< Ἔξοδος 1 >
1 ταῦτα τὰ ὀνόματα τῶν υἱῶν Ισραηλ τῶν εἰσπεπορευμένων εἰς Αἴγυπτον ἅμα Ιακωβ τῷ πατρὶ αὐτῶν ἕκαστος πανοικίᾳ αὐτῶν εἰσήλθοσαν
Ito ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Israel na sumama kay Jacob sa Ehipto, bawat isa sa kanilang sambahayan ay:
2 Ρουβην Συμεων Λευι Ιουδας
Ruben, Simeon, Levi at Juda.
3 Ισσαχαρ Ζαβουλων καὶ Βενιαμιν
Isacar, Zebulun, at Benjamin,
4 Δαν καὶ Νεφθαλι Γαδ καὶ Ασηρ
Dan, Neftali, Gad at Asher.
5 Ιωσηφ δὲ ἦν ἐν Αἰγύπτῳ ἦσαν δὲ πᾶσαι ψυχαὶ ἐξ Ιακωβ πέντε καὶ ἑβδομήκοντα
Lahat ng ipinanganak mula kay Jacob ay pitumpu ang bilang. Si Jose ay nasa Ehipto.
6 ἐτελεύτησεν δὲ Ιωσηφ καὶ πάντες οἱ ἀδελφοὶ αὐτοῦ καὶ πᾶσα ἡ γενεὰ ἐκείνη
Pagkatapos si Jose, lahat ng kaniyang mga lalaking kapatid, at lahat ng salinlahing iyon ay namatay.
7 οἱ δὲ υἱοὶ Ισραηλ ηὐξήθησαν καὶ ἐπληθύνθησαν καὶ χυδαῖοι ἐγένοντο καὶ κατίσχυον σφόδρα σφόδρα ἐπλήθυνεν δὲ ἡ γῆ αὐτούς
Ang mga Israelita ay naging mabunga, lubhang dumami ang bilang at naging napakalakas; ang lupain ay napuno nila.
8 ἀνέστη δὲ βασιλεὺς ἕτερος ἐπ’ Αἴγυπτον ὃς οὐκ ᾔδει τὸν Ιωσηφ
Pagkatapos isang bagong hari ang namahala sa Ehipto, na walang pakialam sa alaala ni Jose.
9 εἶπεν δὲ τῷ ἔθνει αὐτοῦ ἰδοὺ τὸ γένος τῶν υἱῶν Ισραηλ μέγα πλῆθος καὶ ἰσχύει ὑπὲρ ἡμᾶς
Sinabi niya sa kaniyang bayan “Tingnan ninyo ang mga Israelita; mas marami pa sila at malalakas pa kaysa sa atin.
10 δεῦτε οὖν κατασοφισώμεθα αὐτούς μήποτε πληθυνθῇ καί ἡνίκα ἂν συμβῇ ἡμῖν πόλεμος προστεθήσονται καὶ οὗτοι πρὸς τοὺς ὑπεναντίους καὶ ἐκπολεμήσαντες ἡμᾶς ἐξελεύσονται ἐκ τῆς γῆς
Tara na, makipag-ugnayan tayo nang may karunungan sa kanila. Kundi patuloy silang dadami, at kung magkaroon ng digmaan, sasama sila sa ating mga kaaway, makikipaglaban sa atin at aalis sa lupain.”
11 καὶ ἐπέστησεν αὐτοῖς ἐπιστάτας τῶν ἔργων ἵνα κακώσωσιν αὐτοὺς ἐν τοῖς ἔργοις καὶ ᾠκοδόμησαν πόλεις ὀχυρὰς τῷ Φαραω τήν τε Πιθωμ καὶ Ραμεσση καὶ Ων ἥ ἐστιν Ἡλίου πόλις
Kaya naglagay sila ng mahihigpit na tagapangasiwa sa kanila para apihin sila ng mabibigat na trabaho. Nagtayo ang mga Israelita ng lungsod imbakan para kay Paraon: Pitom at Rameses.
12 καθότι δὲ αὐτοὺς ἐταπείνουν τοσούτῳ πλείους ἐγίνοντο καὶ ἴσχυον σφόδρα σφόδρα καὶ ἐβδελύσσοντο οἱ Αἰγύπτιοι ἀπὸ τῶν υἱῶν Ισραηλ
Habang inaapi sila ng mga taga-Ehipto, mas dumarami ang bilang ng mga Israelita at kumakalat. Kaya sinimulan ng mga taga-Ehipto para mangamba ang mga Israelita.
13 καὶ κατεδυνάστευον οἱ Αἰγύπτιοι τοὺς υἱοὺς Ισραηλ βίᾳ
Pinagtatrabaho ng mabagsik ng mga taga-Ehipto ang mga Israelita.
14 καὶ κατωδύνων αὐτῶν τὴν ζωὴν ἐν τοῖς ἔργοις τοῖς σκληροῖς τῷ πηλῷ καὶ τῇ πλινθείᾳ καὶ πᾶσι τοῖς ἔργοις τοῖς ἐν τοῖς πεδίοις κατὰ πάντα τὰ ἔργα ὧν κατεδουλοῦντο αὐτοὺς μετὰ βίας
Ginawa nilang masaklap ang kanilang buhay na may kasamang mabibigat na paglilingkod sa tisa at laryo, at sa lahat ng uri ng gawain sa mga bukid. Lahat na kailangan nilang gawain ay mahirap.
15 καὶ εἶπεν ὁ βασιλεὺς τῶν Αἰγυπτίων ταῖς μαίαις τῶν Εβραίων τῇ μιᾷ αὐτῶν ᾗ ὄνομα Σεπφωρα καὶ τὸ ὄνομα τῆς δευτέρας Φουα
Pagkatapos ang hari ng Ehipto ay nakipag-usap sa Hebreong mga komadrona; ang pangalan ng isa ay si Sifra, at ang isa ay si Pua.
16 καὶ εἶπεν ὅταν μαιοῦσθε τὰς Εβραίας καὶ ὦσιν πρὸς τῷ τίκτειν ἐὰν μὲν ἄρσεν ᾖ ἀποκτείνατε αὐτό ἐὰν δὲ θῆλυ περιποιεῖσθε αὐτό
Sinabi niya, “Kung tutulong kayo sa mga Hebreong babae sa paanakan, pagmasdan ninyo kapag sila ay manganganak. Kapag ang sanggol ay lalaki, patayin ninyo; pero kung ito ay babae, siya ay mabubuhay.”
17 ἐφοβήθησαν δὲ αἱ μαῖαι τὸν θεὸν καὶ οὐκ ἐποίησαν καθότι συνέταξεν αὐταῖς ὁ βασιλεὺς Αἰγύπτου καὶ ἐζωογόνουν τὰ ἄρσενα
Pero ang mga hilot ay natakot sa Diyos at hindi nila ginawa ang iniutos ng hari ng Ehipto; sa halip, pinabayaan nilang mabuhay ang mga lalaking sanggol.
18 ἐκάλεσεν δὲ ὁ βασιλεὺς Αἰγύπτου τὰς μαίας καὶ εἶπεν αὐταῖς τί ὅτι ἐποιήσατε τὸ πρᾶγμα τοῦτο καὶ ἐζωογονεῖτε τὰ ἄρσενα
Pinatawag ng hari ng Ehipto ang mga komadrona at sinabi sa kanila, “Bakit pinabayaan ninyo na mabuhay ang mga lalaking sanggol?”
19 εἶπαν δὲ αἱ μαῖαι τῷ Φαραω οὐχ ὡς γυναῖκες Αἰγύπτου αἱ Εβραῖαι τίκτουσιν γὰρ πρὶν ἢ εἰσελθεῖν πρὸς αὐτὰς τὰς μαίας καὶ ἔτικτον
Sumagot ang mga hilot kay Paraon, “Ang mga babaeng Hebreo ay hindi tulad ng mga babaeng taga-Ehipto; sila ay masigla at tapos nang manganak bago dumating ang komadrona.”
20 εὖ δὲ ἐποίει ὁ θεὸς ταῖς μαίαις καὶ ἐπλήθυνεν ὁ λαὸς καὶ ἴσχυεν σφόδρα
Pinangalagaan ng Diyos ang mga komadrona. Ang mga tao ay dumarami ang bilang at naging napakalakas.
21 ἐπειδὴ ἐφοβοῦντο αἱ μαῖαι τὸν θεόν ἐποίησαν ἑαυταῖς οἰκίας
Dahil may takot ang mga komadrona sa Diyos, binigyan sila ng kanilang sariling pamilya.
22 συνέταξεν δὲ Φαραω παντὶ τῷ λαῷ αὐτοῦ λέγων πᾶν ἄρσεν ὃ ἐὰν τεχθῇ τοῖς Εβραίοις εἰς τὸν ποταμὸν ῥίψατε καὶ πᾶν θῆλυ ζωογονεῖτε αὐτό
Inutusan ni Paraon ang lahat ng kaniyang mga tao, “Kailangan ninyong itapon sa ilog bawat lalaki na ipinanganak, pero pabayaan ninyong mabuhay ang bawat babae.”