< Ἰεζεκιήλ 33 >

1 καὶ ἐγένετο λόγος κυρίου πρός με λέγων
dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi,
2 υἱὲ ἀνθρώπου λάλησον τοῖς υἱοῖς τοῦ λαοῦ σου καὶ ἐρεῖς πρὸς αὐτούς γῆ ἐφ’ ἣν ἂν ἐπάγω ῥομφαίαν καὶ λάβῃ ὁ λαὸς τῆς γῆς ἄνθρωπον ἕνα ἐξ αὐτῶν καὶ δῶσιν αὐτὸν ἑαυτοῖς εἰς σκοπόν
“Anak ng tao, ipahayag mo ito sa iyong mga tao; sabihin mo sa kanila, 'Kapag magdadala ako ng isang espada laban sa anumang lupain, at ang mga tao sa lupaing iyon ay kukuha ng isang lalaki mula sa kanila at gagawin siyang isang tagapagbantay para sa kanila.
3 καὶ ἴδῃ τὴν ῥομφαίαν ἐρχομένην ἐπὶ τὴν γῆν καὶ σαλπίσῃ τῇ σάλπιγγι καὶ σημάνῃ τῷ λαῷ
Titingnan niya kung may paparating na espada sa lupain, at hihipan niya ang kaniyang trumpeta upang bigyan ng babala ang mga tao!
4 καὶ ἀκούσῃ ὁ ἀκούσας τὴν φωνὴν τῆς σάλπιγγος καὶ μὴ φυλάξηται καὶ ἐπέλθῃ ἡ ῥομφαία καὶ καταλάβῃ αὐτόν τὸ αἷμα αὐτοῦ ἐπὶ τῆς κεφαλῆς αὐτοῦ ἔσται
Kung marinig ito ng mga tao at hindi nila binigyang pansin, at kung dumating ang espada at pinatay silang lahat, at ang dugo ng bawat isa ay nasa sarili na nitong ulo.
5 ὅτι τὴν φωνὴν τῆς σάλπιγγος ἀκούσας οὐκ ἐφυλάξατο τὸ αἷμα αὐτοῦ ἐπ’ αὐτοῦ ἔσται καὶ οὗτος ὅτι ἐφυλάξατο τὴν ψυχὴν αὐτοῦ ἐξείλατο
Kung sinumang makarinig sa tunog ng trumpeta ngunit hindi niya binigyang pansin, ang kaniyang dugo ay nasa sa kaniya; ngunit kung binigyan niya ng pansin, maililigtas niya ang sariling buhay.
6 καὶ ὁ σκοπός ἐὰν ἴδῃ τὴν ῥομφαίαν ἐρχομένην καὶ μὴ σημάνῃ τῇ σάλπιγγι καὶ ὁ λαὸς μὴ φυλάξηται καὶ ἐλθοῦσα ἡ ῥομφαία λάβῃ ἐξ αὐτῶν ψυχήν αὕτη διὰ τὴν αὑτῆς ἀνομίαν ἐλήμφθη καὶ τὸ αἷμα ἐκ τῆς χειρὸς τοῦ σκοποῦ ἐκζητήσω
Gayunman, kung makita ng tagapagbantay na paparating ang espada, ngunit hindi niya hinipan ang trumpeta, ang kahihinatnan nito ay hindi nabigyang babala ang mga tao, at kung dumating ang espada at kukunin ang buhay ng sinuman, kung gayon, namatay ang taong iyon sa kaniyang sariling kasalanan, ngunit hahanapin ko ang kaniyang dugo mula sa tagapagbantay.'
7 καὶ σύ υἱὲ ἀνθρώπου σκοπὸν δέδωκά σε τῷ οἴκῳ Ισραηλ καὶ ἀκούσῃ ἐκ στόματός μου λόγον
Ngayon ikaw mismo, anak ng tao! Ginawa kitang isang tagapagbantay sa buong sambahayan ng Israel; mapapakinggan mo ang mga salita mula sa aking bibig at balaan mo sila sa halip na ako.
8 ἐν τῷ εἶπαί με τῷ ἁμαρτωλῷ θανάτῳ θανατωθήσῃ καὶ μὴ λαλήσῃς τοῦ φυλάξασθαι τὸν ἀσεβῆ ἀπὸ τῆς ὁδοῦ αὐτοῦ αὐτὸς ὁ ἄνομος τῇ ἀνομίᾳ αὐτοῦ ἀποθανεῖται τὸ δὲ αἷμα αὐτοῦ ἐκ τῆς χειρός σου ἐκζητήσω
Kung sasabihin ko sa isang masamang tao, 'Masamang tao, ikaw ay tiyak na mamamatay!' ngunit kung hindi mo ito ipinahayag para bigyang babala ang masama tungkol sa kaniyang pamamaraan at siyang masama ay mamamatay sa kaniyang kasalanan, ngunit hahanapin ko ang kaniyang dugo mula sa iyong kamay!
9 σὺ δὲ ἐὰν προαπαγγείλῃς τῷ ἀσεβεῖ τὴν ὁδὸν αὐτοῦ τοῦ ἀποστρέψαι ἀπ’ αὐτῆς καὶ μὴ ἀποστρέψῃ ἀπὸ τῆς ὁδοῦ αὐτοῦ οὗτος τῇ ἀσεβείᾳ αὐτοῦ ἀποθανεῖται καὶ σὺ τὴν ψυχὴν σαυτοῦ ἐξῄρησαι
Ngunit ikaw, kung binalaan mo ang masama tungkol sa kaniyang pamamaraan, para sa ganoon ay matalikuran niya ito, at kung hindi niya tatalikuran ang kaniyang pamamaraan, mamamatay siya sa kaniyang kasalanan, ngunit maliligtas mo ang iyong sariling buhay.
10 καὶ σύ υἱὲ ἀνθρώπου εἰπὸν τῷ οἴκῳ Ισραηλ οὕτως ἐλαλήσατε λέγοντες αἱ πλάναι ἡμῶν καὶ αἱ ἀνομίαι ἡμῶν ἐφ’ ἡμῖν εἰσιν καὶ ἐν αὐταῖς ἡμεῖς τηκόμεθα καὶ πῶς ζησόμεθα
Kaya ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa sambahayan ng Israel, 'Sinasabi ninyo ito: Ang aming pagsuway at ang aming mga kasalanan ay nasa amin, at nabubulok kami dahil dito! Paano kami mabubuhay?'
11 εἰπὸν αὐτοῖς ζῶ ἐγώ τάδε λέγει κύριος οὐ βούλομαι τὸν θάνατον τοῦ ἀσεβοῦς ὡς τὸ ἀποστρέψαι τὸν ἀσεβῆ ἀπὸ τῆς ὁδοῦ αὐτοῦ καὶ ζῆν αὐτόν ἀποστροφῇ ἀποστρέψατε ἀπὸ τῆς ὁδοῦ ὑμῶν καὶ ἵνα τί ἀποθνῄσκετε οἶκος Ισραηλ
Sabihin mo sa kanila, 'Buhay ako—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—. Hindi ko ikinagagalak ang kamatayan ng masama, sapagkat kung pagsisisihan ng masama ang kaniyang pamamaraan, kung gayon mabubuhay siya! Magsisi kayo! Magsisi kayo mula sa mga masasama ninyong pamamaraan! Sapagkat bakit ninyo kailangang mamatay, sambahayan ng Israel?'
12 εἰπὸν πρὸς τοὺς υἱοὺς τοῦ λαοῦ σου δικαιοσύνη δικαίου οὐ μὴ ἐξέληται αὐτὸν ἐν ᾗ ἂν ἡμέρᾳ πλανηθῇ καὶ ἀνομία ἀσεβοῦς οὐ μὴ κακώσῃ αὐτὸν ἐν ᾗ ἂν ἡμέρᾳ ἀποστρέψῃ ἀπὸ τῆς ἀνομίας αὐτοῦ καὶ δίκαιος οὐ μὴ δύνηται σωθῆναι
At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa iyong mga tao, 'Ang pagkamatuwid ng isang matuwid na tao ay hindi makapagliligtas sa kaniya kung magkakasala siya! At ang kasamaan ng masamang tao ay hindi magdudulot sa kaniya ng kamatayan kung pagsisisihan niya ang kaniyang kasalanan. Sapagkat ang taong matuwid ay hindi mabubuhay dahil sa kaniyang pagkamatuwid kung siya ay magkakasala.
13 ἐν τῷ εἶπαί με τῷ δικαίῳ οὗτος πέποιθεν ἐπὶ τῇ δικαιοσύνῃ αὐτοῦ καὶ ποιήσῃ ἀνομίαν πᾶσαι αἱ δικαιοσύναι αὐτοῦ οὐ μὴ ἀναμνησθῶσιν ἐν τῇ ἀδικίᾳ αὐτοῦ ᾗ ἐποίησεν ἐν αὐτῇ ἀποθανεῖται
Kung sasabihin ko sa matuwid na “Tiyak na mabubuhay siya!” at kung magtitiwala siya sa sarili niyang pagkamatuwid at pagkatapos makagawa siya ng hindi makatarungan, hindi ko na iisipin pa ang anumang kaniyang pagkamatuwid, mamamatay siya sa kasamaan na kaniyang nagawa.
14 καὶ ἐν τῷ εἶπαί με τῷ ἀσεβεῖ θανάτῳ θανατωθήσῃ καὶ ἀποστρέψῃ ἀπὸ τῆς ἁμαρτίας αὐτοῦ καὶ ποιήσῃ κρίμα καὶ δικαιοσύνην
At kung sasabihin ko sa masama, “siguradong mamamatay ka!” ngunit kung pagsisisihan niya ang kaniyang mga kasalanan at gagawin kung ano ang makatarungan at tama—
15 καὶ ἐνεχύρασμα ἀποδῷ καὶ ἅρπαγμα ἀποτείσῃ ἐν προστάγμασιν ζωῆς διαπορεύηται τοῦ μὴ ποιῆσαι ἄδικον ζωῇ ζήσεται καὶ οὐ μὴ ἀποθάνῃ
kung isasauli niya ang garantiya ng sangla na sapilitang hiningi niya, o kung isasauli niya kung ano ang kaniyang ninakaw, at lalakad sa mga alituntunin ng batas na nagbibigay buhay at hindi na kailanman gagawa ng anumang kasalanan, tiyak na mabubuhay siya at hindi mamamatay.
16 πᾶσαι αἱ ἁμαρτίαι αὐτοῦ ἃς ἥμαρτεν οὐ μὴ ἀναμνησθῶσιν ὅτι κρίμα καὶ δικαιοσύνην ἐποίησεν ἐν αὐτοῖς ζήσεται
Wala na sa kaniyang mga nagawang kasalanan ang aking iisipin para sa kaniya. Kumilos siya ng makatarungan at makatuwiran, kaya siguradong mabubuhay siya!
17 καὶ ἐροῦσιν οἱ υἱοὶ τοῦ λαοῦ σου οὐκ εὐθεῖα ἡ ὁδὸς τοῦ κυρίου καὶ αὕτη ἡ ὁδὸς αὐτῶν οὐκ εὐθεῖα
Ngunit sinasabi ng iyong mga tao, “Hindi patas ang kaparaanan ng Panginoon!” ngunit ang inyong mga kaparaanan ang hindi patas!
18 ἐν τῷ ἀποστρέψαι δίκαιον ἀπὸ τῆς δικαιοσύνης αὐτοῦ καὶ ποιήσῃ ἀνομίας καὶ ἀποθανεῖται ἐν αὐταῖς
Kapag tinalikuran ng isang matuwid na tao ang kaniyang pagkamatuwid at gagawa ng kasalanan, kung gayon mamamatay siya dahil dito!
19 καὶ ἐν τῷ ἀποστρέψαι τὸν ἁμαρτωλὸν ἀπὸ τῆς ἀνομίας αὐτοῦ καὶ ποιήσῃ κρίμα καὶ δικαιοσύνην ἐν αὐτοῖς αὐτὸς ζήσεται
At kapag ang masama ay tumalikod sa kaniyang mga kasamaan at gawin ang makatarungan at matuwid, mabubuhay siya dahil sa mga bagay na iyon!
20 καὶ τοῦτό ἐστιν ὃ εἴπατε οὐκ εὐθεῖα ἡ ὁδὸς κυρίου ἕκαστον ἐν ταῖς ὁδοῖς αὐτοῦ κρινῶ ὑμᾶς οἶκος Ισραηλ
Ngunit sinasabi ninyong mga tao, “Hindi patas ang kaparaanan ni Yahweh” Hahatulan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa kaniyang kaparaanan, sambahayan ng Israel.
21 καὶ ἐγενήθη ἐν τῷ δωδεκάτῳ ἔτει ἐν τῷ δωδεκάτῳ μηνὶ πέμπτῃ τοῦ μηνὸς τῆς αἰχμαλωσίας ἡμῶν ἦλθεν ὁ ἀνασωθεὶς πρός με ἀπὸ Ιερουσαλημ λέγων ἑάλω ἡ πόλις
Nangyari ito sa ikalabindalawang taon, sa ikalimang araw sa ikasampung buwan ng ating pagkabihag, isang pugante ang dumating sa akin mula sa Jerusalem at sinabi, “Nabihag na ang lungsod!”
22 καὶ ἐγενήθη ἐπ’ ἐμὲ χεὶρ κυρίου ἑσπέρας πρὶν ἐλθεῖν αὐτὸν καὶ ἤνοιξέν μου τὸ στόμα ἕως ἦλθεν πρός με τὸ πρωί καὶ ἀνοιχθέν μου τὸ στόμα οὐ συνεσχέθη ἔτι
Nasa akin na ang kamay ni Yahweh sa gabi bago dumating ang pugante, at nabuksan ang aking bibig sa pagkakataon na dumating siya sa akin ng madaling araw. Kaya nabuksan ang aking bibig at nakakapagsalita na ako/hindi na ako pipi!
23 καὶ ἐγενήθη λόγος κυρίου πρός με λέγων
At dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi,
24 υἱὲ ἀνθρώπου οἱ κατοικοῦντες τὰς ἠρημωμένας ἐπὶ τῆς γῆς τοῦ Ισραηλ λέγουσιν εἷς ἦν Αβρααμ καὶ κατέσχεν τὴν γῆν καὶ ἡμεῖς πλείους ἐσμέν ἡμῖν δέδοται ἡ γῆ εἰς κατάσχεσιν
“Anak ng tao, nagsasalita at nagsasabi ang mga naninirahan sa lugar ng pagkawasak sa lupain ng Israel ay nagsasalita at sinasabi, 'Nag-iisang tao lamang si Abraham, at minana niya ang lupain, ngunit marami tayo! Ang lupain ay ibinigay na sa atin bilang isang ari-arian.'
25 διὰ τοῦτο εἰπὸν αὐτοῖς τάδε λέγει κύριος κύριος
Kaya nga sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Kumain kayo ng dugo at ibinaling ninyo ang inyong mga mata sa inyong mga diyus-diyosan at ibinuhos ninyo ang dugo ng mga tao. Dapat ba ninyong ariin ang lupain?
Nagtiwala kayo sa inyong mga espada at gumawa ng kasuklam-suklam na mga bagay. Dinudungisan ng bawat lalaki ang asawang babae ng kanilang kapwa. Dapat ba ninyong ariin ang lupain?'
27 ζῶ ἐγώ εἰ μὴν οἱ ἐν ταῖς ἠρημωμέναις μαχαίρᾳ πεσοῦνται καὶ οἱ ἐπὶ προσώπου τοῦ πεδίου τοῖς θηρίοις τοῦ ἀγροῦ δοθήσονται εἰς κατάβρωμα καὶ τοὺς ἐν ταῖς τετειχισμέναις καὶ τοὺς ἐν τοῖς σπηλαίοις θανάτῳ ἀποκτενῶ
Maaari mong sabihin ito sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Habang buhay ako, siguradong ang mga nasa wasak na lungsod ay babagsak sa pamamagitan ng espada at ibibigay ko ang mga nasa parang sa mga nilalang na nabubuhay bilang pagkain at sa mga nasa tanggulan at mga kuweba ay mamamatay sa mga salot.
28 καὶ δώσω τὴν γῆν ἔρημον καὶ ἀπολεῖται ἡ ὕβρις τῆς ἰσχύος αὐτῆς καὶ ἐρημωθήσεται τὰ ὄρη τοῦ Ισραηλ διὰ τὸ μὴ εἶναι διαπορευόμενον
At gagawin kong isang malagim at isang katakot-takot ang lupain at matatapos ang pagmamataas nito, At magiging napabayaan ang mga kabundukan ng Israel, at walang sinuman ang dadaan sa mga ito.
29 καὶ γνώσονται ὅτι ἐγώ εἰμι κύριος καὶ ποιήσω τὴν γῆν αὐτῶν ἔρημον καὶ ἐρημωθήσεται διὰ πάντα τὰ βδελύγματα αὐτῶν ἃ ἐποίησαν
Kaya malalaman nila na ako si Yahweh, kapag gagawin kong isang malagim ang lupain at katakot-takot dahil sa lahat ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na kanilang ginawa.
30 καὶ σύ υἱὲ ἀνθρώπου οἱ υἱοὶ τοῦ λαοῦ σου οἱ λαλοῦντες περὶ σοῦ παρὰ τὰ τείχη καὶ ἐν τοῖς πυλῶσι τῶν οἰκιῶν καὶ λαλοῦσιν ἄνθρωπος τῷ ἀδελφῷ αὐτοῦ λέγοντες συνέλθωμεν καὶ ἀκούσωμεν τὰ ἐκπορευόμενα παρὰ κυρίου
At ikaw, anak ng tao—nagsasabi ang iyong mga tao ng mga bagay tungkol sa iyo sa tabi ng mga pader at sa mga tarangkahan ng mga tahanan, at nagsasabi ang isa—sa bawat lalaki sa kapatid niyang lalaki, 'Pumaroon tayo at makinig sa salita ng propeta na mula kay Yahweh!'
31 ἔρχονται πρὸς σέ ὡς συμπορεύεται λαός καὶ κάθηνται ἐναντίον σου καὶ ἀκούουσιν τὰ ῥήματά σου καὶ αὐτὰ οὐ μὴ ποιήσουσιν ὅτι ψεῦδος ἐν τῷ στόματι αὐτῶν καὶ ὀπίσω τῶν μιασμάτων ἡ καρδία αὐτῶν
Kaya pupunta ang aking mga tao sa iyo gaya ng madalas nilang ginagawa, at uupo sa iyong harapan at makikinig sa iyong mga salita, ngunit hindi nila ito susundin. Nasa kanilang mga bibig ang mga mabubuting salita ngunit sa kanilang mga puso, naghahangad sila ng hindi makatarungang pakinabang.
32 καὶ γίνῃ αὐτοῖς ὡς φωνὴ ψαλτηρίου ἡδυφώνου εὐαρμόστου καὶ ἀκούσονταί σου τὰ ῥήματα καὶ οὐ μὴ ποιήσουσιν αὐτά
Sapagkat ikaw ay parang isang kaibig-ibig na awitin sa kanila, isang magandang tunog na maayos na tinutugtog sa isang instrumentong may kuwerdas, kaya makikinig sila sa iyong mga salita ngunit wala sa kanila ang susunod nito.
33 καὶ ἡνίκα ἂν ἔλθῃ ἐροῦσιν ἰδοὺ ἥκει καὶ γνώσονται ὅτι προφήτης ἦν ἐν μέσῳ αὐτῶν
Kaya kapag mangyayari ang lahat ng ito—masdan! mangyayari ito! at malalaman nila na may isang propeta na kasama nila.”

< Ἰεζεκιήλ 33 >