< Ἰεζεκιήλ 2 >

1 καὶ εἶπεν πρός με υἱὲ ἀνθρώπου στῆθι ἐπὶ τοὺς πόδας σου καὶ λαλήσω πρὸς σέ
Sinabi sa akin ng tinig, “Anak ng tao, tumayo ka at magsasalita ako sa iyo.”
2 καὶ ἦλθεν ἐπ’ ἐμὲ πνεῦμα καὶ ἀνέλαβέν με καὶ ἐξῆρέν με καὶ ἔστησέν με ἐπὶ τοὺς πόδας μου καὶ ἤκουον αὐτοῦ λαλοῦντος πρός με
At dinala ako ng Espiritu habang siya ay nagsasalita sa akin at itinayo niya ako, at narinig ko siyang nagsasalita sa akin.
3 καὶ εἶπεν πρός με υἱὲ ἀνθρώπου ἐξαποστέλλω ἐγώ σε πρὸς τὸν οἶκον τοῦ Ισραηλ τοὺς παραπικραίνοντάς με οἵτινες παρεπίκρανάν με αὐτοὶ καὶ οἱ πατέρες αὐτῶν ἕως τῆς σήμερον ἡμέρας
Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, sinusugo kita sa mga tao ng Israel, sa suwail na bansang naghimagsik laban sa akin—nagkasala sila at ng kanilang mga ninuno laban sa akin hanggang sa panahong ito!
4 καὶ ἐρεῖς πρὸς αὐτούς τάδε λέγει κύριος
Ang kanilang mga kaapu-apuhan ay may mga matitigas na mukha at mga matitigas na puso. Isinusugo kita sa kanila. At sasabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh.'
5 ἐὰν ἄρα ἀκούσωσιν ἢ πτοηθῶσιν διότι οἶκος παραπικραίνων ἐστίν καὶ γνώσονται ὅτι προφήτης εἶ σὺ ἐν μέσῳ αὐτῶν
Makinig man sila o hindi sila makikinig. Sila ay suwail na sambahayan, ngunit malalaman man lamang nila na isang propeta ang kabilang sa kanila.
6 καὶ σύ υἱὲ ἀνθρώπου μὴ φοβηθῇς αὐτοὺς μηδὲ ἐκστῇς ἀπὸ προσώπου αὐτῶν διότι παροιστρήσουσι καὶ ἐπισυστήσονται ἐπὶ σὲ κύκλῳ καὶ ἐν μέσῳ σκορπίων σὺ κατοικεῖς τοὺς λόγους αὐτῶν μὴ φοβηθῇς καὶ ἀπὸ προσώπου αὐτῶν μὴ ἐκστῇς διότι οἶκος παραπικραίνων ἐστίν
At ikaw, anak ng tao, huwag kang matakot sa kanila o sa kanilang mga salita. Huwag kang matakot, kahit na kasama mo ang mga dawag at mga tinik, at kahit na ikaw ay namumuhay kasama ng mga alakdan. Huwag kang matakot sa kanilang mga salita o panghinaan ng loob sa kanilang mga mukha, sapagkat sila ay suwail na sambahayan.
7 καὶ λαλήσεις τοὺς λόγους μου πρὸς αὐτούς ἐὰν ἄρα ἀκούσωσιν ἢ πτοηθῶσιν διότι οἶκος παραπικραίνων ἐστίν
Ngunit sasabihin mo sa kanila ang aking mga salita, makinig man sila o hindi, dahil sila ay napakasuwail.
8 καὶ σύ υἱὲ ἀνθρώπου ἄκουε τοῦ λαλοῦντος πρὸς σέ μὴ γίνου παραπικραίνων καθὼς ὁ οἶκος ὁ παραπικραίνων χάνε τὸ στόμα σου καὶ φάγε ἃ ἐγὼ δίδωμί σοι
Ngunit ikaw, anak ng tao, makinig ka sa sinasabi ko sa iyo. Huwag kang maging suwail tulad ng suwail na sambahayang iyon. Buksan mo ang iyong bibig at kainin ang ibibigay ko sa iyo!”
9 καὶ εἶδον καὶ ἰδοὺ χεὶρ ἐκτεταμένη πρός με καὶ ἐν αὐτῇ κεφαλὶς βιβλίου
Pagkatapos, tumingin ako at isang kamay ang nag-abot sa akin, dito ay may kasulatang binalumbon.
10 καὶ ἀνείλησεν αὐτὴν ἐνώπιον ἐμοῦ καὶ ἐν αὐτῇ γεγραμμένα ἦν τὰ ὄπισθεν καὶ τὰ ἔμπροσθεν καὶ ἐγέγραπτο εἰς αὐτὴν θρῆνος καὶ μέλος καὶ οὐαί
Inilatag niya ito sa aking harapan, nasulatan ang harap at ang likod nito, at mga panaghoy, pagluluksa, at kapighatian ang nakasulat dito.

< Ἰεζεκιήλ 2 >