶ ἀνὰ μέσον προβάτου ἰσχυροῦ καὶ ἀνὰ μέσον προβάτου ἀσθενοῦς
Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa kanila: Masdan ninyo! Ako mismo ang hahatol sa pagitan ng matabang tupa at sa mapapayat,
21 ἐπὶ ταῖς πλευραῖς καὶ τοῖς ὤμοις ὑμῶν διωθεῖσθε καὶ τοῖς κέρασιν ὑμῶν ἐκερατίζετε καὶ πᾶν τὸ ἐκλεῖπον ἐξεθλίβετε
sapagkat tinulak ninyo sila gamit ang inyong mga tagiliran at mga balikat, at sinuwag ninyo ang lahat ng mga mahihina gamit ang inyong mga sungay hanggang sa naikalat ninyo sila palayo mula sa lupain!
22 καὶ σώσω τὰ πρόβατά μου καὶ οὐ μὴ ὦσιν ἔτι εἰς προνομήν καὶ κρινῶ ἀνὰ μέσον κριοῦ πρὸς κριόν
Kaya ililigtas ko ang aking kawan; hindi na sila maitatangay. At ako ang hahatol sa mga tupa!
23 καὶ ἀναστήσω ἐπ’ αὐτοὺς ποιμένα ἕνα καὶ ποιμανεῖ αὐτούς τὸν δοῦλόν μου Δαυιδ καὶ ἔσται αὐτῶν ποιμήν
Hihirang ako ng isang pastol sa kanila, at siya ang magpapastol sa kanila— ang aking lingkod na si David! Siya ang magpapastol sa kanila; siya ang magiging pastol sa kanila!
24 καὶ ἐγὼ κύριος ἔσομαι αὐτοῖς εἰς θεόν καὶ Δαυιδ ἐν μέσῳ αὐτῶν ἄρχων ἐγὼ κύριος ἐλάλησα
Sapagkat akong si Yahweh ang magiging Diyos nila, at ang aking lingkod na si David ang magiging tagapamuno sa kanilang kalagitnaan— Akong si Yahweh, ang nagpahayag nito!
25 καὶ διαθήσομαι τῷ Δαυιδ διαθήκην εἰρήνης καὶ ἀφανιῶ θηρία πονηρὰ ἀπὸ τῆς γῆς καὶ κατοικήσουσιν ἐν τῇ ἐρήμῳ καὶ ὑπνώσουσιν ἐν τοῖς δρυμοῖς
At gagawa ako ng isang tipan ng kapayapaan sa kanila at aalisin ang mga masasama at mababangis na hayop mula sa lupain, kaya ang aking tupa ay mamumuhay ng ligtas sa ilang at matutulog sa mga kagubatan.
26 καὶ δώσω αὐτοὺς περικύκλῳ τοῦ ὄρους μου καὶ δώσω τὸν ὑετὸν ὑμῖν ὑετὸν εὐλογίας
Magdadala rin ako ng mga pagpapala sa kanila at ang aking nakapalibot na mga burol, sapagkat magpapadala ako ng mga ambon sa takdang panahon. Ito ay mga ambon ng pagpapala!
27 καὶ τὰ ξύλα τὰ ἐν τῷ πεδίῳ δώσει τὸν καρπὸν αὐτῶν καὶ ἡ γῆ δώσει τὴν ἰσχὺν αὐτῆς καὶ κατοικήσουσιν ἐπὶ τῆς γῆς αὐτῶν ἐν ἐλπίδι εἰρήνης καὶ γνώσονται ὅτι ἐγώ εἰμι κύριος ἐν τῷ συντρῖψαί με τὸν ζυγὸν αὐτῶν καὶ ἐξελοῦμαι αὐτοὺς ἐκ χειρὸς τῶν καταδουλωσαμένων αὐτούς
At ang mga punongkahoy sa bukirin ay mamumunga, at ang lupa ang siyang mag-aani sa mga bunga nito. Ang aking tupa ay magiging matiwasay sa kanilang lupain; at malalaman nila na ako si Yahweh, kapag pinutol ko ang mga kabilya ng kanilang pamatok, at kapag sinagip ko sila mula sa kamay ng mga umalipin sa kanila.
28 καὶ οὐκ ἔσονται ἔτι ἐν προνομῇ τοῖς ἔθνεσιν καὶ τὰ θηρία τῆς γῆς οὐκέτι μὴ φάγωσιν αὐτούς καὶ κατοικήσουσιν ἐν ἐλπίδι καὶ οὐκ ἔσται ὁ ἐκφοβῶν αὐτούς
Hindi na sila madadambong pa ng mga bansa, at hindi na sila lalamunin ng mga mababangis na hayop sa lupa! Sapagkat sila ay mamumuhay nang matiwasay, at hindi na sila matatakot.
29 καὶ ἀναστήσω αὐτοῖς φυτὸν εἰρήνης καὶ οὐκέτι ἔσονται ἀπολλύμενοι λιμῷ ἐπὶ τῆς γῆς καὶ οὐ μὴ ἐνέγκωσιν ἔτι ὀνειδισμὸν ἐθνῶν
Sapagkat lilikha ako ng mapayapang lugar na taniman para sa kanila kaya hindi na sila mamamatay sa gutom sa lupain, at hindi na sila lalaitin pa ng mga bansa.
30 καὶ γνώσονται ὅτι ἐγώ εἰμι κύριος ὁ θεὸς αὐτῶν καὶ αὐτοὶ λαός μου οἶκος Ισραηλ λέγει κύριος
At malalaman nila na akong si Yahweh na kanilang Diyos ay kasama nila. Sila ay aking mga tao, ang sambahayan ng Israel— ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
31 πρόβατά μου καὶ πρόβατα ποιμνίου μού ἐστε καὶ ἐγὼ κύριος ὁ θεὸς ὑμῶν λέγει κύριος κύριος
Sapagkat kayo ay aking tupa, ang kawan ng aking pastulan, at aking mga tao! Ako ang magiging Diyos ninyo—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”

< Ἰεζεκιήλ 34 >