< Ἰεζεκιήλ 21 >
1 καὶ ἐγένετο λόγος κυρίου πρός με λέγων
At ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
2 διὰ τοῦτο προφήτευσον υἱὲ ἀνθρώπου καὶ στήρισον τὸ πρόσωπόν σου ἐπὶ Ιερουσαλημ καὶ ἐπίβλεψον ἐπὶ τὰ ἅγια αὐτῶν καὶ προφητεύσεις ἐπὶ τὴν γῆν τοῦ Ισραηλ
“Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha sa Jerusalem at magsalita ka laban sa mga santuwaryo; magpropesiya ka laban sa lupain ng Israel.
3 καὶ ἐρεῖς πρὸς τὴν γῆν τοῦ Ισραηλ ἰδοὺ ἐγὼ πρὸς σὲ καὶ ἐκσπάσω τὸ ἐγχειρίδιόν μου ἐκ τοῦ κολεοῦ αὐτοῦ καὶ ἐξολεθρεύσω ἐκ σοῦ ἄδικον καὶ ἄνομον
Sabihin mo sa lupain ng Israel, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Masdan mo! Ako ay laban sa iyo! Bubunutin ko ang aking espada mula sa kaluban at papatayin kong pareho ang matuwid at ang masasamang tao mula sa iyo!
4 ἀνθ’ ὧν ἐξολεθρεύσω ἐκ σοῦ ἄδικον καὶ ἄνομον οὕτως ἐξελεύσεται τὸ ἐγχειρίδιόν μου ἐκ τοῦ κολεοῦ αὐτοῦ ἐπὶ πᾶσαν σάρκα ἀπὸ ἀπηλιώτου ἕως βορρᾶ
Upang mapatay kong pareho ang matuwid at ang masasama na mula iyo, lalabas mula sa kaluban ang aking espada laban sa lahat ng laman mula sa timog hanggang sa hilaga.
5 καὶ ἐπιγνώσεται πᾶσα σὰρξ διότι ἐγὼ κύριος ἐξέσπασα τὸ ἐγχειρίδιόν μου ἐκ τοῦ κολεοῦ αὐτοῦ καὶ οὐκ ἀποστρέψει οὐκέτι
At malalalaman ng lahat ng laman na Ako, si Yahweh, ang naglabas ng aking espada mula sa kaluban. Hindi na ito magpapapigil!'
6 καὶ σύ υἱὲ ἀνθρώπου καταστέναξον ἐν συντριβῇ ὀσφύος σου καὶ ἐν ὀδύναις στενάξεις κατ’ ὀφθαλμοὺς αὐτῶν
At ikaw, anak ng tao, maghinagpis ka gaya ng pagkabali ng iyong balakang! Maghinagpis ka na may kapaitan sa harapan ng kanilang mga paningin!
7 καὶ ἔσται ἐὰν εἴπωσιν πρὸς σέ ἕνεκα τίνος σὺ στενάζεις καὶ ἐρεῖς ἐπὶ τῇ ἀγγελίᾳ διότι ἔρχεται καὶ θραυσθήσεται πᾶσα καρδία καὶ πᾶσαι χεῖρες παραλυθήσονται καὶ ἐκψύξει πᾶσα σὰρξ καὶ πᾶν πνεῦμα καὶ πάντες μηροὶ μολυνθήσονται ὑγρασίᾳ ἰδοὺ ἔρχεται καὶ ἔσται λέγει κύριος κύριος
At mangyayari magtatanong sila sa iyo, 'Sa anong dahilan ka naghihinagpis?' At sabihin mo, 'Dahil sa balitang dumarating, sapagkat bawat puso ay manlulumo at bawat kamay ay manghihina! Bawat espiritu ay panghihinaan ng loob, at bawat tuhod ay mangangatog tulad ng tubig. Masdan mo! Darating at magiging gaya nito! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”'
8 καὶ ἐγένετο λόγος κυρίου πρός με λέγων
At dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi,
9 υἱὲ ἀνθρώπου προφήτευσον καὶ ἐρεῖς τάδε λέγει κύριος εἰπόν ῥομφαία ῥομφαία ὀξύνου καὶ θυμώθητι
“Anak ng tao, magpropesiya ka at sabihin mo, 'Ganito ang sinasabi ng Panginoon: Sabihin mo: Isang espada! Isang espada! Patatalimin ito at pakikintabin!
10 ὅπως σφάξῃς σφάγια ὀξύνου ὅπως γένῃ εἰς στίλβωσιν ἑτοίμη εἰς παράλυσιν σφάζε ἐξουδένει ἀπωθοῦ πᾶν ξύλον
Patatalimin ito para magamit sa malakihang pagpatay! Pakikintabin ito para maging gaya ng kidlat! Dapat ba tayong magsaya sa setro ng aking anak? Ang darating na espada ay namumuhi sa bawat ganyang tungkod!
11 καὶ ἔδωκεν αὐτὴν ἑτοίμην τοῦ κρατεῖν χεῖρα αὐτοῦ ἐξηκονήθη ῥομφαία ἔστιν ἑτοίμη τοῦ δοῦναι αὐτὴν εἰς χεῖρα ἀποκεντοῦντος
Kaya ipapahawak ang espada para pakintabin at pagkatapos ay dadamputin ng kamay! Ang espada ay pinatalim! At ito ay napakintab upang ibigay sa kamay ng isang pumapatay!'
12 ἀνάκραγε καὶ ὀλόλυξον υἱὲ ἀνθρώπου ὅτι αὐτὴ ἐγένετο ἐν τῷ λαῷ μου αὐτὴ ἐν πᾶσιν τοῖς ἀφηγουμένοις τοῦ Ισραηλ παροικήσουσιν ἐπὶ ῥομφαίᾳ ἐγένετο ἐν τῷ λαῷ μου διὰ τοῦτο κρότησον ἐπὶ τὴν χεῖρά σου
Tumawag ka ng tulong at managhoy, anak ng tao! Sapagkat ang espada ay dumating na sa aking mga tao! Ito ay nasa lahat ng mga pinuno ng Israel na inihagis sa espada! Sila ang aking mga tao, kaya paluin mo ang iyong hita sa kalungkutan! —
13 ὅτι δεδικαίωται καὶ τί εἰ καὶ φυλὴ ἀπώσθη οὐκ ἔσται λέγει κύριος κύριος
Sapagkat may isang pagsubok, ngunit paano kung ang setro ay hindi magtatagal? —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
14 καὶ σύ υἱὲ ἀνθρώπου προφήτευσον καὶ κρότησον χεῖρα ἐπὶ χεῖρα καὶ διπλασίασον ῥομφαίαν ἡ τρίτη ῥομφαία τραυματιῶν ἐστιν ῥομφαία τραυματιῶν ἡ μεγάλη καὶ ἐκστήσει αὐτούς
Ngayon ikaw, anak ng tao, magpropesiya ka at pagsuntukin mo ang iyong dalawang kamay, sapagkat ang espada ay lulusob kahit tatlong beses pa! Isang espada para sa mga papatayin! Ito ang espada na papatay sa marami, tatagos sa kanila saanmang dako!
15 ὅπως θραυσθῇ ἡ καρδία καὶ πληθυνθῶσιν οἱ ἀσθενοῦντες ἐπὶ πᾶσαν πύλην αὐτῶν παραδέδονται εἰς σφάγια ῥομφαίας εὖ γέγονεν εἰς σφαγήν εὖ γέγονεν εἰς στίλβωσιν
Upang tunawin ang kanilang puso at paramihin ang kanilang mga kinatitisuran, inihanda ko ang pagpatay ng espada sa kanilang mga tarangkahan! Sa Aba! Ito ay ginawa tulad ng kidlat, pinakawalan upang kumatay!
16 διαπορεύου ὀξύνου ἐκ δεξιῶν καὶ ἐξ εὐωνύμων οὗ ἂν τὸ πρόσωπόν σου ἐξεγείρηται
Ikaw, espada! Itaga mo sa kanan! itaga mo sa kaliwa! Pumunta ka kung saan naisin ng iyong matalas na talim.
17 καὶ ἐγὼ δὲ κροτήσω χεῖρά μου πρὸς χεῖρά μου καὶ ἐναφήσω τὸν θυμόν μου ἐγὼ κύριος λελάληκα
Sapagkat isusuntok ko rin ang aking dalawang kamay, at pagkatapos ay hihinahon na ang aking galit! Ako, si Yahweh, ang nagpahayag nito!”
18 καὶ ἐγένετο λόγος κυρίου πρός με λέγων
Ang salita ni Yahweh ay dumating muli sa akin at sinabi,
19 καὶ σύ υἱὲ ἀνθρώπου διάταξον σεαυτῷ δύο ὁδοὺς τοῦ εἰσελθεῖν ῥομφαίαν βασιλέως Βαβυλῶνος ἐκ χώρας μιᾶς ἐξελεύσονται αἱ δύο καὶ χεὶρ ἐν ἀρχῇ ὁδοῦ πόλεως ἐπ’ ἀρχῆς
Ngayon ikaw, anak ng tao, magtalaga ka ng dalawang daanan para sa espada ng hari ng Babilonia na darating. Ang dalawang daanan ay magsisimula sa parehong lupain, at isang posteng pananda ang magtuturo ng papunta sa isang lungsod.
20 ὁδοῦ διατάξεις τοῦ εἰσελθεῖν ῥομφαίαν ἐπὶ Ραββαθ υἱῶν Αμμων καὶ ἐπὶ τὴν Ιουδαίαν καὶ ἐπὶ Ιερουσαλημ ἐν μέσῳ αὐτῆς
Tatakan mo ang isang daanan para sa hukbo ng Babilonia na pupunta sa Raba, sa lungsod ng mga Amonita. Tatakan mo ang isa pa upang ituro ang hukbo patungo sa Juda at sa lungsod ng Jerusalem, na pinatibay.
21 διότι στήσεται βασιλεὺς Βαβυλῶνος ἐπὶ τὴν ἀρχαίαν ὁδὸν ἐπ’ ἀρχῆς τῶν δύο ὁδῶν τοῦ μαντεύσασθαι μαντείαν τοῦ ἀναβράσαι ῥάβδον καὶ ἐπερωτῆσαι ἐν τοῖς γλυπτοῖς καὶ ἡπατοσκοπήσασθαι ἐκ δεξιῶν αὐτοῦ
Sapagkat ang hari ng Babilonia ay hihinto sa krus na daan, sa sangang daan, sa pagnanais na makakuha ng isang propesiyang mensahe mula sa manghuhula. Kakalugin niya ang ilang mga palaso at hihingi ng gabay mula sa ilang mga diyus-diyosan. Susuriin niya ang isang atay!
22 ἐγένετο τὸ μαντεῖον ἐπὶ Ιερουσαλημ τοῦ βαλεῖν χάρακα τοῦ διανοῖξαι στόμα ἐν βοῇ ὑψῶσαι φωνὴν μετὰ κραυγῆς τοῦ βαλεῖν χάρακα ἐπὶ τὰς πύλας αὐτῆς καὶ βαλεῖν χῶμα καὶ οἰκοδομῆσαι βελοστάσεις
Sa kaniyang kanang kamay ay mayroong isang hula tungkol sa Jerusalem, para maihanda niya ang isang malaking trosong panggiba laban dito! Para ibuka niya ang kaniyang bibig upang iutos ang pagsisimula ng pagpatay! Para isigaw niya ang isang labanan! Para ihanda nya ang mga malaking trosong panggiba sa tarangkahan! Para ibuhos niya ang tambak na lupa upang itayo sa kinubkob na mga pader!
23 καὶ αὐτὸς αὐτοῖς ὡς μαντευόμενος μαντείαν ἐνώπιον αὐτῶν καὶ αὐτὸς ἀναμιμνῄσκων ἀδικίας αὐτοῦ μνησθῆναι
Ito ay parang walang kabuluhang panghuhula sa paningin ng mga nasa Jerusalem, silang mga nanumpa ng isang panata sa mga taga-Babilonia! Ngunit aakusahan sila ng hari ng paglabag sa kanilang kasunduan upang makubkub sila!
24 διὰ τοῦτο τάδε λέγει κύριος ἀνθ’ ὧν ἀνεμνήσατε τὰς ἀδικίας ὑμῶν ἐν τῷ ἀποκαλυφθῆναι τὰς ἀσεβείας ὑμῶν τοῦ ὁραθῆναι ἁμαρτίας ὑμῶν ἐν πάσαις ταῖς ἀσεβείαις ὑμῶν καὶ ἐν τοῖς ἐπιτηδεύμασιν ὑμῶν ἀνθ’ ὧν ἀνεμνήσατε ἐν τούτοις ἁλώσεσθε
Kaya sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Dahil dinala ninyo ang inyong kasalanan sa aking alaala, ang inyong mga pagsuway ay maihahayag! Ang inyong mga kasalanan ay makikita sa inyong mga kilos! Sa kadahilanang ito ay maipaalala ninyo sa bawat isa na kayo ay mabibihag sa kamay ng inyong mga kaaway!
25 καὶ σύ βέβηλε ἄνομε ἀφηγούμενε τοῦ Ισραηλ οὗ ἥκει ἡ ἡμέρα ἐν καιρῷ ἀδικίας πέρας
At ikaw, walang galang at masamang pinuno ng Israel kung saan ang mga araw ng kaparusahan ay dumating na, ang mga araw ng paggawa ng kasalanan ay natapos na,
26 τάδε λέγει κύριος ἀφείλου τὴν κίδαριν καὶ ἐπέθου τὸν στέφανον αὕτη οὐ τοιαύτη ἔσται ἐταπείνωσας τὸ ὑψηλὸν καὶ τὸ ταπεινὸν ὕψωσας
Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Hubarin mo ang turbante at tanggalin mo ang korona! Hindi na magiging gaya ng dati ang mga bagay! Itinaas ang nasa mababa at ibinaba ang nataas!
27 ἀδικίαν ἀδικίαν θήσομαι αὐτήν οὐδ’ αὕτη τοιαύτη ἔσται ἕως οὗ ἔλθῃ ᾧ καθήκει καὶ παραδώσω αὐτῷ
wawasakin ko ang lahat ng mga bagay! Isang pagkawasak! Isang pagkawasak! Ang korona ay mawawala na, hanggang hindi dumarating ang siyang nararapat para dito. Saka ko ito ibibigay sa kaniya.
28 καὶ σύ υἱὲ ἀνθρώπου προφήτευσον καὶ ἐρεῖς τάδε λέγει κύριος πρὸς τοὺς υἱοὺς Αμμων καὶ πρὸς τὸν ὀνειδισμὸν αὐτῶν καὶ ἐρεῖς ῥομφαία ῥομφαία ἐσπασμένη εἰς σφάγια καὶ ἐσπασμένη εἰς συντέλειαν ἐγείρου ὅπως στίλβῃς
Kaya ikaw, anak ng tao, magpropesiya at sabihin, 'Ang Panginoong Yahweh ay nagsasabi sa mga Ammonita patungkol sa darating nilang kahihiyan: Isang espada, isang espada ay hinugot! Ito ay pinatalim para sa pagpatay upang lumamon, kaya ito ay magiging gaya ng kidlat!
29 ἐν τῇ ὁράσει σου τῇ ματαίᾳ καὶ ἐν τῷ μαντεύεσθαί σε ψευδῆ τοῦ παραδοῦναί σε ἐπὶ τραχήλους τραυματιῶν ἀνόμων ὧν ἥκει ἡ ἡμέρα ἐν καιρῷ ἀδικίας πέρας
Habang ang mga propeta ay nakakakita ng mga walang saysay na pangitain para sa iyo, habang gumagawa sila ng mga rituwal upang makabuo ng mga kasinungalingan para saiyo, itong espada ay nakaabang na sa mga leeg ng masasama na siyang papatayin, ang mga araw ng kanilang kaparusahan ay dumating na at ang oras ng kanilang kalikuan ay magtatapos na.
30 ἀπόστρεφε μὴ καταλύσῃς ἐν τῷ τόπῳ τούτῳ ᾧ γεγέννησαι ἐν τῇ γῇ τῇ ἰδίᾳ σου κρινῶ σε
Ibalik mo ang espada sa kaluban nito. Sa lugar ng iyong pagkalikha, sa lugar ng iyong pinagmulan, hahatulan kita!
31 καὶ ἐκχεῶ ἐπὶ σὲ ὀργήν μου ἐν πυρὶ ὀργῆς μου ἐμφυσήσω ἐπὶ σὲ καὶ παραδώσω σε εἰς χεῖρας ἀνδρῶν βαρβάρων τεκταινόντων διαφθοράν
Ibubuhos ko ang aking pagkagalit sa iyo! Hihipan ko ang apoy ng aking galit laban sa iyo at ilalagay kita sa kamay ng mga malulupit na tao, mga bihasa sa pagwasak!
32 ἐν πυρὶ ἔσῃ κατάβρωμα τὸ αἷμά σου ἔσται ἐν μέσῳ τῆς γῆς σου οὐ μὴ γένηταί σου μνεία διότι ἐγὼ κύριος λελάληκα
Ikaw ay magiging panggatong sa apoy! Ang iyong dugo ay mapapagitna sa lupain. Hindi ka na maaalala, sapagkat ako si Yahweh ang nagpahayag nito!”'